MOIRA'S CONCERT HINDI MATUTULOY DAHIL NILANGAW DAW ANG TICKET SELLING?

📌 Kung totoo man, nakakalungkot! Hindi raw kasi tinangkilik sa bentahan ng ticket ang October 4 Concert ni Moira kaya hindi raw muna ito matutuloy! Kaka-sad! Well! 

Sabi nga nila, hindi pang-habangbuhay ang pagkinang ng ating bawat bituin! Darating tayo sa pahina ng ating kuwento kung saan nakalagay dito ang paglubog ng araw sa bawat bukang liwayway! 

What a journey Moira! Ganoon talaga! Nothing lasts forever! 

Bago pa man kasi ito, marami narin ang nagsasabing may attutude daw si Moira? Simula raw sumikat ito? 

Sumikat lang nagka-attitude na? Kaya raw wala ng kumukuha sa kanya? Hindi naman kaya may dahilan din kung bakit naga-attitude siya? O baka pagod lang? O baka may problema lang? O di kaya naman ay ngarag lang? 

But in this business, dapat tamed ka! Dapat marunong kang makisama. Dapat alam mo kung sino ang kaharap mo. Dapat alam mo na nagtatrabaho ka at ang mga katrabaho mo ay perwesyohin mo! Hindi ba?

Maging professional ka at laging tandaan na public property ka at maraming mata ang nakatingin sayo! 

Hay naku! Paano na Moira? Paano na ang lahat ng pinaghirapan mo noon kung sa puntong ito ay wala na ang mga nagmamahal sa iyo at sumusuporta sa iyo?

GGV SA GMA HINDI CONSISTENT SA RATINGS

📌 Aliw na aliw na ako nung nasa peak ng kanilang promo ang GMA Channel 7 para sa pagpapalabas ng bagong season ng Gandang Gabi Vice! Super promo ang network sa kanilang boobtube ganoon din ang paggalaw ng kanilang galamay sa social media! True enoughed! Naging usap-usapan nga ang naturang  naging pilot episode ng GGV dahil may ginawang eksena ang special pilot guest/season opener nilang si Alden Richards! Humagulgol si Alden during the interview/ conversation nito kay Vice Ganda dahil sa tsikang self love pala ang kaytagal na niyang hinahanap eme! Pak na pak yun! Hanggang sa ipinalabas na ang 2nd epiaode at 3rd episode nito na halos wala kang makitang panay-panay na television plug ganoon din sa social media! What happened Kapuso? May pinipili ba kayo kung sino lang ang dapat maihataw ng tv plug? Depende ba yan kung ang guest sa episode ay contract star ng GMA o contract star ng ibang network? May ganoon ba? O wala namang ganoon? Kasi, very obvious na nilangaw naman talaga ang sumunod na dalawang episode after the pilot eh! O baka naman kailangan niyo lang ilipat sa earlier timeslot ang show ni Vice? O kailangan lang siyang mailipat sa ibang araw? Ano ba? Honestly! Never heard talaga ang mga naging guesting ng aumunod na episode after the pilot huh! Hay! Basta! I love GGV kasi kaya ganito nalang ako ka-apektado! Pinapanood ko kasi talaga yan nung buhay pa ang ABS-CBN Channel 2! Sa totoo lang! Hindi consistent ang ratings sa totoo lang again! Kawawa naman ang show! Mukhang imbes na paangat lalo eh aba'y mukhang palubog na ito dahil sa mga nakikita naming nangyayari huh! 

NAPAPANAHON ANG DULANG ' SINA DASAL ' NI DIREK CHAPS MANANSALA NG HIRAYA THEATER PRODUCTIONS

🟧🟪🟨 Mismong si Direk Chaps Manansala    ang nagbukas ng gabi sa katatapos lang na special preview ng napapanahong dula na kanyang sinulat at dinirek ang #SinaDasal dito sa #LucreciaKasilagPerformingArtsHall 🟨🟪🟧 Isang obrang pang-entablado  ni Direk Chaps na papaiyakin ka at punong-puno ng puso at aral ang naoakagandang dula na ito! Pang-pitong obra na ito ni Direk Chaps na tulad ng kanyang mga naging obra sa nakaraan ay iikot itong #SinaDasal sa mga eskuwelahan natin sa buong bansa! 
🟧🟪🟨 Walang sawa ang Hiraya Theater Productions sa pagbuo ng nagagandahang stage plays ayon na rin sa kanilang vision at mission para sa talentong Pinoy sa mundo ng entablado! 
🟨🟪🟧 21 years na ang Hiraya Theater Productions at dalawang dekada na rin mahigit itong ginagawang pagsusulat at pagdidirek ni Direk Chaps at patuloy diumano siya sa kanyang mahal na mahal ng gawin sa kanyang buhay. 
🟧🟪🟨 Mabuhay ang Hiraya Theater Productions! Mabuhay ang lahat ng bumubuo sa dulang ito! Pakahusay ninyong lahat! Simula na ngayong October 3 ang pag-ikot ng buong produksiyon ng #SibaDasal na mag-uumpisa sa lalawigan ng Bulacan! Maraming salamat Ms. Lay Anne Manansala - Miclat  sa pag-asikaso sa amin! Taos-pusong pasasalamat!

XIA VIGOR PATULOY ANG PAG-ALAGWA NG SHOWBIZ CAREER

Hindi patitinag ang dating childstar na si Xia Vigor sa kanyang patuloy na pagningning sa mundo ng showbusiness. Bata palang siya ay niyakap na nito ang mundo ng telebisyon at pelikula. Minahal na ni Xia ang showbiz industry kaya naman ganoong pagpapahalaga naman ngayon ang nakukuha nitong balik sa kanya.
Sa official entry ng Viva Films this year para sa MMFF na pelikulang Miracle In Cell #7 ay muling mapapanood si Xia bilang anak parin ni Aga Muhlach. 
Mahal na mahal at alagang-alaga ng Viva si Xia kaya naman beautiful projecta ang ibinibigay sa kanya ni Boss Vic Del Rosario.
Nakaka-3 shooting days na pala si Xia para sa naturang pelikula.
But before the said shoot ay minarapat daw ng Viva na bigyan pa ng workshop ang sikat na dalaga na ngayong aktres na si Xia Vigor.
Happy na as of now si Xia because she's enjoying everything na kaganapan sa kanyang career!
Not to question her popularity dahil kilala siya bilang showbiz star at kung supporters naman ang pag-uusapan ay napakarami ang sumusuporta sa kanyang talento, husay at galing!
Meaning, patuloy siyang magkakapangalan pa at kikinang pa sa industriyang ito dahil hindi lang siya the best umarte, isa pa siyang napakatalinong aktres!

PUREGOLD'S CINE PANALO FESTIVAL 2026 ALWAYS PANALO ANG PELIKULANG PINOY

Always panalo talaga ang pelikulang gawang Pinoy! Attended the media launch ng Puregold Cine Panalo 2026 last thursday na ginanap sa Gateway Mall 2 sa Araneta City. 

Well attended ang launching kung saan present ang halos lahat ng actors and creators ng bawat student short and full length films na kasama for this year's festival! 

Ayon sa Festival Director nitong si Chris Cahilig, mas panalo, mas pinaganda at mas pinaghirapan at pinatinding films ang ihahain ng festival na ating mapapanood sa piling participating movie theatres simula ngayong September 23, 2026 hanggang October 4, 2026!

Sa ikatlong taon ng festival ay mas mabibigat pang aktor sa mundo ng showbizlandia ang nagbigay ng kanilang suporta para sa naging taonan ng featival of beautiful films!

Kitang-kita naman ang laban ng bawat pelikulang involved this year ayon narin sa mga teaser na aming napanood during the media launch! 

Mas maraming sponsors din ang pumasok this year dahil siguro sa nakita ng mga advertisers na matino ang featival lalo na ang adhikain nitong puro para sa film industry! 

Mabuhay ka Film Festival Director Chris Cahilig! Maraming salamat Puregold! Salute sa lahat ng participants this year dahil sa inyong patuloy na pagyakap at pagmamahal sa ating film industry! 

Kaya ngayong September 23, sugod na tayo sa mga sinehan! Let's support Filipino films at it's best!
Iba parin ang gawang Pinoy kaya always panalo sa puso ng bawat Filipino!