EXCLUSIVE! KUMPIRMADO! RAYVER CRUZ...LILIPAT NA SA GMA CHANNEL 7!

TWO months ago nang umusbong ang usap-usapang aalis na sa Kapamilya Network at lilipat na sa Kapuso Network ang isa sa inaalagaan naming aktor na si Rayver Cruz. Tinanong pa namin ang kanyang manager na matalik naming kaibigang si Kuya Albert Chua noon kung gaano ka-totoo ang balita at kaagad naman itong pinabulaanan sa amin noon ni Kuya Albert Chua na hindi ito totoo! Hanggang sa nitong nakaraang sabado, Hunyo 16, 2018 ay biglang nagbago ang ihip ng hangin! Umugong ang balitang aalis na nga sa ABS-CBN Channel 2 si Rayver Cruz. Yes! Ako napo mismo ang magkukumpirmang lilisanin na nga ni Rayver Cruz ang Kapamilya Network. Ayon sa aming kausap na malapit sa puso ni Rayver, may mga dahilan sila kung bakit nagdesisyon silang lilipat na sa GMA Channel 7! Sa katunayan, nakapagpaalam na ng maayos ang kampo ni Rayver Cruz sa pamunuan ng Star Magic partikular kena Ms. Mariolle at Mr. Manahan! Nakapagpaalam na rin daw ang kampo ni Rayver sa teleseryeng Bagani kung saan regular na napapanood ang sikat na aktor na ayon pa sa latest news ay papatayin nalang daw ang kanyang karakter sa serye. Ayon pa sa aming kausap, maaring huling linggo ng Hunyo o unang linggo ng Hulyo na sila pormal na lilipat sa bakuran ng siyete. May mga inaayos lang diumanong mahahalagang bagay o dukumento ang kanilang kampo na kailangan nilang gawin upang maging maganda ang kanilang paglisan sa kapamilya network! Saganang akin lang po, sabi nga nila, there's no business like showbusiness. Ganoon talaga ang buhay sa showbizlandia.  Kapag alam nating hindi na nago-grow ang isang talent sa isang network or management, karapatan po ng kahit sino ang hanapin at bigyang halaga ang kanilang taglay na talento. Hindi natin sila dapat kinukulob sa iisang baonan nang walang mangyayari sa kanila at mapapanis lang! Sa totoo lang, sa dinami-rami ng kasalukuyang artista ng Kapamilya, minsan tuloy napapaisip ka kung yung mga totoong loyal sa kanila ay nabibigyan ba nila ng magandang pagkakataon upang maipakita ang galing nila sa industriya ng pelikula at telebisyon! Saktong salita lang, siguro naman alam din ng isang management ang kanilang ginagawa. Sa kaso ni Rayver Cruz, hindi po biro ang 17 years na pagbuhos nito ng pagmamahal sa kapamilya at puwedeng sabihing naging loyal siya rito! But there's always a reason behind in every story! Kailangang gawin ni Rayver ang desisyong ito dahil sa totoo lang, isa si Rayver Cruz sa masasabi nating multi-talented actor ng Star Magic. Sa halos lahat ng ginawa niyang proyekto, hindi mo rin matatawaran ang kanyang galing bilang isang aktor at maipagmamalaki mo siya. But nothing to worry about. Sigurado naman kaming sa kanyang magiging bagong mother studio where he first started naman ay hinding-hindi siya pababayaan tulad din naman ng ginawa sa kanya ng kapamilya network! Saganang akin lang po, tama lang ang kanyang naging desisyon at susuportahan pa rin namin ang aming ala-alagang aktor. Goodluck Rayver Cruz sa iyong bagong tahanan!

EMIL PADEN.....AKO NAMAN!

Hearthrob turned Singer:
Emil Paden releases single and album:

Four years ago, Eat Bulaga’s That’s My Tambay Grand Winner Emil Paden captured hearts with his undeniably warming smile and charm. This 2018, Emil is all set to do it all over again, but with smooth, swooning serenades.
Before stepping in the music limelight, Emil was a jack of all trades in the entertainment industry. Apart from his win in the popular noontime show segment, he has been an active spectrum in the acting scene. He appeared in widely-loved shows “Maynila” and “Idol Ko Si Kap” in GMA 7, and ABS-CBN’s “Wildflower”; and was recently casted for the role of General Miguel Montero in the upcoming indie film “Ang Bayan Ko”, an official entry to the QualiCinema Film Festival.
Emil has also expressed his passion for entertainment when he became a part of the SOP Boys, a boy group arm of the now defunct Sunday noontime show “SOP” in GMA 7. This unstoppable performer also extended his talents to Showtime’s dance contest segment “Dancing in Tandem”.
This year, Emil took on another challenge in his career by recording an album. The eight-track recording entitled “Ako Naman…Emil” is a collection of moving love songs that will surely melt everyone’s heart.
“Ako Naman”, the first single to come out from the album, talks about unrequited affection and the hope of having that chance to be loved back. The single, composed by Robster Evangelista, has been playing in radio stations all over Metro Manila for quite a while, giving an exciting year for this rising heartthrob! On June 22 this year, his full album “Ako Naman...Emil” distributed by CURVE Entertainment, Inc., will be released on digital platforms worldwide.
“Ako Naman..Emil”, also contains “Kumusta Ka”, penned by prolific composer Lito Camo, is another song to watch out for that speaks of a promise of true love. While “Ang Iyong Pagmamahal” is about enduring love and affection. While “Sabihin Mo Sa Akin”, written by Jessa Mae Gabon, is a poignant song about losing one’s love and the desire to find the answers to the nagging questions that resulted in such heartbreak. The classic “Lumayo Ka Man Sa Akin”, a Rodel Naval original, was given a little “Spanish guitar” arrangement by Jun Tamayo who co-produced the album along with veteran record executive Reck Cardinales.
Also in the album are “Someone To Love Me Forever” written and originally recorded by soul and R&B artist Chris Walker, “Ikaw Pala” and “Mukha Ng Pilipina”, written by Robster Evangelista. 
The album, is like rollercoaster ride, crafted for everyone who has deeply loved and has been loved in return, losing and finding the same again. With Emil’s swabe vocals complementing the songs’ smooth instrumentals, kilig will surely be spread from one ear to another.
The album is executive produced by ASP MALOU ROXAS / Maria Leonora G. Roxas and will be digitally released on Spotify, iTunes, Apple Music, Amazon, and Deezeer.

5 FILIPINO FILMS PASOK SA SIFF 2018!

LIMANG FILIPINOS TAMPO SA 21ST SHANGHAI INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

Limang pelikulang Pilipino ang makikipagkumpitensya at ipapalabas sa 21st Shanghai International Film Festival (SIFF) sa China simula Hunyo 16, 2018. Ang SIFF ay isa sa pinakamalaking festivals sa Asya at kung saan itinanghal na rin ang mga Pilipino films. Noong 2017, ang pinakamataas na award na kanilang naibigay sa Pilipinas ay ang Golden Goblet, na iginawad sa Pauwi Na ni Paolo Villaluna.

Sa taong ito, dalawang pelikula ang makikipagkumpitensya sa Asian New Talent - ang RESPETO at Nervous Translation. Ang mga pelikulang ito ay nakakuha ng mga nominasyon sa mga sumusunod na kategorya: Best Cinematographer para kina Dennese Victoria, Jippy Pascua ng Nervous Translation; Best Scriptwriter para kay Shireen Seno ng Nervous Tranlation, Best Director para kay Treb Monteras II ng RESPETO; Best Actor para kay Abra ng RESPETO; at Best Actress para kay Jana Agoncillo ng Nervous Translation.

Sa Panorama Section, ang Smaller and Smaller Circles ni Raya Martin at I'm Drunk, I Love You ni JP Habac ang ipapalabas. Si Raya Martin ay miyembro din ng Jury para sa Asian New Talent ngayong taon.

Kabilang naman sa mgha tampok na pelikula ang Neomanila ni Mikhail Red sa The Belt and Road Film Week. 

“It's always thrilling to learn that these films continue to go around the world as proudly showcased in international film festivals. We wish our Filipino films the best of luck in SIFF,” sabi ni FDCP Chairperson at CEO na si Liza Diño.

Si Chairperson Diño mismo ay makikilahok sa SIFF bilang speaker sa High Level Forum on the Cultural and Economic Importance of Film and the Role of Copyright na hosted ng World IP Organization sa Hunyo 19-20. Samantala, ang QCinema Festival Director na si Ed Lejano naman ay magiging bahagi ng The Belt and Road Summit upang talakayin ang pagpapabuti ng kooperasyon sa pamamagitan ng festival programming.

Ang 21st Shanghai International Film Festival sa China ay tatakbo hanggang Hunyo 25, 2018.

EMIL PADEN...THAT'S MY TAMBAY GRAND WINNER IN 2014 RELEASES NEW SINGLE & ALBUM!



Hearthrob turned Singer:
Emil Paden releases single and album:

Four years ago, Eat Bulaga’s That’s My Tambay Grand Winner Emil Paden captured hearts with his undeniably warming smile and charm. This 2018, Emil is all set to do it all over again, but with smooth, swooning serenades.
Before stepping in the music limelight, Emil was a jack of all trades in the entertainment industry. Apart from his win in the popular noontime show segment, he has been an active spectrum in the acting scene. He appeared in widely-loved shows “Maynila” and “Idol Ko Si Kap” in GMA 7, and ABS-CBN’s “Wildflower”; and was recently casted for the role of General Miguel Montero in the upcoming indie film “Ang Bayan Ko”, an official entry to the QualiCinema Film Festival.
Emil has also expressed his passion for entertainment when he became a part of the SOP Boys, a boy group arm of the now defunct Sunday noontime show “SOP” in GMA 7. This unstoppable performer also extended his talents to Showtime’s dance contest segment “Dancing in Tandem”.
This year, Emil took on another challenge in his career by recording an album. The eight-track recording entitled “Ako Naman…Emil” is a collection of moving love songs that will surely melt everyone’s heart.
“Ako Naman”, the first single to come out from the album, talks about unrequited affection and the hope of having that chance to be loved back. The single, composed by Robster Evangelista, has been playing in radio stations all over Metro Manila for quite a while, giving an exciting year for this rising heartthrob! On June 22 this year, his full album “Ako Naman...Emil” distributed by CURVE Entertainment, Inc., will be released on digital platforms worldwide.
“Ako Naman..Emil”, also contains “Kumusta Ka”, penned by prolific composer Lito Camo, is another song to watch out for that speaks of a promise of true love. While “Ang Iyong Pagmamahal” is about enduring love and affection. While “Sabihin Mo Sa Akin”, written by Jessa Mae Gabon, is a poignant song about losing one’s love and the desire to find the answers to the nagging questions that resulted in such heartbreak. The classic “Lumayo Ka Man Sa Akin”, a Rodel Naval original, was given a little “Spanish guitar” arrangement by Jun Tamayo who co-produced the album along with veteran record executive Reck Cardinales.
Also in the album are “Someone To Love Me Forever” written and originally recorded by soul and R&B artist Chris Walker, “Ikaw Pala” and “Mukha Ng Pilipina”, written by Robster Evangelista. 
The album, is like rollercoaster ride, crafted for everyone who has deeply loved and has been loved in return, losing and finding the same again. With Emil’s swabe vocals complementing the songs’ smooth instrumentals, kilig will surely be spread from one ear to another.
The album is executive produced by Maria Leonora G. Roxas and will be digitally released on Spotify, iTunes, Apple Music, Amazon, and Deezeer.

PLAYHOUSE NINA ANGELICA AT ZANJOE....INAABANGAN NA!

Ratsada ngayon sa taping ang inaabangang latest teleserye nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo ang PlayHouse under GMO Unit ng Kapamilya Network. Marami ang na-excite sa bagong tambalang ito ng dalawa at aminin nating maraming fans and followers ng dalawa ang sa ngayon palang ay abangers na! Ayon pa sa isang insider na aming nakausap, this is something new sa panlasa ng televiewers. Ibang klaseng tambalang Angelica at Zanjoe na susubaybayan mo talaga. Ayon naman sa isang fan ng dalawa, excited na rin daw siyang mapanood ang dalawang idol niya sa telebisyon kaya naman susuportahan niya ang teleserye. In-fairness, may chemistry daw talaga ang dalawa at parehong magagaling na aktor! Wala pa kaming nakukuhang kumpirmasyon about the airing date ng nasabing serye ng kapamilya. Kasama rin ang aming alagang si Kyle Velino ng Star Magic sa seryeng ito with Donny Pangilinan!

M BUTTERFLY.....NGAYONG SEPTEMBER NA!

Hindi niya kailanman ikinailang sabihing mahal na mahal niya ang entablado. Ayon kay RS Francisco, karugtong na ng kanyang buhay ang pag-arte hindi lang sa pelikula at telebisyon kundi lalo na sa teatro! Nung huli kong makausap ang kaibigang RS Francisco, pa-simpleng naikuwento nito sa akin ang kanyang excitement sa repeat ng kanyang M Butterfly stage play na magaganap na ngayong buwan ng Setyembre. This stage play means a lot sa kanya dahil after doing the said play ay umariba na kahit papano ang kanyang karera sa showbiz industry. Napaka-simpleng tao ni RS. Full of joy lang siya as always dahil ganyan naman talaga ang pagkakakilala ko sa kanya noon pa. Kahit sabihin nating humahataw ang kanilang business ni Sam Versoza na FrontrowPH ay nanatiling mapagkumbaba si RS at kayang-kaya mo pa rin siyang abutin! Kaya naman sa bngayon palang ay pinag-uusapan na ang kanyang nalalapit na M Butterfly at ang good news nito, ngayong araw na ito, June 16 ay mabibili na ang tickets ng M Butterfly sa TicketWorld! Yes! Beginning today po, available napo ang ticket for the grandest theater event in Manila this year ang David Hwang's M Butterfly Manila starring our very own Direk RS Francisco! For more details just visit www.ticketworld.com.ph or call 891-9999. See you at the Maybank Performing Arts Theater this September! You can follow @mbutterflymnl for more updates! See you ka-butterflies!

KYLE VELINO....SLOWLY BUT SURELY!

We saw him first appeared sa teleseryeng The Good Son ng Dreamscape na pinagbibidahan nina Joshua Garcia, Jerome Ponce at Nash Aguas kung saan ginampanan ni Kyle Velino ang role ng isang kaibigan ni Jerome Ponce sa naturang serye that ended months ago. First impression namin sa kanya, mukhang suplado. Pero nung ipinakilala siya sa akin personally ng kaibigang Avel Bacudio, he's not suplado kundi napakabait bilang newcomer sa showbiz industry. Unang napansin ko kay Kyle Velino physically ay ang kanyang boses. Lalaking-lalake na dinagdagan pa ng kanyang napaka-perfect na hugis ng ilong, ang kanyang nangungusap na mga mata at ang kanyang mapupulang labi! 
" Actually po, yan po palagi nilang napapansin sa akin, ang mata at labi ko. Asset ko napo yan Tito Doms! " unang sambit pa sa akin ng 18 years old na binata. When it comes to height, well, hindi rin pahuhuli si Kyle. Mukhang blessed physically ang baguhang aktor dahil wala ka talagang maipipintas sa kanya. Pero paano nga ba nagbukas ang mundo ng showbiz sa kanya?
" I was studying then. Bale last year po. Bale 2nd year college napo ako taking-up Export Management. Since wala naman akong ginagawa that time, kasi marami napo talaga sa mga kaibigan ko ang nagsabi sa akin na subukan kong pasukin ang showbiz. First, medyo nag-isip po ako. Hanggang sa mag-workshop napo ako sa Star Magic because of Tito Avel Bacudio. Pero before that po, nag-audition na rin po ako that time for PBB, ang sabi stand-by ako para ako ang ipapalit kung sakali na merong mag-back-out! Hindi napo ako nakapasok doon kasi wala namang nag-back-out. Hanggang sa yun nga po, pumirma na ako sa Star Magic after several meetings. Ang suwerte ko nga po eh dahil hindi naman po lahat ay nabibigyan ng ganitong chance. Hanggang sa nagkaroon napo akong first tvc! Yun yung kasama kopo sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo for ABS-CBN Mobile! Ang happy ko po that time! Na-starstruck ako sa KathNiel!" masayang kuwento pa ni Kyle sa akin. 
Papano nga ba siya napasok that time sa The Good Son kung saan napansin kahit papano ang kanyang ability sa pag-arte?
" Actually po, nag-audition po ako! Napili po ako bilang bestfriend ni Kuya Jerome Ponce sa TGS. While doing TGS po, pumasok rin po yung isang project ko na Ipaglaban Mo! Tapos right now ay taping napo ako with Donny Pangilinan for PlayHouse series under GMO Unit po! " bulalas pa nitong kuwento sa akin. 
Hindi nakapagtataka kung sa ngayon palang ay sunod-sunod nang proyekto ni Kyle Velino. Nasa puso na nito ang showbiz the fact na sa ngayon palang ay nagi-enjoy na siya at niyayakap na nito ang industriya ng pelikula at telebisyon!
Pero balita namin ay showbiz crush pala ng binata si Kisses Delavin? How true?
" Hahahaha! Crush lang naman Tito Doms. I mean, i admire her. She's not just so pretty, she's intelligent and mabait siya! Normal lang naman na mapapansin mo talaga siya. Hanggang doon lang naman. Crush lang! " agad naman nitong depensa sa akin. 
Sabi nga nila sa showbiz, willing ba siyang hintayin ang kanyang moment to shine?
" Yes po! Slowly but nasa direction. Am willing to wait naman po. Kaya po siguro ako ganito ka-pursige now dahil gusto ko po talagang may marating po ako. I'll try my best. Hoping for the best po! " aniya pa sa aking panayam.
Sa aking pakikipag-usap kay Kyle Velino, bigla lang akong nalungkot with what i have heard about his family lalong-lalo na ang kanyang pinagdaanan sa buhay since 3 months old palang siya. Pang-MMK ang naging buhay ni Kyle at maiiyak ka! Ayaw ko lang muna ikuwento because it was not a fair game for Kyle. Mabuti nalang, napakabait ng Diyos sa kanya! That's why, ibinigay sa kanya ang mabubuting tao kaya lumaki siyang mabait, makatao, makapamilya at maka-Diyos!
Bilang baguhang aktor sa kanyang henerasyon, samahan lang ng dasal, tiyaga at pagmamahal ang mundong ginagalawan niya ngayon, sigurado akong sisikat ang bagets na ito! Goodluck Kyle!

BRIAN GAZMEN...SINGER-ACTOR-ENDORSER!

Mula sa mga angkan ng Gazmen sa Iriga City, Albay ay kasalukuyan namang umaariba sa mundo ng showbusiness itong male singer-actor-endorser na si Brian Gazmen. 
" Gusto ko po talaga ang ginagawa ko ngayon. Nasa politics po talaga ang family namin, pero mas pinili ko pong pasukin ang showbiz. Masaya po ako eh! " sez Brian Gazmen nang makausap namin ito sa katatapos lang na contract signing niya bilang bagong endorser ng Gamboa Sports Body Spray. Masayang ibinalita nito sa amin na suportado naman siya ng kanyang pamilya at lagi naman daw itong nakatutok sa kanya. Sa kanyang inilabas na single na " Ayoko Nang Makarinig Ng Lovesong " under Star Music ay natutuwa diumano ang binata sa magandang response ng madlang pipol sa kanyang song. Kaliwa't kanan din ang kanyang guestings sa Star Music events kaya naman nakatutok siya sa kanyang commitments.
" Masaya po akong ginagawa ang mga ito. Like nitong last week lang, kasama rin ako sa isang concert sa Sta. Rosa, Laguna. May mga out of town shows din po, masaya lang! " aniya.
Balita namin ay pinasok niya na rin ang pag-arte sa harap ng kamera?
" Opo. Kasama po ako sa pelikulang Wander Bra ni Ms. Kakai Bautista. Kaibigan po ako ni Zeus Collins sa movie. Isa akong makulit lang din na kaibigan. Wala po akong magawa eh. Gusto ko rin po talagang umarte. Hopefully po, tuloy-tuloy lang ang blessings! Hindi ko pa po alam kung kelan po ang showing! Pero ang alam kopo ay kasama po yata siya sa Pista ng Pelikulang Pilipino!" aniyang muli sa amin.
Sabi namin sa kanya, ang suwerte niya dahil napakarami ang pupuwedeng maging endorser ng Gamboa Sports Body Spray at siya ang pinili ng owner nitong si Louie Gamboa ng LG Group of Companies. 
" Actually ngayon kolang din po siya na-meet in person! Ngayon lang po talaga kami nagkita. Sobrang masaya po ako. Masaya po ako na finally ay magiging part na po ako ng Gamboa! " aniya.
Ayon pa kay Sir Louie Gamboa, perfect ang imahe ni Brian bilang bagong endorser ng GS Body Spray. Maganda diumano ang imahe ni Brian bilang isang singer at actor. Lalo pa diumanong ikinatuwa ni Sir Louie Gamboa nang malaman niyang naglalaro talaga ng basketball itong si Brian Gazmen! Hopefully by July ay ilulunsad na sa entertainment media si Brian kasabay ng bagong packaging ng GS Body Spray! Ang sikat na film director/ music composer na si Direk Joven Tan ang tumatayong manager ni Brian Gazmen kaya alam naming nasa mabuting kamay ang singer at may mapupuntahan!

JEROME PONCE...PAKAHUSAY NA AKTOR!

Mula sa kauna-unahang teleserye niyang Be Careful With My Heart, waiting game is over! Finally ay making waves na itong si Jerome Ponce after years of waiting sa showbiz industry. Masasabi nating patience is a virtue talaga dahil currently ay beautiful projects ang ginagawa ng mahusay na aktor mula sa telebisyon at pelikula. Yes. Nag-marka sa tao ang pagiging magaling niyang aktor sa katatapos lang nitong teleseryeng The Good Son kung saan bumilib ang lahat sa kanyang ipinamalas na galing sa pag-arte. That even Jerome during our interview sa kanya ay walang ibang masabi kundi ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng taong nagbigay ng tiwala sa kanyang kakayahan bilang isang aktor. Kahit ako, personally ay saludo sa aktor na ito. Hindi namin alam kung papano siya humuhugot every single scene niya sa naturang serye na talagang hindi nagpapa-kabog sa kanyang co-actors! Kaya naman sa ngayon palang ay may mga naka-line-up nang future projects para kay Jerome dahil pinatunayan niya naman talagang mahal niya ang kanyang trabaho bilang isang aktor kaya niya raw ginagalingan ang bawat proyektong kanyang kinabibilangan. Tama siya. Mas maganda kung postive feedback ang kanyang aanihin after doing a project dahil ayon kay Jerom, satisfaction yun at magandang regalo sa kanyang sarili bilang isang baguhang aktor sa industry! Currrently, Jerome Ponce's promoting Walwal movie under Star Cinema and Regal Films. Intoy ang kanyang pangalan sa pelikula. Good natured atleta who's looking for his real father na ayon kay Jerome, something new ang role the fact na mellennial ang pagkaka-touched nung movie. Ang Walwal ang unang pelikula ni Jerome sa ilalim ng Regal Films matapos itong magbida sa horror flick na Haunted Mansion! Well, maybe after promoting this movie ay uumpisahan na rin ni Jerome Ponce ang kanyang taping para sa isang teleserye sa Kapamilya Network! Masipag kasi si Jerome tulad ng kanyang manager na si Avel Bacudio! More projects for this guy! He's a good son naman talaga!

FAMILIA BLANDINA....PASOK ANG KATHNIEL!

Napapanahon ang pelikulang Familia BlondIna ni Direk Jerry Lopez Sineneng. Ito ay kuwento ng isang pamilya. Isang ina at mga anak. Kuwento ng isang magulang kung paano niya igagapang ang kanyang pamilya lalo na ang kanyang mga anak mabigyan lamang ito ng magandang buhay at maging komportable. Maaring isang karanasan ng isang magulang na ayaw niyang maranasan ng kanyang mga anak. Sa pelikulang ito ay ipaparamdam sa atin ni Karla Estrada ang tunay at wagas na pag-ibig sa pamilya! 
" Ang hirap eh. Dimo alam ang gagawin mo kasi nga itong limang anak ko sa movie ay laking Amerika tapos dadalhin mo sa isang baryo para tumira. So, sanay sila sa buhay na yung technology ay high-tech na tapos biglang sa baryo sila. Naku. Nakakatawa ang pelikula naming ito. Pero kukurutin ang puso mo." Sez Queen Mother Karla.
According to Direk Jerry Sineneng who is directing the said movie ay naging ultimate choice si Karla for the role. 
" Ewan ko. Basta nung nag-sitdown kami for the script, while doing it, we presented it to our producer Doctor Dennis Aguirre of Artic Sky Productions, siya kaagad ang nakita namin for the role. Hanggang sa nakipag-meeting kami with Karla, umokey siya, then nagkaroon kaming storycon, then this is it! Almost 50 percent na going to 70% nang nakukunan namin sa movie and happy set lang kami. Dun lang sa sked ni Karla ang laging inaayos namin kasi alam naman nating may weekday show siya and other commitments, so, happy naman kaming lahat. " paglalahad pa ni Direk Jerry.
Bago pa gawin ni Karla ang Familia BlandIna ay pumirma na pala siya ng 2 movies under Star Cinema.
" Yes! Buti nga pinayagan ako for this film. So, taping akong Magandang Buhay, tapos Funny Ka Pare Ko, tapos sabay-sabay na lahat yan! Tamang schedule lang. Maayos naman lahat. Happy set lang kami. Walang pressure at relax lang. " aniya.
Totoo bang may special appearance ang KathNiel sa pelikulang ito?
" Meron! Naku! Ang saya! Kasi, since super work ako bilang Nanay dito para sa mga anak ko, kung anu-anong work ang pinasok ko like sa isang mall. Diko alam kung anong tawag dun, yung estatwa ka, nakatayo lang, tapos dumaan itong dalawa, sina Kath and DJ, tapos pinag-uusapan nila ang kanilanh kasal! So ako, napatulo nalang ang luha ko! Ganoon! Masaya! " pagkumpirma pa ni Queen Mother! Maybe this month of June ay ipapalabas na ang pelikulang Familia Blandina!
" Sana bago magbukas ang klase. Maganda yung playdate na yun, diba? Sana mahabol! " aniyang pagtatapos pa sa aming panayam!