SA KABILA NG KUMPIRMASYONG MAG-ON NA RAW SINA DANIEL AT KAILA, NANATILING TAHIMIK PAREHO ANG KAMPO NG DALAWA


TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalawa o may relasyon na! Kinumpirma ito ni Ogie Diaz sa isa sa kanyang online show kamakailan.

Simulang umariba ang naturang pagkumpirma ay tila walang nakukuhang reaksiyon ang entertainment media kung sila na ba o haka-haka lang.

Bago pa man ito ay marami na ang nakapagsabing nakikitang nagde-date daw sina Daniel at Kaila at nagkikita paraw sa Rockwell area kung saan nakatira si Daniel.

Para sa akin, wala akong nakikitang problema kung may relasyon na nga sina Daniel at Kaila. 

Pareho naman silang loveless at wala akong nakikitang balakid uoang hindi nila ipadama sa isa't isa ang pagmamahalan.

Yun nga lang, maraming fans parin ng KathNiel ang nagsasabing hindi pa rin nila matanggap na mayroon ng bagong lovelife si Daniel. 

May isang fan pa nga'ng nagsabing hanggang sa huling hininga niya raw ay KathNiel parin ang inaasahan niyang magkakatuluyan sa huli! 

Yun na! 
 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento