KINGS OF REALITY SHOWS-THE UNTOLD STORY SHOWING NOVEMBER 27 IN CINEMAS NATIONWIDE

Mapapanood na simula ngayong November 27 in cinemas nationwide ang pelikulang Kings Of Reality Shows-The Untold Story.
Synopsis:
What does it take to fulfill your dream?
This is a question that Ariel Villasanta, half of the now defunct reality comedy tandem, Maverick and Ariel, asks himself one night as he was hounded by his own regret and career frustrations. This sets him off on an impossible journey of producing a nearly forgotten and unreleased movie he and his partner Maverick shot in the US 10 years ago. Armed only with his charm and undeniable guts, he seeks help from everyone and anyone he knows that made it big in their industries, but even that is not enough so Ariel takes a leap of faith and sacrifices more than just his smooth talking to finally get the movie out.
We are taken back to 2008 when at the height of their careers, Ariel and Maverick feeling stifled by the local showbiz industry, they seek greener pasture in Hollywood USA where they get a shot at the big leagues. Both then and now, blurring the line that separates ambition and disillussion, they have gone through misadventures just for that shot at fame. Through their journeys we see the real cost of making it big in this industry but will it all be worth it?
The first reality movie sa Pilipinas, Kings Of Reality Shows will be shown on November 27 in cinemas Starring Ariel And Maverick with Mommy Elvie. Sumuporta sa pelikula sina President Duterte, Mayor Sara Duterte, Senator Trillanes, Senator Pacquiao, Senator Bato Dela Rosa, Mayor Isko Moreno, Raffy Tulfo, Mocha Uson, Joey De Leon, Coco Martin, Jose Manalo, Eddie Garcia at German Moreno at marami pang iba!
Produced, written and directed by Ariel Villasanta from Lions Faith Production at idi-distribute ng Solar Films.

SA HIDWAAN NINA CLAUDINE, MARJORIE AT GRETCHEN SINO NGA BA ANG UUWING TALUNAN?

Grabe kung grabe ang bangayan na naman ngayon ng magkakapatid na Barretto. Maraming ugat ang malalim nilang hidwaan. Away magkakapatid na hindi maiwasan. Mga sugat ng kahapon at ngayon na hindi mapaghilom ng panahon. Sino nga ba ang nag-umpisa? Sino nga ba ang dapat magpakumbaba? Magkakapatid na babae na tila malaki ang galit sa isa't isa? Sa latest issue, pagarbohan ng pasasabuging bomba ang bawat kampo. May kanya-kanyang eksplinasyon sa bawat kuwentong naglabasan at pinagpiyestahan ng publiko sa buong mundo! Maraming kuwentong totoo ba o hindi ito? Maraming komentong pabor sa bawat isang sangkot sa isyu! Kung susumahin mo, minsan mag-iisip ka kung totoo bang nag-aaway talaga sila o sinasadya nilang gawin ang mga bagay-bagay para maging laman sila ng usap-usapan at maging nasa kontrobersya palagi? Personally, wala akong kakampihan sa tatlo. Hindi naman natin alam ang pinag-ugatan ng lahat at higit ay wala tayo sa posisyon upang husgahan ang tatlong sangkot. Away magkakapatid at away pamilya ito na bilang indibidwal at tsismosa ay bantayan nalang natin kung anu-anong pasabog ang mangyayari. Huwag nang magbigay hayag o komento dahil buhay nila ito at wala tayong karapatang laitin sinuman sa kanila! Tao lang din sila na may pinagdadaanang krisis sa kanilang pamilya at igalang natin yun bilang mga tsismosa! Nakakaawa sila personally dahil pinag-uusapan sila instead na manahimik sa kani-kanilang magagandang buhay. Pero anong magagawa natin bilang mga tsismosa? Siyempre, maki-tsismis lang tayo at hanggang doon lang dapat! Uulitin ko. Huwag tayong manghusga! Away ng pamilya yan! Abangan nalang natin kung sino ang magwawagi sa away nila. Pero sa awayan, walang nananalo! Lahat yan talunan! So sa talunan nalang tayo mag-aabang! Yun na! 

DIREK JOVEN TAN HINDI NAWAWALAN NG DIRECTORIAL JOB

SANTIGWAR ang latest film na tinatapos ngayon ni Direk Joven Tan under Horseshoe Studios na ire-release naman ng Reality Entertainment ngayong October 30 in cinemas nationwide. Interesting ang title ng movie na pinagbibidahan ni Alexa Ilacad na bale launching movie na rin nito. 
What is Santigwar Direk? 
" Manggagamot siya sa Bicol. Nilagyan namin ng horror element. Isa siyang salitang Bicol na ang ibig sabihin ay parang yung nagtatawas, yung ganoon. Parang espiritista. Sa Bicol ko unang narinig nung napunta ako doon. Sabi ko, parang maganda pakinggan. Yung kahit hindi mo alam ang meaning, kapag narinig mo, parang may dating siya. " bulalas pa ni Direk Joven Tan nang sadyain namin ang location shoot nito sa Bulacan. 
Bago pa man nakilala si Direk Joven Tan bilang isang busiest film director ay umariba na rin siya sa mundo ng musika. Bilang isang composer at record producer. Bumulaga na rin sa music industry ang mga kantang pinasikat niya tulad ng Anong Nangyari Sa Ating Dalawa interpreted by Aiza Seguerra at ang Pare Mahal Mo Raw Ako naman ni Michael Pangilinan na parehong umariba sa patimpalak na Himig Handog. For the record ay halos nakaka-100 daang kanta na pala si Direk Joven. At sa kanyang pagiging aktibo ngayon sa paggawa ng pelikula ay iniintriga naman siya. Hindi raw kumikita ang mga pelikulang ginagawa niya? Narito po ang kanyang pahayag.
" Okey lang! Sino ba yung kumikita palagi yung pelikula? Tsambahan yan eh. Kumbaga kung merong tao, producer o direktor na alam ang formula, walang malulugi. Pero kung alam mo ang ang negosyo, na alam mo na dapat ganito lang ang puhunan, so, patuloy kang magkakaroon ng project. Hindi nila alam yung mathematics eh. Isipin mo nalang yung logic na, kung hindi kumikita, bakit siya gawa parin ng gawa? Bakit may nagpapagawa parin sa kanya? " aniya.
" Kasi transparent ako. Kumbaga, kapag sinabing ito ang budget, ito ang budget! Kapag sinabing iluto mo akong kare-kare, iluluto kitang Kare kare pero ito yung kare kare! Kung gusto mo namang espesyal yung kare kare na may mga toppings pa, maglalagay tayo ng additional budget. Ganoon lang siya eh! Kumbaga, ang point, gagawa tayo ng pelikula, alam naman natin ang takilya na tsambahan na hindi lahat Jowables na ganyan, diba? Yun ba may nag-expect na kikita? Tapos hindi pa ganoon ka-kilala ang ano, pero gladly kumita sila, diba? Kahit yung Kita Kita noon, diba? Hindi ka naman gumagawa  ng pelikula para i-please yung mga taong may sinasabi sa iyo. Basta nagtatrabaho ako ng maayos, nasusunod ko yung kasunduan namin ng producer, nai-deliver ko ang dapat kong i-deliver kaya trabaho nalang ako ng trabaho. " mahabang tiktak pa ni Direk Joven.
Nasasaktan ba siya sa mga sinasabi ng iba sa kanyang trabaho?
" Noon! Pero sabi ko nga, kapag inintindi ko ang sinasabi ng iba, madi-diskaril ang diskarte ko. So keysa bigyan pansin sila, focus nalang ako sa trabaho na gusto ko at pagbutiha  ko pa. " aniyang pagtatapos pa sa aming panayam.

KC CONCEPCION PAGKATAPOS KUMAIN NG SPAGHETTI

" This is how i feel after eating a big bowl of spaghetti. Ready for dessert. " Ito ang litanya ng nag-iisang KC Concepcion sa kanyang Instagram account kasabay ng larawang ito. Pasabog ang larawang ito ni KC Concepcion na walang kiyemeng ipinasilip ang kanyang boobey sa madlang pipol sa buong mundo. Pasabog din ang mga comments sa kanyang post. Sa totoo lang, hindi namin inakalang may maipagmamalaki si KC at napaka-seksi! Ayon pa sa komento ng isang aktres na si Iza Calzado, freaking hot daw ang larawang ito ni KC na sa totoo lang ay totoo naman talaga! Bumulaga ang kanyang dalawang not smokey mountain kundi sizzling mountain na sigurado kaming pinagpipiyestahan na ngayon noh! Personally, i love it! May ipinahihiwatig ba rito si KC? May ibig sabihin ba siya sa kanyang instagram post na ito? Nagpaparamdam na ba siyang she's ready na para gumawa ng mga proyektong daring or napagkatuwaan niya lang? Anyways, maraming kinabog si KC sa post niyang ito lalo na ang mga walang sizzling mountains! Another anyways, kabogera talaga ang anak ng Megastar mula noon noh! Yun na! 

MARLO MORTEL TIYAGA LANG AT HUWAG MAPAGOD SA BUHAY

Sinadya namin sa bandang Bulacan area ang sikat na singer/ actor / host na si Marlo Mortel sa shooting ng latest movie nitong Santigwar mula sa direksyon ni Joven Tan na produced ng Horseshoe Studios at ire-release naman ng Reality Entertainment. Sa aming pakikipagtsikahan kay Marlo, paulit-ulit nitong sinabing hindi isyu sa kanya kung mainstream man o indie movie ang kanyang ginagawa. Mas mahalaga diumano ang biyayang ipinagkaloob sa kanya at ang tiwalang ibinigay sa kanya keysa bigyang-pansin ang sinasabi ng ibang tao. Sa pelikulang Santigwar na magso-showing na ngayong October 30 in cinemas nationwide ay medyo nahirapan daw si Marlo sa ginawa nitong katatakutang eksena sa pelikula. Inamin nitong mas mahirap ang gumawa ng horror movie. But Marlo insisted na he did his part well. In-fairness kay Marlo, magaling din siyang umarte. Malalim din umarte ito at alam naming darating din ang panahong mabibigyang-pansin din siya sa mundo ng showbiz at maipakita pa lalo ang kanyang galing bilang isang aktor.
Nabatid din naming sa lahat ng kanyang naging proyekto simulang maging active ang kanyang career, lahat daw ng mga iyon ay nangyari ayon na rin sa kanyang sariling diskarte. Sariling desisyon at paghihirap. Wala diumano siyang kinapitang tao o backer para umlagwa kaagad ang kanyang career at di-sanay sikat na sikat na ngayon! Nanindigan si Marlo na hindi niya kailangang gawin ang manggamit ng kanyang kapwa para lang sa kanyang sinasabing satisfaction sa buhay at ikakaganda pa lalo ng kanyang career. Pero sinabi rin nitong kung mkay mga artistang nagpapagamit para sa kapalit ng isang kasikatan, nirerespeto niya diumano ito at may kanya-kanya tayong paniniwala sa mundo. Meaning, hindi niya kailangang magpagamit lalo na sa mga maiimpluwensiyang tao sa showbiz para lang magka-career noh! Well, litanya pa ni Marlo, mas masarap sa pakiramdam kung ang lahat ng maging achievements daw natin sa buhay ay pinaghihirapan natin ng buong-buo.
Marlo also exclaimed that masaya na siya ngayon sa kanyang career kahit paisa-isa ang project na dumarating. Happy narin siya sa kanyang daily morning show na Umagang Kay Ganda bilang isa sa mga segement host nito for how many years. Malaking bagay diumano ang kanyang daily morning show upang mairaos niya ang kanyang mga pangangailangan sa buhay lalo na ang kanyang pamilya. May naging tampo rin pala si Marlo sa isang project niya noon kung bakit siya biglang nawala na lang sa eksena lalo na sa kanyang naging ka-loveteam. Pero noon daw yun at hindi siya marunong magtanim ng sama ng loob. Sabi nga namin, alam ng lahat kung paano niya iginapang noon ang kanyang namayapang Ina na ayon kay Marlo ay halos mawalan na siya lahat subalit lumaban siya at hindi nawalan ng pag-asa. Mahal na mahal niya raw ang kanyang Inang yumao at ginawa niya naman talaga ng lahat para dito hanggang sa huling hininga nito. Nakakaramdam diumano siya ng kapaguran pero hindi diumano siya napapagod lumaban sa buhay. Ang Santigwar ay ipapalabas napo sa mga sinehan simula ngayong October 30!!!

CARLO AQUINO GAGANAP BILANG BINGI AT SIGN LANGUAGE TEACHER SA PELIKULANG ISA PA WITH FEELINGS

Kulitan at tawanan lang ang dalawang bida ng pelikang Isa Pa With Feelings na sina Carlo Aquino at Maine Mendoza the whole time sa media conference na ginanap sa ABS-CBN Studio Experience ng Trinoma Mall. Halatang walang nararamdamang pressure si Maine when it comes to box-office dahil mismong si Carlo ay nagsabing maganda rin ang kanilang pelikula. Sinabi rin naman ni Maine na masaya siya na kumita ang pelikula ni Alden with Kathryn. Meaning, success na rin daw ng bawat isa sa kanila yun. Well, in-fairness kay Maine, napabilib niya ako sa ginawa nitong pag-arte sa movie ayun na rin sa teaser na napanood namin online and before the said presscon. Magaling din  palang umiyak si Maine at napaarte siya ng maayos sa movie. Aktres siya sa pelikula huh! Nawala yung imahe niyang kalog na komedyante lang. Masaya kami because this time ay makakaalagwa na rin si Maine sa kanyang imahe bilang komedyanteang kundi matatawag na rin siyang aktres dahil sa pelokulang ito. Wala namang malaking paghahandang ginawa si Maine while shooting the said movie ayon pa sa aktres. Pero inamin  nitong naging malaking factor si Carlo Aquino para mailabas at maipakita niya ang kanyang karakter sa pelikula. Hindi ko maiwasang purihion si Maine dahil in-all-fairness sa kanya ay may papatunayan siya sa pelikulang ito ng BlackSheep.na magso-showing na ngayong October 16 sa lahat ng sinehan sa buong bansa. Just a short kuwento lang about the movie. Parehong naghahanap ng kanilang tamang lugar sa buhay ang pinagtagpo sa pelikulang ito na sina Gali at Mara. Si Gani bilang isang bingi na sign language teacher at si Mara na isang intern na nawawalan ng gana sa buhay nang hindi siya makapasa sa board exam para sa architecture. 
Kasama din sa movie sina Cris Villanueva, Lotlot De Leon, Nikki Valdez, Kat Galang, Vangir Labalan, GeleennEugenio at Rafa Siguin-Reyna mula sa direksyon ni Prime Cruz.

STARLA MAGNININGNING NA SIMULA NGAYONG GABI SA KAPAMILYA PRIMETIME

Magniningning ang kalangitan ngayong gabi sa pagdating ni STARLA! 
Yes! Mapapanood na muli sa mukha ng telebisyon simula ngayong gabi ang nag-iisang Judy Ann Santos sa kanyang pinakabagong teleserye under Dreamscape sa Kapamilya Network. Muling pakikinangin ng nag-iisang Reyna ng Telebisyon ang ating bawat gabi sa Kapamilya Primetime. Sa latest series ng Television Queen ay kakaibang kuwento naman ang susuungin nito. Hindi ito yung the usual Juday na napapanood natin noon. Something new na kagigiliwan mo talaga ang kanyang karakter. Basta! Sa pakikipagtuos niya sa buhay sa serye ay maraming magic din ang mangyayari rito! Naglalakihang magagaling na aktor din sa industriya ang katrabaho ni Juday sa serye na magiging kasangga ng TV Queen upang maging masaya at madrama ang ating gabi sa Kapamilya Network! Abangan na simula ngayong gabi at huwag bibitiw!

ATING BALIKAN: NAGING CRUSH NOON NI ANDREA BRILLANTES SI DANIEL PADILLA

May naalala lang ako sa larawang ito. Balikan ko lang. Isang set visit noon para sa launching teleserye ni Andrea Brillantes ang aming pinuntahan. Nakausap namin that time si Andrea na Neneng Nene pa. Naging bukambibig niya noon na crush niya si Daniel Padilla. Na kapag nakikita niya ito ay kinikilig siya. Nakita namin how Andrea admired our Teen King. Hanggang sa magkita sila sa isang show at nagpa-picture pa yata si Andrea with Daniel. Obcourse alam ni Daniel yun. Pero dahil super kiddo pa si Andrea, binigyang pansin ito ni Daniel bilang isang nakababatang kapatid na babae dahil kilala namin si Daniel kung paano siya maging protective sa mga kapatid niyang babae na sina Magui at Carmela. Sa larawang ito, in-fairness, guwapong guwapo na si Daniel at napakagandang bata na ni Andrea. Well, tingnan natin sila ngayon, pareho na silang making waves sa mundo ng showbiz. But this time, Daniel at Kathryn na. Tapos Andrea at Seth na! Ang saya! Sana someday ay magka-trabaho ang apat noh! Why not! Lahat naman posible! Let's wait and see! 

BRYAN REVILLA KINUMPIRMA ANG KASALANG JOLO AT ANGEL NGAYONG DISYEMBRE

Na-miss namin si Bryan Revilla after maipalabas last year ang comeback film flick ng Imus Productions na TRES na pinagbidahan nilang tatlo nina Jolo Revilla at Luigi Revilla. Sa set visit namin para sa pelikulang Kid Alpha One ng Brightlights Production na pinagbibidahan ng newcomer action star na si Javi Benitez sa Tanay, Rizal ay nakatsikahan ko sa isang gilid si Bryan. Una kong tinanong sa kanya kong co-producer siya sa pelikula ni Javi at naging deretsahan ito sa pagsasabing artista o aarte siya sa movie na isang Master Sargeant naman ang kanyang ginagampanang role. Pangalawa kong tinanong kung kamusta naman ang Imus Productions after nitong mag-comeback last year.
" Okey naman. We're doing a movie for my Dad ( Bong Revilla ) diko lang ma-confirm kung what date. Pero starting soon na kami by October na yata. Natapos na kami nina Jolo at Luigi last year, this time naman, it's Dad. " aniyang sagot naman sa akin. 
Sinunod ko naman siyang tanungin about his brother Jolo Revilla.
" Well, he's sobrang happy now. Happy na rin kami for him that finally, ayan na, this December ay magpapakasal na siya. It's about time. " aniyang pagkumpirma pa sa akin.
Yes! Si Bryan na mismo ang nagkumpirmang pakakasalan na ni Jolo Revilla ang kanyang current girlfriend at malaking selebrasyon daw ito para sa pamilya Revilla sa Cavite. Finally ay may matatawag na diumanong first lady niya si Jolo! Bongga!

NEWEST TEEN SENSATION SETH FEDELIN GAGAWIN LAHAT PARA SA KANYANG PAMILYA

" Kulang pa. Gusto ko pa po maraming work. "
Ito ang binitiwang salita sa akin ng anak-anakang Newest Teen Sensation ngayong si Seth Fedelin nang huli ko itong makausap. Isang litanyang he's truly craving for more para sa kanyang beautiful future.
" Gagawin ko po lahat Tito para po sa ikakaganda ng buhay ng aking pamilya. Alam kopo ang sakripisyo po ng aking mga magulang para sa akin kaya kopo nasabi na i want more. " aniyang muli sa aking panayam.
Halatang desidido si Seth na pagandahin ang kanyang buhay kaya naman kahit sa puntong ito na kinukulang siya sa tulog ay ratsada siya sa kanyang commitments. May pahinga pero hindi sapat na ayon sa binata ay bawal tanggihan ang mga biyayang kanyang natatanggap sa ngayon.
" Bawal po. Kasi ngayon palang po ako talagang sobrang busy. Masayang-masaya po ako. Kulang pa. Basta. Keysa wala po akong ginagawa. " aniyang muli.
After niyang gawin ang IWant Movie na Abandoned with Beauty Gonzales, as of presstime ay nasa Tanay, Rizal naman ngayon si Seth para sa 2nd shooting day ng kanyang 2nd movie for IWant with Andrea Brillantes titled Wild, Little, Love. This is produced by Dreamscape Digital na wala pang tentative playdate. 
" Yes Tito! Work, work tayo kahit Sunday. Biyaya po ito. Okey lang po ako at Thank you po sa lahat ng sumusuporta sa amin ni Andrea mula sa Kadenang Ginto, sa The Gold Squad at sana suportahan po nila itong ginagawa naming movie ngayon. Sana po tuloy-tuloy lang po ang blessings na dumating. Okey lang po sa akin. Para po ito sa lahat ng nagtitiwala sa akin lalong-lalo napo para sa pamilya ko. " pagtatapos pa ni Seth. 
Sa totoo lang, phenomenal din ang pagsikat ni Seth after lumabas ng PBB. Hindi man siya napabilang sa Big Four, ayan, siya naman ngayon ang rumaratsada sa ere! 
Napaka-simpleng bagets na walang kaere-ere kaya naman milyones na ang nagmamahal sa kanya worldwide. Happy for you Seth.