XIAN LIM NAGING INSPIRADO SA BUHAY NI YORME ISKO MORENO AT KAPAG NABIGYAN NG PAGKAKATAON AY POSIBLE DIUMANONG PASUKIN ANG PULITIKA

Kapag nabigyan ng pagkakataon ay open o bukas diumano ang isang Xian Lim sa pagpasok sa mundo ng pulitika. Ito ang inamin ni Xian nang tanungin ito ng isang kasamahan namin sa entertainment press during our interview with him sa ginanap na intimate set visit para sa musical movie'ng YORME sa loob mismo ng Manila City Hall kung saan ginagampanan ni Xian ang adult Yorme. 

Bilang naging Yorme sa movie, sa kanyang pagganap, napakarami diumanong natutunan si Xian sa kanyang role. Humanga diumano lalo si Xian sa pagkatao ni Manila Mayor Isko Moreno at napaka-inspiring diumano ang naging buhay ni Isko. Lalong-lalo na diumano ang puso nitong walang sawa sa pagbibigay ng tulong sa kanyang kapwa!

Isang mabuting ehemplong dapat naman talagang tularan ang isang Isko Moreno.

Ipapakita sa pelikula ang ilan lamang sa mga naging dark sides of his life ni Mayor Isko at wala diumanong hindi ipapakita. 

Ayon rin kay Xian, isang napakagandang experience para sa kanya bilang isang aktor ang gampanan ang isang buhay na character sa pelikula lalo na't hindi raw naging madali para sa kanya ito. 

Ang YORME ay mula po sa panulat at direksyon ni Joven Tan at produced po ng Saranggola Productions ni Tita Edith Fider. 

Mapapanood na soon ang movie!!!

YORME ISKO MORENO NG MAYNILA, HINARAP ANG DALAWANG YORME SA PAGSASAPELIKULA NG KANYANG BUHAY NA SINA XIAN LIM AT MCCOY DE LEON

Nitong araw ng huwebes, June 16, 2021 ganap na ika-6 ng gabi ay tuluyan na nga'ng nagkita in-person sina Manila Mayor Isko Moreno, Mccoy De Leon at Xian Lim sa mismong tanggapan ng Manila City Hall. Ito ay may kinalaman sa pagsasa-pelikula ng Saranggola Productions ni Edith Fider sa naging karera sa buhay ni Isko Moreno bago pa man ito ngayon naging Mayor ng Maynila. Parang courtesy call ang nangyari na isinabay na rin ni Direk Joven Tan sa shooting ng movie na may kukunan din that evening na mga eksena sa loob mismo ng Manila City Hall. 

Nagkaroon kami ng pagkakataong makausap kahit saglit ang tatlo.

" Happy to see you po. Sobrang blessed lang ako siguro dahil napili po akong gaganap bilang batang Yorme. Diko po ito ine-expect na yung pagganap ko palang bilang young Yorme, isang karangalan napo para sa akin. Kaabang-abang po ang movie na ito. Something new tapos life story papo ng isang dating aktor at ngayon ay isang Mayor na ang malalaman nila ang buhay. Masaya po ako. " bulalas pa sa akin ni Mccoy De Leon na gumaganap bilang binatang Isko Moreno sa film.

Nung tanungin naman si Xian Lim patungkol sa experience niya bilang adult Isko Moreno sa film ay naging maboka naman ito sa pagsasabing..

" You'll get inspired talaga sa naging buhay ni Yorme in this movie. Ang dami niyang pinagdaanan and na-enjoy ko ang role ko na parang lalo akong naging inspirado sa buhay and yung dedication niya bilang Mayor, wow! " sez Xian Lim.

Napag-alaman din namin na hindi nagpabayad ng kanyang life story rights ba tawag doon si Mayor Isko Moreno sa pelikulang ito. Mas ginusto niya diumanong maitulong nalang sa kanyang kapwa ang bayad na dapat sana ay para sa kanya.

" I always help. Kung makakatulong, okey na ako. Nakita niyo naman sa mga endorsements ko, lahat, binigay ko rin palabas ang tf ko. I wanna help. Wala akong pakialam kung mapuno man ng billboard ko ang Edsa as long as nakakatulong ako sa kapwa ko! " paglalahad pa ni Mayor Isko.

Possible Presidential Candidate ngayong 2022 National Elections si Mayor Isko. Pero ayun na rin sa kanyang naging sagot sa amin during our interview na wala pa siyang opisyal na magiging pahayag patungkol dito. 

Sabi nga ni Mayor Isko....GOD FIRST!

JOHN LLOYD CRUZ AKTIBONG MULI SA SHOWBIZ

Fan ako ng isang John Lloyd Cruz. Nakita ko kung paano siya nag-grow bilang isang artista sa showbiz. Nakita ko kung paano niya inalagaan at minahal ang kanyang karera kaya naman he nailed it at ngayon ay isang tinitingalang aktor sa industriya ng pelikula at telebisyon.

Gumawa ng naga-gandahang pelikula at teleserye. Sinubaybayan at minahal ng taongbayan kaya naman sa bawat kibot niya ay nakatingin sa kanya ang madlang pipol mula noon magpahanggang ngayon. 

Higit sa lahat, kumikita sa takilya ang bawat pelikang ginagawa niya na nagpapatunay lamang na siya ay isang bankable actor! 

Kaya naman sa umusbong na balitang magbabalik telebisyon na siya o magiging visible na siya ulit sa showbiz ay talaga namang pinag-usapan siya kamakailan. Patunay lang na hindi talaga nalalaos ang mga nagagaling na artistang minahal ng masa. Mga artistang pinilahan ang mga pelikula kaya naman mawala man sila sa showbiz at babalik, still, nandoon yung kinang nila at pagnanasa ng mga umiidolo sa kanilang nakaantabay sa kanilang pagbabalik! 

Meaning, John Lloyd Cruz is JLC! Ganoon lang yun! Kasi magaling siyang artista! Sa showbiz ganoon eh! Wala kang magagawa kung bakit maingay na naman ang isang JLC! Dahil sikat siyang artista at AKTOR SIYA!

TOTOO BANG NAGPAPARAMDAM SI JOSHUA GARCIA KAY KIM DOMINGO?

Sa gitna ng pandemya ay isang tsikadorang tsismong chararat ang nakasalamuha ko sa tabing ilog. Mukhang mabitamina ang ipinaabot nitong tikatik sa akin huh! Mukhang nadulas lang sa akin si tsikadorang tsismosang chararat nang hindi nito sinasadyang masabing nagkakamabutihan na raw sina Joshua Garcia at Kim Domingo! Meaning, hindi pa kumpirmadong mag-syota sila kundi mukhang panay naraw ang paramdam ni Joshua kay Kim! 

Sabi ko naman, why not cocomut kung totoo man yang naitikatik mo sa akin tsikadorang tsismosang chararat noh! 

Pareho naman yata silang loveless at walang sabit este walang mga jowa kaya posible nga namang ligawan ni boy si girl! Plus the fact na bagay naman sila noh! 

Pansin ko lang, mahilig talaga si Joshua sa mestisa noh? Yung kasing-mestisa ko? Charoooot! Anyways, let's just wish them luck and sana mag-work ang lahat! Hindi ba Joshua Garcia?


SEAN, MARCO, CLOE, CHRISTINE AT QUIN NASA VIVA ARTIST AGENCY NA

Umaariba na ngayon sa bakuran ng Viva Artist Agency ang 5 produkto ng 316 Events And Talent Management ni Len Carrillo. Unang pumirma si Sean De Guzman pagkatapos itong magpakitang gilas sa launching movie nitong Anak Ng Macho Dancer ng Godfatber Productions ni Joed Serrano. Sumunod naman si Cloe Barreto na mapapanood naman sa launching movie nitong Silab na produced ng 316 Media Network. Hanggang sa pumirma na rin sina Quin Carrillo, Marco Gomez at Christine Bermas kamakailan lang. 

Parehong produkto ng tiniliang Clique V at Belladonnas ang 5 talents ng 316 na magkakaroon na ng kanya-kanyang proyekto sa bakuran ng Viva. Ayon kay Len Carrillo na Nanay-Nanayan ng lima ay nakakataba ng puso ang tiwalang ibinigay ng naturang movie company sa kanyang mga anak-anakan. 

Hindi lamang masaya si Len sa limang nasa bakuran ng Viva kundi masaya rin siya sa kinatatayuan ngayon nina Karl Aquino at Gelo Alagaban sa bakuran naman ng GMA Talent Center lalo na't kasama naman ang dalawa sa isang locked-in taping ng Network para sa isang teleserye nito.

Sa lahat ng blessing na ito, wala ng ibang hiling pa ang 7 talents ng 316 kundi ang pagtuloy-tuloy ng trabaho kahit nasa pandemya pa tayo.

Just yesterday ay nakauwi naman sina Sean, Gelo at Karl mula sa kanilang taping out of town at kaagad binisita anv kanilang Nanay Len.

Peraonally ay nakakatuwa ang nangyayari ngayon sa karera ng mga bagets na pini-pr ko na rin ng almost 5 years! 

Sabi ko nga sa kanila, pray and stay humble at focus sa kanilang pangarap sa buhay. Kasi hindi lahat ng naga-artista ay nabibigyan ng magandang break at pansin! 

THE BASH WITH JOBERT SUCALDITO MASUSTANSIYANG SHOWBIZ ONLINE TALKSHOW

Our country as well as the whole world is still going through to this day an intense test due to the coronavirus or COVID-19. It has affected human life as well as the economy. The stock market and tourism collapsed, many companies also closed, lost jobs and discontinued projects especially in the world of showbiz.

 

It has been difficult for us to stop shows and events in the entertainment industry, fortunately there is social media and its reach is widespread. And this is where “THE BASH WITH JOBERT SUCALDITO” started and it aired on September 30, 2020, where it joined the online world to meet, get together and hear again the latest and most juicy news inside and outside Philippine showbiz.

 

From the title of the show itself, its host is Jobert Sucaldito who is a Showbiz News Anchor and Columnist along with Vlogger, Social Media Influencer and Kumu Artist Maine Nadaya. “The Bash with Jobert Sucaldito” is an hour-long online showbiz magazine talkshow and airs live on Facebook and YouTube every Monday, Wednesday and Friday starting at 4 pm.

 

“The Bash” is also one of the leaders in using this online platform to bring you hot news not only in the world of showbiz but also current events in our country. Just like the ‘child car seat law’ issue which was clarified by Assistant Secretary for Communications and Commuter Affairs Ms. Goddes Hope Libiran in one of the episodes. Even issues regarding face-to-face classes, vaccinations, curfew and the launch of Bayanihan Act were also discussed here.

 

And of course, the resounding exclusive phone-patch interview with Lindsay de Vera regarding the issue that Dingdong Dantes allegedly got her pregnant was also picked-up by other showbiz online portals in the program. Also, other hot issues about AiAi delas Alas, Aiko Melendez, Phoemela Baranda, Mocha Uson, Sean de Guzman, Mark Herras, Jeric Raval, Dingdong Avanzado and many others who were invited to be interviewed on the program. And there are even bonus blind items that you will definitely love.

 

So, to be ahead of the latest chikaBASH, make it a habit to watch “THE BASH” and don't forget to LIKE, FOLLOW and SUBSCRIBE on our official Facebook Page, Instagram and YouTube Channel!

 

 

 


MAGALING SIYA BILANG BAGUHAN--JOEL LAMANGAN ON CLOE BARRETO

Isang bagong mukha ang ilulunsad ni Direk Joel Lamangan at ng 316 Media Networks sa psychological sex drama movie na SILAB. 

Her name is Cloe Barreto, 19 years old, from Roxas, Oriental Mindoro, member ng all-female sing and dance group na Belladonnas.

In SILAB, Cloe is Ana, isang babaeng merong obsessive-compulsive neurosis na isang mild mental disorder characterized by excessive anxiety, insecurity, or obsession, usually compensated for by various defense mechanisms.

  Ayon sa dalaga, napakahirap ng ginampanan niyang role sa SILAB.

“Napaka-complex nung character ko. Paiba-iba rin yung emotions na kailangang ilabas ko, but I’m happy kasi nagawa ko naman siya nang maayos,” lahad ni Cloe.

Puring-puri rin ni Direk Joel ang performance ni Cloe sa pelikula.

“Para siyang hindi baguhan. Ang galing-galing niyang aktres. Parang si Jaclyn Jose nung nagsisimula siya sa pelikula,” papuri niya sa dalaga.

Dalawa ang leading man ni Cloe sa SILAB – sina Jason Abalos at ang newbie hunk actor na si Marco Gomez. Parehong magkakaroon ng malalim na kaugnayan ang karakter ni Cloe sa dalawang kapareha.

Kasama rin sa pelikula ang mga seasoned actresses na sina Ms. Chanda Romero at Lotlot de Leon.

Ang SILAB ay sinulat ng award-winning scriptwriter na si Raquel Villavicencio na sumulat din ng mga  pelikulang Kapag Langit Ang Humatol, Sa Ngalan ng Pag-ibig, Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan, Abandonada, Pinulot Ka Lang Sa Lupa, Hihintayin Kita sa Langit, Batch ’81, among others.

Bukod sa ganda ng script, direction at superb acting ng cast ng SILAB, maganda rin ang cinematography ng pelikula.

AWIT SA PANDEMYA NGAYONG APRIL 18 NA

Isa sa pinakamatinding tinamaan ng pandemya dulot ng Covid-19 ay ang entertainment industry.  Natigil kasi ang mga live events at wala pang kasiguraduhan kung kailan babalik sa normal ang lahat. Kaya naman ang The Philippine Movie Press Club (PMPC), ay bumuo ng virtual concert titled   “AWIT SA PANDEMYA .... A PMPC BENEFIT CONCERT“ na magaganap sa sa April 18, 2021 (Sunday), ticket2me.net platform, 8:00 PM  (PHST & SGT), 5:00 AM  (PDT).


Isa itong virtual concert kung saan magsasama sama ang mga kilalang mang-aawit at mga sikat na personalidad ng bansa.  Ang AWIT SA PANDEMYA ay fundraising concert na hindi lang layon ang makapagbigay ng kasiyahan sa mga manonood kundi para makalikom din ng halaga dahil ang proceeds ay mapupunta sa medical assistance ng PMPC officers at members lalo na ang mga senior at may sakit na miyembro nito.  

Pangungunahan ng mga singers at artists na Alden Richards, Christian Bautista, Jed Madela , Gerald Santos, Ima Castro,  Luke Mejares, Jeric Gonzales at Ms. Kuh Ledesma. Kasama pa ( in alphabetical order) sina JV Decena , Gari Escobar , Christi Fider, Joaquin Garcia, Jos Garcia , Sarah Javier, Charo Laude, Diane De Mesa, Renz Robosa , Lil Vinceyy, and the Zcentido Ska Band. 

Ang proyektong ito ay pinangunahan ng SPECIAL PROJECT COMMITTEE ng PMPC na binubuo nina Over-all Chairman/ at President ROLDAN CASTRO , Chairman/ VICE PRESIDENT FERNAN DE GUZMAN , Co-Chairman ROMMEL PLACENTE at ang mga miyembro nito na sina RODEL FERNANDO, BOY ROMERO, MILDRED BACUD, TIMMY BASIL at JOHN FONTANILLA. 

Tumulong din ang iba pang PMPC Officers at Members sa Publicity at Promotions ng "AWIT SA PANDEMYA. Mabibili na ang tiket sa ticket2me.net. Stay safe at the comfort of your home and enjoy the show.

SEAN DE GUZMAN RATSADA ANG FILM AND TELEVISION PROJECTS

Masuwerte nga si Sean De Guzman dahil pagkatapos siyang mailunsad bilang bidang aktor sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer ng GodFather Productions ay nagsunod-sunod na ang kanyang proyekto mapa-telebisyon at pelikula. Aminado si Sean na hindi rin siya makapaniwala sa pang-arangkada ng kanyang karera ngayon. Tulad nitong pelikulang Ang Huling Berhing Beki Sa Balat Ng Lupa ng Heavens Best Productions. Hindi man bida kundi supporting actor sa pelikula ay sobrang ramdam namin ang saya sa puso ni Sean.  Isang comedy movie ito starring Edgar Allan Guzman, Teejay Marquez and Mimi Juareza.  Also starring Lou Veloso, Rosanna Roces, Sunshine Garcia, and Dave Bornea, with Jim Pebanco, Alexis Yasuda, Bo Tejedor, Kristine Bermas, and Phillipe Palmos.  

Sinulat ni Afi Africa at Joel Lamangan. Kung saan si  Harlene Bautista ang executive producer at idinerehe naman ni Joel Lamangan.

In the remote town of Balat-Lupa where being gay is a curse and considered crime, three boys from different families are abandoned.  They are adopted by their parish priest who becomes a father figure to them.

They become altar boys, serve the church, and promise each other to be loyal friends.  Even though they grew up filled with love and understanding, they are not perfect.  They have secrets that no one should ever know – that all of them are gays.

Si Sean De Guzman ay contract star na rin ng Viva Artist Agency na-co-management naman with Len Carrillo ng 316 Events And Talent Management. 

Nagsimula si Sean bilang regular member ng all male group na Clique V.

Any moment ay lalarga na rin ang kanyang television project.

We love you Sean! 

GERALD ANDERSON AT JULIA BARRETO PINAGPIYESTAHAN NG BASHING AT MEMES

Isa lamang ito sa mga ginawang memes para kena Gerald Anderson, Julia Barretto at Joshua Garcia. Huwag na itanong kung bakit dahil may naging past naman talaga sina Joshua at Julia hanggang sa umentra sa eksena si Gerald Anderson na nalink almost sa mga female celebrities na shampoo endorsers huh! Kakaloka diba? 

Anyways, kahit mga close friends ay tawang-tawa sa memes na itey. Kahit ako mismo, jusmio, abot ngala-ngala ang hagalpak ng tawa ko when i saw this and posted sa aking instagran account. Kung anu-ano na nga kako ang ginawang form of bashing kena Gerald at Julia when Gerald admitted that sila na nga ni Julia! 

Whew! Ang showbiz ng dalawa huh! Sa totoo lang! After a year of denial, there it goes! Umamin din with matching reasons why ngayon lang nila nilabas o binulgat ang katotohanan! 

Konting buwisit lang ako sa totoo lang dahil pinaikot-ikot pa ninyo ang taong bayan lalong-lalo na ang mga fans and followers ninyo at nasikmura ninyong dalawa yun huh? Nairita talaga ako personally!

Pero sabi nga nila, that's their life and we have to respect! Tama nga naman! Kaya nga sabi ko, that's love and who are we to judge them? Eh wala ka talagang magagawa because sabi nga nila, may lason na pagmamahal ang pana ni Gerald Anderson. Na kapag pinana ka niya, naku, siguradong huli ka! And that's what happened kay Julia na halatang inlove na inlove naman kay Gerald! Isn't it?

Well, as of presstime ay overflowing ang flowering words between the two of them. Sabi naman ng mga bashers, let's see where will it take! 

Naku! Basta ako ay happy foe G & J! That's it! Period!