Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay kaya ng baguhin at pagalawin dahil sa pagtaas ng teknolohiya. The saddest part ay ang paglaganap ng sinasabi nating fake news na nagliliko halos sa lahat na paniwalaan ang isang item being posted!
Halos 1 week nang pagkalat ng balitang secretly ay nagkabalikan na nga sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Fiesta na naman ang mga maritess at yung iba nga ay kung anu-anong memes na naman ang ginagawa sa larawan ng dalawa!
Hindi ako mapakali kaya in some of my pist sa facebook ay nagtanong pa nga ako kung totoo ba?
Hanggang sa nitong araw ng sabado, June 21, 2025 lang ay nagpadala akong viber message sa kaibigang Queen Mother Karla Estrada para lang makakuha ng kahit papano ay kumpirmasyon kung totoo ba ang kumakalat na balita patungkol sa balikan issue!
" Waley Dom. " ang bulalas na tugon sa akin ni Karla.
Meaning, hindi po totooang bali-balita na dapat ng tantanan dahil fake news ito!
Ano naman kaya ang mensahe ni Karla sa mga taong mapaggawa ng maling impormasyon o balita o fake news?
" Laging double check sa mga News ngayon . And mas basahin natin ang mga legit na social media platforms. " bigkas pa ni Karla sa mensaheng pinadala niya sa akin.
" Wag basta basta maniwala! " pagpapatinay at pagtatapos pa nito!
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento