ALA E! FESTIVAL 2026 NG BATANGAS KASADO NA SIMULA DECEMBER 1 HANGGANG DECEMBER 8!

Hindi na dumating sa press conference para sa nalalapit na Ala E Festival 2026 si Batangas Governor Vilma Santos-Recto dahil hindi na raw kinaya ng kanyang katawan at boses ang sunod-sunod na aktibidad at commitments ayon kay Provincial Administrator Atty. Joel L. Montealto.

Isang voice message naman ang ipinahatid ni Ate Vi para sa aming lahat sa Philippine Movie Press Club na ipinalabas sa LED wall during the said presscon!
Ganoon pa man ay nabatid baming handang-handa na ang buong lalawigan ng Batangas lalong-lalo na ang Batangas City bilang host this year para sa walong araw na selebrasyon mula Disyembre 1 hanggang 8, kasabay ng ika-445 Founding Anniversary ng Batangas City.

Beautiful ang tema ngayong taon nf Ala E! Featival ang  “All Here. So Near,” kung saan tampok sa pagdiriwang ang iba’t ibang aktibidad sa mayamang kultura, tradisyon, talento at produktong BatangueƱo.

Kabilang ang Unity Walk, Fluvial Procession, Parade of Cultural Icons, Battle of the Bands, fashion show, street dance at court dance competitions.

Isang pagkakataon na rin ang Ala E! Festival upang mapalakas ang pagkakaisa ng mga BatangueƱo at maipakilala ang yaman ng lalawigan sa mga bibisita na magmumula sa iba’t ibang lugar ng Batangas at sa kalapit ba iba pang lalawigan at lugar!

Kaya tara na't makisaya simula December 1 hanggang December 8 sa Batangas City!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento