QUINN CARRILLO MAY BAGONG SERYE SA TV5

QUINN CARRILLO MAY BAGONG SERYE SA TV5

Si Quinn Carrillo ay nagsimula bilang Vivamax Actress. Naging 12 finalist ng Starstruck ng GMA 7. Hanggang sa nagsulat na ng movie script sa Viva. Naging regular cast ng isang TV series sa bakuran ng Kapuso. Lumagay sa tahimik panandali dahil nabuntis ito kay Marco Gomez na kasamahan niya ring artista sa bakuran ng Viva. Just 2 days ago ay inulansad naman siya bilang isa sa mga aktor ng bagong series ng TV5 na Mommy Guard. Ayon sa aming napag-alamang tsika ay mukhang maganda ang ginagampanang role ni Quinn sa serye. Mahusay din naman kasing umarte si Quinn at napaka-natural ang kanyang atake! Hindi ko lang alam kung ang paglabas niya sa naturang series ay magla-lie low narin siya sa paggawa ng pelikula at pagsulat ng script para sa Vivamax! 

MAGUI AT ROBBIE MATAGAL NG SWEET LOVERS

MAGUI AT ROBBIE MATAGAL NG NAGMAMAHALAN

Kung luma-lovelife man ngayon si Karla Estrada sa napabalitang lover boy niyang mas bata sa kanya, naku, hindi rin pakakabog ang kanyang pangatlong anak na babaeng si Magui Ford. 

Isang guwapo, seksi, matangkad at matalinong guy naman ang kasalukuyang lover boy ni Magui named Robbie. 2 years mahigit ng nagmamahalan ang dalawa at mukhang lunod na lunod na sila sa isa't isa! 

Sabi pa ng aking source, going strong ang relasyon ng dalawa at boto naman daw kay Magui ang pamilya ni Robbie at ganoon din naman sina Karla at Mike Planas. 

Wala naman daw yatang nakikitang problema ang both parents ng dalawa kaya naman patuloy ang pagsuporta ng mga ito kena Magui at Robbie! Winner!

SOMEONE SOMEDAY HINDI NA-SUSTAIN ANG TRENDING EME?

SOMEDAY, SOMEONE NINA KATHRYN AT JAMES, HINDI NA-SUSTAIN ANG TRENDING EME?

Ayon sa baklitang hitad, noong ipapalabas palang ang series ng dalawa ay pinag-usapan talaga ito! Lalo na ang nangyaring pilot episode nito kung saan humataw ito sa views. But after that daw ay tila nanahimik ang series until now at tila kapos sa supporters at viewers ang series na pinagbibidahan ng dalawang naglalakihang stars sa showbiz na sina James at Kathryn. Kung tama ako, may lumabas ding tsika noon na iba na raw ang ipinapakita at ipinaparamdam na work mode ni Kathryn while taping for tbe said serye huh! Parang wala raw itong sigla at iba raw talaga ang attitude na nito. Kaya naikumpara na naman nila ito sa ipinaoakita noong workmode ni Kathryn sa mga taon at panahon pa nila ni Daniel Padilla! Hala! Totoo ba?

VIVA HOTBABES TATAPATAN ANG SEXBOMB?

VIVA HOTBABES BINUBUHAY ULIT! HANDA NA BA ANG SEXBOMB SA KANILANG MULING SALPUKAN?

Sold-out! Pinagkaguluhan! Sinuportahan! 

Yan ang bumulaga nang muling pumaimbulog sa entablado ang Sexbomb! Muling umariba ang buong grupo at humataw sa mga concert shows here and abroad! 

Sa kanilang muling pagbulusong ay siya namang pagkabuhay ng pinagkaguluhan din noong grupo ng Viva Hotbabes! Grabe rin ang paghataw ng Viva Hotbabes noon huh! 
Sa kanilang muling pagbangon, nakahanda na rin ba silang makipag-tapatan sa Sexbomb? 
Sa ikalawang awrahan, sino kaya sa kanila ang totoong nakabalik at nabuhay ulit ang career? 

INNERVOICES AT LLOYD UMALI TOGETHER NGAYONG OCTOBER 23 SA NOCTOS BAR

Naku! Save the date guys! Tara na't saksihan ang isang gabi ng live performances ng Innervoices kasama si Lloyd Umali ngayong October 23 ng gabi sa Noctos Bar Music Bar! 

Kakaibang gabi ito ng nagagandahang musika na ihahandog sa atin ng nag-iisang kilala at Iconic Ballader na si Lloyd Umali.

Hindi rin pakakabog syempre ang kilala na ring Award- winning Pop Rock OPM Band na Innervoices.

Isang gabi ng pinag-isang powerful voices na pupunuin ng love music ang inyong mga tenga at sabay-sabay nating palakpakan ang bawat kantang mga minahal natin!

Ito ang kauna-unahang sasampa sa isang stage ang dalawang mahuhusay na boses sa music scene kaya kitakits tayo! 

Saksihan natin ang kani-kanilang husay! 


KUMPLETONG LISTAHAN NG MGA NAGWAGING SHORT & FULL-LENGTH FILMS NG PUREGOLD CINE PANALO 2026

Isang pagsaludo sa bumubuo ng Puregold Cine Panalo 2026. Dahil sa kanilang ika-3 taon ay naging matagumpay ang pagdaraos nito kung saan nagkaroon ng nagagandahang pelikulang student short films at full length films na lumahok this year.
Mas panalo ang ika-3 taon ng Film Festival sa pamumuno ng Festival Director nitong si Chris Cahilig!

September 23 nung magbukas sa mga piling sinehan ang Festival at magpapatuloy ito hanggang October 4. Ayon pa sa aking source, dinagsa ang mga sinehan this year at marami ang nanood at sumuporta sa bawat pelikulang kalahok.

At kagabi lang, September 30 ay naganap na nga ang pinakahihintay ng lahat. Ang pagbibigay parangal sa mga pelikula at aktor na dapat mabigyang rekognasyon dahil sa mga ipinamalas nilang husay at galing sa kani-kanilang pelikula.

Narito ang kumpletong listahan ng mga umuwing nakangiti at nagwagi this year!

👉PINAKAPANALONG PELIKULA
FL : Mono No Aware
SS: Limlim
👉PANALONG KARANGALAN MULA SA HURADO
FL:  Apol Of My Ai
SS: Kun Hain Bisan Diin
👉PUREGOLD ALWAYS PANALO FILM
FL: Multwoh & Patay Gutom
SS: Miss Intrams & Pulis Dunggab
👉PANALO SA INTERNATIONAL JURY
FL: Mono No Aware
SS: Alumahan
👉PANALONG DIRECTOR
FL: BC Amparado-Mono No Aware
SS: Jomarie Corro-Reyes-Kun Hain Bisan Diin & Samantha Palaje-Limlim
👉PINAKA PANALONG MAIKLING PELIKULA ( PANORAMA SECTION)
The Other Side Of Reality-Zig Dulay
👉PANALONG AKTRES
FL: Xyriel Manabat-Stuck On You
SS: Jonalyn Mateo-Ang Huling Banlaw Ni Susan
👉PANALONG CHILD PERFORMER
FL: Zion Cruz-Apol Of My Ai
SS: Zoey Madison Lim-Limlim
👉PANALONG AKTOR
FL: Juan Karlos Labajo-Mono No Aware
SS: Jay Gabriel Canada-The Sound Of K
👉PANALONG PANGALAWANG AKTRES
FL: Momoko Kobayashi-Mono No Aware
SS: Nour Hooshmand-Starfish
👉PANALONG PANGALAWANG AKTOR
FL: Zanjoe Marudo-Apol Of My Ai
SS: Nor Domingo-12 Shots
👉BEST ENSEMBLE
Mono No Aware
👉PANALONG KUWENTO
FL: Patay Gutom
SS: Kun Haib Bisan Diin
👉PANALO SA CINEMATOGRAPHY
FL: Mono No Aware
SS: Limlim
👉PANALO SA PRODUCTION DESIGN
FL: Muktwoh
SS: 12 Shots
👉PANALO SA MUSICAL SCORING
FL: Apol Of My Ai
SS: Miss Intrams
👉PANALO SA VISUAL EFFECTS
FL: Patay Gutom
SS: Starfish
👉PANALO SA EDITING
FL: Mono No Aware
SS: Kun Haib Bisan Diin
👉PANALO SA SOUND DESIGN
FL: Mono No Aware
SS: Bumtak Sara Ti Nuangen
👉PANALONG AWITIN
FL: Stuck On You
SS: Teks Battle: Shoot Pati Patol
👉PANALONG POSTER
FL: Patay Gutom
SS: Alumahan & Nang Matakasan Ang Tagay
👉PANALO SA BRAND INTRUSION
FL: Multwoh
SS: Alumahan
👉PINAKAPANALONG PROMOSYON NG PELIKULA
When Heaven Inched Towards Earth

Hanggang sa susunod na taon! Mabuhay ang Puregold Cine Panalo 2026! 
The Puregold Cine Panalo Film Festival 2026 is supported by Alaska, Angel, Argentina, Ariel, Bingo, Birch Tree, Bear Brand, C2, Century Tuna, Champion, Chuckie, Coca-Cola, Colgate, Creamsilk, Datu Puti, Downy, Great Taste, Del Monte, Knorr, Lucky Me, Magnolia, Milo, Monde, MY San, Nestea, Nissin, Nivea, Palmolive, Purefoods, Rebisco, Royal, Safeguard, Sprite, Surf, Wilkins and Zonrox.


MOIRA'S CONCERT HINDI MATUTULOY DAHIL NILANGAW DAW ANG TICKET SELLING?

📌 Kung totoo man, nakakalungkot! Hindi raw kasi tinangkilik sa bentahan ng ticket ang October 4 Concert ni Moira kaya hindi raw muna ito matutuloy! Kaka-sad! Well! 

Sabi nga nila, hindi pang-habangbuhay ang pagkinang ng ating bawat bituin! Darating tayo sa pahina ng ating kuwento kung saan nakalagay dito ang paglubog ng araw sa bawat bukang liwayway! 

What a journey Moira! Ganoon talaga! Nothing lasts forever! 

Bago pa man kasi ito, marami narin ang nagsasabing may attutude daw si Moira? Simula raw sumikat ito? 

Sumikat lang nagka-attitude na? Kaya raw wala ng kumukuha sa kanya? Hindi naman kaya may dahilan din kung bakit naga-attitude siya? O baka pagod lang? O baka may problema lang? O di kaya naman ay ngarag lang? 

But in this business, dapat tamed ka! Dapat marunong kang makisama. Dapat alam mo kung sino ang kaharap mo. Dapat alam mo na nagtatrabaho ka at ang mga katrabaho mo ay perwesyohin mo! Hindi ba?

Maging professional ka at laging tandaan na public property ka at maraming mata ang nakatingin sayo! 

Hay naku! Paano na Moira? Paano na ang lahat ng pinaghirapan mo noon kung sa puntong ito ay wala na ang mga nagmamahal sa iyo at sumusuporta sa iyo?

GGV SA GMA HINDI CONSISTENT SA RATINGS

📌 Aliw na aliw na ako nung nasa peak ng kanilang promo ang GMA Channel 7 para sa pagpapalabas ng bagong season ng Gandang Gabi Vice! Super promo ang network sa kanilang boobtube ganoon din ang paggalaw ng kanilang galamay sa social media! True enoughed! Naging usap-usapan nga ang naturang  naging pilot episode ng GGV dahil may ginawang eksena ang special pilot guest/season opener nilang si Alden Richards! Humagulgol si Alden during the interview/ conversation nito kay Vice Ganda dahil sa tsikang self love pala ang kaytagal na niyang hinahanap eme! Pak na pak yun! Hanggang sa ipinalabas na ang 2nd epiaode at 3rd episode nito na halos wala kang makitang panay-panay na television plug ganoon din sa social media! What happened Kapuso? May pinipili ba kayo kung sino lang ang dapat maihataw ng tv plug? Depende ba yan kung ang guest sa episode ay contract star ng GMA o contract star ng ibang network? May ganoon ba? O wala namang ganoon? Kasi, very obvious na nilangaw naman talaga ang sumunod na dalawang episode after the pilot eh! O baka naman kailangan niyo lang ilipat sa earlier timeslot ang show ni Vice? O kailangan lang siyang mailipat sa ibang araw? Ano ba? Honestly! Never heard talaga ang mga naging guesting ng aumunod na episode after the pilot huh! Hay! Basta! I love GGV kasi kaya ganito nalang ako ka-apektado! Pinapanood ko kasi talaga yan nung buhay pa ang ABS-CBN Channel 2! Sa totoo lang! Hindi consistent ang ratings sa totoo lang again! Kawawa naman ang show! Mukhang imbes na paangat lalo eh aba'y mukhang palubog na ito dahil sa mga nakikita naming nangyayari huh! 

NAPAPANAHON ANG DULANG ' SINA DASAL ' NI DIREK CHAPS MANANSALA NG HIRAYA THEATER PRODUCTIONS

🟧🟪🟨 Mismong si Direk Chaps Manansala    ang nagbukas ng gabi sa katatapos lang na special preview ng napapanahong dula na kanyang sinulat at dinirek ang #SinaDasal dito sa #LucreciaKasilagPerformingArtsHall 🟨🟪🟧 Isang obrang pang-entablado  ni Direk Chaps na papaiyakin ka at punong-puno ng puso at aral ang naoakagandang dula na ito! Pang-pitong obra na ito ni Direk Chaps na tulad ng kanyang mga naging obra sa nakaraan ay iikot itong #SinaDasal sa mga eskuwelahan natin sa buong bansa! 
🟧🟪🟨 Walang sawa ang Hiraya Theater Productions sa pagbuo ng nagagandahang stage plays ayon na rin sa kanilang vision at mission para sa talentong Pinoy sa mundo ng entablado! 
🟨🟪🟧 21 years na ang Hiraya Theater Productions at dalawang dekada na rin mahigit itong ginagawang pagsusulat at pagdidirek ni Direk Chaps at patuloy diumano siya sa kanyang mahal na mahal ng gawin sa kanyang buhay. 
🟧🟪🟨 Mabuhay ang Hiraya Theater Productions! Mabuhay ang lahat ng bumubuo sa dulang ito! Pakahusay ninyong lahat! Simula na ngayong October 3 ang pag-ikot ng buong produksiyon ng #SibaDasal na mag-uumpisa sa lalawigan ng Bulacan! Maraming salamat Ms. Lay Anne Manansala - Miclat  sa pag-asikaso sa amin! Taos-pusong pasasalamat!

XIA VIGOR PATULOY ANG PAG-ALAGWA NG SHOWBIZ CAREER

Hindi patitinag ang dating childstar na si Xia Vigor sa kanyang patuloy na pagningning sa mundo ng showbusiness. Bata palang siya ay niyakap na nito ang mundo ng telebisyon at pelikula. Minahal na ni Xia ang showbiz industry kaya naman ganoong pagpapahalaga naman ngayon ang nakukuha nitong balik sa kanya.
Sa official entry ng Viva Films this year para sa MMFF na pelikulang Miracle In Cell #7 ay muling mapapanood si Xia bilang anak parin ni Aga Muhlach. 
Mahal na mahal at alagang-alaga ng Viva si Xia kaya naman beautiful projecta ang ibinibigay sa kanya ni Boss Vic Del Rosario.
Nakaka-3 shooting days na pala si Xia para sa naturang pelikula.
But before the said shoot ay minarapat daw ng Viva na bigyan pa ng workshop ang sikat na dalaga na ngayong aktres na si Xia Vigor.
Happy na as of now si Xia because she's enjoying everything na kaganapan sa kanyang career!
Not to question her popularity dahil kilala siya bilang showbiz star at kung supporters naman ang pag-uusapan ay napakarami ang sumusuporta sa kanyang talento, husay at galing!
Meaning, patuloy siyang magkakapangalan pa at kikinang pa sa industriyang ito dahil hindi lang siya the best umarte, isa pa siyang napakatalinong aktres!