FDCP CINE LOKAL PRESENTS SINAG MAYNILA 2018

FDCP Cine Lokal presents: Sinag Maynila 2018

Bilang bahagi ng kanilang programa na suportahan ang mga lokal na film festivals, nakikiisa ang Film Development Council of the Philippines sa Solar Entertainment Corporation para sa Sinag Maynila 2018 na magpapalabas ng kanilang mga pelikula sa Cine Lokal simula Marso 9, 2018 at magdadaos ng FDCP Film Talks sa Sinag Maynila.

Bigating mga pelikula ang pasok ngayon sa Sinag Maynila tulad ng 
Abonimation ni Direk Yam Laranas, Bomba ni Direk Ralston Jover, El Peste ni Direk Richard Somes, Melodrama/Random/Melbourne! ni Direk Matthew Victor Pastor at Tale of the Lost Boys ni Direk Joselito Altarejos. "Cine Lokal aims to be a venue for quality films to be made available to Filipino audience and by supporting Sinag Maynila, these creative and meaningful films will have a home and will be watched by not just film enthusiasts, but the general public" (Hangarin ng Cine Lokal na maging plataporma para sa mga dekalidad na pelikula para maging mas abot-kamay ito sa mga Pilipinong manonood, at sa aming pagsuporta sa Sinag Maynila, magkakaroon ng tahanan ang mga malikhain at makabuluhang mga pelikula na mapapanood ng hindi lang ng mga mahilig sa pelikula kundi ng mas maraming Pilipino rin,” ani ng FDCP Chairperson and CEO Liza Diño. 

Higit pa rito, itatampok ng Sinag Maynila ang FDCP Film Talks @ Sinag Maynila sa Marso 10, 2018 sa SM North Edsa Cinema 3 na magsisimula ng 1 ng hapon. Isa itong libreng forum para sa mga diskusyon kung paano maitatampok ang iyong pelikula sa International film festivals at madistribute sa ibang bansa. Maaaring mag pre-register ang mga nais dumalo. Mag email lamang ng inyong pangalan at contact number sa filmdevelopmentcouncil@gmail.com para makapagrehistro. Magbubukas ang SM North Edsa Cinema 3 ng 12:30 ng hapon.

Ang panel ay binubuo nina Jeremy Segay, Korea and South East Asia Representative ng Unifrance, Takeo Hisamatsu, Festival Director ng Tokyo International Film Festival at ang kinikilala sa buong mundo dahil sa kanyang mga pelikula, at co founder ng Sinag Maynila, Brillante Mendoza.

Ang pakikipag-ugnayan ng FDCP sa mga film festivals katulad ng Sinag Maynila ay bahagi na rin ng ika-sanda ng selebrasyon ng Pelikulang Pilipino. "This year and next year will be focused a on celebrating this milestone. We believe that this is the time to come together to commemorate this legacy, learn from our film history, and also look forward to the next hundred years," (Ngayon hanggang sa susunod na taon ay nakatutok sa selebrayon ng milya-milyang tagumpay na naabot ng Pelikulang Pilipino. Naniniwala kaming ito na ang pagkakataon para tayo’y magsama-sama upang ipagdiwang ang pamanang ito sa atin, matuto sa kasaysayan ng pelikula at harapin ang mga susunod pang taon ng pelikulang Pilipino,” dagdag pa ni Chairperson Diño. 

Huwag palagpasin ang mga pelikula ng Sinag Maynila sa lahat ng sinehan ng Cine Lokal sa Metro Manila ngayong Marso 9-15, 2018.

Para sa karagdagang impormasyon, bisitahin lang ang Cine Lokal facebook at iba pang FDCP social media accounts.

MIN YASMIN...FINALLY LAUNCHED HER SOLO DEBUT PHILIPPINE ALBUM!

Vocally ay pinaghalong Bituin Escalante at Vina Morales ang boses nitong si Min Yasmin na isang Malaysian R & B Singer. Napaka-powerful at soulful ng kanyang boses na nakilala sa Malaysia bilang soundtrack Singer who appeared in numerous Malaysian OSTs, Teleseryes and Movies and she is among Malaysia's established singers under the record label JULFEKAR Music owned by her husband Julfekar who is a songwriter and producer. Pero sa kabila ng kanyang pagiging tubong Malay ay pusong pinoy naman siya dahil karamihan sa kanyang kantang napapaloob sa kanyang solo debut philippine album ay mga sikat na awiting pinoy kasama na rin ang ilang komposisyon ng Julfekar Music at ni Vehnee Saturno. Labas masok ng bansa ang ginagawang eksena ngayon ni Min Yasmin dahil busy siya promoting her album na magkakaroon ng series of mall shows dito sa Pinas. Hopefully daw ay maisagawa nila ang isang concert dito sa Pinas within the year! Min Yasmin has been awarded as an Outstanding Asian Singer 2015 by Gawad Sulo Ng Bayan Awards and was also chosen as a Music Ambassador 2015. This award was givren in Manila on November 2015!

SAM VERSOZA & RS FRANCISCO...BRAINS BEHIND THE SUCCESS OF FRONTROW UNIVERSE!

Hindi ko ma-explain ng maayos ang aking nararamdaman sa aking nasaksihang pasabog ng Frontrow Universe sa MOA Grounds kung saan tatlo ang nanalong agent nila ng mamahaling sports car. Nakakaloka talaga ang yaman nitong Frontrow Universe owned by Sam Versoza and my beshie RS Francisco na kasalukuyang nasa Portugal. 
" Grabe naman yan! Hindi naman sa ganoon. Sobrang nagpapasalamat lang kami sa lahat ng taong nagbigay ng tiwala sa aming produkto sa buong mundo. Kahit kami ni Sam, hindi namin inakalang lalaki ng ganito ang pamilya ng Frontrow at sobrang masaya lang kami dahil yung produkto talaga namin ang pinapangalandakan namin na matino kami at kami mismo ay ginagamit namin ang aming product and sell it! Ganoon kami! " sez RS Francisco. Nabatid din namin na nag-umpisa naman talaga sa isang very humble beginning ang Frontrow. 
" Habang nag-uumpisa kami, napakarami naming pinagdaanan sa Frontrow, hanggang sa nagtiyaga kami habang kinakaharap ang ups and downs, hanggang sa heto na! Blessed lang din siguro kami because minahal namin ang niyakap namin ng buong puso ang aming negosyo and right now, ayan, almost 20 thousand ang nandiyan ngayon sa field and ano pa ba?" aniyang muli. A day after the said car show ay nagkaroon naman ng thanksgiving day si RS Francisco para sa mga kaibigan niya sa entertainment media na ginanap naman sa Limbaga 77. Hindi matawaran ang saya ni RS that day dahil dumating lahat ng kanyang kaibigan mula sa entertainment media. RS thanked everyone at umaasa siyang patulong lang ang pag-unlad at pagkilala sa madla sa Frontrow sa buong mundo dahil isa lang naman daw ang kanyang mithiin ang makatulong sa karamihan at i-enjoy ang produktong meron sila na kasalukuyan ng kinagigiliwan ng buong mundo.

MIN YASMIN...R & B SOULFUL SINGER!

MIN YASMIN is a powerful and soulful Malaysian RnB singer. She is also better known as a Soundtrack Singer,
appearing in numerous Malaysian OSTs, teleseries & movies. Min launched her first successful international concert in
Zamboanga City on March 2017 and in Tawi-Tawi on August 2017, all in the Philippines. She is among Malaysia’s
established international singers under the record label JULFEKAR Music, fully owned and managed by songwriter and
producer, Julfekar.
Julfekar is a well-known, award-winning composer and producer in Malaysia. He is the Managing Director of
MillenniumArt and Julfekar Music. He traces his roots to the Philippines by having a Tausug maternal lineage, which
gave his songs a warm and heartfelt Filipino flavor. Through his works, Julfekar spreads his wings across the Philippine
music realm, thereby reconnecting his Tausug roots which made him fell in love with words and music in the first
place.
Julfekar made history by producing '2 VOICES', which is the first-ever full-album collaboration between a Malaysian
singer (Min Yasmin) and a Filipino singer (Nikki Bacolod). It was launched in Philippines last October 2015 and was a
groundbreaking success. The resulting hit single, 'SA IYO' reached the Top 10 charts and stayed for three months in
LOVE Radio, YES FM and several other Philippine radio stations.
A follow-up album for Min Yasmin will be released. The international ‘PANGARAP' debut solo album will contain 14
songs, mainly written in Tagalog. The other songs will be rendered in Filipino minor languages Tausug & Sama Bajau,
in addition to a couple of English and Malay songs. To seal its success, producer Julfekar collaborated with Philippines’
top hitmaker and producer, Vehnee Saturno, producing a powerful version and arrangement of the hits ‘Bakit Pa’ and
‘Kahit Konting Awa,’ Julfekar also collaborated with Filipino lyricist Roosevelt ‘Raz’ Itum for the Tagalog songs, Nelson
Dino for the Tausug songs and Andhee Basion for the Sama song. The album has already been fully-recorded and will
be released in both Malaysia and the Philippines. It is expected to become a major hit. We really hope Philippines will
support us and our music.
MIN YASMIN has been awarded as an 'Outstanding Asian Singer 2015' by Gawad Sulo Ng Bayan Awards and was also
chosen as a 'Music Ambassador 2015'. This award was given in Manila on November 2015.

SINESAYSAY DEADLINE..EXTENDED!

Deadline of Sinesaysay Film Doc Competition Extended 

Students and aspiring documentary filmmakers may still submit their application to the Sinesaysay Film Documentary Lab and Showcase until March 31, 2018.
Sinesaysay is organized by the Film Development Council of the Philippines (FDCP) in partnership this year with the National Historical Commission of the Philippines (NHCP) to encourage documentary filmmakers to explore Philippine often-unvisited historical events that helped shape the country today. 
Starting on the second quarter of the year, Sinesaysay will be divided into two categories: the Bagong Sibol Documentary Lab and the Feature Documentary Showcase.

Bagong Sibol is open to emerging filmmakers working on their first or second documentary full feature films. Six (6) projects and its fellows will undergo a series of workshops and consultations in developing their short documentary films. From these applications, two (2) projects will be awarded a P 700,000 grant to develop the full feature versions of their project.

For the Feature Documentary Showcase, interested filmmakers who have worked on at least two documentary full feature films will submit a 5-10 pitch trailer of the given topics. Four filmmakers will be given a co-production grant of P 1 Million to produce a documentary full feature project aligned with the themes of the program.

A school campaign to promote the Showcase and Docu Lab was held this February around Metro Manila, including Asia Pacific College, De Las Salle College of Saint Benilde, Mapua, University of Sto. Tomas, University of Asia and the Pacific and Ateneo de Manila.

Visit https://www.fdcp.ph/sinesaysay/ for the detailed requirements and mechanics or contact FDCP at (02) 256 99 08 local 103.

MA'ROSA KICKS OFF MARCH 2!


Ma'Rosa Kicks Off March FDCP Cine Lokal Films 

Renowned actress Jaclyn Jose made history in 2016 when she won the Palme D'Or for Best Actress for her performance in Ma'Rosa, the gripping film by Brillante Mendoza. This March, FDCP Cine Lokal brings this film which portrays the horrific realities of the slums and the broken system back to its theaters. 

The film centers on the family of Rosa (powerfully played by Miss Jose) who owns a small community convenient store connected to their home in the slums of Manila. Together with her husband, Nestor, they use their convenient store as cover-up for selling illegal narcotic, Methamphetamines, their fate changes one Saturday night when their neighbor Bong-Bong, who works as fly-by-night parking attendant, begs her to sell him a small pack of Methamphetamine without knowing that it’s a play for a pending buy-bust operation by the policemen waiting outside the community.

Watch ‘Ma’Rosa’ as it opens in the following cinemas starting this March 2 at SM Mall of Asia, Megamall, North Edsa, Fairview, Southmall, Bacoor, Sta. Mesa and Bacoor at 1:00pm,3:30pm, 6:00pm and 8:30pm.

CLIQUE V FIRST MAJOR CONCERT....SUCCESS!

Grabe na rin ang fans and followers ng grupong Clique V. Imagine. After ng kanilang successful first major concert na ginanap kamakailan sa Music Museum ay kasado na ang gagawin nilang nationwide concert tour na uumpisahan sa Cebu this summer! Yes. Katatapos lang magpakitang gilas ang pitong miyembro nitong sina Clay, Marco, Josh, Karl, Sean, Rocky at Tim kung saan naglalakihang production numbers ang kanilang ipinamalas sa lahat ng nanood ng kanilang concert. Mamahalin ang mga bagets that night dahil talagang hindi pinabayaan ng kanilang 316 Events & Talent Management ang kanilang kasuotan mula ulo hanggang baba. Naging palakpakan din ang individual spot ng pitong bagets that night. Ganoon din ang choreography ng kanilang bawat sayaw, naku, galing! Pakahusay na ng mga bagets at kaya na namin silang gawing pantapat sa Boy Band PH huh! Beautiful ang concert directed by Joven Tan. Happy rin ang management ng pitong bagets dahil more than sa ine-expect diumano nila ang ipinakita ng mga bata. Kasalukuyang nagpo-promote naman ang mga bagets ng kanilang digital and physical album independently na puwedeng-puwede ng ma-download sa Amazon, Spotify at Youtube. Mabibili na rin ang kanilang physical CD sa lahat ng Astrovision at Astroplus Music Stores!

ALL ABOUT LOVE NI JED MADELA.....FULL-PACKED!

As always, it was a success! Sabi nga nila, who can argue with success! Yes! Wala siyang katulad, walang papantay at nag-iisa lang siya! Kilalang world-class singer and performer. Yan si Jed Madela na kamakailan lang ay muling pinatunayang mapa-Pilipinas man o sa ibang bansa ay kayang-kaya niyang punuin ang isang tanghalan without using any other personalities sa kanyang field just to make it! Sa kanyang katatapos lang na All About Love--Valentine Concert na ginanap sa Kia Theatre, Jed Madela truly nailed it! Everytime! Anywhere! Yes. Being a fan and follower na rin ni Jed eversince, in every concert niya, wala kang ibang maririnig from the audience kundi lahat ay papuri sa kanyang angking galing sa pagkanta. Yung followers ni Jed, ibang level, may matanda, bata, pamilya, basta, saklaw niya lahat. Kahit ako, hindi ako manghihinayang sa libong ibabayad ko para lang mapanood siya. Dahil alam kong kulang pa ang halagang iyon sa performance na ipapamalas niya! Napanood ko ang buong concert show ni Jed. Mula sa unang kinanta ni Jed hanggang sa huling piyesa niya, as in, relate lahat ng taong nakapanood sa kanya. Nakakatuwa nga dahil everytime na matatapos ang isang kanta, since nasa dulong bahagi ako ng orchestra nakaupo dahil sinadya ko naman, yung mga tao, abangers kung anong susunod na kakantahin ni Jed huh. Alam mong lahat ng nanood sa kanya, mahal siya dahil everytime na magsasalita siya, nakikinig lahat sa kanya at yung palakpakan sa full-packed na venue, wow, grabe! Ganoon naman talaga tayong mga Pinoy, kapag gusto natin ang isang singer, hindi natin iisipin kung magkano ang ticket. Mahalaga sa atin ang makapiling siya at mapanood siya! Not only that! Iba kasi ang boses ni Jed. Everything ay kayang-kaya niyang awitin. Sabi nga ng isang couple sa likod ko that evening nung kantahin ni Jed ang isang Adele song, sisiw yan kay Jed! Kinilabutan ako sa tuwa and happiness dahil yes, i knew it, yun si Jed eh! Totoo yun! Sa kabuuan ng concert, behave ang audience sa panonood kay Jed at tutok silang lahat na halos wala na talagang tayuan at walang gustong mag-comfort room dahil baka nga naman may ma-miss sila! Ganoon ang hatak ni Jed Madela and so proud of this guy kaya mahal na mahal ko yan at marami at napakarami naman talaga ang nagmamahal sa kanya. One more thing, halos lahat ng kantang inawit ni Jed sa kanyang concert ay sinabayan lahat ng tao! Wow! Meaning, kahit si Jed, alam niya mismo kung anong dapat kantahin sa ganoon okasyon at hindi. Well, huwag na tayong magtaka kung one day, sa isang mas malaking venue like MOA and ARANETA ay gagawin na ni Jed ang kanyang solo concert na mismong siya na rin ang director and writer which he did na sa All About Love! Lastly, wala kasing yabang si Jed Madela. Yung character niya as a person, napaka-humble and low profile, yan din ang higit na minahal sa kanya ng tao. 
" It was my honor sharing a part of my life with you guys. Directing and writing it wasn't easy but it was all worth it. You would have spent your valentines somewhere else but you chose to spend it with me. My heart is full! " ang facebook message ni Jed a day after the concert!
Thank you sa Ang Mata Ay Alagaan Foundation kung saan naging first choice si Jed to produce a concert. Sa sponsors for the huge help in making everything possible. GM Proponents Of Artists Incorporated nina Tita Annie Tajanlangit and Gerry Mercado. ASAP. ABS-CBN. TNT. Star Music family, Ryan Panaligan, Patty Yap, Kay Ate Flor Paclib at Totong Abordaje, Tribe of Jed, Team Jed Madela, WCOPA Team Philippines. Kay Sarah Faye at Tim Pavino, sa buong Band Team ni Jed at sa lahat-lahat ng kanyang personal sponsors and friends! THANK YOU EVERYONE!

LA LUNA SANGRE...LALONG KAABANG-ABANG ANG HULING TATLONG LINGGO!

Umpisa na ngayong gabi ang huling tatlong linggo ng teleseryeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo under Star Creatives ng ABS-CBN! Umpisa na rin ito ng mga naglalakihang pasabog sa seryeng ating inaabangan at tinututukan gabi-gabi sa Kapamilya Network! In fairness sa La Luna Sangre, mula umpisa hanggang ngayon ay humataw ito sa ratings. Pero ang tanong ng karamihan ay kung ano naman ang kasunod na proyekto ng KathNiel? Sa pagkakaalam namin ay isang pelikulang pasabog naman ang gagawin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa direksiyon naman ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema. Ayon sa aming nabalitaan, mas malaking project ito kumpara sa huling pelikula ng KathNiel huh! Ratsada naman si Daniel Padilla sa kaliwa't kanang endorsements nito. Kamakailan lang ay ang Nescafe TVC nilang dalawa ni Karla Estrada at malapit na rin yata siyang mag-shoot para sa isang de-latang TVC! Next year na naman gagawa ng teleserye ang KathNiel dahil ang pagkakaalam namin ay ang teleseryeng Bagani naman ng LizQuen ang ipapasok sa timeslot na iiwanan ng La Luna Sangre! Bongga talaga ang KathNiel. Walang ibang kakabog diyan. Kaya yung loveteam diumano sa kabilang network na sinasabi nilang nagpataob sa KathNiel, hello world! Wala pa po silang napapatunayan noh! Hindi ko nga kilala ang mga yun eh! Basta! Mas maraming aabangan sa KathNiel this year! Abang-abang tayong lahat!

THE SIGNIFICANT OTHER....ANG PELIKULANG PARA SA LAHAT NG PUSONG NAGMAMAHAL!

Mukhang maganda ang istorya ng pelikulang The Significant Other starring Erich Gonzales, Lovi Poe and Tom Rodriguez. May mga eksenang pinag-usapan sa pelikula lalo na ang sampalan nina Lovi at Erich. Usap-usapan din ang pakikipag-laplapan nina Erich at Lovi kay Tom. Halata namang good kisser si Tom. Pero ang inaabangan sa pelikula ay ang walang kiyemeng pagbuyangyang ng tatlong bida ng kanilang kalamnan sa pelikula. Patalbugan nga raw sina Lovi at Erich sa pelikula kaya naman while shooting the said movie ay pinag-usapan naman talaga ito. Sa acting naman, given na yung pagiging magaling ng tatlong aktor sa pelikula. Seksi nga ang tema ng movie, pero huwag ka, may Dina Bounnevie at Snooky Serna huh! Well, mukhang papatok naman ang ganitong pelikula dahil alam naman nating si Tom ay napakaraming beki followers noh! Ganoon din ang mga kalalakihang nahuhumaling sa ganda nina Lovi at Erich noh! The Significant Other is centered on top fashion models Nicole and Maxenne who are two friends who realize that they are romantically involved with the same man Edward na isa namang plastic surgeon. Doon na iikot ang istorya ng pelikula. Ito rin ang kauna-unahang pagtatambal nina Lovi, Erich at Tom sa isang proyekto ng Cineko Productions. Kanino nga ba babagsak si Edward? Kay Nicole o Maxenne? Showing napo ang movie this coming February 21 release thru Star Cinema Productions. Naku, aabangan natin ang mga linyang " Kapag nangati, hindi kinakamot kundi ginagamot." at " Mas makati na nga sa higad, gumagapang pa sa dahon ng gabi." at marami pang ibang hugot lines sa pelikula sa direksiyon ni Joel Lamangan!