SOFIA ANDRES MASAYANG IPINAKILALA ANG ANAK NILA NI DANIEL MIRANDA

Marami ang nagtaka kung bakit biglang nanahimik ang showbiz career ng napakaganda at napakaseksing aktres na si Sofia Andres noong nakaraang taon. Naging laman pa ng blind item ang sikat na aktres.
We've heard about it kung saan isang malapit din sa pamilya ang nagkumpirma nito sa akin. Nanatili akong tikom ang bibig patungkol sa pagbubuntie ni Sofia dahil unang-una ay choice iyon ng aktres. Isama mo na rin ang malaking pagrespeto ko sa buong pamilya ng aktres.
Hanggang sa nitong araw ng sabado lang bago mag-father's day ay inilabas na mismo ni Sofia Andres sa kanyang instagram account ang larawan nilang dalawa ng kanyang napakalusog na baby Zoey na anak nila ni Daniel Miranda na isang racer from Cebu na nanggaling sa isang kilala at respetadong angkan ng mayayaman huh! Apat na taon din pala ang itinakbong relasyon nina Sofia at Daniel bago sila magdesisyong magkaroon ng baby! Napanood ko rin ang ginawang video ni Sofia patungkol sa kanilang naging journey ni Daniel mula nung unang araw na magkakilala sila hanggang sa mabuntis siya at manganak! Bongga yung panghuling litanya ni Sofia sa kanyang ginawang video para sa anak nilang si Zoey na ' Welcome to our lives '!
Naging malapit din kami kay Sofia lalo na kay Mommy Monette Alejandre na ngayon ay isa ng ganap na Lola kay Zoey!
" Actually Tito Dom, kaming mag-asawa pa talaga ang huling nakaalam na buntis na si Sofia. Nung una Tito ay sobrang nag-worry po ako, kasi, may mga endorsements siya eh! Tapos may mga plano pa sa kanya. Pero nung mahimasmasan po ako, napalitan na yun ng tuwa! Naisip ko na nandiyan na yan. Baby yan at isang blessing yan kaya sinuportahan namin si Sofia. " paglalahad pa ni Mommy Monette sa aking panayam.
" Tito Doms, siyempre po, kapag anak mo, hindi mo talaga matitiis yan! Kahit anong mangyari at kahit po anong gawin nila, anak ko po yan! " dagdag pa ni Mommy Monette.
" Ang mahalaga po Tito ay masaya po lahat, both sides, happy lahat , especially sina Sofia at Daniel, yun po yung pinaka-importante sa lahat! " pagtatapos pa ni Mommy Monette Alejandre.
Sa aking panayam ay mukhang wala pang mangyayaring wedding soon dahil kaka-renew lang daw ng kontrata ni Sofia sa Kapamilya Network!
Meaning, tuloy-tuloy na this time ang muling pag-ariba ng showbiz career ni Sofia! Bongga yan dahil napakaguwapo naman talaga ng kanyang asawang si Daniel at suportado sila ng kanya-kanyang fanily circle!

JAM IGNACIO AT KARLA ESTRADA, IKAKASAL NA

Before lockdown dahil sa pandemyang dinaranas ng buong mundo ay naging usap-usapan ang kasalang Jam Ignacio at Karla Estrada. Naging deretsahan namang tumugon si Queen Mother Karla Estrada nang tanungin namin ito sa kanya.
" Matagal pa yan Doms. Next year pa yan! " tiktak pa ni QM.
Naging bukambibig na ni Karla na sana dumating din ang isang araw sa kanyang buhay na may isang lalakeng magdadala sa kanya sa altar. Isang araw ng pag-iisang dibdib!
" Plano palang Dom. Napag-uusapan. Basta! Gusto ko na nandoon lahat ng mga mahal natin sa buhay. Hopefully, next year! Basta! " aniyang muli.
Mukhang tanggap naman ni Daniel Padilla ang takbo ng lovelife ngayon ng kanyang Momshie Karla. Sa totoo lang, desenteng tao rin si Jam Ignacio na magalang at marespeto ayon narin sa mga pagkakataong nakakasalamuha ko ito huh! Mukhang mahal na mahal nito ang beshy Karla at ramdam ko na rin ang isang bonggang selebrasyon next year! Abangan!

BRIGHTEST IDEA ANG SIR WIL ONLINE CHALLENGE NI WILBERT TOLENTINO

March 15, 2020 ay isinailalim ang ating bansa sa Enhanced Community Quarantine dahil naging pandemya na ang Corona Virus na kumitil ng milyong buhay mula sa iba't ibang bahagi ng mundo. Halos lahat ng tao, mahirap ka man o mayaman ay walang ligtas sa sakit na ito. Maraming Filipino ang nawalan ng trabaho, naghirap, nagutom at nawalan ng pag-asa dahil sa virus. Naging masaklap ang buhay ng karamihan pero hindi nawalan ng pag-asang mapupuksa rin ang pandemyang kinatakutan ng buong mundo. Napakaraming industriya ang nagsara dahil sa pandenya kung saan kasama ang mundo ng entertainment. Magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang ating pakikipaglaban sa virus na ito. 
Pero sa gitna ng pakikipaglabang ito, sa gitna ng kalungkutang ito, sino ba naman ang mag-aakalang may gagamiting instrumento ang kataas-taasang Maykapal upang kahit papano ay magkaroon ng kulay ang ating bawat araw at maibsan ang ating lungkot sa nagdidilim nating mundo? May mga taong naitadhana ng mabusilak ang kalooban at hindi matitiis ang kanilang kapwa tao. May mga taong maluwag ang pakiramdam sa nararamdamang hirap ng kanilang kapatiran sa panahong tila wala ng bukas pang masisilayan.
Sa mundo ng entertainment, may isang nilalang, kaibigan at mahal ng lahat ang hindi nagdalawang-isip na gumawa ng kabutihan sa paraang alam niya. Isang kaibigang walang preno sa pagpaparamdam ng kanyang haplos ng pagmamahal sa mga taong itinuring niyang kaagapay at kaibigan sa kanyang naging paglakbay sa magandang buhay. Isang kaibigang nagmula sa wala, nagsikap at ngayo'y nagbubuhos ng biyaya sa kanyang kapwa. Isang instrumento at nagpapa-totoong kapag nagsikap ka sa buhay at may pagmamahal sa kapwa ay hindi magiging imposible ang isang matamis na tagumpay sa buhay.
Siya ay walang iba kundi ang kaibigang Wilbert Tolentino o Wilbert Ting Tolentino na ipinanganak sa Binondo, Manila noong May 18, 1975 na bunso naman sa limang magkakapatid. 
Dahil sa kanyang pagpursige sa buhay, hindi man naging madali ang lahat ay pilit na inabot ni Wilbert ang kanyang pangarap. Nanalo bilang Mr. Gay World-Philippines noong 2009 at naging Entrepreneur, naging isang Network Developments Officer, CEO at Board of Directors ng WEMSAP. Siya rin ang may-ari ng F Club, One 690 at Apollo Club, mga negosyong alam niyang marami siyang natutulungang tao.
Successful na maituturing si Wilbert Tolentino sa lahat ng bakurang kanyang pinasok. Matalino kung tutuusin at malawak ang pananaw sa buhay lalo na sa kanyang mga ideyang hindi matutularan.
Kaya sa gitna ng pandemya ay gumawa ng paraan si Wilbert Tolentino upang maiparating ang kanyang pagtulong sa lahat ng mga taong malalapit sa kanyang puso. Binuo niya ang konsepto ng Sir Wil Online Challenge kung saan hindi siya naging maramot sa pagbibigay ng naglalakihang pa-premyo. Halos walong kategorya o challenges na ang natapos online kung saan nag-umpisa ito sa isang The Queen of Lockdown Transformation 2020. Sinundan ng Sir Wil Extreme Cutie Quest Challenge, Online Star Influencer Season 1, Sir Wil Drag Queen Challenge, Beki Online Pageant titled Queen of bECQi 2020, Wil Or No Wil Online Game Show, The King of ECQ Online Search titled Ginoong Quarantino 2020 at ang Online Star Influencer Season 2. 
At dahil sa kanyang lubos na pagmamahal sa entertainment world, umaariba naman ngayon sa online world ang Sir Wil Media Challenge bilang pasasalamat ni Wilbert Tolentino sa mga miyembro ng media, press, DJ's, radio announcer, broadcaster, bloggers, reporters, writers and columnist across the country mula sa entertainment, lifestyle at pageants. 
Mula sa mga proyektong ito ay masasabi nating napakalaking bagay itong Sir Wil Online Challenge upang mabigyang tulong with a purpose ang bawat sumasali. Isang paraan ng pagtulong ni Wilbert Tolentino makapaghatid man lang ng pagmamahal sa kanyang kapwa Filipino. 
Isang online challenge man ito na may alituntunin, sa totoo lang, this was the brightest idea na aking nakita sa online world habang nakikipaglaban tayo sa pandemyang ito! Isang ginintuang paraan ng pagbibigay saya at kislap sa bawat isa!
Saludo ako sa inyong lahat na bumubuo sa Sir Wil Online Challenge na ito! To God Be The Glory!

CLIQUE V AT BELLADONNAS UMARIBA SA TIKTOK

Nahinto muna sa taping at raket out of town ang Clique V at Belladonnas simulang magkaroon ng lockdown. Yung iba sa kanila ay umuwi sa kanilang pamilya at ang iba naman ay nanatili sa poder ng kanilang manager na si Len Carillo ng 316 Events & Talent Management. Sa isang Zoom kamustahan ay masaya namang nakipagkuwentuhan sa amin ang Belladonnas at Clique V. Kinamusta namin si Kyle Lucasan na kapansin-pansin ang pagpayat nito.
" Wala naman Tito. House lang din. Since lockdown, gusto ko rin talagang magpapayat. Ayan. Achieved naman. " bulalas pa ni Kyle. Ayon naman kay Marco Gomez, diet lang din ang dahilan at exercise kung bakit ang ganda naman ng kanyang katawan sa ngayon. Si Marco ang lagi naming pinopost na may pa-bukol party na pinagkakaguluhan ng mga bading.
" Oo nga po eh! Yung huling post niyo nga, daming likes. Tapos dami rin comments Tito. Kakatuwa lang. " aniya naman.
On cam din sina Sean De Guzman, Josh Mirabel at Calvin Almojera. Pero kaagad naming nabigyang pansin ang isang guwapo at matangkad sa likod nila. Well, siya pala si Ithan Magnayo na binansagan nilang Covid 19 baby dahil na-recruit siya nitong lockdown para mapasama na sa grupo ng Clique V. Guwapo si Ithan at mukhang aariba na naman ito sa mga kabaklaan dahil malakas din ang dating huh! On cam din sa Belladonnas sina Tin, Trixie, Jancen at Chloe. In fairness sa Belladonnas, gaganda nila kahit mga bagong gising lang huh! Ayon sa mga bagets, nakaka-miss na ang mag-show at rumaket pero okey lang daw yun dahil both Belladonnas and Clique V, pagti-tiktok naman daw ang kanilang ginawang libangan! 
" Naging libangan naman po naming lahat Tito. Okey naman. Dami na rin naming followers. Tapos marami rin nagla-like sa mga ginagawa namin nina Marco, Josh at Calvin. Collab din with Kyle ng Belladonnas, yung mga napapanood niyo po, yun yun! Pampawala ng bagot at pata visible parin po kami sa taga-suporta namin. Masaya naman. " bulalas naman ni Sean na siyang pinaka-cute na miyembro ng grupo. Uy huwag kayo! Maraming nagkakagustong baklushi kay Sean huh! Usapang tiktok parin, may invisible tiktok kung tawagin. Yung ibang gumagawa nito ay sumesemplang dahil nakikita ang ano nila! Buti hindi sinubukan ng Clique V?
" Hahahahaha! Mahirap na Tito. Kasi yung iba, nakikita talaga. Ayaw ko. Kasi, baka lang makita! " bulalas pa ni Marco na halatang may balak pa rin huh! 
Isa sa mga nakakamiss sa boys ay si Karl Aquino na nasa bahay nila. On cam din si Karl that day at pinansin ng lahat ang pagpayat ni Karl. Well, aabangan daw lalo si Karl dahil kung yummy na siya noon mas naging yummy pa siya ngayon! May ipinakita nga'ng old pic sa akin si Karl na super ganda ng kanyang katawan. Sana ibalik niya yun para panalo diba? Ang nakakaloka ay si Gelo Alagban. Biniro pa nga namin itong lubong-lubo na ang pisngi nito. Hindi naman tumaba ang katawan pero ang pisngi ay humahataw sa lobo! Anyways, kapag naging okey na ang lahat ay balik trabaho naman lahat sila! 

DEAR PRESS PROGRAM NG FDCP BINUKSAN NA NITONG LUNES

Relative to FDCP Advisory No. 01 on the activation of the FDCP DISASTER/EMERGENCY ASSISTANCE AND RELIEF (DEAR) PROGRAM, a disaster-triggered funding mechanism of the Film Development Council of the Philippines that provides financial assistance to its stakeholders who are directly affected by a major natural disaster, the DEAR PRESS! PROGRAM (for displaced freelance entertainment press) is hereby activated with the following guidelines issued:
 
Under DEAR, the DEAR PRESS! PROGRAM (for displaced Freelance Entertainment Press) is hereby activated with the following guidelines issued:
 
  1. Definition of Disaster-affected Freelance Entertainment Press Workers. These are self-employed members of the press who were suddenly out of work as a direct result of the COVID-19 Enhanced Community Quarantine and subsequent State of National Calamity, and does not work for a direct employer and are not eligible for government instituted benefits from other government agencies. 
  2. Coverage. The program covers disaster- affected freelancer members of the entertainment press included but not limited to editors, writers and reporters on a no-work no pay status, and those that are not formally affiliated with a company. Program coverage is the National Capital Region.
  3. Conditions. Any one of the following loss of work conditions must be satisfied by applying workers as a direct result of the COVID-19 situation: 
  1. The worker was scheduled to work, but were unable to reach the workplace.
  2. The worker was scheduled to start work but the job was cancelled or does not exist anymore.
  3. The worker developed an illness, sustained an injury, or became sick and thus, are unable to work.
  4. The worker’s employer/ producer has temporarily or permanently closed for business.
  5. The worker already started the work but the job was cancelled or postponed to a later date. 

  1. Qualifications. Freelance workers of the entertainment press intending to apply for the DEAR PRESS! Program must satisfy all of the following qualifications.
    1. The individual must have job/s that were cancelled or suspended as a direct result of the Covid-19 Pandemic.  March 15-April 14, 2020 is the duration of the Enhanced Community Quarantine in Luzon.
    2. The individual must not have unemployment insurance benefits from either his/her employer/ producer, or from any other government agencies (e.g. SSS, DOLE, DSWD, etc.).
    3. The individual must have written at least one (1) article about the PH showbiz and AV entertainment industry in the last three months that was published or reported in a news or media publication OR covered at least one FDCP press event last year.
  2. Benefit Payment. Approved beneficiaries of the DEAR PRESS! Program will receive a one-time cash financial assistance of Five Thousand Pesos (P 5, 000) tax free to cover expenses during the disaster period, like personal needs, medical expenses, housing and rent, and other essentials. The beneficiaries will be required to sign a Declaration and Agreement with FDCP agreeing and abiding to all the terms of the Program and certifying that all details of the application and documents submitted are factual and authentic.
  3. Application Process. Relative to the COVID-19 situation, applications may be submitted to FDCP from March 30 – April 30, 2020 or within 30 days of the activation of the DEAR PRESS! Program through this Advisory. Online submissions via email to dearnationalregistry@fdcp.ph with the subject [Application] DEAR PRESS! (Surname, Name) are preferable and hard copy applications are discouraged. However, drop boxes for DEAR PRESS! applications will still be available at the FDCP Office at 855 T.M. Kalaw Street, Ermita, Manila starting March 23, 2020.  
  4. Documentary Requirements. Freelance workers of the entertainment press who intend to apply are required to substantiate loss of work or self-employment or to substantiate work that was to begin on or after the declared date of the disaster. The following documents shall be submitted by each applicant:

DEAR PROGRAM NG FDCP NAILUNSAD NA

Pursuant to the Presidential Proclamation No. 922, Series of 2020 declaring a State of Public Health Emergency throughout the Philippines relative to the Coronavirus Disease 2019 (COVID-19), the FDCP DISASTER/EMERGENCY ASSISTANCE AND RELIEF (DEAR) PROGRAM is hereby activated as of March 23, 2020 with the following guidelines issued:
 
  1. Definition of Disaster-affected Freelance Audio-Visual Workers. These are audio-visual workers who have become suddenly unemployed or suddenly out of work as a direct result of the COVID-19 Enhanced Community Quarantine and subsequent State of National Calamity and are not eligible for government instituted benefits from other government agencies.
  2. Coverage. The program covers freelancers in the audio-visual industry, with priority to technical crew and production staff on a no-work no pay status, and those that are not formally affiliated with a company with an earning of no more than P 20, 000.00 a month. Program coverage is nationwide.
  3. Conditions. Any one of the following unemployment or loss of work conditions must be satisfied by applying workers as a direct result of the COVID-19 situation:
a. The worker was scheduled to work, but were unable to reach the workplace.
b. The worker was scheduled to start work but the job was cancelled or does not exist anymore.
c. The worker developed an illness, sustained an injury, or became sick and thus, are unable to work.
d. The worker’s employer/ producer has temporarily or permanently closed for business.
  1. Qualifications. Freelance audio-visual workers intending to apply for the DEAR Program must satisfy all of the following qualifications.
    a. The individual must have lost at least seven (7) work days that were scheduled on or after the declared date of the disaster. For the COVID-19 situation, March 15-April 14, 2020 is the duration of the Enhanced Community Quarantine in Luzon.
    b. The individual’s employment/scheduled jobs must have been suspended or cancelled as a direct result of the COVID-19 situation
    c. The individual must not have unemployment insurance benefits from either his/her employer/ producer, or from any other government agencies (e.g. SSS, DOLE, Local Government, etc.).
    d. The individual must earn no more than P 20,000 a month.
     
  2. Benefit Payment. Approved beneficiaries of the DEAR Program for Freelance AV Workers will receive a one time cash financial assistance of Eight Thousand Pesos (P 8, 000) tax free to cover expenses during the disaster period, like personal needs, medical expenses, housing and rent, and other essentials. The beneficiaries will be required to sign a Declaration and Agreement with FDCP agreeing and abiding to all the terms of the Program and certifying that all details of the application and documents submitted are factual and authentic.
     
  3. Application Process. Relative to the COVID-19 situation, applications may be submitted to FDCP from March 23 – April 23, 2020 or within 30 days of the activation of the DEAR Program through this Advisory. Online submissions via email to dearnationalregistry@fdcp.ph are preferable and hard copy applications are discouraged. However, drop boxes for DEAR applications will still be available at the FDCP Office at 855 T.M. Kalaw Street, Ermita, Manila starting March 23, 2020.
     
  4. Documentary Requirements. Freelance audio-visual workers who intend to apply are required to substantiate loss of employment or self-employment or to substantiate work that was to begin on or after the declared date of the disaster. The following documents shall be submitted by each applicant:
  • Copy of current membership to National Registry for Audio-Visual Workers (NRAW). For non-members, NRAW membership applications (which will be automatically approved after the DEAR Application is approved.
  • Filled out DEAR for Displaced Freelance AV Workers Application Form
  • Affidavit of Unemployment (Template downloadable at the website)
  • Copy of Latest ITR or any proof of income (e.g. latest 3-4 payslips)
  • Proof of Engagement/s
    • e.g. Call Sheet, Contract of Service, Certificate of Engagement/s, or any Certification duly signed by the Employer/Producer
  • Evidence of Unemployment
    • e.g. Emails regarding suspension of work, Proof of cancellation, etc.
       
       If documentary proof cannot be provided at the time the claim is filed, applicants have twenty one (21) calendar days from the time of application to submit the complete documents.
  1. Disbursement of Financial Support. The concerned FDCP personnel shall issue the financial support directly to the affected worker’s bank account or via available money remittance services at the soonest possible time upon the approval of the application
  2. Effectivity. The DEAR Program for Freelance AV Workers shall be effective on 23 March 2020 upon its publication. Applications will be open from March 23- April 23, 2020.

 

FUMIYA ALIW ANG KARAKTER SA MAKE IT WITH YOU SERIES NG LIZQUEN

Patuloy sa pag-ariba sa ratings ng teleseryeng Make It With You na pinagbibidahan nina Liza Soberano at Enrique Gil. Habang papatagal sa ere ay lalong gumaganda ang kuwento nina Gabo at Billy na lalong kinapanabikan ng fans and followers ng LizQuen. Sa isang interview ay panay ang pasalamat ng dalawang bida sa kanilang followers ayon na rin sa walang sawang pagsuporta sa kanilang tambalan mula noon hanggang ngayon. Promising din ang pagpasok ng karakter ni Fumiya bilang old days friendship nina Gabo at Billy back in Croatia na pang-timbang sa istorya nito that make sense huh! In fairness kay Yuta ( Fumiya ) ay aliw ang kanyang role sa series. Just like sa eksena nila last night ni Ian Veneracion, tawang-tawa ako at may bukingang naganap! Aliw ang viewers sa bulolang drama ni Fumiya sa kanyang script at natural niya itong naide-deliver huh! Minsan kasi sa isang teleserye, kailangan din ng panimbang upang lalong gumanda ang eksena. Hindi yung puro dramang iyakan at awayan nalang! Basta! Aliw na aliw kami kay Fumiya na pati LizQuen fans ay naaaliw na rin sa Japanese Actor.
Hindi ko talaga binitiwan ang loveteam ng LizQuen dahil simula palang ay gustong-gusto ko na personally sina Liza at Enrique noh! Ang sarap kaya nilang panoorin sa local boobtube! Diba? Well, when it comes to acting, iba naraw umarte ang dalawa. Nasa ibang level na kumbaga. Lalo pang kaabang-abang ang paparating na mga linggo ng Make It With You!

4TH HAZELBERRY CAFE BRANCH NI ARA MINA BUKAS NA

Nang sumikat si Ara Mina at nagkaroon ng sariling kita ay nagsikap siyang mag-ipon mula sa kanyang mga kinita sa mundo ng showbiz. 90's palang ay kung anu-anong business na ang pinasok ni Ara dahil alam niya naman noon pa na hindi sa lahat ng oras ay magiging mainit ka sa showbizlandia. Naging maganda rin naman ang ilang negosyong binuksan at may negosyong hindi naging mabunga kaya normal lang naman siguro na iiyakan niya ito. Pero bilib kami sa tapang ni Ara Mina hindi lang sa pagharap sa mga pagsubok sa kanyang buhay kundi lalo na rin sa tapang niyang ituloy-tuloy lang ang pagne-negosyo. 
Nitong March 8, 2020 lang ay nagbukas na sa Molito, Ayala Alabang ang ika-apat na branch niya ng kanyang Hazelberry Cafe. Dinaluhan ito ng malalapit niyang kaibigan sa loob at labas ng showbiz kaya naman tuwang-tuwa ang sikat na aktres sa suportang kanyang tinanggap mula sa kaibigan.
" Tuloy-tuloy lang. Ganoon naman sa business. May hindi nagiging successful at meron namang nagiging okey tulad nitong Hazelberry namin na inumpisahan ko lang sa maliit tapos ito na ngayon. Thankful lang din ako dahil sa mga taong nagtitiwala sa atin." Sez Ara Mina.
Hindi lang tutok sa negosyo at sa kanyang anak si Ara kundi tutok na rin siya ngayon sa kanyang paggawa ng teleserye. Aminado siyang kasama na yun sa kanyang buhay o routine bilang isang celebrity, ang hindi maiwan ang pag-arte sa harap ng kamera.
Ara's doing good and great sa kanyang pribadong buhay and she's happy and contented now! Umaasa siyang mas maraming branch pa ng Hazelberry Cafe ang magbubukas soon! Bongga! 

8TH QUEEN MOTHER SALON NAGBUKAS NA SA ULTIMART MALL SAN PABLO CITY

Mula Manila ay dinayo namin ang San Pablo City, Laguna para sa grand opening ng Queen Mother Salon last Sunday. Makikita ang Queen Mother Salon sa UltiMart Mall. Naunang dumating sina DJ Jhaiho at Tart Carlos para sa warm-up ng grand opening. Mga past 5pm na dumating si Momshie Karla. Kaagad namang inumpisahan ang isang simpleng mass | blessing kung saan nakasama rin namin ang branch owner na sina Mr. & Mrs. Miranda. Bongga rin ang lafang na ipinahanda ng mag-asawang Miranda at nag-enjoy kami.
" Pang-8th branch na ito ng QMS. Nakakataba ng puso ang mga hindi naman natin kilalang tao na nagbibigay ng kanilang tiwala sa atin simula nung magbukas tayo ng QMS at nagsunod-sunod na ang franchise. Sobrang blessed tayo kahit sabihin nating hindi naman ito talaga ang gusto kong i-negosyo noon. Apartments ang gusto kong gawin negosyo noon, kaso sabi ni Mama, naku, sa sobrang maawain ko, baka raw ang ending ay maipamigay ko nalang mga papaupahang apartment ko. Since si Do talaga ang mahilig sa ganito, siya talaga ang nag-umpisa nito. So, tinuloy na namin. Kaya in every branch opening, sinisiguro kong ako, kasama ang owner  ang nagri-ribbon cutting. Obligasyon ko yun. Basta happy lang sa lahat. Para yung positivity, nandiyan palagi. Huwag na sa mga nega, tapos na tayo dun! " paglalahad pa ni Karla Estrada.
When asked about what happened na sa dinanas nitong panlalait lately sa kanya ng dalawang kolumnista?
" Naku! Huwag na! Pag-usapan nalang natin ang super dumarami pang blessings sa ating mga buhay. " bungisngis pa nito.
Kailangan lang daw natin i-enjoy ang buhay at magpasalamat sa biyaya. Nakalagak na rin ang paglarga ng buong pamilya pa-Boracay para sa Holy Week! 
Bongga! Tama! Huwag na sa mga nega!

THE GOLD SQUAD MOVIE KASADO NA

Ngayong araw lang ay kumpirmado na ang pelikulang pagsasamahan ng The Gold Squad na sina Francine Diaz, Kyle Echari, Andrea Brillantes at Seth Fedelin. Ayon sa aming source, isang teen horror film ito na napapanahon kung saan isang bagitong direktor din ang hahawak ng proyekto na si Gino Santos mula naman sa BlackSheep. Maganda raw ang tatahaking istorya ng pelikula na pagbibidahan ng apat na bagets na kinagiliwan naman natin sa teleseryeng Kadenang Ginto ng Dreamscape. Wala pang nabanggit na petsa o araw ng first shooting day pero sa ngayon palang ay excited na lahat ng followers nina Francine, Kyle, Andrea at Seth. Sila ang bagong henerasyon ng loveteams na talaga nga namang inaabangan at tinitilian sa ngayon huh! Anyways, mapapanood ang All Nighters movie within the year! Abangan!