SERBISYO PUBLIKO NASA PUSO NI YUL SERVO

Isang masipag at tapat sa  lingkod bayan ng 3rd district ng Manila
Mula sa simpleng ambisyon na maging pulis at makapaglingkod sa bayan, naging premyado at award-winning actor si Yul Servo, tatlong beses humataw bilang mahusay at masipag na konsehal, at ngayon ay ipinagpatuloy niya ito bilang isang hardworking na Congressman ng 3rd district ng Manila.
Bumida si Yul sa pelikulanbg Batang Westside ni Direk Lav Diaz noong 2001 at mula rito ay nakarami na siya ng acting awards na hinakot. Ang ilan dito ay Naglalayag, Laman, Torotot, at Brutus. Kabilang sa natamo niyang acting awards ay dalawang Best Actor sa Brussels International Independent Film Festival.
Sa katatapos lang na birthday-thanksgiving ni Yul recently, nalaman namin na bukod sa madalas na pag-iikot sa kanyang distrito ay marami siyang ginagawang projects para sa kanyang constituents tulad ng free medical and dental services, nagpagawa rin siya ng mga day care centers, Operation Tuli, at marami pang ibang proyekto na nakikinabang nang husto ang kanyang constituents.
Kabilang din dito ang pagpapatayo niya ng bagong police precinct dahil dati raw ay nasa looban ito. “Five floors ito at nasa tapat lang ng SM San Lazaro. Nakapagpagawa rin ako ng hospital with six floors, 2l4 new classrooms, five state of the art basketball courts sa schools at 13 courts sa deadend streets. Bale ang susunod na project ko is a new barangay hall sa may San Sebastian church.
“Mayroon din akong 800 scholars sa college, plus 5,000 elementary at high school students. My program is Serbisyong Walang Katulad at Naglilingkod Anumang Panahon. I’m here not just to represent sila sa Kongreso kundi para rin tulungan sila, ipagtanggol at ipaglaban sila sa kanilang mga karapatan bilang mamamayan ng bansa,” kuwento pa ni Yul.
Kitang-kita rin ang pagiging sincere ni Yul na naikuwento pa na sa loob ng isang buwan, humigit-kumulang sa 800 burol ng patay ang napupuntahan niya-na panahon man ng election o kampanya ay lagi niyang ginagawa talaga para makiramay sa kanyang constituents.
“Ginagawa ko po ito mula pa noong konsehal ako, and kapag pupunta ako sa patay-may mga nagpapa-picture at nahihiya po ako. Pero naisip ko na sa pamamagitan ng pagpapa-picture nila, nababawasan kahit paano ang kanilang pighati,” aniya.
Idinagdag pa ni Yul na noong una ay P1000 ang madalas na ibinibigay niyang abuloy, ngunit dahil nga sa rami ng lamayan na pinupuntahan niya halos araw-araw, wala siyang choice kundi gawin na lang itong P200. Mas mahalaga nga naman kasi ang pakikiramay at presensiya niya sa kanyang mga kababayan sa panahon na kailangan nila ng karamay.
Sa darating na eleksiyon ay tatakbo ulit si Yul para sa kanyang second term. Kasama siya sa partidong Asensadong ManileƱo na ang mayor at vice mayor ay sina Isko Moreno at Honey Lacuna. Ang nakababatang kapatid niyang si Apple Nieto, na chief of staff ni Yul for 12 years ay sasabak na rin bilang Konsehal ng 3rd district ng Maynila. Kasama sa line up ng Konsehal nila sina Terrence Alibarbar, Joel Chua, Pamela “Fa” Fugoso, Jong Isip, at Letlet Zarcal.
Sa ngayon ay priority ni Congressman Yul ang kanyang pagiging public servant, ngunit kapag may time ay naisisingit pa rin ang pagiging alagad niya ng sining.
 “Kasi, passion ko po talaga ang acting kaya basta may time at maganda ang role, I will consider it,” sambait pa ni Yuk na last Sunday ay muling nagpakita ng husay  sa Ipaglaban Mo na lumabas bilang kontrabida.
Napapanood din siya sa Tokhang sa Cignal cable at isa sa tampok sa award-winning movie na Kiko Boksingero na naging entry sa Cinemalaya.
Ang kanyang mantor-manager na si Direk Maryo J. delos Reyes ang pinagkaka-utangan niya ng loob sa mga nangyayari sa kanya sa showbiz at politika. Kaya naman ayon kay Yul, hindi kinalilimutan ang mga pangaral sa kanya ng namayapang premyadong director na huwag mangurakot at alagaan ang kanyang pangalan. “Kaya po talagang kahit singkong duling, hindi ko kinukurakot, kung ano ang para sa constituents ko ay ibinibigay ko sa kanila,” wika pa ni Yul Servo.

JUAN KARLOS LABAJO PATULOY ANG PAGKINANG!

Totoo ang mga binitiwang litanya ni Juan Karlos Labajo sa kanyang instagram account. Walang hinanakit ang sikat ngayong singer sa kanyang post kundi pagpapaka-totoo lang sa mundong ito. Actually, totoo, marami o napakarami ang nagmamalinis sa mundong ito. May punto rin siya sa sinabi nitong hindi porket nagmumura ay masama na ang pag-uugali. Actually, sino nga naman tayo para husgahan siya sa kanyang naging asal? May punto rin siya sa binigkas nitong may mga tao talagang bastos at walang modo at papansin and being human ay ibinalik lang ni JK ang ibinato sa kanya ng mga bastos at walang modo. Hindi ko po kino-konsente ang ginawang pagdi-dirty finger at pagmumura ni JK. Unang-una ay nasa wastong edad naman na siya at alam niya naman ang kanyang ginagawa. Wait. Bakit ba kapag artist na ang nag-dirty finger at nagmura ay big deal na kaagad ito sa ating lipunan? Kung sasagutin ninyo ako ng kesyo public property siya at dapat maging ehemplo ng kagandahang asal, no way for me dahil tao ang din siyang nasaktan nang harapang garapalang bastusin ng mga totoong bastos, walang modo sa lipunan! Kahit ako, kung ako ang nasa entablado at pinakitaan ako ng ganoong treatment ng ilang bastos at walang modo, tao lang ako, baka mas malala pa doon ang ginawa ko. Tao siya. Hindi po natin pagma-may-ari ang damdamin niya. Huwag niyo rin sabihing kinakampihan ko si JK. Naintindihan ko siya at may punto siya! Kung masyadong liberated ang binata, kung masyadong naging mabilis ang pakiramdam niya, THAT'S JK! Ang maipapayo ko lang siguro sa kanya, learn from this incident but keep up the best thing that you already have! Hayaan mong manatiling nasa ilalim ng buwan ang mga detractors mo! Be good always Nak! 

GELLI DE BELEN BILANG KABIT SA PANSAMANTAGAL

Paano nga ba ang buhay ng isang kabit? Paano nga ba nabubuhay ang isang kabit? Masaya ba siya o hindi? May hinahanap ba siyang kulang o sadyang kuntento na siya sa kung anumang buhay meron siya? May ordinaryong kabit at may espesyal na kabit. Paano kung kabit ka naman ng isang politician? Yan ang ginagampanang papel ni Gelli De Belen sa latest script ni Direk Joven Tan na " Pansamantagal " with Bayani Agbayani and DJ Cha Cha. Produced ito ng Horse Shoe Studios at ire-release naman ng Reality Entertainment. 
" I Love it! Ibang klase ang character ko sa movie na ito. Nung matanggap ko ang script, honestly, sabi ko, wow, why not! Nagustuhan ko na kaagad ang story at agad-agad ay oo ang sinagot namin kay Direk Joven. " sez Gelli De Belen sa aming tsikahan sa kanya.
Ibang klase nga ang script na ito. Maaring yung iba ay magtaasan ang kilay dahil medyo naked ang linyahan sa pelikula. Papano siya napapayag to do the role?
" Hindi naman na ako pa-tweetums! I mean, it's about time and i like the story. Hindi ka lang doon sa mga ganoong lines like nung lumabas sa teaser namin na almost 6 million views na, it's the story itself. Maganda ang movie! Promise! " aniyang muli.
" Malalaki naman na mga anak ko. Jusko! Pero kung maliliit pa siguro sila, naku, di puwede! Alam ng asawa ko nung tanggapin ko ang script and may kuwento kasi siya. Basta! Beautiful ang film! " aniyang paglalahad pa sa amin.
In fairness, may chemistry sila ni Bayani Agbayani. Parehong nasa mundo rin ng comedy. Kaya naman wala silang naging problema sa batuhan ng lines sa movie.
" Firtst time naming magkatrabaho. Pero kilala ko na siya! Naku! Wala kaming ginawa sa set kundi ang tawanan ng tawanan lang. Kalog naman kasi lahat eh! " aniyang pagtatapos pa sa aming panayam.
Showing napo ngayong March 20 ang PANSAMANTAGAL.

JODI STA. MARIA...BALIK HORROR SA PELIKULANG ' SECOND COMING '

JODI STA. MARIA BALIK HORROR SA SECOND COMING
Ang multo ng nasirang asawa ng pinakasalan mo, babalik para tapusin ang buhay niyo.
Matapos ang 5 taon, balik horror ang multi-awarded actress na si @jodistamaria sa pelikulang SECOND COMING ng Reality Entertainment sa direksiyon ni Jet Leyco. Matagal-tagal ding namahinga si Jodi sa pagsigaw sa pelikula dahil halos romantic comedy at drama ang kaniyang mga naging proyekto nitong mga nakalipas na taon. Gaganap si Jodi na pangalawang asawa ng biyudong si Marvin Agustin. Sa pagpasok nila sa kanilang bahay bilang bagong mag-asawa, hindi sila patatahimikin ng multo ng namatay na asawa ni Marvin na ginagampanan ni Queenie Rehman dahil mayroon itong gustong balikan at sikretong gustong ibunyag. Magiging instrumento nito ang sariling snak na gaganapan ni Angelica Ulip sa kaniyang pagbabalik. Samantalang ang premyadong aktor na si John Arcilla ay gaganap na isang pari na tutulong puksain ang kasamaang bumabalot sa bahay nila. Showing napo ngayong February 27 ang SECOND COMING in cinemas nationwide!

DJ CHA CHA....BIBIDA NA SA PANSAMANTAGAL MOVIE

Masarap kausap ang MOR DJ na si Cha Cha! Sa isang pocket interview namin sa kanya kamakailan lang ay naging maboka ang sikat na DJ sa pagsasabing hindi naman talaga ang pagiging Disc Jockey ang pangarap niya. Gusto niya raw talagang maging flight attendant noon. Kaso lang, na-realized niya diumanong hindi naman daw siya katangkaran kaya hindi niya na raw ipinagpilitan pa ang mga bagay-bagay na hindi talaga puwede. Hanggang sa nagdesisyon diumano siyang mag-Mass Communication nalang at pagkatapos niyang magtapos ay kinuha pala kaagad siya ng Kapamilya Network.
" Sobrang blessed ko lang siguro. Right aftetr ng graduation ko ng April the next month ay nagtrabaho na kaagad ako. " aniyang tsika pa sa amin. 
Aniya, kung anumang meron daw siya ngayon sa kanyang career ay masaya na siya. Ang daming oportunidad diumano ang nagbukas para sa kanya simulang maging DJ siya.
Pero nung nag-uumpisa palang daw siya, nagkaroon din pala sila ng isyu noon ng kanyang sinasaludohang DJ ng Love Radio na si Nicole Hayala.
" Oo! Pero nung magkita kami, nagpaliwanag ako and everything, naayos naman. At saka aminin natin, si Nicole Hayala, Nicole Hayala na yan, wala pa ako sa industriyang ito. Sila nila Papa Jack at Kristsuper! Sila na yung nandoon noonpa. Nag-aaral palang ako, sumasakay akong jeep, sila yung naririnig ko na kaya ang taas ng respeto ko sa kanila. Ngayton, magkakaibigan na kami. Ganoon lang naman. " aniyang pahayag pa sa amin.
Pero nakita niya ba ang sarili niyang mapapanood na rin siya ngayon sa silver screen via " Pansamantagal " movie ni Direk Joven Tan under Horse Shoe Studios kung saan niya nakatrabaho sina Bayani Agbayani at Gelli De Belen?
" Ay naku! Hindi! Actually, sobrang nagpapasalamat ako kay Direk Joven sa pagbibigay niya sa akin ng ganitong opportunity. Sa Horse Shoe Studios, sa lahat na nagtiwala sa aking kakayahan, masaya ako. Gusto ko ang ginagawa ko at ang makatrabaho itong dalawang ito na kilala naman nating parehong magagaling na aktor natin sa showbiz, sobrang happy na ako. Napaka-professional nila at hindi sila yung tipo ng artistang mayayabang, yung feeling, iba pala, kung sino pa yung mga artistang ang tagal na sa industry na ito, sila pa yung mababait. Kasi alam niyo naman ako, sa paghohosting ko sa mga shows and everything, naku, marami napo tayong na-encounter na alam niyo na. Kaya nabigla ako sa pagiging mabuti nila. Ibang klase. " aniyang pagkukuwento pa sa amin.
Ipapalabas napo ngayong March 20 in cinemas nationwide ang pelikulang Pansamantagal na idi-distribute naman ng Reality Entertainment. Isang mahaderang waitress sa isang resort naman ang role ni Cha Cha sa pelikula. 

CLIQUE V AT BELLADONNAS..MAGSASALPUKAN SA THIS IS ME CONCERT

Salpukan ng Clique V at Belladonnas aabangan sa concert
Pagkatapos ng halos 3 buwang rehearsals, handang-handa na ang Clique V at Belladonnas para sa isang all-out concert na magaganap sa Feb. 23 (Saturday), sa SM North EDSA Skydome, 7 p.m.

Clique V and the Belladonnas are two of the leading teen groups in the country today. Pareho silang nag-i-excel sa pagkanta at pagsayaw, but very soon, sasabak na rin sila sa pag-arte sa pelikula at telebisyon.

Both groups started their rehearsals since November of last year, with the hope of course that the audience will all enjoy their first major concert for the year, titled “This is Me.” 

“This is Me” the concert is being directed by Robin Obispo, and is choreographed by Mia Pangyarihan and Aira Bermudez who were both members of the popular Sex Bomb, with Mich Garong and Donald Balbuena adding some more dance steps. 

Inaabangan din sa concert ang mga pasabog na production numbers ng Belladonnas at Clique V. Ayon sa all-female group, “a sexier and bolder” live performance ang kanilang ibibigay something that the audience will remember.

Ayon naman sa Clique V members, ile-level-up nila ang kanilang performance sa This is Me. One of the members is also expected to perform a “sizzling hot number.” 

Special guests sa This is Me concert are Kapuso star Kyline Alcantara, Star Music and MOR dj Anna Ramsey and Hashtag members CK and Zeus Collins. 

“This is Me” is produced by 3:16 Events and Talent Management. Tickets are available at SM Tickets.

MARCO, KRYSTAL AND BELA CELEBRATE VALENTINE'S WITH ROMANTIC DRAMA " APPLE OF MY EYE " ON IWANT

TWO OPPOSITE WORLDS will collide and burst bright sparks of love and romance this Valentine's Day as ABS-CBN's streaming service iWant releases the original romantic flick " Apple Of My Eye " created, co-written and co-produced by Bela Padilla and is set to strean this Thursday February 14 on iWant. It's Belas's first digital project and second script after the Star Cinema film " Last Night " features the new loveteam of young stars Marco Gumabao and Krystal Reyes. The story goes with Fate that will bring them together when they both get involved in an accident which will put them off to a rough start. However, their animosity will slowly turn into affection as they start to appreciate each other's differences and make adjustments for their relationship. This iWant Original Movie is directed by James Robin Mayo and produced by Bela and Dreamscape Digital. From creating memorable teleseryes on television, ABS-CBN's production unit Dreamscape Entertainment has expanded its portfolio of original content to include digital films and series via Dreamscape Digital which produced the trending movie " Glorious " and NashLene's reunion project " The Gift ".

PROJECT FEB 14 NINA JANE OINEZA, MACOY DE LEON AT JC SANTOS, NGAYONG FEBRUARY 16 NA SA IWANT!

IWant explores dark, twisted side of love in this original series PF14. While Filipinos keep coming back to classic feel-good movies in time for love month, ABS-CBN's streaming service IWant pushes the boundaries of romance and entertainment by offering a twisted love story about a deranged teen couple in the original series titled PF14. Streaming this Feb 16 for free on IWant, PF14 follows the love story of two teenagers, the delinquent and wealthy Brix ( Macoy De Leon ) and attention-thirsty Annie ( Jane Oineza ). The six-episodes series is produced by Dreamscape Digital and Kamaru Productions and is written and directed by Jason Paul Laxamana who previously helmed the movies 2 Cool 2 Be Forgotten, To Love Some Buddy and 100 Tula Para Kay Stella. From creating memorable teleseryes on television, ABS-CBN's production unit Dreamscape Entertainment has expanded it's portfolio of original content to include digital films and series via Dreamscape Digital, which produced the trending movie Glorious and NashLene's reunion project The Gift.

KATHNIEL MOVIE NA THOU...BIBIGYANG PARANGAL NG FDCP!

Ngayong linggo ng gabi February 10, 2019 ay magaganap ang kauna-unahang Film Ambassador's Night sa Samsung Hall ng SM Aura, Taguig sa pangunguna ng Film Development Council of the Philippines. Isa nga ang pelikulang The Hows Of Us ng KathNiel ang bibigyang parangal. This is in honor of the Filipino films and filmmakers who brought the spotlight to Philippines by gaining acclaim from various international film festivals in 2018 and the first official celebration of Sandaan or 100 Years of Philippine Cinema. The Camera Obscura Artistic Excellence Award is the highest honor given by the FDCP to Films, Filmmakers and Artists whose outstanding achievements and breakthroughs have positively inspired the Philippine Film Industry to aspire to greater heights! Star Cinema's romantic drama film the Hows Of Us starring Kathryn Bernardo and Daniel Padilla will recieve the Camera Obscura for making history in Philippine Cinema by breaking the 915 Million Global Box Office Record, making it the highest grossing filipino film to date!

HUGOT KING KIEL ALO MAY PRE-VALENTINE SHOW SA MUSIC BOX


A PRE-VALENTINE DATE WITH "HUGOT KING" KIEL ALO AT THE MUSIC BOX!!!

Handsome crooner Kiel Alo, known as "Hugot King" to many, promises to swoon the ladies and gentlemen of Music Box (Timog corner Quezon Ave., Q.C.) on February 12 at 9PM with his beautiful music under the musical direction of Mr. Butch Miraflor. He has prepared some love songs from different ages - the likes of First of May by the Bee Gees, Basil Valdez's classic medley down to JK Labajo's major hit Buwan.

"As much as possible, I'd like to cater to all types of audiences - the young and the young at heart. Iyan lang ang kaya kong iregalo sa mga taong naniniwala sa akin - ang aking munting talento sa pag-awit. I am very grateful to Tito Butch Miraflor most especially because he fully knows what's best for me and the show. Galing niya sa choice of songs na kakantahin namin. Ayaw niyang i-compromise ang musicality namin. Kaya tayo muna ang mag-date sa February 12 - di ko naman inaagaw ang February 14 ninyo eh - pre-Valentine lang ang nanakawin ko sa oras ninyo. Ha! Ha! Ha! 

"Kidding aside, I just feel so blessed dahil nandiyan kayo na walang-sawang sumusuporta sa akin - sa aming mga entertainers. Kaya just sit back and relax and kami na ang bahalang magpainit ng gabi ninyo. See you all at the very cozy Music Box," Kiel says.

Kiel Alo's guests in his "PSST...I LOVE YOU" concert include "The Voice of Asia" Dessa, "Pambansang Cutie" Macoy Mendoza, "Senorito Suave" Mike Austria and the "Torch Queen" Ms. Malu Barry kaya alam niyo na kung anong mga pasabog ang aasahan ninyo sa show na 'to.     

This is produced by Jobert Sucaldito for his Front Desk Entertainment Production. Presenters are Ex-Gov. Luis "Chavit Singson, Isabela Gov. Bojie Dy, Ms. Divine Austria and Aficionado Germany Perfume. Major sponsors include Guiguinto, Bulacan Mayor & Mrs. Boy and Precy Cruz, Mr. Art Atayde, Mr. Atong Ang, Sen. Bong Revilla, Jr., Mr. Boy Abunda, Mr. Manny Garcia, Ms. Daisy Romualdez, Mr. Arnold Vegafria, Dra. Anj Manila, Mr. Ernest Tolentino and Malolos, Bulacan Mayor Christian Natividad. 

See you all at the Music Box on February 12 at 9PM for this much-awaited "PSST...I LOVE YOU" concert. Tickets are available at the gate.