AMP-ANAK MAHARLIKANG PILIPINO PARTYLIST PANGUNGUNAHAN NINA TOM RODRIGUEZ AT BILLY JAMES

Nitong nakaraang araw lang ng huwebes ay pormal ng naghain si Billy James-isang businessman at character actor ng kanyang COC bilang 2nd nominee para sa AMP-Anak Maharlikang Pilipino Partylist na maugong na ngayong pinag-uusapan. Hangad ni Billy James na makapasok sila sa Kongreso upang maging mas malawak pa ang kanilang aabuting pagtulong na nakalahaf sa kanilang pagsulong ni Tom Rodriguez sa kongreso. Walang ibang ambisyon ang dalawa kundi ang makapagbigay tulong sa kanilang kapwang maharlika. Narito po ang plataporma ng AMP Partylist.

1. The basic platform of the organization is for the promotion of the welfare and well-being of Filipino construction workers in the Philippines and abroad which the government cannot readily address, hence the need of this party list organization to lobby legislations which necessitates the protection of the welfare concerning construction workers local and abroad that the government cannot directly oversee. This organization is composed of mostly experienced construction workers and small scale and medium contractors who are aware of, knowledgeable, and sensitive to the needs and welfare of their construction workers.         


2. It also aims to establish a creative and effective relationship with the members from the construction workers association in the Philippines and seeks to provide representation for those who have none, as well as the promotion and provision of their social welfare and economic well-being.


3. To protect and uphold the individual and collective rights of all construction workers in the Philippines and abroad and for the harmonious and progressive construction worker-management relations. 


4. To strive for the adoption of legislation, policies and other measures that will promote the economic, social and general well-being of all construction workers local and abroad.


5. The success of the government’s Build Build Build or BBB Program, the “ANAK MAHARLIKANG PILIPINO” partylist will support to bolster the construction industry of the Philippines by getting involved in developing the construction projects of the government in the country. 


6. Part of the party’s advocacy is that of developing DECENT WORK PROGRAMS. It aims to generate feasible work opportunities with fair compensation and cultivate an environment where workers may aspire for success in their fields. Security in the workplace and social protection for their families is also a top priority of the association.


7. It will also encourage the construction workers to exercise their freedom of expression and voice out when it comes to their concerns and we shall provide equality of opportunity and fair treatment among the workers.


8. The partylist also supports the following: 


a. INDISCRIMINATE ACCESS to OPPORTUNITIES with work;

b. Fair hiring practices;

c. Development of sectors;

d. Promotions in the workplace;

e. Engagement of FAIR PLATFORMS for the workers;

f. Freedom of ASSOCIATION;

g. RECOGNITION of merits;

h. Safe and fair WORKING CONDITIONS


9. It also suppot the fight for having a safe and balanced working environment to address these following concerns for the workers:


a. Facility and Equipment SAFETY

b. Work-life BALANCE

c. Development programs for SKILL provisions

d. SOCIAL PROTECTION

e. Benefits beyond Government REQUIREMENTS;

f. Strict policies against forced and child labor.


10. Lastly, the party list will encourage productive collaborations with DOLE, POEA, and OWWA and to the GLOBAL PINOY CONSTRUCTION EXPERTS, with inference of inclusion to both local and international counterparts. The partylist will also support the government in building SUSTAINABLE COMMUNITIES and a STRONG INSTITUTION for a brighter future for the Filipino people.

PATULOY ANG VARGAS NA SERBISYO NI CONG. ALFRED VARGAS

Nagpapasalamat po tayo sa panibago na namang opportunity to serve!


Thank you, Amore, dahil palagi kang nasa tabi ko sa bawat laban. ❤️ Thank you, Mayor Joy Belmonte sa pagiging halimbawa ng sipag at malasakit para sa QCitizens. Thank you, Vice Mayor Gian Sotto at Cong. Kit Belmonte. Gayundin ang pasasalamat natin sa ating mga ka-District V na patuloy na nagtitiwala at nagmamahal sa amin ni Coun. PM Vargas. 


To God be the glory. 


#actionvision

#tatakVARGAS

#AlagangVargas

#SolidDistrictV

#weservewithJOY

#goaltoserve

ISANG BAGUHANG AKTRES NA SI CHRISTINE BERMAS KAABANG-ABANG

Nitong miyerkules lang nag-last shooting day ang pelikulang ' Moonlight Butterfly ' ni Direk Joel Lamangan na pinagbibidahan ni Christine Bermas ng 316 Events And Talent Management ni Nylinaj Ollirrac at Viva Artist Agency. 

Very smooth ang naging takbo ng shooting na lahat ay kinunan sa Angeles City, Pampanga ganoon din ang akomodasyon ng lahat ng cast, staff and crew sa Kandi Towers. 

Nakakatuwa si Christine bilang isang baguhang artista. She did her best sa pelikulang ito. She delivered well na sinang-ayonan ng karamihang nakatrabaho niya sa set ganoon din ang papuri sa kanya ng kapwa nitong aktor sa pelikula tulad nina Albie, Kit at Ivan! 

Simpleng ngiti at pasasalamat naman ang pagtanggap ni Christine sa mga papuri sa kanya na halatang pressured ito.

Sinabi nitong baganat pressured siya, alam niyang ginawa niya ang lahat para sa kanyang launching film lalo na't isang Joel Lamangan ang maglulunsad sa kanya.

May eksena sa bahay niya kunwari sa lahar area. Kailangang umiyak ni Christine, pero parang wala sa kundisyon ang utak at puso niya. Nung mapansin kong nagi-emote na siya, hinarap ko si Christine at sinabi ko sa kanyang " parang konektado sa buhay mo ang istorya ng pelikulang ito Nak, yung kaya mo ginagawa ang lahat ng ito para sa pamilya mo. "! Biiglang parang gusto ako yakapin ni Christine at humagulgol na nga ang aming anak-anakan. Hanggang sa sinabihan siya ng AD na pigilan muna ang kanyang luha pero naging emosyonal na ang papasikat naming alaga at perfect, TAKE ONE siya...AGAIN! 

Kakatuwa si Tin. Nasa 80 % ang TAKE ONE shots niya sa pelikula and even Direk Joel Lamangan admired her secretly! 

Umarriba na ang mga 316 talents na sinimulan ni Sean De Guzman. Sinundan nina Cloe Barreto at Christine Bermas! Who's next? Abangan siya sa ikatlong pelikulang ipo-produce ng 316 Media Network.

CHRISTINE BERMAS GAGAWIN ANG LAHAT PARA SA KANYANG LAUNCHING MOVIE WITH KIT THOMPSON AT ALBIE CASINO

Maseselamg eksena kaagad para sa pelikulang Moonlight Butterfly na pinagbibidahan ng baguhang aktres na si Christine Bermas na produkto ng 316 Events And Talent Management ni Len Carrillo ang kinunan sa first shooting day nito. Bago isinalang kahapon si Christine ay nakausap ko siya. Aminado siyang may excitement sa part niya pero nangingibabaw daw ang kaba dahil sa pressure na hahanapin sa kanya bilang bida sa pelikula lalo na at isang mahusay at batikang direktor na si Joel Lamangan ang hahawak sa kanya.

But according to her, she's ready, pinaghandaan niya diumano ng todo ang mga gagawin nitong pagpapaseksi sa pelikulang sinulat ni Eric Ramos. Hindi biro ang gagawing pagpapakita ng kanyang katawan sa pelikulang ito. Lalo na't first time niyang makatrabaho sina Albie Casino at Kit Thompson. 

" Mabait po sila pareho. First time ko pareho sa kanila. Medyo kinabahan po ako Tito, pero keri na! " natawang tsika pa nito sa akin.

Kinamusta ko naman ang naging laplapan nila ni Kit Thompson sa swimming pool!

" Ayyy! Okey lang Tito! Kineri ko! " bungisngis pa nitong tugon sa akin. " aniya. 

Si Christine Bermas ay unang nakilala bilang miyembro ng all female group na Belladonnas at nakasama na rin sa pelikulang Silab, Ang Huling Baklang Birhen Sa Balat Ng Lupa at Pola.

Kaya naman napapanahon namang bigyang launching movie si Christine dahil ayon na rin mismo kay Direk Joel Lamangan...

" Magaling na bata si Christine. May nakita ako sa kanya dahil naging artista ko na siya sa ilang pelikula ko. " deretsahang pahayag pa ni Direk Joel Lamangan during the storycon ng pelikula.

Pangalawang movie produced na ito ng 316 Media Network ni Len Carrillo mula sa pelikulang  Silab kung saan inilunsad nito si Cloe Barreto. This time ay may katuwang namang ibang producer si Maam Len na sina Mario Salamat at Melanie Uy! 

Produkto rin ng 316 Events And Talent Management sina Sean De Guzman, Marco Gomez, Quin Carrillo na parehong nasa Viva Artist Agency na. Ganoon din sina Gelo Alagban at Karl Aquino na nasa bakuran naman ng GMA Artist Center. 

36TH PMPC STAR AWARDS FOR MOVIES THIS SUNDAY NA!

The 36th PMPC STAR AWARDS FOR MOVIES will have its broadcast on Sept. 26, Sunday, 6:00-9:00 pm at STV (can be viewed in any normal TV sets with digital antenna and TV box) and RAD streaming platform!


After 9pm, the show will also be streamed on PMPC Facebook page, FDCP Channel, and other online platforms of the media partners of the event.


Hosted by Alfred Vargas and Sanya Lopez, this annual movie awards is presented by The Philippine Movie Press Club, Inc. (PMPC) in cooperation with The Film Development Council of The Philippines (FDCP).


Awesome production song numbers are from Regine Velasquez-Alcasid, Jed Madella, and Luke Mijares.


For 36 years, due to the ongoing community quarantine, this is the first virtual awards presentation of the said award giving body organized by the pioneering entertainment group in the Philippines, headed by its current president Roldan Castro.


This year, the PMPC will bestow the Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award to veteran theater, film, and television actress Ms. Angie Ferro, while the Ulirang Alagad ng Pelikula sa Likod ng Kamera Lifetime Achievement Award will be presented to seasoned master Director Elwood Perez who's celebrating his 50th year in the movie industry.


The show is written by Winnie Magcalen Mariano and directed by Pete Mariano.


Thank you to FDCP, RAD, sponsors WEMSAP of Wilbert Tolentino, Mowelfund with Rez Cortez as president, etc.


#36thStarAwardsForMovies

#PMPC

#NgayongLinggoNa

MOONLIGHT BUTTERFLY MOVIE NI JOEL LAMANGAN PAGBIBIDAHAN NG BAGUHANG SI CHRISTINE BERMAS KASAMA SINA ALBIE CASINO AT KIT THOMPSON

JUST IN: Finally ay ipinakilala na sa entertainment media kaninang hapon ang mga napiling aktor na magsisipagganap sa pelikulang #MoonlightButterfly bilang launching movie ni @christinebermas_ ng #316EventsAndTalentManagement mula sa direksiyon ni Joel Lamangan sa mas pinatibay na istorya at script ni Eric Ramos. 

Makakatrabaho ni Cristine Bermas sina Kit Thompson, Albie Casino, Tanya Gomez, Quin Carrillo, Gigo De Guzman, Hershei De Leon, Jim Pebangco, Ivan Carapiet at Jolo Estrada.

After ng kontrobersyal na pelikulang #Silab bilang launching movie naman ni @cloebarreto ay itong #MoonlightButterfly naman ang latest offering ng #316MediaNetwork this year bilang pangalawang film produced ng magkaibigang Melo Uy at Len Carrillo.

Bago pa man nag-umpisa ang media launching at storycon ng #MoonlightButterfly ay sinunod po ng production ang mahigpit na protocols like antigen swabbing test mula sa production staff, invited media at artista!

Scheduled na next week ang umpisa ng shooting ng inaabangang pelikula na maglulunsad sa walang kinatatakutan at palabang si Christine Bermas!

In all fairness sa baguhang si Christine Bermas, magaling itong sumagot sa mga tanong na ibinato ng entertainment media sa kanya. Naging deretsahan din si Tin sa pagsasabing huwag na siyang ikumpara sa kaibigan nitong si Cloe Barreto na inilunsad din sa pelikulang Silab nang tanungin ito kung sino sa kanila ang mas magaling umarte at mas palaban kapag hubaran na?

" Huwag nalang po. Kasi pamilya po kami. Iisa po ang Nanay Len namin at kayo nalang po ang humusga after po. " pagtatanggol pa ni Tin.

Hindi ito ang kauna-unahang beses na maidirek siya ng isang Joel Lamangan. Ano naman ang pakiramdam niya't isang respetado, kinatatakutan at bigating direktor ang maglulunsad sa kanya?

" Natatakot parin po ako. Nakakakaba. Pero gagawin kopo lahat para hindi po ma-disappoint sa akin si Direk. Gagawin ko po lahat! " aniyang muli. 

Nang tanungin naman namin ito kung sino kena Albie Casino at Kit Thompson ang bet niya?

" Silang dalawa! Ha! Ha! Ha! Kinikilig po ako sa kanila Tito! " walang kiyemeng tsika pa nito sa among kaswal na usapan. 

MADAME INUTZ DALAWANG TAON ANG PINIRMAHANG KONTRATA KAY WILBERT TOLENTINO BILANG MANAGER

Isang bonggang karera! Natuloy na! Kagabi lang ay pumirma na si Madam Inutz (Daisy Lopez) ng kontrata  sa  Former Mr. Gay World titlist ,sikat na businessman, social media infuencer at  philanthropist na si Wilbert Tolentino nitong  huwebes ng gabi. Dalawang taong management contract ang pinirmahan ni Madam Inutz sa bakuran ni Wilbert Tolentino.

Ang kontrata ay sinulat sa Pilipino para lubos na maintindihan ni Daisy ang nilalaman nito kasabay na rin ng pagdiriwang ng Linggo ng Wika. Sa contract signing ay kasama nila si Atty. Bertini Causing. Dalawa rin ang kinuhang witness both sides para daw maging malinaw ang pirmahan.

Ayon kay Wilbert, wala siyang kukunin na komisyon sa lahat ng kikitain ni Madam Inutz  pero magi-endorse siya ng kanyang mga negosyo. Ang dating ginawa niya noon  na pag-aalaga at treatment sa dati niyang mina-manage na si Mader Sitang ay  siya ring gagawin niya kay Madam Inutz.

Nilatag na rin ni Wilbert ang plano na gagawa ng single si Madam Inutz entitled Inutil composed by Ryan Soto. Bubuo sila ng album ng  nasabing viral online seller.

Gagawin din siya ni Kuya Wil II na  ambassador ng mga online seller.Tutulungan nila ang mga  gustong maging online seller at kung paano ito magkaroon ng brand at owner.Tumawag lang sa 09175inutil. Puwede rin silang mag-email  at mag-message sa dlinutil@yahoo.com. Look for wilbert tolentino.

Sa ginawang live video coverage thru facebook ng nangyaring contract signing ay bumaha ang pagbati kena Madam Inutz at Wilbert. Karamihan sa mga pagbati ay sinabi nilang nasa tamang kamay ang si Madam Inutz at tama ang kanyang desisyong kay Wilbert siya magpapa-manage dahil in-all fairness kay Wilbert ay kilala itong matinong manager at tumutulong naman talaga mula sa kanyang puso! 

Congrats Madam Inutz at Wilbert Tolentino!

BEACH PHOTO NINA HEART AT CHIZ PINAGTSISMISAN NG NETIZENS

Sa isang instagram post ni Heart Evangelista ay ibinahagi niya ang larawang ito. Ayon sa kanyang post ay intimate beach moment nilang mag-asawa ito sa isang beach. Halatang happily married ang dalawa for years already at ine-enjoy lang nila ang buhay mag-asawa.

Pero talagang marami lang ang inggitera sa mundong ibabaw kaya hindi maiwasang makatanggap ng ilang negative reactions and comments ang larawang ito. 

May mga nagsabing hindi raw magandang tingnan ang ganitong larawan ng couple lalo na't kitang-kita raw ang layo ng agwat sa edad ng dalawa. Hindi raw kaaya-aya at mas maganda raw kung si Heart nalang ang nasa larawan at kung anu-ano pa.

May mga nagsabi namang wala talagang pinipili ang pagmamahal. Kapag pag-ibig na raw kasi ang nagdikta sa ating puso ay susundin mo talaga ito ng walang sinumang makakahadlang.

Tama yun! Hindi mahalaga ang edad. Hindi rin basehan ang edad para ikaw ay magbigay o magparamdam ng pagmamahal sa isang tao. Walang sukatan ika nga nila!

Nakakaloka lang talaga ng sosyodad na ito. Lahat nalang ay may nasasabi tayo sa lahat ng bagay. Hindi ba dapat masaya tayo sa nakikita nating tagumpay man yan o tuwa sda ating kapwa at hindi yung may nasasabi tayo? 

Sino ba tayo para husgahan sila? Basta ako ay happy sa mag-asawang ito. Mula nung magpakasal sila at magsama ay wala kang narinig na anumang negatibong tsismis sa kanilang relasyon. Alam kong Heart and Chiz will live happily ever after!

BEA ALONZO NALUSTAY ANG 18 MILLION PESOS NA NAGASTOS NG ABS-CBN'S STAR CREATIVES DAHIL SA INIWANG TELESERYE WITH RICHARD GUTIERREZ

EXCLUSIVE: JUST IN: Paano na? Ano na mangyayari?Tama ba ang kanyang biglaang paglayas sa ABS-CBN at pumirma sa GMA nang walang pasabi at tinalikuran ang isang tv production unit ng Kapamilya Network partikular ang Star Creatives kung saan isang napakagandang teleserye na may pamagat na DUGO AT LAMAN with actor Richard Gutierrez ang kanyang natanguan na mula naman sa direksiyon ni Henry King Quitain? 

Ayun sa aking nakausap nitong hapon ng biyernes lang, kinumpirma nitong natanguang proyekto ito ni Bea na sa totoo lang ay napakaganda ng materyal.

Kinumpirma nitong malaki na ang ginastos ng Star Creatives para sa naturang serye.

' Yup. Gumastos na kami ng 18 Million. Ang sa akin lang, sana tinapos nalang niya muna ang project bago siya lumipat. ' pagkumpirma pa ng aking source.

' Kasi naghihikahos na nga ang company, tapos magtatapon pa ngayon ng pera? ' dagdag pa ng aking source.

' Dugo At Laman ang title ng teleserye na kasama niya si Richard Gutierrez bilang partner niya. At hindi biro ang nagastos namin sa halos nakaka-10 taping days na kami.' dagdag pa ng aking source.

Kinumpirma rin ng aking source na dismayado siya sa naging hakbang ni Bea dahil dapat diumano nitong tinapos muna ang commitment nito sa kanila.

Kung ating matatandaan ay kahapon lamang ay pumirma na nga ng kontrata sa GMA si Bea pero hindi maikukubling mas marami ang nabuwisit sa kanyang mga fans and followers niya mismo.

Ang tanong? Paano na ito? Since 200 million daw ang pinirmahang kontrata ni Bea for 2 years sa GMA ay babayaran kaya nito ang Star Creatives sa mga nagstos nito? Kunsabagay, barya nalang yan kay Bea kung totoo mang 200! 

At dahil sa 200 million na yan ay marami tuloy ang nagsabing hindi naman kaya si Bea Alonzo ang pinaparinggang inggratang aktor na kalilipat lang daw sa ibang network?

Well, hintayin natin ang sagot dito ni Bea Alonzo at bukas po ang ShowbizlandiaPH para naman sa kanyang panig patungkol sa isyung ito!

BEA ALONZO BINAHA NG BASHING

Naku! Binaha ng bashing kay Bea Alonzo ang comment section ng aking instagram post yesterday. Kasama na rito ang isinulat kong article sa kanya sa aking personal blogsite na ShowbozlandiaPH. Bago kasi ako nagpost at nagsulat about Bea, sabi ko, babahain ng magagandang comments of support ang aking comment section pero kabaliktaran ang nangyari na mismong ako ay nagulat din huh!

Kung anu-anong positive pero mas maraming negative comments ang ipinaramdam ng mga taga-suporta niya. Nakakagulat dahil yung iba ay talagang galit na galit kay Bea sa naging desisyon nitong talikurang tuluyan ang ABS-CBN at Star Magic. May mga nagkomentong umpisa na ito ng kanyang tuluyang pagka-laos, walang utang na loob, mukhang pera at kung anu-ano pa. 

May nagsabi pang mas lalo lang daw pinalubog ni Bea Alonzo ang kanyang sarili at career dahil lumipat daw ito sa isang istasyong tatlong artista lang daw ang napasikat tulad nina Jennelyn Mercado, Marian Rivera at Dingdong Dantes.

Ayon pa sa dating fans and followers ni Bea, napapanahon narin daw na i-unfollow na nila si Bea at hindi na susuportahan. May nagsabi pang hindi nila susuportahan si Bea sa mga projects nito kahit paraw magsama sila ni John Lloyd Cruz sa pelikula at kung anu-ano pa.

May nagsabi rin na wrong decision daw itong ginawa ni Bea at hindi raw niya dapat ginawa.

Naku! Kahit kami ay nabigla rin sa biglaang pagpirma ni Bea Alonzo sa Kapuso noh! Gulat na gulat kami actually nung naglabasan na ang ginawang photo teaser niya na ginawa ng GMA na ayon na rin mismo kay Bea ay it took her months bago nagdesisyong tanggapin ang offer na maging Kapuso Star na siya.

Basta! Fiesta magpahanggang ngayon ang bashing kay Bea na para sa akin ay senyales ng negatibong mukha sa kanyang sinasabing bagong umaga at new journey sa kanyang career.

Pero sabi nga nila, okey lang daw yang ginawa ni Bea na mag-explore naman at may mga rason din naman daw siya kung bakit kailangan niya itong gawin. May lumabas pang kailangan niya raw talagang gawin ito para sa kanyang pamilya.

May pinost din po akong 200 million daw ang pinirmahang kontrata ni Bea for 2 years sa GMA! What a big amount na kahit sinong artista naman siguro ang makakatanggap ng ganoong offer ay magbabagting ang tenga, hindi ba? Sino kaya ang susunod? Kasi ang ganda ng pattern eh kapag big names sa industry ang pag-uusapan huh! Una si John Lloyd. Tapos si Pokwang. Tapos si Bea! 

May idea ba kayo kung sinong susunod na pipirma sa GMA? Naku! Mukhang may isa akong naririnig pa! Isang sikat na male actor naman daw! Sino kaya siya na Kapamilya Network din ang nagbigay ng pangalan sa aktor na ito huh! Anyways! Who are we to judge Bea? Hindi ba? Ngayon na masusubukan ang galing ng GMA kung kikita ba sila o hindi kay Bea! Dahil in all fairness kay Bea, billions ang ginawa nitong pera sa bakuran ng Kapamilya huh! 

Well, tingnan nalang natin kung anu-anong mangyayari! Then stop the bashing na guys. She's IN and trabaho na natin ang mag-LET'S SEE! 

Basta ang alam ko, BEA IS BEA!!! Isang QUEEN!!!