Handa
nang magpasaya at mangharana sa fans ngayong Linggo!
DANIEL,
IBIBIDA ANG EBOLUSYON BILANG ARTIST SA DIGITAL CONCERT NA “APOLLO”
Maghahatid ng kakaibang musical experience ang Box Office King na
si Daniel Padilla sa kauna-unahan niyang virtual concert na pinamagatang "Apollo: A Daniel
Padilla Digital Experience."
Mula sa produksyon ng Star Events ng ABS-CBN at ng production
house ni Daniel na Johnny Moonlight, eksklusibong mapapanood ang
"Apollo" sa KTX.ph sa darating na Linggo (Oktubre 11).
Inamin
ng homegrown ABS-CBN artist na nung una ay ayaw niyang gawin ang digital concert. “Pero pumayag na 'ko kasi na-realize ko na hindi
naman 'to para sa 'kin, para sa mga kasama ko, 'yung supporters.”
Magbabalik-tanaw si Daniel sa kanyang matagumpay na journey bilang
singer at performer sa “Apollo” sa pamamagitan ng pag-awit sa mga pinasikat
niyang kanta, paboritong classics, at iba pa habang inaalala ang una niyang
“Daniel: Live!” concert noong 2013 hanggang sa matagumpay na “D4” concert na
ginanap noong 2018.
“Siyempre
it's very different dahil unang-una wala 'yung fans na talagang tumatangkilik
'pag may concert tayo, pero siyempre gusto pa rin natin ibigay yung feeling na
'yun virtually,” paliwanag ni Daniel.
Dagdag
niya, sana ay magustuhan pa rin ng mga manonood ang mismong karanasan nila sa
event. “I think it's a new gate to open. Kahit ako gumagamay-gamay pa. Gusto
lang natin buksan 'yung bagong gates para sa mga susunod pang magco-concert, na
it's possible.”
Sasamahan ang “Mabagal” singer ng Jose Carlito band na
pangungunahan ng front man nito at kanyang kapatid na si JC Padilla.
Ang "Apollo: A Daniel Padilla Digital
Experience" ang una sa mga parating na exclusive concerts na handog ng
Star Events sa pagsisikap nitong maghatid sa mga Kapamilya ng malakihang
musical shows online kasama ang mga paboritong performers kapalit ng live events.
Ang nasabing concert ay bahagi ng bagong digital
offerings ng ABS-CBN para sa mga Kapamilyang hinahanap-hanap ang libangan na
hatid ng network. Ito ay kasunod ng successful launch ng Kapamilya Online Live
sa YouTube at Facebook para maabot ang mas marami Pilipino.
Ilan naman sa mga naging matagumpay
na KTX digital events ang "Hello Stranger: Finale
Fancon," "New Normal" ni Jed Madela, "Tayo Hanggang
Dulo" ng JaMill at K “20k20" ni K Brosas.
Bisitahin ang ktx.ph para sa tickets as inaabangang “Apollo: A Daniel Padilla
Digital Experience.” Sa halagang P499 lamang, maari nang
mapanood ng mga Kapamilya ang maagang pamaskong handog ng aktor. Para sa updates, i-like ang Star Music sa Facebook (www.facebook.com/starmusicph) at sundan ito sa Twitter at Instagram (@StarMusicPH).