MAGUI FORD SINORPRESA NI JUSTINE VAZQUEZ SA KANYANG DEBUT
















Hindi namin maipinta ang saya sa pisngi ng pangatlong anak ni Queen Mother Karla Estrada kay Mike Planas na si Magui Ford nang pumasok na ito sa venue habang pinapalakpakan  siya ng mga imbitadong bisita sa kanyang debut. Parang diyosang bumaba mula sa kalangitan si Magui suot ang napaka-eleganteng gown. Inumpisahan ang event sa pamamagitan ng pagsasayaw sa kanya ng kanyang amang si Mike Planas. Sinundan ito nina Daniel Padilla, JC Padilla at tatlo pang kapatid ni Magui sa side ni Mike at panghuli ang pinsan nitong si Jordan Lim na anak naman ni Ana Marie Liza Lim na half-sister ni Karla sa ina. Nagbigay naman ng isang kanta si Queen Mother Karla para kay Magui. Nagbigay din ng kanyang pasasalamat na message si Magui sa kanyang classmates, friends, family and relatives. Naging makulay lalo ang gabi na sa kalagitnaan ng selebrasyon ay biglang pinutol ito at sorpresang nakita ni Magui sa centerstage ang kanyang youtuber idol na si Justine Vasquez na nagbigay sa kanya ng tatlong kanta na ikinakilig naman ni Magui. Tuwang-tuwa si Magui at ramdam naming kumpleto na ang kanyang debut habang nakabantay naman kay Magui sina Daniel at JC kasama ang dalawang kapatid pang lalake ni Magui huh! Spotted din ang mga kaibigan ni Karla na sina Ruffa Gutierrez, Vina Morales, Jackie Foster. Nakisaya rin sina Kalad Karen, Momshie Melai, Momshie Jolina, Kathryn Bernardo, Patrick Sugui, Dominic Roque, RJ Padilla, Ralph Padilla, Vice Ganda, ABS-CBN Exec Cory Vidanes at marami pang iba. Balita namin ay tuluyan na yatang pasukin ni Magui ang showbiz within the year dahil pina-plantsa na ang kanyang kauna-unahang proyekto sa Kapamilya Network. 

SINGER, MANINIRA DAW NG PAMILYA?

 Sino, sinichi, sinikla, sinobatchi itong sikat na singer na nakasira daw ng isang pamilya kahit pa ang chismax, chisim, chika, chikabog, chikastra ay t-bird, tomgrilya, tombotchi ito? Kung makapag-post ng messages  sa kanyang social media accounts ay akala mo maka Diyos? May tinatagong katiyona, katitchi, katiritay, katitwana pala ang Ateng mo? Sana naman matauhan dahil kawawa naman daw ang mga anak ng kanyang kinababaliwan sa ngayon. Mukhang si Ateng Girl o pa-girl mo pa ang humahabol sa kinababaliwang keke, kikbam, kiks na ang tsika ay with matching peylalu pa ito ng 10pok pak boom sa kinahuhumalingang keks kada  kita nila?
Kakalokang tsika ito huh! Mukhang baliw na baliw daw itong Ateng mong pa-girl o pa-boy sa keke? Balitang super toni dakston daw kasi ang pamilyadong keke at magaling din daw? Kakalokaaaaaa! Naku Ateng, itigil mo na yan hangga't dipa bino-broadcast ang pangalan tsina ortaleza mo! Ang nakakawindang diyan ay kapag nawindangga na ang pamilya ng keke at iwawarla kana in-public! Sikat kapa namang singerelya mae saison! Kalurks! Sige ka! Ihinto mo na! Matauhan ka narin noh! Maawa ka sa pamilya at sa sarili mo at career mo! 

US AGAIN NINA JANE AT RK MASAKIT PERO NAPAKASARAP MAGMAHAL

 Nitong lunes ng gabi ay naganap ang US AGAIN red carpet premiere na ginanap sa cinema 7 ng SM Megamall. While watching the film, sabi ko, magandang kombinasyon sa silverscreen itong sina Jane Oineza at RK Bagatsing huh! Ang sarap nilang panoorin on-screen at parehong mahusay umarte. Sa totoo lang, maganda ang script ng movie that tackles decisions in life, love and respect. May kurot ang movie lalo na't ibang klaseng pag-ibig ang inilatag ni Direk Joy Aquino sa film. Everything goes naman talaga pagdating sa love. Hindi mo ito puwedeng pigilan lalo na't naramdaman mong hulog kana sa guy or sa girl. Walang puwedeng pumigil sa tibok ng puso. Minsan talaga, ang pagmamahal ay dumarating sa atin sa maling pagkakataon at panahon. Na kahit anong gawin mong iwas, bubuntotan ka. Pero sabi nga nila, love conquers all kahit alam mong yung gusto mong mahalin ay may nagmamahal na. Nagiging bulag ka. Tapos nung minahal mo na yung tao, saka naman pakiramdam mo ay lalayuan ka dahil sa mga sitwasyong dimo maintindihan. Kumplikado ang love. Kapag naghiwalay kayo at sabihan kang Us Again, medyo takot ka na dahil may pinagdaanan kayong dalawa. Parang kabado ka kung tatanggapin mong muli o takot ka ng masaktang muli. Ang mahalaga siguro, pagbuksang muli ang puso. Tanggaping muli ang pag-ibig. Dahil baka kapag nagsabi ka ng oo ay huli na ang lahat! Yung huli na dahil hindi mo na siya makakausap at mayayakap pang muli. Masakit ang movie na ito pero napakalalim ng matututunan natin kapag pinanood mo siya! I love it!
Showing napo ngayong February 26, Bukas na ang pelikulang ito. Kasama rin sa movie sina Jin Macapagal, Miko Gallardo at Sarah Edwards. Pakahusay nilang lahat sa movie! Iiyak ka! Peomise! 

PADI'S BARKADA BAR TOUR FEATURING GLOC 9, SHANTI DOPE AND ASINTADA ARTISTS

PADI’S BARKADA BAR TOUR TO FEATURE GLOC 9, SHANTI DOPE, AND ASINTADA ARTISTS
Mas bonggang party ang patuloy na hatid sa lahat ng pinakamalaki at number 1 Restaurant& Bar Chain, ang Padi’s!
Ang Padi’s Point, na mas kilala sa tawag na “Padi’s”,ay walang-duda na nagunguna pa rin bilang leader at party place sa bansa, with 26 operational branches Luzon-wide. 
Kilala ang Padi’s bilang paboritong gimikan ng barkada. Known to its nightly entertainment of live bands, Best DJ’s na maghahatid ng mga in na dance music at popular hits. Dinadayo rin ang Padi’s sa mga pagkain at drinks na ginawa para sa barkada—sharing such as the Party of Six, Barkada Feast and the signature 3-Liter Padi’s Cocktail Towers! 
Ngayong 2020, level up na ang resto-bar scene bilang pagpapakita ng appreciation sa milyon-milyong “kabarkadas” bilang sa matagal na panahon, ang iba’t-ibang branches ng Padi’s pa rin ang kanilang go-to place sa iba’t-ibang selebrasyon. 
Padi’s ties-up with Asindata promotions for the Padi’s Barkada Bar Tour 2020! 
The bar tour will allow barkadas to catch highly sought-after talents headlined by Filipino rap icon Gloc 9 and rap phenom Shanti Dope, as they visit Padi’s branches from May to June 2020! (Total 11 branches combined)
Also set to make their mark are R&B singer JKris, rap-acoustic princess Lirah, with her popular single “May sahod na ba?”, and hit-making rock alternative band “Sandiwa”. Each will participate in several of 19 scheduled stops in the bar tour from February to June 2020, starting with the first scheduled event in Padi’s Binan on February 29, featuring JKris and Lira, followed by Lira’s performance on March 21 in Padi’s Baguio. 
So don’t be left behind, Tara na! to the barkada’s top choice for the best parties, dancing and music---- Padi’s Restaurant & Bar! 
Para sa kumpletong Barkada Bar Tour 2020, visit www.padispoint.com
or facebook.com/padispointofficial#BarkadaAsintada
#PadisBarkadaBarTour2020
#Gloc9OnPadis

EXCLUSIVE: JOHN LLOYD CRUZ BINISITA ANG WAO TOWN, THE TENT CITY AT ASIK ASIK FALLS SA MINDANAO

Hindi natin pag-uusapan this time ang dahilan ng hiwalayang Ellen Adarna at John Lloyd Cruz at kung ano na ang estado ng kanilang buhay. Ilihis ko muna ang usapin patungkol naman sa free happy moves ni John Lloyd Cruz sa kanyang pribadong buhay simulang hindi na ito maging aktibo mismo sa kanyang showbiz career. Alam naman nating lahat na simulang mawala siya sa showbiz ay mas pinili na ni Lloydie ang simpleng pamumuhay at halatang masaya naman siya at hindi niya hinahanap-hanap until now. 
Sa mga larawang ito, isang kaibigan mula mismo sa aming bayan sa Midsayap North Cotabato ang nagpadala nito sa amin kung saan nila nakasalamuha ang sikat na aktor. Ito ay kuha sa The Tent City sa Alamada North Cotabato kung saan ang kaibigan namin mismo ang nagsilbing tour guide ni John Lloyd Cruz kasama ang kanyang dalawang foreigner friends na puntahan ang sikat na Asik-Asik Falls doon. Sikat na pasyalang falls ito sa Mindanao na hindi pa nai-explore masyado dahil medyo malayo at takot ang ibang taong pumunta dahil narin sa pag-iisip nilang delikado ang Mindanao na puntahan ng mga turista!
Ayon sa aming kausap na kaibigan, palagi raw sa Mindanao si John Lloyd Cruz kung saan very close diumano sa sikat na aktor ang kanyang isang kaibigan doon na Vice Mayor daw ng Wao town! Nagkataon daw na may aktibidad sa Wao town at nagdesisyon daw ang aktor na bisitahin na rin ang sikat na ring The Tent City sa lugar kung saan naroon ang Asik-Asik Falls. 
Aliw na aliw daw si John Lloyd Cruz na naligo sa falls kasama ang dalawang kaibigan. Ayon pa sa aming kausap, nakita raw nila ang pagiging totoong tao ni John Lloyd Cruz ng walang kaartehan sa katawan at enjoy na enjoy sa pakikisalamuha sa kanila. Hindi rin daw sila nahirapang pakisamahan ang sikat na aktor dahil napakabait daw nito at chill lang!
Well, ito yung sinasabi nating, ang tunay na saya ay hindi sa yamang meron ka kundi sa mga maliliit na bagay na iyong ginagawa upang magkaroon ka ng peace of mind at yun ang totoong happiness sa mundong ito.
Sabi nga nila, halatang very happy na si John Lloyc Cruz sa kanyang pribadong buhay at nakikita nalang natin mula sa ibang tao ang kanyang pinaggagawa! Mukhang hindi na kailangang maging ganoong aktibo pa ni John Lloyd Cruz sa kanyang showbiz career dahil kung investment lang o pera ang pag-uusapan, milyonaryo na si Lloydie at ine-enjoy niya na ito sa ngayon palang!
Salamat sa kaibigang GIGI at Madelyn ng Midsayap North Cotabato sa larawang ito. 

SUAREZ : THE HEALING PRIEST MAPAPANOOD NA

May panghihinayang sa parte ni Direk Joven Tan sa maagang pagpanaw ni Father Suarez noong February 6, 2020. Ayon sa kuwento ni Direk Joven nang bisitahin namin ito sa last shooting day ng nasabing bio-flick ng sikat na The Healing priest, short time lang daw niya nakilala ang mabuting pari. Nanghihinayang siya dahil hindi man lang daw mapapanood ni Father Suarez ang finished film product niya.
" Nakakalungkot lang kasi hindi rin namin inakalang ganoon ka-bilis ang lahat. Pero ganoon talaga ang buhay eh. " paglalahad pa ni Direk Joven.
Dalawang araw bago pumanaw si Father Suarez dahil sa heart failure ay nakasama pa raw nila ito nang imbitahin nila si Father para panoorin ang almost 90% rushes ng naturang pelikula. 
" Actually, after niya mapanood, may mga sinabi siyang dapat tanggalin yung ganito at habaan yung ganito which is sinusnod namin. Like itong mga kinukunan namin ngayon sa last shooting day, mga pinadagdag na ito ni Father Suarez sa amin. " aniya.
Ganoon pa man, ayon kay Direk Joven, tuloy na tuloy pa rin ang pagpapalabas ng bio-flick ni Father sa pamagat nitong Suarez: The Healing Priest produced by Sarangola Media Productions ni Edith Fider na naghayag din ng kanyang kalungkutan sa pangyayari.
Nitong nakaraang linggo lang ay tuluyan na nga'ng inihatid si Father Suarez sa kanyang huling hantungan sa Batangas. Naroon lahat ng production staff, cast and crew ng movie ayon kay Direk na nagbigay pugay at respeto sa huling sandali ni Father Suarez. 
Just for the record, inamin ni John Arcilla na nung unang banggitin sa kanya ang pagkakapisil sa kanya bilang gaganap na Father Suarez sa movie, inamin nitong nagdalawang-isip pa itong tanggapin ang role dahil sa kontrobersyang kinasangkutan daw ni Father Suarez along the way. Hanggang sa makilala niya diumano personally si Father Suarez at ngayo'y proud na proud siyang sabihing isang karangalan para sa kanya ang gampanan ang papel ng isang Paring alam niyang napakabuti at napakaraming natulungan sa mundo. Excited na rin daw si John Arcilla sa pagpapalabas ng Suarez: The Healing Priest dahil gusto niya rin daw makita ang kanyang trabaho na ginawa niya ng buong puso bilang handog niya na rin daw kay Father Suarez. 
Ayon kay Direk Joven, may mga nakunang eksena raw itong nakunan kay Father Suarez na ipapakita rin daw nila sa kabuuan ng pelikula. Mga eksenang kapag napapanood daw nila ay parang buhay na buhay pa rin daw si Father Suarez para sa kanila na nakilala nila na isang napakabuting tao at kapag nahawakan ka raw niya ay tila may miracle na nangyayari sa paligid mo!
Mapapanoo na ngayong summertime of March ang pelikulang handog ni Joven Tan hatid sa atin ng Sarangola Media Productions kasama sina Dante Rivero at Jin Macapagal na gaganap namang younger version ni Father Suarez sa movie.

LUTONG BICOL MATITIKMAN NA SA RBIELS BISTRO

Mahilig talaga sa pagluluto ang may-ari ng R Biels Bistro na si Sir Dom Villaruel na matatagpuan sa 18-B Congressional Avenue, Tandang Sora, Quezon City. At dahil sila ay naka-base na sa United States of America ay na-miss niya ang mga lutuing kinalakihan niya tulad ng laing. Hindi ito kilalang pagkain ng kanyang pamilya at mga kaibigan sa US kaya naisipan niyang ipagluto niya ang mga ito at hindi niya inaasahang magugustuhan ito ng kanyang pamilya at kaibigan. Mula nga noon naisipan niya na bakit hindi noya gawin ang konseptong ito ng pagluluto ng menung nakasanayan niya na hindi pa kilala at tanggap ng iba. Isang restaurant na kung saan mare-relax ka at hahanap-hanapin mo ang lugar at pagkaing kakaiba sa iyong panlasa.
Sa isang imbitasyon last week, personal kong napuntahan ang R Biels Bistro. Ipinatikim sa amin ni Sir Dom Villaruel ang halos lahat ng putahe nila sa Bistro. Mula sa noodles, rice at ulam isama mo na rin ang drinks nila, wala akong ibang nasabi kundi saksakan ng sarap lahat! Napakasarap ng kanilang pinangat/ baked laing at salpicao huh! Meron silang Anti-Gravity Noodles like Mami in the air, flying chami at hanging pancit lucban. Isama na natin ang kangkong tuyo pasta, hot seafoods marinara, carbonara, spaghetti at ensaladang mangga! May mga barkada meals din sila, dessert, juices, hot teas, soda, milk teas and shakes. Mas masarap kumain sa kanilang VIP room na napakamura lang ang consumable price nila. Higit sa lahat ay ang kanilang wedding packages at children or adults party. 
Bongga ng place talaga! Kapag mahilig ka naman sa music o acoustics, visit niyo lang ang place! Basta! Guaranteed ang lugar at presyo! 

KARL AQUINO NG GMA-7'S ALL OUT SUNDAYS-QT'S TODO WORKSHOP

Si Karl Aquino kaagad ang napansin ko nung unang araw na makita ko siya at makatsikahan sa isang music video shoot ng grupo niyang Clique V sa Tagaytay. Sabi ko, guwapo, matangkad din, iba kung ngumiti at malambing. Ilan sa mga katangiang meron dapat ang isang naga-artista. Mga katangiang kapag nakita ka ng isang tao ay tatatak yun sa kanila. Hanggang sa hinawakan na nga namin ang PR ng grupong Clique V magpahanggang ngayon. Honestly, kitang-kita ko kung gaano ka-dedicated si Karl Aquino sa kanyang trabaho. Ramdam ko ang kanyang pagmamahal sa kung anuman ang kanyang ginagawa. Sabi ko, he'll go places. Ngunit paano nga ba siya nag-umpisa sa showbizlandia?
" Naku. Mahabang kuwento Tito. Bale, may isang kaibigan po kaming handler si Kuya Christian. Pinapunta niya ako sa may Scout Borromeo para mag-audition sa isang pageant. Noong una ay ayaw ko pa nga dahil broken hearted ako that time. Ha! Ha! Ha! Tapos ayon, sabi ko sa sarili ko, para maka-move on ako ay sasali ako sa pageant na Circle of 10. Hindi man po ako pinalad manalo, doon naman po kami na-discover ni Nanay Len at doon na rin po nabuo ang Clique V. " kuwento pa sa akin ni Karl.
Hanggang sa dumating na nga ang pagkakataong makuha siya sa Starstruck Season 7 ng GMA Channel 7 last year at pinalad na mapabilang sa Final 12 nito. Just last year lang din ay kinuha na rin siya ng GMA Artist Center kasabay ng kanyang pagpirma ng kontrata kasama ang kanyang 316 Events And Talent Management. 
Ano naman ang kanyang pakiramdam na hindi lang siya ganap na magaling sumayaw at medyo tuma-timing din sa pagkanta kundi isa na rin siyang ganap na artista kung tutuusin dahil kabilang na rin siya sa grupong QT's ng GMA-7 na napapanood every Sundays sa All Out Sundays?
" Sobrang saya ko po Tito Doms. Nangingibabaw po! Actually hanggang ngayon po ay hindi pa rin po ako makapaniwala na nasa GMA Artist Center na ako. Sobrang thankful at grateful po ako kasi lahat ng mga pinaghirapan ko ay unti-unti ko na natutupad. Siyempre po, hindi ko matutupad yun kung hindi dahil sa suporta ng aking family, parents ko na napaka-supportive po nila sa akin, mga kaibigan po, mga fans na nagkaroon ako na talagang suportado po nila ako at siyempre dahil po yan sa 316 ETM family ko po. Kay Nanay Len. " aniyang mahabang tsika pa sa akin.
Ngayong napapanood na siya sa mukha ng telebisyon, obcourse, pamilya ang tuwang-tuwa! Ano naman ang reaksiyoin ng kanyang buong pamilya this time?
" Sobrang proud po sila Tito na nakikita na nila ako sa tv. Ha! Ha! Ha! Nangungulit nga sila kung kelan naman daw nila ako mapapanood sa mga teleserye, sabi ko, in the near future kasi sa ngayon po ay umna-attend po akong acting workshops pa para po mas lalo pa po akong matuto sa pag-arte ko. Para po kapag may paglalagyan napo sa akin, siyempre, ayaw ko rin po mapahiya sa management ko, lalo napo ang mga taong magbibigay ng tiwala sa akin. " pagtatapos pa ni Karl Aquino.
Basta kaming lahat sa 316 Events And Talent Management family mo ay masayang-masaya para sa iyo Karl Aquino. 

PANALO ANG KILIG NA HANDOG NG LIZQUEN VIA MAKE IT WITH YOU

Nasubaybayan ko ang ilang episode ng MAKE IT WITH YOU television series ng LizQuen sa Kapamilya Network. Nung unang alagwa nito sa local boobtube, alanganin pa ako kung magugustuhan ito ng televiewers dahil medyo matured na ang script ng series. Pero nagkamali ako dahil niyakap ng madlang pipol ang napakagandang tinatakbong kuwento nito ngayon sa ere. Bagay na bagay kena Liza Soberano at Enrique Gil ang kani-kanilang role at kasalukuyan nga itong umaani ng magagandang reviews online and print! 
Noon pa man ay napakasarap na talagang pinapanood ang dalawa na halos lahat naman ng kanilang ginawang teleserye at pelikula ay tumatak naman talaga at kumita. Gustong-gusto ko yung pagiging classy ng kanilang loveteam na parehong guwapo at maganda. Yung walang sawa factor kapag pinapanood mo sila. Well, dahil nga siguro sa pareho silang mestiso at mestisa, pero meron talagang magic ang LizQuen na wala sa ibang loveteam. Pero higit siguro sa lahat ay ang pagiging mahusay na rin nilang pag-arte sa harap ng kamera. 
Ayon pa sa ilang kaibigan sa entertainment media, malakas din kasi ang hatrak ng dalawa. Pinuri pa nga ng isang columnist ang pagiging tahimik lang at cool ng fans and followers ng dalawa na sa totoo lang ay totoo naman talaga. Hindi rin daw pilit ang kanilang loveteam. Hindi malasado at tunay huh! 
Malaking factor din siguro sa tv series ay ang themesong ng serye na sumikat din sa buong mundo. Isama na rin natin ang naga-galingang cast nito! Panalo naman as always ang LizQuen at waging-wagi sa kiligan ang materyal na ito ng Star Creatives. Very very light lang ang content pero sureness ang kilig na ibinibigay ng dalawa mula lunes hanggang biyernes sa Kapamilya Primetime Bida!

' MAIBALIK ' NG JBK GINAMIT NA MOVIE THEMESONG NG " US AGAIN ' NG REGAL ENTERTAINMENT

Happy seeing JBK yesterday sa US AGAIN Grand Launch ng Regal Entertainment na ginanap sa Valencia Events Place. Doon ko lang din nalamang sila pala ang kumanta ng MAIBALIK na siyang ginamit na movie themesong ng pelikulang pinagbibidahan ninba RK Bagatsing at Jane Oineza na magso-showing na ngayong February 26 in cinemas nationwide. Nakaka-LSS ang kanta nila na lalong magbibigay buhay sa pelikula ng baguhang movie director na si Joy Aquino. But wait? Why this Pinoy indie boy group is whispered to rule 2020 

Good news for boy group lovers: Pinoy indie boy groups such as SB19 and JBK are taking over the charts with their songs also gone viral.

 As far as JBK goes, they captured the international scene by being the first Filipino boyband to make it as semi-finalists on “X Factor UK” in 2017. They have performed not only around the Philippines but also in other countries as Japan and United Kingdom. Their latest song “Anestisya” is hot and by early next year, it could be a major hit. 

LATEST: “Anestisya” is one of the requested songs on Barangay LS, Wish FM, and Win radio. JBK is nominated at PPOP Awards For Young Artists 2019 as Most Favorite Pop Boy Group Of The Year.

Other than their regular gigs and events, JBK members Joshua Bulot, Bryan del Rosario and Kim Ordonio have dabbled in theater and are onto other paths in the performing arts.

“Anestisya,” composed by Jojo Panaligan and produced by Lester Ramos, is available on Spotify and other digital music platforms. The lyrics video is available exclusively on Rider PH Studios YouTube channel with almost 400k views.