Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kathryn Bernardo. Ipakita ang lahat ng mga post
Ipinapakita ang mga post na may etiketa na Kathryn Bernardo. Ipakita ang lahat ng mga post
TEASER NG KATHDEN MOVIE, ALMOST 2 MILLION VIEWS NA!
Walang ibang wish ang fans and followers ng KathNiel kundi ang kumita sana sa takilya ang pelikulang pinagsasamahan nina Kathryn Bernardo at Alden Richards sa kauna-unahang pagkakataon mula sa direksyon ni Cathy Garcia-Molina ng Star Cinema. Nitong June 15 lang ay inilunsad ng Star Cinema sa kanilang digital platform ang teaser ng movie at laking gulat ng lahat dahil umaabot na ngayon sa almost 2 Million Plus views ang combined views nito sa social media. Mukhang kikita ang pelikulang ito ng dalawa dahil sa totoo lang, yung curiosity ko bilang moviegoer ay kung may chemistry ang dalawa kaya gusto ko siyang panoorin lalo ang istorya nitong almost 90 percent ay sa HongKong pa kinunan huh! Ngayon lang ako nakaramdam ng excitement sa pelikulang ito nina Kath at Alden! Well, pretty sure kaming kikita ito dahil suportado ito ng lahat ng fan group ng KathNiel noh! Bongga!
KATHNIEL....WAGAS NA PAGMAMAHALAN
2 weeks ago nang sinorpresa ni Daniel Padilla si Kathryn Bernardo sa Hongkong while shooting for Hello, Love, Goodbye kung saan katrabaho ni Kathryn si Alden Richards. Sa mga naglabasang larawan nina Daniel at Kathryn ay nabuo ang linyang DJ, i-Dawn Zulueta mo ako ni Kathryn. Nitong katatapos lang na birthday celebration ni Daniel na ginanap sa Manila House sa BGC ay sinorpresa naman ni Kathryn si Daniel nang lumipad daw ito agad-agad from HongKong just to attend DJ's birthday celebration. Lumabas naman sa mga larawan ng dalawa ang linyang Kath, pa-interview with the vampire mo ako naman si Daniel sa halos kulang nalang ay kagatin nito ang leeg ni Kathryn sa pagkahigpit ng kanilang yakapan! Walastik! Papano na ang Alden-Kathryn movie kung sina Daniel at Kathryn parin ang nakikita together? Part ba si Daniel sa promosyon ng pelikulang ito ni Cathy Garcia-Molina ng Star Cinema? Hindi ba dapat ang togetherness dapat nina Alden at Kathryn ang pinu-push dito?
KATHNIEL PINATUNAYANG MAHAL NA MAHAL ANG BAWAT ISA
Talbog silang lahat! I-Dawn Zulueta mo ako! Yan ang sigaw ng intrigerang palakang bakla nang sumambulat ang larawang ito nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla. Kuha ito nang bisitahin ni Daniel si Kathryn sa HongKong while shooting ng pelikulang pinagtatambalan nila ni Alden Richards under Star Cinema sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. Actually hindi lang pics ang naglipana ganoon din ang videos kung saan mukhang sabik na sabik ang dalawa sa isa't isa. April 10 nang umalis ng Pinas si Kathryn at tama nga ang ipinarating na balita sa akin noon na naka-locked-in sina Alden at Kathryn ng isang buwan upang kunan ang 90 percent ng pelikula sa HongKong. Well, mismong sina Daniel at Kathryn naman ang nagkumpirma noong sila'y tunay nang nagmamahalan kaya normal lang siguro na manabik sila sa isa't isa everytime na nawawalay sila! Tama ba? Diba ganoon naman ang buhay kapag may life ka sa love! Tama? Sa mga naglabasang larawan ng dalawa, yung pananabik, bunga na yan ng tunay na pagmamahalan nina Daniel at Kathryn. Yung hinahanap-hanap na nila ang bawat isa. Yung hahanap-hanapin talaga ni Daniel ang kanyang Prinsesa at Gigil din si Kathryn sa kanyang Prinsipe! Bongga talaga ang KathNiel! Pak na pak at boom na boom!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...