QUINN CARRILLO MAY BAGONG SERYE SA TV5
Si Quinn Carrillo ay nagsimula bilang Vivamax Actress. Naging 12 finalist ng Starstruck ng GMA 7. Hanggang sa nagsulat na ng movie script sa Viva. Naging regular cast ng isang TV series sa bakuran ng Kapuso. Lumagay sa tahimik panandali dahil nabuntis ito kay Marco Gomez na kasamahan niya ring artista sa bakuran ng Viva. Just 2 days ago ay inulansad naman siya bilang isa sa mga aktor ng bagong series ng TV5 na Mommy Guard. Ayon sa aming napag-alamang tsika ay mukhang maganda ang ginagampanang role ni Quinn sa serye. Mahusay din naman kasing umarte si Quinn at napaka-natural ang kanyang atake! Hindi ko lang alam kung ang paglabas niya sa naturang series ay magla-lie low narin siya sa paggawa ng pelikula at pagsulat ng script para sa Vivamax!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento