BIDANG AKTOR NG PELIKULANG KONTRADIKSYON, NAGSALITA PATUNGKOL SA DRUG ADDICTION SA ATING BANSA!

Very refreshing ang tema ng pelikulang KontrAdisyon ni Niel De Mesa. Isang pelikulang tatalakay sa isang lipunang talamak sa droga. Isang napapanahong pelikula ayon pa sa direktor nito na sinang-ayunan din ng apat na bidang aktor nito tulad na lamang ni Katrina Halili. Naging maboka si Katrina na sa isyu ng droga sa lipunan ay dapat lamang itong sugpuin at bigyang pansin at hindi ipagsawalang bahala. Ayon sa sikat na Kapuso Actress, matigas man at sensitibo ang usapin ng bayan patungkol sa drugs, nanindigan itong nakasuporta pa rin siya sa pamamahala ng ating Pangulong Rodrigo Duterte. Ayon naman kay Jake Cuenca na aminadong hindi botante, bilang mamamayang Pilipino, dapat lamang daw na sundin natin ang batas ng ating bansa at sundin ang isinusulong ng Presidente. Ayon naman kay Ritz Azul, malala na talaga ang ating bansa pagdating sa droga pero deretsahang sinabi nitong kailangan itong sugpuin dahil kawawa naman daw ang mga inosenteng mamamayang nagiging biktima nito. Sa kanilang apat ay bukod-tanging si Kris Bernal lamang ang walang kiyemeng nagsabing nasa gitna lamang siya ng sitwasyon at hindi kailangang mamili kung kanino papanid dahil naintindihan daw nito ang mga biktima ng drogang kumakapit sa patalim para lang mabuhay sa isang lipunan. Aniya, balanse lang dapat ang tema sa pagsugpo ng droga sa isang lipunang salat sa kahirapan. In fairness, maganda talaga ang tema ng pelikulang ito ng Bell Films. Kino-konsiderang isa sa pinaka-malaking pelikula ngayong taon ang KontrAdiksyon kung saan naglalakihang aktor natin sa showbiz industry, in fairness, ang mga bida rito. Aside from the four lead actors ng movie, magpapakitang gilas din sa pelikula sina Arnold Reyes, Paolo Paraiso, Elizabeth Oropeza at Odette Khan. Para lang may ideya tayo sa tatakbuhing kuwento ng pelikula, si Jake Cuenca bilang si Alexis Borlaza sa pelikula ay isang staunch huuman rights activist who ends up becoming an undercover drug enforcement agent--but is actually a vigilante killer by night. Trying to figure out a murder while eradicating the drug problem on his own, he then enlists the help of Jessica Puyat played by Kris Bernal na isa namang call center agent at single Mom na isang drug pusher. Together they form a bond that is both poignant and shocking--pushing the theme of contradictions further. Hindi naman kaya may pinapaburan ang pelikulang ito? Sa tao ba o sa gobyerno? Naku! Sasagutin yan ng pelikulang ito kaya sabay-sabay nating panoorin sa June 26 na in cinemas nationwide handog sa atin ng Bell Films! 

SETH FEDELIN, EXCLUSIVE KAPAMILYA STAR NA!

Isang exclusive contract sa ABS-CBN Kapamilya Network ang kamakailan lang ay pinirmahan ng dating PBB Teen Otso Housemate na si Seth Fedelin kasama ang kanyang manager na si Mario Colmenares ng Primetime Events And Talent Management. Kasama sa naganap na exclusive contract signing ay sina Dreamscape Head Deo Endrinal, Sir Carlo Katigbak, Miss Cory Vidanes at Direk Laurenti Dyogi! Patunay lang ito na hindi na pakakawalan ng Kapamilya Network ang napipintong pagsikat ni Seth Fedelin dahil sa ngayon palang, pansin sa mga out of town shows at pagratsada ni Seth Fedelin sa mukha ng telebisyon ay sisikat talaga ang binata. Pagpasok palang ni Seth sa bahay ni Kuya last year ay marami na kaagad ang nakapansin sa kakaibang karisma ng bagets lalo na sa mga beks and girls! Mamahalin mo talaga si Seth dahil napaka-natural niyang umarte at napakabait pa ito. Piyesta actually ang pagkukumpara sa kanya kena Daniel Padilla at James Reid. Pinaghalong James at Daniel daw ang karisma ni Seth kaya naman kaagad-agad ay marami ang nagmahal at humanga sa kanya! Biglang akyat din sa almost 700K ang followers niya sa kanyang instagram na dati ay walang pumapansin huh! Well, you can never tell success and fame! Sabi nga nila, biglang dumarating ang suwerte, anytime and anywhere! Patuloy natin siyang suportahan sa Kadenang Ginto ganoon din ang kanyang tapos ng ginawang movie with Beauty Gonzales na Abandoned lalo na ang unaaribang grupo nila ngayon na kung tawagin ay ang The Gold Squad! Gow SETH!

DANIEL PADILLA MAGDIDIREK NA!

Last Sunday evening ay maraming fans and followers ni Daniel Padilla ang sumugod sa Araneta Center para suportahan ang Teen King bilang naimbitahang male judge sa katatapos lang na Binibining Pilipinas 2019 beauty pageant. Marami rin ang pumuri sa look ng sikat na aktor ng kanyang henerasyon dahil fresh na fresh daw ang binata. For us bilang malapit sa pamilya at nagmamahal kay Daniel, isa na namang karangalan ito para kay Daniel dahil hindi biro ang maging judge sa isang prestihiyosong beauty pageant at proud din naman si DJ! Sa latest info na aming natanggap, mukhang niluluto pa ang upcoming projects ni Daniel. Pero ang ikinatuwa namin ay ang balitang si Daniel raw ang magdidirek sa gagawing music video ng kanyang kapatid na si JC Padilla para sa Star Music. Kapag natuloy ito, first time din itong gagawin ni Daniel. Mukhang malawak na malawak na ang pananaw ni DJ sa buhay na aside from being a good actor ay mukhang unti-unti na ring pumapasok sa kanyang puso ang pagdidirek! Feeling ko, mapupuntahan din ni DJ ang field na yan unti-unti dahil pangarap niya rin ito! Goodluck DJ and JC!

EX-WIFE NI DARYL ONG, NAG-INGAY DAHIL KAY DEA FORMELIZA!


Makinig ka Daryl Ong at Dea Formelliza.
" Makasali na nga sa Idol Philippines para malaman na! " 
Base ito sa facebook post ni Hazel Velasco, the EX-WIFE of Daryl Ong.
Sakto ang term na EX-WIFE para kay Hazel dahil unang-una ay anulled na ang kasal nito kay Daryl. 
Unang pumasok sa isip ko, ano kayang problema nitong si Hazel Velasco sa buhay at kung anong nakain niya at napaka-HARSH nung litanya niya sa kanyang facebook post?
May kinalaman kaya ang facebook post niya sa recent activity ni Dea Formelliza na napa-wow ang judges ng Idol Philippines nang mag-audition ito kamakailan lang at inamin mismo on television  worldwide na boyfriend niya si Daryl Ong?
Sa isang facebook thread ng conversation ni Hazel Velasco sa manager ni Daryl Ong na si Vehnee Saturno ay may sinabi pa itong si Hazel na siya raw ang EX at ORIGINAL? Anong ibig niyang sabihin? Hindi pa rin ba nakakapag-move-on si Hazel kay Daryl? Hindi pa ba tapos si Hazel sa kanyang dating asawa?
Halatang insecured to the highest level itong si Hazel Velasco sa napakagandang Dea Formelliza na current jowa ni Daryl? Kung may pinanghahawakan ka man ngayon Hazel ay tatay ng anak mo si Daryl na as far as we know ay hindi pumalya si Daryl sa obligasyon niya sa anak niya at hindi deserve ni Daryl ang ganyang treatment mo sa current girlfriend niya or shall we say sa babaeng ipinagpalit niya sa iyo! Out of the blue ay umeeksena ka sa papasikat na career ni Dea? Para mapag-usapan ka? Frustrated singer ka ba?
What's ironic ay pati itong manager ni Daryl Ong na si Vehnee Saturno base sa conversation nito kay Hazel Velasco sa facebook ay halatang sumasang-ayon pa ito sa ginagawang eksena ni Hazel na supposedly bilang manager ni Daryl Ong na alaga niya naman at nakakatulong naman sa kanya at napapakinabangan niya ay pinapalago pa nito ang isang hindi magandang sitwasyon. 
So what's the connection and point also Mr. Saturno na until now ay pilit pa rin naming inaalam huh!
Another thing for Hazel Velasco, hindi ka ba nag-isip before posting it or before creating a fire para sa kapakanan ng iyong anak na si Dwight? Inisip mo nalang sana ang katahimikan ng anak mo at hindi yung pan-sarili mo lang?
Hindi naman kaya in-love ka parin Hazel Velasco kay Daryl Ong for you to claim na ikaw pa rin ang ORIGINAL? Eh ano naman ngayon kung ikaw ang naka-una at original kay Daryl? May award ba yun?
Nakakalungkot lang dahil kilala namin si Daryl na walang ibang ginawa kundi ang alagaan ang kanyang career at pagsikapang umangat sa buhay tapos sa kabila ng pananahimik nito ay eeksena ang dalawang taong yung isa ay wala ng konek sa kanya dahil annulled na ang kasal at yung isang tao namang manager pa niya?
Naku Daryl Ong! Kung ako sa iyo, mag-isip-isip ka dahil mismong manager mo pa ang gumagawa ng move para mang-provoke ng tao na dapat bilang manager mo ay pino-protektahan ka sa anumang bagay o isyu! Hanggang ngayon ay pilit naming inaalam naman ang side ni Daryl Ong about this thing!

EX-BATALLION WALANG UTANG NA LOOB

TAMA lang ang pagbibitiw ng komedyanteng si Ai Ai Delas Alas bilang manager ng Ex-Batallion. Dapat noon niya pa ito ginawa at hindi na pinalawig pa. Hindi dapat wina-walanghiya ng sinumang talent ang tumatayong manager nila. Dahil ang pagwalang-respeto sa kapwa ay isang simbolo ng kawalanghiyaan sa lipunan. Hindi deserve ni Ai Ai Delas Alas ang stress sa buhay lalo na't alam naman nating masaya ito sa kanyang pribadong buhay. Ayon pa raw sa kampo ng Ex-Batallion, huwag nalang daw silang makipagpalitan ng salita at kung anu pa man sa sikat na komedyante. Aba'y dapat lang na tanggapin ninyo ang mga pagkakamali ninyo at tigilan na ninyo ang pagiging pasaway ninyo dahil walang patutunguhan yan kundi ang tuluyan ninyong paglubog sa industriyang ginagalawan ninyo. Walang puwang sa showbusiness ang mga talentong dusa at pasakit sa manager ang ibinibigay kaya magbago na kayo kung gusto niyo pang humaba ang karera ninyo! Wala na kayong mahahanap pang hahawak sa career ninyo na kasingbait ni Ai Ai! Dapat nga, noon pa kayo binitiwan ng sikat na komedyante eh! Pasalamat kayo't ngayon niya lang ginawa! Dahil sa kanegahan na pinaggagawa ninyo, ayan, pati latest film ninyo ay apektado at nilangaw na sa takilya! Gugustuhin ba kayo ng tao kung ganyan ang mga attitude ninyo? Nakakaloka lang dahil binigyan na nga kayo ng talento, hindi pa ninyo ginamit ng maayos at di-sana ay mapapakinabangan niyo pa ng ilang taon ang kasikatan ninyo! Kainis lang! Hindi ako galit sa Ex-Batallion, dahil unang-una ay hindi naman ako close sa inyo, galit ako sa ginagawa ninyo! Umayos kayo kung gusto niyo ng suwerte sa bawat buhay ninyo! Bow!

" KADENANG GINTO " HATAW SA RATINGS, 800 MILLION YOUTUBE VIEWS NA

Patuloy ang walang sawang suporta ng mga manonood sa mga nakakagigil na eksena nina Beauty Gonzales, Francine Diaz, Andrea Brillantes at Dimples Romana ng Kadenang Ginto kaya naman nananatili ito sa trono bilang pinakapinapanood na serye sa hapon at mainit na pinag-uusapan sa social media.
Hindi natinag sa national TV ratings ang programa at kamakailan lang ay humataw ito sa all-time high rating na 27.3% at araw-araw na nananatili sa 20%-mark ayon sa datos ng Kantar Media.
Bukod sa telebisyon, malaking tagumpay din ang natatamasa ng serye sa online world dahil umabot na sa higit 800 million ang total views ng daily highlights nito sa Youtube kung saanhalos bawat video ay pumapalo sa higit isang milyong views.
Marami rin ang pilit na humabol sa past episodes ng serye dahil ito ang most-watched program ng IWant para sa buong buwan ng Abril kung saan pumapalo naman sa 1.5 million ang daily views nito araw-araw.
Walang humpay din ang pagsulpot ng sari-saring memes tungkol sa serye na lubos na kinatutuwaan ng netizens. Marami rin ang gumagaya sa tarayan ng mga eksena ng palabas tulad na lamang ng vlogger na si Kyo Quijano sa pag-upload niya ng parody series na " Kadenang Tanso " na tumabo na ng higit isang milyong views ang dalawang episodes.
Isang pagkilala naman ang natanggap ng Kadenang Ginto matapos itong gawaran bilang Best Daytime Drama Series sa 2019 Golden Laurel Awards ng Lyceum of the Philippines-Batangas dahil sa pamamayagpag ng serye at mahusay na pagganap ng mga karakter nito.
Samantala, mas marami pang pasabog ang serye na gugulat at lalong magpapakapit sa mga manonood tuwing hapon sa mas makapigil-hiningang eksena ng mga mag-ina. Nagbibigay naman ng bagong timpla sa palabas ang pagpasok ng dating PBB Otso housemate na si Seth Fedelin sa serye.
Mula naman sa tagumpay ng Kadenang Ginto, inilunsad din ng Dreamscape Entertainment ang The Gold Squad na sina Francine, Kyle, Seth at Andrea--apat na teenagers na masayahin, responsable, masipag at mapagmahal sa pamilya na iba't iba ang pinagmulan, kinalakihan at pinagdaanan sa buhay. Maglulunsad ang The Gold Squad ng sari-saring proyekto na magdadala ng saya at makaka-relate sa kanilang batang fans, kabilang na ang sarili nilang album sa ilalim ng Star Music.
Bukod sa The Gold Squad, marami pang pasabog at bangayang hatid ang palabas ngayong tuluyan na ngang ibinasura ang isinampang kaso kay Romina at maaari niya nang mabawi lahat ng iniwan sa kanya ni Robert. Pero hindi naman papayag si Daniela dahil gagawin niya ang lahat upang mawala na sa landas niya ang mortal niyang kaaway.
Ang away nila ay lubos na nagdudulot ng galit kay Marga kaya naman ibubuhos niya ito kay Cassie at pilit na ipapamukha na wala siyang karapatan sa kahit na anong yaman ng mga Mondragon!
Panoorin ang Kadenang Ginto tuwing hapon sa Kapamilya Gold sa ABS-CBN!

NAPAPANAHON ANG PELIKULANG QUEZON'S GAME

Hidden chapter of our history unravels with QUEZON'S GAME this May 29 in cinemas nationwide. Helmed by Matthew Rosen, who has been directing for 36 years and winning 50 awards for his work on commercials and music videos, Quezon's Game stars Raymond Bagatsing as former president Manuel L. Quezon and Rachel Alaejandro as his wife, Aurora Quezon.
The film revolves on hidden chapter of Quezon's life. it explores the time when he, rogether with his comrades, rescued Jewish refugees from the ghettos of Germany and Austria in 1938.
What seems within their power at first, turns out to be fraught with astronimical obstacles. On top of this, Quezon must battle a relapse of tuberculosis. In his final days, before recollecting one of the least known but most uplifting stories in Philippine history, Quezon asks the question, could i have done more?
Since December last year, Quezon's Game has won 23 awards, including Best Director, Best Actor, Best Producer, Best Foreign Film and Best cinematography from several film festivals such as World Fest, IndieFeast Film Awards, Accolade Global Film Competition, Maryland International Film Festival, Ramstage International Film & TV Festival and REMI Awards.
In the World Fest alone, the film bagged the following awards: Excellence in Acting for Raymond Bagatsing and Rachel Alejandro, Excellence in Supporting Actor for Billy Ray Gallon, Excellence in Directing, Excellence in Produced Screenplay, Excellence in Lighting, Excellence in Costume Design, Merit Drama Feature, Merit Color Treatment, Excellence in Original Score, Excellence in Sound Design and Excellence in Production Design. 
Beautiful ang movie na may kinalaman sa ating history. Something deep pero beautiful ang pagkakalahad ng istorya ng pelikula lalo na ang mga ginawang shots! Panalo rin ang acting nina Rachel at Raymond ganoon din ang iba pang kasamahan nilang aktor sa pelikulang ito. Showing napo ngayong May 29 sa lahat ng sinehan nationwide ang Quezon's Game ng Star Cinema at Kinetek!

HATCH PH--A CENTER FOR KIDS WITH SPECIAL NEEDS BUKAS NA!

Last sunday ay binuksan na sa publiko ang kauna-unahang center for kids with special needs called HATCH na matatagpuan sa 4th floor ng The Podium sa Ortigas Center. Isang mass muna ang naganap at sinundan ito ng ribbon cutting. Saludo kami sa mag-kumareng Tootsie Caharian at Grace Zapata-Cruz---owners ng Hatch dahil sa kanilang advocacy in putting-up this kind of place lalo na't para ito sa mga batang nangangailangan ng atensiyon. They opened a world of options for kids with special needs. Nandiyan ang open gym, open play, open space, classes out in the open and open to all abilities. Hatch is a 300 square meter center whose beating heart is a Multisensory gym, custom designed to target the sensory needs of kids with special needs. Proud na proud ang dalawang may-ari ng center because of the fact na this is something new and nasa loob mismo ng mall ang area. Oo nga naman. Safer and accesible ang location for the kids to to things they wanted to. Visit the place at the 4th flooe of The Podium, Ortigas with mobile numbers 0928.5067821/ 0908.8863261 or follow them sa kanilang social media accounts sa facebook, twitter at instagram hello@hatchopen.ph 

SETH FEDELIN MAY FUTURE SA SHOWBIZ

" Pangalawang beses ko palang po itong Kadenang Ginto presscon. Pero kinakabahan pa rin po ako. " ssgot ni Seth Fedelin nang tanungin ito kung kinakabahan siya habang kaharap ang entertainment press. Sa ipinatawag na thanksgiving presscon ng DreamscapePH ay naging deretsahan ang apat na bidang aktor sa teleserye sa pagsasabing nagi-enjoy sila while taping. Masaya lang daw sa set ng series at gamay na gamay na nila ang ugali ng bawat isa. Pero sa nasabing presscon, mukhang tuwang-tuwa ang entertainment media kay Seth Fedelin na bagong pasok lang sa serye bilang si Mikoy na umaalagwang ka-triangle ni Kyle Echarri kay Andrea Brillantes. Yes. Isang batang kalye ang role ni Seth sa serye at mismong mga kasamahan na rin nito ang nagsabing masaya sila sa pagpasok ni Seth lalo na raw ang karakter nito. 
" Nakakapanibago parin po. Pero ine-enjoy ko po bawat araw na nagtatrabaho ako. Masaya po ako." Sez Seth.
Sa serye ay mukhang aagawin na ni Seth bilang Mikoy si Andrea bilang Marga sa puso ni Kyle!
" Basta po. Abangan nila ang lalo pang gumagandang kuwento ng Kadenang Ginto namin. Abangan po nila ang kakulitan ni Mikoy at kung anong mga mangyayari sa amin ni Marga. " aniyang kuwento pa sa amin.
Marami sa entertainment media ang nagsabing kahit baguhan si Seth bilang isang artista, nakikita na raw sa aura ng binata na sisikat ito at lalabong bilang isang magaling na aktor. Maamo raw ang mukha at lovable. 
" Thank you po! Basta ako po, ayan, magtatrabaho po ako para sa pamilya. Para magkaroon pang maraming blessings." Aniya. 
Abangan pa ang mas malalaking kaganapan sa Kadenang Ginto na pinagbibidahan ng The Gold Squad. Ganoon din ang pelikulang Abandoned na tinatapos ni Seth lalo na ang mga kaganapan kay Seth.
Sa presscon ay sinabi rin mismo ni Sir Deo Endrinal na tatakbo ang istorya ng Kadenang Ginto hanggang 2020!
Mabuhay ang buong production staff, cast and crew ng Kadenang Ginto! Bongga talaga ng DreamscapePH! 

KADENANG GINTO HANGGANG 2020 PA!

JUST IN: Magtatagal pa hanggang 2020 ang tatakbuhin ng Kapamilya Gold series na Kadenang Ginto na pinagbibidahan ng kabubuong The Gold Squad na sina Andrea Brillantes, Francine Diaz, Kyle Echarri at Seth Fedelin under DreamscapePH. Mismong si Sir Deo Endrinal ang nagkumpirma nito sa katatapos lang na Thanksgiving Presscon ng serye na ginanap sa 9501 Restaurant ng ELJ Building. Congratulations sa buong production staff, cast and crew!