MAY SIGALOT NGA BA SINA JIN MACAPAGAL AT MANAGER NITONG SI MARIO COLMENARES

Kung achievement sa kanyang showbiz career, puwede na nating sabihing, kahit papano ay kilalang-kilala na rin si Jin Macapagal bilang isang magaling na dancer, singer maybe at aktor. Kumbaga kahit papano ay may 'name' na rin siya sa showbizlandia simulang manalo siyang BidaMan sa daily noontime show ng Kapamilya Network na It's Showtime.

Saksi ako kung paano rumatsada ang kanyang karera. Nakita ko rin ang pagiging professional nito sa kanyang trabaho. Ramdam din namin ang kanyang dedikasyon kaya naman bago pa man tayo nagkaroon ng pandemya ay humahataw talaga si Jin sa telebisyon, out of town shows at pelikula. 

Kamakailan lang ay nakausap ko si Jin Macapagal ng masinsinan sa isang face to face interview para naman sa promo ng kanyang latest movie na Suarez: The Healing Priest na pinagbibidahan ni John Arcilla at si Jin naman ang gumanap bilang young Father Suarez mula sa direksyon ni Joven Tan produced ng Saranggola Productions ni Ms. Edith Fider.

Ayon kay Jin, masaya siyang makatrabaho ulit si Direk Joven after Damaso. Masaya rin siyang makatrabaho ang ilan pang mga magagaling na aktor natin sa industriya ng pelikula. 

" Yung trust po sa akin ng production, sobrang na-appreciate ko po. Yung tiwala sa akin ni Direk Joven Tan, nakakataba ng puso. " paglalahad pa ni Jin.

" Ako po kasi ang gumanap na young Father Suarez sa movie na ito. Gusto kopo yung role ko, nakita ko rin po yung buhay na meron si Father Suarez at his young age na ginampanan ko, parang, hindi rin po ganoon ka-saya, may lungkot din na makikita nila sa movie. Am just honored po talaga na ipinagkatiwala nila sa akin ang role. Sobrang blessed lang. " aniyang muli sa aking panayam.

Ayon pa kay Jin, happy naman siya sa kasalukuyang tinatakbo ng kanyang showbiz career. Yun nga lang, dahil sa pandemic, ayun, nga nga rin siya for how many months at ngayon nalang din muli umaapir.

Bago ko winakasan ang aking interview kay Jin, naitanong ko sa kanya ang totoong estado ng kanyang relasyon ngayon sa kanyang manager na si Mario Colmenares. May nabalitaan kasi akong tila may hidwaan sila at parang gusto na nitong kumawala sa poder ng kanyang manager. Balita ko rin ay sa kaibigan o kamag-anak na siya nanunuluyan ngayon at hindi na sa provided residence ni Mario Colmenares para sa kanyang mga talents sa Primetime Artists Management?

" Ahhhh. Ha! Ha! Ha! " ang natawang sagot lang ni Jin Macapagal sa aming panayam na halatang umiiwas mapag-usapan ang problema nila ng kanyang management! 

Well, in that case, saganang akin lang, we have to give the best respect sa both parties. Pareho ko kasing nirerespeto at minamahal sina Jin at Kuya Mario Colmenares. Wala akong ibang dasal kundi ang maaayos din ang sigalot ng dalawa at happy ending parin! 

Basta! Goodluck Jin Macapagal. You'll go places more basta't kapit lang at tuloy-tuloy lang sa pag-usbong! 

SEAN DE GUZMAN HINDI NA PAPIPIGIL SA PAGSIKAT

Sa bagong mundong kinaiikutan ngayon ng buhay ng newbie actor na si Sean De Guzman ang bidang aktor sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer ni Joel Lamangan ay hindi pagbuyangyang ng kanyang katawan ang kanyang sandalan. Kundi ang gusto niyang may mapatunayan sa pag-arte at magkaroon ng magandang imaheng hindi lang pang-isahang bagsakan kundi pang-matagalan. Matindi ang gustong mangyari ni Sean sa kanyang tuluyang pagiging isang sikat na ring male celebrity ngayon. Alam namin personally kung anong gustong patunayan ni Sean lalo na ngayong ilulunsad na siya via Anak Ng Macho Dancer kung saan pomoste ang mga naglalakihang aktor natin sa showbizlandia para suportahan siya sa kanyang bagong karera mula sa pagiging mabait, masipag at professional na miyembro ng Clique V ng 316 Events And Talent Management ni Maam Len Carillo.

" Ngayon palang po ay sobrang overwhelmed napo ako sa mga naririnig kong hinihintay napo talaga ang pelikula namin. Nakakataba po ng puso Tito kasi baguhan lang po ako, tapos, yung mabalitaan mong excited na silang mapanood ang movie, nakakatuwa po." Sez Sean De Guzman.

Ipinagpasalamat din ni Sean ang pagkakapisil sa kanya bilang isa na rin sa mga endorser ng BlackWater.

" Thank you po sa tiwala nila sa akin. Hindi ko rin po ine-expect. Thank you po talaga. " aniyang muli.

Sabi ko nga, mahalin niya lang ang kanyang propesyon, mahalin niya rin ang mga taong nagbigay ng oportunidad sa kanya at mahalin ang mga taong nakapaligid sa kanya dahil alam kong after this film ay tuloy-tuloy na rin ang blessings sa kanyang career. 

Kahit ang producer nitong si Joed Serrano ng Godfather Productions ay hindi rin maiwasang purihin ang binata ayon na rin sa rushes ng pelikula. Ayon kay Joed, sigurado na ang karerang napakaganda ahead na naghihintay kay Sean ayon na rin sa ipinamalas nitong galing sa pag-arte sa naturang pelikula.

Wishing you all the best SEAN!!!

SUAREZ: THE HEALING PRIEST NGAYONG DECEMBER 25 NA!

Suarez: Th Healing Priest

Producer: Saranggola Media Produtions 

Direktor: Joven Tan

Cast: John Arcilla (as Fr. Fernando Suarez), Alice Dixson, Jin Macapagal,  Marlo Mortel, Jairus Aquino, Rosanna Roces, Troy Montero, Rita Avila at marami pang iba


 ‘SUAREZ’ NI JOHN ARCILLA SUPORTADO NG HIGIT 52 ARTISTA 


Mapapanood na simula December 25 ang pelikulang Suarez: The Healing Priest na pinagbibidahan ni John Arcilla  bilang si Fr. Fernando Suarez. Ang pelikula  na prinodyus ng Saranggola Media Productions at idinirek ni Joven Tan ay  kasali sa 2020 Metro Manila Film Festival – ang first ever virtual MMFF na mapapanood via UPSTREAM.ph.


Suarez: The Healing priest is a motion picture experience that will make you reflect on compassion, faith, healing, miracles and relationship with our fellow men and to our God. The movie tells us all that God heals.


Ipapakita din  sa pelikula ang  tungkol sa buhay ng tinaguriang healing priest -- kung paano siya nagsimulang magpagaling ng mga may sakit, ang mga testimonya ng kanyang mga napagaling at maging  ang mga kontrobersiyang ipinukol sa kanya at kung paano niya ito napagtagumpayan.


Ang Suarez: The Healing priest ay isa ring “casting coup” dahil bukod kay John ay 52 artista pa ang kasama sa pelikula at sila ay ang mga sumusunod base sa kanilang order of appearance:  Gina Pareno, Jin Macapagal (as young Fr. Suarez), Marlo Mortel, Biboy Ramirez, Lou Veloso, Lui Manansala, Troy Montero, Marissa Sanchez, Rubi Rubi, Christian Vasquez, Dante Rivero.

Alice Dixson, Ynigo Delen, Yayo Aguila, Rita Avila, Dexter Doria, Richard Quan, Charles Kieron, Pam Gonzales, Althea Pinzon, Zeus Collins, Glenda Garcia, Jenine Desiderio, Michelle Vito, Janna Trias, Tom Doromal, Willsen Estabilo, Perla Bautista, Bobby Andrews.


Zeppi Borromeo, Joe Vargas, Jay Dizon, Alora Sasam, Andrea del Rosario, Joonee Gamboa, Noel Trinidad, Leo Martinez, Jon Achaval, Jairus Aquino, Alan Paule, Ahwel Paz, Maru Delgado, Patrick Sugui, Jericho Estregan, Rosanna Roces, Meggie Cobbarubias, Simon Ibarra, Dennis Padilla, Tess Antonio, Buboy Villar, Archie Adamos at Gerald Ejercito.


JOHN ARCILLA IPINAGPALIBAN ANG BAKASYON 

SA AMERICA DAHIL SA MMFF MOVIE NA ‘SUAREZ’ 


Hindi na natuloy ang paglipad at pagbabakasyon sana ni John Arcilla, bida ng MMFF movie na Suarez: The Healing Priest na naka-schedule dapat nitong second week ng December.


Mas inuna ng aktor ang promo ng kanyang latest film kesa ang magpahinga mula sa kanyang hectic schedules sa FPJ’s Ang Probinsyano. Gusto ring masigurado ni John na maipo-promote nang todo ang pinagbibidahan niyang pelikula na tungkol sa buhay ng tinaguriang healing priest.


“I want to help my producer and director para mas maging aware ang mga tao na may ganitong pelikula sa MMFF. Yang pahinga at bakasyon puwede ko namang gawin yan sa ibang panahon,” katwiran ng magaling na aktor.


Samantala, bukod kay John ay higit 52 artista rin ang bumubuo sa cast ng Suarez. Here are their names base sa kanilang order of appearance:  Gina Pareno, Jin Macapagal (as young Fr. Suarez), Marlo Mortel, Biboy Ramirez, Lou Veloso, Lui Manansala, Troy Montero, Marissa Sanchez, Rubi Rubi, Christian Vasquez, Dante Rivero.


Alice Dixson, Ynigo Delen, Yayo Aguila, Rita Avila, Dexter Doria, Richard Quan, Charles Kieron, Pam Gonzales, Althea Pinzon, Zeus Collins, Glenda Garcia, Jenine Desiderio, Michelle Vito, Janna Trias, Tom Doromal, Willsen Estabilo, Perla Bautista, Bobby Andrews.


Zeppi Borromeo, Joe Vargas, Jay Dizon, Alora Sasam, Andrea del Rosario, Joonee Gamboa, Noel Trinidad, Leo Martinez, Jon Achaval, Jairus Aquino, Alan Paule, Ahwel Paz, Maru Delgado, Patrick Sugui, Jericho Estregan, Rosanna Roces, Meggie Cobbarubias, Simon Ibarra, Dennis Padilla, Tess Antonio, Buboy Villar, Archie Adamos at Gerald Ejercito.


Mapapanood ang Suarez: The Healing Priest na idinirek ni Joven Tan at prinodyus ng Saranggola Media Productions sa UPSTREAM.ph online platform simula December  25.

KILALANIN NATIN SI FATHER SUAREZ: THE HEALING PRIEST

When Fernando was given the gift of healing at 16, he hid it for many years until he became a priest only to find himself in scandals and squabbes with the catholic church. Unfazed, he challenged head on but pauses when faced with the question -- what if the gift is taken away from him? Based on the true to life story of Fernando Suarez.

 

Father Fernando Suarez, C.C. (7 February 1967 – 4 February 2020) was a Filipino Catholic priest who performed faith healing in the Philippines and abroad. He grew up in the Philippines and spent much of his life working in the Philippines.

 

Father Fernando Suarez was born in Barrio Butong in Taal, Batangas, Philippines on 7 February 1967. His father, Cervando, was a tricycle driver and his mother, Azucena, was a seamstress. He was the oldest of four siblings and attended public school. At the age of 12, he worked by renting inflatables at Butong Beach.


He attended Adamson University and earned a Chemical Engineering degree. After college, he briefly entered Christ the King Seminary, leaving after six months after being absent without leave.

In 1986, at the age of 18, he became aware of his healing gift. He prayed over a paralyzed 60-year-old beggar woman who he found outside Quiapo Church; according to Suarez, the woman was able to walk again after his prayers. 


In 1995, he met French-Canadian student Mark Morin, who invited him to Canada and paid for his fare. They intended to enter into a business partnership but Suarez later decided to enter the priesthood. 


In 1997 he joined the Companions of the Cross, a newly established community of priests and seminarians in Ottawa. He was ordained in 2002 at age 35.


In Canada, when Suarez was still a seminarian, a Canadian woman declared dead eight hours earlier also opened her eyes after he prayed over her. From there his healing ministry continued and in 2008, he returned to the Philippines to resume his healing work.

PPP4 AWARDS NIGHT NGAYONG DECEMBER 12 NA!


Pista ng Pelikulang Pilipino Announces Nominees, #PPP4SamaAll Awards Night on Dec. 12


The #PPP4SamaAll Awards Night will be streamed on the FDCP’s Facebook page and YouTube channel


MANILA, PHILIPPINES, DECEMBER 7, 2020 (2nd UPDATE) — Nine out of the 13 films from the Premium Selection Section of the 4th Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) were considered for the selection of nominees for the #PPP4SamaAll Awards Night to be held virtually on December 12. 


The PPP Premium Selection features titles that had a limited release in the country or have never been shown in the Philippines, along with a non-competition title, opening film “Ang Lakaran ni Kabunyan: Kabunyan’s Journey to Liwanag” by National Artist for Film Kidlat Tahimik, and three restored titles: “Batch ’81” by Mike de Leon, “Brutal” by Marilou Diaz-Abaya, and “Markova: Comfort Gay” by Gil Portes.


The Film Development Council of the Philippines (FDCP) made known that only Premium Selection films with Philippine premieres at PPP or had limited releases were considered for the PPP4 Awards nominations:


  • “Blood Hunters: Rise of the Hybrids” by Vincent Soberano

  • “Cleaners” by Glenn Barit

  • “Come On, Irene” by Keisuke Yoshida

  • “He Who Is Without Sin” by Jason Paul Laxamana

  • “Kintsugi” by Lawrence Fajardo

  • “Metamorphosis” by J.E. Tiglao

  • “Sila-Sila” by Giancarlo Abrahan

  • “The Helper” by Joanna Bowers

  • “The Highest Peak” by Arbi Barbarona

PISTA NG PELIKULANG PILIPINO 4 AWARDS NIGHT OFFICIAL LIST OF NOMINEES

The 4th PPP, which has a 170-film lineup with 90 full-length feature films and 80 short films, will end on December 13. It has drawn more than 8,000 subscribers since it began on October 31. 


With the #PPP4SamaAll tagline, the festival aims to be a solidarity event that promotes Philippine Cinema and boosts the Filipino film industry as it is struggling to recover from the COVID-19 crisis.


Below is the official list of nominees of the #PPP4SamaAll Awards Night:


BEST PICTURE

Cleaners

He Who Is Without Sin

Metamorphosis

Kintsugi

The Highest Peak


BEST DIRECTOR

Glenn Barit (Cleaners)

Jason Paul Laxamana (He Who Is Without Sin)

J.E. Tiglao (Metamorphosis)

Lawrence Fajardo (Kintsugi)

Arnel “Arbi” Barbarona (The Highest Peak)


BEST ACTRESS

Sarah Chang (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)

Nats Sitoy (Come On, Irene)

Hana Kino (Come On, Irene)

Hiro Nishiuchi (Kintsugi)


BEST ACTOR

Ken Yasuda (Come On, Irene)

Gold Azeron (Metamorphosis)

Gio Gahol (Sila-Sila)

Elijah Canlas (He Who Is Without Sin)


BEST SUPPORTING ACTRESS

Iana Bernardez (Metamorphosis)

Yayo Aguila (Metamorphosis)

Gianne Rivera (Cleaners)


BEST SUPPORTING ACTOR

Phi Palmos (Kintsugi)

Topper Fabregas (Sila-Sila)

Roweno Caballes (The Highest Peak)

Allan Gannaban (Cleaners)

Henyo Ehem (The Highest Peak)


BEST SCREENPLAY

J.E. Tiglao and Boo Dabu (Metamorphosis)

Glenn Barit (Cleaners)

Jason Paul Laxamana (He Who Is Without Sin)

Herlyn Alegre (Kintsugi)

Daniel Saniana (Sila-Sila)


BEST CINEMATOGRAPHY

Boy Yñiguez (Kintsugi)

Steven Paul Evangelio (Cleaners)

Takeyuki Onishi (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)

Tey Clamor (Metamorphosis)

Emmanuel Liwanag (He Who Is Without Sin)


BEST EDITING

Noah Loyola and Che Tagyamon (Cleaners)

Mai Calapardo (He Who Is Without Sin)

Lawrence Fajardo (Kintsugi)

Mark Cyril Bautista and Big Dipper (Metamorphosis)

Annika Lok Yin Feign (The Helper)  


BEST PRODUCTION DESIGN

Alvin Francisco (Cleaners)

Hai Balbuena and Rolando Inocencio (Kintsugi)

James Arvin Rosendal (Metamorphosis)

Lars Magbanua (He Who Is Without Sin)

Fritz Silorio (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)


BEST SOUND DESIGN

Yuji Akazawa and Shichihei Kawamoto (Come On, Irene)

Dale Martin (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)

Aian Louie Caro and Erlyn Tomboc (He Who Is Without Sin)

Arnel “Arbi” Barbarona (The Highest Peak)

John Michael Perez and Daryl Libongco (Cleaners)


BEST MUSICAL SCORE

Glenn Barit (Cleaners)

Divino Dayacap (The Highest Peak)

Peter Legaste (Kintsugi)

Dale Martin and Tamara Dela Cruz (Blood Hunters: Rise of the Hybrids)

Igo Gonzalez (Sila-Sila)

PAO CHIEF PERCIDA ACOSTA NAGSALITA NA PATUNGKOL KENA SENATOR DRILON AT SENATOR ANGARA HINGGIL SA GENERAL APPROPRIATIONS ACT O GAA NG 2021

Hindi biro ang ipinaglalaban ngayon ng PAO o Public Attorneys Office sa pamumuno ni PAO Chief Percida Acosta. Ito ay patungkol sa insertion nina Senador Franklin Drilon at Sonny Angara na nagsasabing tanggalin na ang pagsasahod sa mga doktor sa forensic team ng PAO sa 2021 GAA! 

Honestly, ngayon lang namin nakitang emosyonal si PAO Chief Acosta. Halatang nasasaktan siya sa ginawang ito nitong dalawang Senador ganoon din ang pagsawsaw ng ating Bise-Presidente Leni Robredo kamakailan lang. Mukhang hindi na nagustuhan ni PAO Chief Acosta ang panggigipit na ito ng mga personalidad na ito sa politics.

Narito po ang kopya ng official statement ng Public Attorneys Office na aming natanggap nitong araw ng lunes lang ng dumalo kami sa presscon.

" Senator Franklin Drilon and Senator Sonny Angara inserted a prohibition in the 2021 General Appropriations Act ( GAA ) bill for 2021 and transmitted by the Senate to the House of Representatives an illegal, despotic, whimsical, vindictive and unconstitutional provision in the PAO budget, to quote-

" Forensic Laboratory Division:

Nothing in the appropriation provided in this act shall be used for the salaries or compensation of personnel, travel allowance, meetings and maintenance and other operating expenses of the PAO Forensic Laboratory Division.

" This insertion is an unconstitutional rider illegal, a violation of Civil Service Commission CSC rules for permanent government employees, and contrary to law. The insertion by opposition senators should be vetoed by PRRD if it prevails in the Bicam, to maintain rule of law, human rights and access to justice by the poor. 

" The commission on human rights CHR forensics and medico legal service budget was increased to 320 Million for GAA 2020 by Senators Drilon, Angara, et.al.

Atat ang dalawang Senador sa ginawa nilang ito dahil ayon pa sa nasagap naming balita ay may kinalaman sina Angara at Drilon sa ACRA na siyang may kinalaman din sa Sanofi kung saan almost 159 na ang namatay dahil sa kontrobersy na Dengvaxia Vaccine. 

Sa pagsawsaw ni Vice President Leni Robredo kung saan sinabi nitong nag-iingay lang daw ang PAO at manahimik nalang ang mga ito?

" Hindi puwedeng manahimik nalang kami. Hindi namin hahayaang manahimik nalang din ang halos 13 million na kataong tinutulungan namin na bomoto rin sa inyo. Hindi po PAO ang kalaban ninyo rito sa laban na ito, kundi ang 13 million na Pilipino na mawawalan ng karapatan kapag naisakatuparan ninyo ang prohibition na yan. " ayon pa kay PAO Chief Percida Acosta sa kanyang emosyonal na pahayag. 


MONEY, CAR AT HOUSE AND LOT ANG BINIBIGAY NI JOED SERRANO SA MGA TAONG MAHAL NIYA AT MAHAL SIYA

Maraming kuwentong lovelife kapag nababanggit ang pangalang Joed Serrano. Eversince. Hindi niya naman itinanggi na pagdating sa kanyang buhay, pribado man ito o hindi, bukas na bukas siya sa nilalaman ng aklat ng kanyang buhay. Prangka. Deretso at walang kiyeme sa lahat ng bagay. Yan ang personal kong pagkakakilala sa isang Joed Serrano. Met him twice in the past, i mean, decades past, but this time, everytime na nakakasalamuha ko siya, natutulala ako. Most of the time, i just look at him and said to myself, how to be you po? 

I love Joed! Sobra! His real character, naku, matutuwa ka pala talaga sa kanya. While on location kasi, sa Angeles City, Pampanga kung saan kinunan ang mga eksena sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer na pinagbibidahan ng newbie actor na si Sean De Guzman, ilang beses ko siyang nakasalamuha.  Lots of kuwento na tatanungin mo talaga ang sarili mo, totoo ba yun o hindi lalo na nung minsan ay maikuwento niya sa amin ang mga naging karanasan niya nung siya ay nagu-umpisa palang ng kanyang showbiz career decades ago. Sabi ko, talaga? Pinagdaanan niya yun? Yung tipong, sa taglay niyang karisma at kaguwapuhan, lalo na nung kumakanta at sumasayaw palang siya sa entablado ng Thats Entertainment noon ni Kuya Germs ay nag-umpisa na palang mabahiran ng makukulay na kulay ang kanyang buhay magpahanggang ngayon! 

Nag-produced ng naglalakihang concert events ng mga sikat nating local at international singers at ngayon naman ay pagpo-produced naman ng pelikulang pang-mainstream ang kanyang tinatahak. Marami ang namangha sa kanyang taglay na yaman. Yamang ayon kay Joed Serrano ay bunga ng kanyang pagsisikap na mapaganda ang kanyang buhay at pinaghirapan niya ito for years. 

Now, via Anak Ng Macho Dancer movie na produced niya mismo mula sa kanyang Godfather Productions sa direksyon ni Joel Lamangan, nangako siyang tuloy-tuloy na rin ang paggawa niya ng pelikula. Ayon kay Joed, sa kanyang pagbisita sa mga location shoot at pakikisalamuha sa mga nagtatrabaho sa kanyang produksyon ay natuwa naman siya at kuntento sa kanyang nakita at dedikasyong ipinaramdam sa kanya ng lahat. 

Kaya naman kahit nasa post production pa rin ang Anak Ng Macho Dancer, maybe mid of this month ay gugulong na rin ang kamera para sa pelikulang magkukuwento sa atin ng buong ningning at kinang, ang pelikulang tatalakay sa kanyang naging buhay sa loob at labas ng showbizlandia. Ang pelikulang JOED.

JOED na kapag sinabi mong Joed, nandiyan na ang konek ng mga kalalakihan sa kanya. Sa kabila ng kanyang masayang lovelife sa kasalukuyan ay napakaraming pangalan ng boys ang nalilink sa kanya na ang siste ay super fabulous ito kapag naglambing na sa kanya ang mga boys sa kanya. 

Lambing ng car, house and lot plus money. Ilan lamang sa mga nakakaintrigang ating masisilip kapag JOED na ang nababanggit.

" Ow! Totoo naman! Diba? " bigkas pa ni Joed nang banggitin ko ang naturang tsismis! Yes! Yan na yan si Joed! 

Just to confirm his pagiging fabulous, yes, saksi po ako sa isang pagkakataon kung saan napakabuti naman talaga ng kanyang puso, hindi lang sa mga lambing na car, house and lot at money ng mga boys na tipilya niya kundi, actually, sa lahat! Hindi siya mahirap kausap! Ganun siya! 

Well, he has everything na maybe in this world that's why ibinabalik niya lang ang mga biyayang dapat sa kanyang kapwa. Tama nga naman, hindi siya gahaman, he just wanted people that he loves feel happy and he just wanted to be remembered beautiful inside and out in this world! Yan si JOED!


BEA ALONZO BIGLANG LAOS DAHIL SA PAGSASARA NG ABS-CBN?

Nung ipinasara 7 months ago ang ABS-CBN Kapamilya Network ay sahihin na nating isa lamang si Bea Alonzo sa mga celebrities ng Star Magic na apektado. 2 months after ng pagsasara ng network ay umugong naman ang balitang llipat na si Bea Alonzo sa bakuran ng GMA Kapuso kung saan marami na ring Kapamilya Stars ang nagsilipatan. Nanahimik ang naturang usapin for months hanggang sa nitong nakaraang linggo lang ay pormal o opisyal na nga ang pamamaalam ni Bea sa Star Magic ayon na rin sa kanyang naging socmed post na nag-aruga sa kanya at humulma sa kanya bilang si Bea Alonzo ngayon for 19 years. Dahilan ito upang magbigay na rin ng kanilang official statement ang ABS-CBN at nakasaan dito na ang kanyang bagong manager daw ngayon ay si Shirley Quan. 

Dahilan ito upang pag-isipang tila tuloy na tuloy na rin ang paglipat ni Bea sa Kapuso Network ng mga netizens.

May mga nagsabing wala siyang utang na loob, hindi naghintay, nagmadali, takot mawalan ng pera at kung anu-ano pa. Mga paratang sa kanyang naging desisyon kung saan marami naman talaga ang nabigla dahil hindi nila sukat akalaing aalis sa network ang sikat na aktres. Hindi raw naging mahalaga kay Bea ang salitang utang na loob at loyalty kaya nang-iwan daw ito sa ere?

Saganang akin lang po. Hindi lang si Bea Alonzo ang artistang umalis sa Kapamilya Network o Star Magic kundi napakarami nilang nauna pa! Oo. Homegrown talent ng Kapamilya si Bea Alonzo. Sumikat at mula sa pagiging simpleng pamumuhay ay mataas napo ang sistema ng lifestyle niya bilang isang celebrity. At napakahirap po itong sitwasyon niya sa panahon ng pandemya on how to sustain everything dahil siya naman talaga ang naghahanapbuhay para sa kanyang pamilya. 

Mahirap ang mawalan ng trabaho dahil unang-una, napakarami rin niyang obligasyon kaya kailangan niyang magdesisyon para mabuhay naman siya kasama ang mga taong nakapaligid sa kanya at umaasa. Kahit sino, kahit ilang milyon pang pera mong naitabi, hindi ka man magugutom for months, year, pero inisip lang siguro ni Bea Alonzo na kailangang may pumapasok na biyaya at magtuloy-tuloy ang career niya. 

Actually, sabi pa nga ng ilang bashers na na-laos siya bigla after magsara ang Kapamilya. 

It's a big noooooo! Bea Alonzo is Bea Alonzo! Magaling siyang aktres at may napatunayan na rin siya sa showbizlandia sa pelikula at telebisyon! 

Kailangan lang po nating respituhin ang naging desisyon niya at suportahan parin natin ang aktres na nagpakitang gilas din naman upang maabot niya ang tagumpay sa buhay at career sa ngayon! 


DIREK JOVEN TAN HALOS WALANG PAHINGA SA PAG-COMPOSE NG KANTA AT PAGGAWA NG PELIKULA

Obcourse! Very happy ang sikat na composer, hitmaker at direktor na si Joven Tan dahil kasama sa 10 finalists ngayong taon ng Metro Manila Film Festival ang pelikulang Suarez: The Healing Priest na kanyang idinirehe na pinagbibidahan ni John Arcilla na produced naman ng Saranggola Media Productions. 

Ang alam ko ay ipapalabas na sana this year ang movie pero hindi ito natuloy dahil sa pandemic. Maganda ang nilalaman ng movie na tatalakay sa totoong naging buhay ng naging sikat na healing priest ganoon din ang napagdaanan nitong kontrobersya kaya bigla itong nanahimik.

According to Direk Joven Tan, fair and honest ang treatment niya sa life story ng healing priest lalo na't lahat naman daw ng mga kinunan niyang eksena lalo na sa paglalaro sa script ng movie ay lahat ay alam ni Father Suarez bago pa man ito namatay. 

Aminado si Direk Joven Tan na devastated siya nung malaman niyang namatay si Father Suarez kung saan nakasalamuha paraw nila ito a day before ito namatay.

Sabi ko nga kay Direk Joven, kahit pandemic ay wala siyang pahinga mula sa pagko-compose ng kanta at paggawa ng pelikula. Ibang klase rin magtrabaho si Direk Joven na halos walang pahinga huh! 

Kamakailan lang ay naging usap-usapan din ang original composition nitong Malalim Na Naman Ang Gabi  na kinanta ng Hugot King na si Kiel Alo na gagamitin namang movie themesong ng Anak Ng Macho Dancer na launching movie naman ng newbie actor na si Sean De Guzman. 

Sabi nga ni Direk Joven Tan, work lang ng work. Ayaw na ayaw niya raw ang nababakante siya dahil totoo nga naman, passion niya naman talaga ito kaya ganoon nalang siya magtrabaho. 

Nitong araw lang ay mukhang tuloy na tuloy narin ang proyektong kanyang gagawin with Manila Mayor Isko ' Yorme ' Moreno na ipo-produce naman ng Saranggola Media Productions ni Edith Fider. 

Bongga! Congrats Direk!