Energetic and young singer-actor Dwayne Garcia finally launched his latest-2nd single titled ' Para Na Muna ' last thursday sa 10 Plates Resto along Scout Tobias, Quezon City.
Isang production number ang bungad sa amin ni Dwayne habang kinakanta at sinasayaw niya ang kanyang latest single na sinulat at nilapatan ng tunog ng award-winning music composer and movie director na si Joven Tan.
Sa bagong kanta ni Dwayne ay naging deretsahan ang 15 years old newbie sa music scene sa pagsasabing para daw sa mga pagod ng umibig ang kantang ito. Sinasabi diumano ng kanta na ' Para Na Muna ' at pahinga muna o teka muna at break muna at huminga.
Beautiful ang song na halatang pang-bagets ang tema but still, tayong mga medyo hindi naman na bagets ay sigurado akong makaka-relate din!
Last year pala ay inilunsad na ni Dwayne ang kanyang 1st single na ' Taym Pers Muna ' kung saan si Joven Tan pa rin ang nag-composed nito.
Present naman si Jonathan Manalo ng Star Music kung saan inamin mismo ni Jonathan na kaya sila patuloy na sumusuporta kay Dwayne dahil mahusay diumani ito bilang isang singer lalo na diumano sa mga komposisyong gawa ni Joven Tan pa ang kinakanta nito!
Hapoy si Dwayne dahil well-attended ang kanyang single launched. Higit sa lahat ay masayang-masaya diumano siya sa todo-suportang binibigay sa kanya ng kanyang mga magulang para sa pangarao niya.
Aside from recording ay nailunsad na rin si Dwayne sa pelikulang ' Outside De Familia ' kung saan gumanap siyang anak ni Gelli De Belen sa direksiyon ni Joven Tan.
All the best Dwayne!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento