SEAN DE GUZMAN SHOOTING HIS 6TH FILM HUGAS FOR VIVAMAX WITH DIRECTOR ROMAN PEREZ

Hindi na nga mapigilan ang patuloy na pag-angat ng showbiz career ni @seandgman_ 

Mula sa mga pelikulang Anak Ng Macho Dancer, Lockdown, Ang Huling Baklang Birhen, Taya at Mahjong Nights ay Hugas naman ngayon ang titulo ng pelikulang kanyang ginagawa para sa Vivamax mula sa direksiyon ng idolo naming si Direk Roman Perez.

Itinadhana talagang maging isang artista si Sean mula sa kanyang grupong Clique V ni Len Carrillo ng #316 Events & Talent Management. 

Wala namang dapat ikuwestiyon why making waves na ngayon si Sean sa mundo ng paggawa ng pelikula dahil marunong namang umarte si Sean at ramdam mo naman ang kanyang pagyakap sa kanyang propesyon huh! Si Sean pala ay contract artist na rin ng Viva Artist Agency

ANA JALANDONI MAPANGAHAS ANG ROLE SA PELIKULANG MANIPULA WITH ALJUR ABRENICA

Poster palang ng pelikulang Manipula na launching movie ni @realanajalandoni ay nakaka-kaba na! Hanggang sa napanood natin ang movie trailer nito na mas lalo akong kinabahan dahil sa matitinding eksena ni Ana kasama ang limang lalakeng minanipula niya sa pelikula huh! Medyo dark ang movie, bloody siya na higit sa lahat ay masasabi kong kapupulutan ng aral! 

Punong-puno ng paghihiganti ang movie ni Ana Jalandoni kung saan kapareha niya naman ang super yummy na halos Papey na ng buong mundo si @ajabrenica 

Yun nga! Talagang bloody nga ang movie that's according mismo kay Direk Neal Tan na siyang nagdirek nito at sumulat.

Pero ang inaantay kong mapanood dito ay kung paano inariba ni Ana ang kanyang role the fact na limang katauhan ang kanyang ginampanan sa film! Kung paano niya binigyang buhay ang mga katauhang iyon sa dahilang kailangan niyang magpanggap yata sa movie para balikan ang mga taong nang-alipusta sa kanyang pagkatao. Ganda ng script huh! In all fairness kay Direk Neal sa pelikulang ito.

Well, hindi ko maialis na purihin ang ganda at kaseksihan ni Ana Jalandoni. Sobra! Ganda ng mukha! Malapit na nating mapanood ang movie! Abangan! Hindi ba Nanay Jobert Sucaldito 👏👏👏

P-POP GROUP NA BEYOND ZERO PANGARAP MAGING GLOBAL

Attended yesterday's virtual media launch para sa baguhang grupo ng Beyond Zero managed by John Diamante ng Mentorque. Impressive ang performances ng pitong miyembro nito na sina Duke, Jester, Jeven, Matty, Andrei, Khel at Wayne. Mga guwapo lahat ng bagets na miyembro na hoping silang makikilala rin ang kanilang grupo pagdating ng araw. Grupo dahil individually ay mga kilala silang lahat sa social media bilang mga sikat na tiktokers huh! Grabe ang kanilang followers mula sa Tiktok, Instagram, Twitter at Facebook and made viral videos already huh! 

Gusto ko yung passion ng mga bata sa kanilang ginagawa ngayon, Maybe because ganoon din ka-passionate ang kanilang manager na si John Diamante who's also present that afternoon sa Okada, Manila.

Accoding to Boyond Zero's management, naka-hilera na ang kanilang mga gagawing events starting this month tulad ng kanilang pagbuo para sa kanilang debut single or album at higit sa lahat ay ang kanilang nalalapit na virtual concert this coming December 3 sa Poolside yata ng Okada magaganap na mapapanood naman natin sa Ktx.Ph

Wala akong ibang wish personally sa buong Beyond Zero kundi ang goodluck sa kanilang bagong journey sa buhay at iyan ay ang mga baguhang singer at dancer sa entablado ng showbizlandia!

CHRISTINE BERMAS MAKING WAVES NA SA SHOWBIZLANDIA

Sino ba naman ang mag-akalang making waves na rin ngayon sa mundo ng paggawa ng pelikula si @christinebermas_ 

Mula sa pagiging ekstra lang sa mga naunang movie appearances nito ay bidang-bida na siya ngayon sa kanyang launching movie under 316 Media Network titled Moonlight Butterfly kung saan niya naman katambal sina Kit Thompson at Albie Casino mula naman sa panulat ni Eric Ramos at direksiyon ni Joel Lamangan.

Kinunan lahat ng eksena sa pelikula sa Angeles, Pampanga. Sabi ko nga, biglang nag-level-up si Christine at ang nakakatuwa ay puring-puri siya ng kanyang mga naging kasamahan sa movie dahil hindi ito nagpatalbog kung artehan lang naman ang pag-uusapan huh! I knew it! Mahal kasi ni Christine ang kanyang ginagawa at malalim ang dahilan why ganoon siya ka-pursige sa kahat ng ito. Para sa pamilya!

After niya gawin ang kanyang launching movie na mapapanood na rin natin soon ay natapos niya na rin gawin ang mga pelikulang Ang Huling Baklang Birhen, The Policeman at Sisid. Kabogera si Christine dahil nakaka-dalawang Joel Lamangan na siya at dalawang Brillante Mendoza! Panalo! Happy for Tin! Wishing her more projects to come!

QUEEN MOTHER KARLA ESTRADA KINUMPIRMANG NAKA-LOCKED-IN TAPING NA NGAYON ANG KATHNIEL SA PAMPANGA PARA SA 2G2BT TELESERYE NILA

Just In: Mismong si Queen Mother Karla Estrada ang umamin ngayong umaga lang sa kanyang facebook live habang nasa Leyte para sa commitment nito sa Tingog Partylist na naka-locked-in taping na ang tambalang KATHNIEL sa isang lugar sa Pampanga.

" Naku! May sasabihin ako. Yehey! Naka-locked-in taping na ang KathNiel ngayon para sa kanilang bagong teleserye sa Pampanga. Hindi ko puwedeng sabihon exactly kung saan. Naku. Patay ako sa Star Cinema nito at tsinika ko na! " maagang pag-kumpirma pa ni Queen Mother habang kumakain ng kanyang breakfast sa tinutuluyang resthouse sa Leyte. 

Kahit daw mismo si Karla ay excited na para sa pagbabalik telebisyon ng KathNiel.

Ramdam diumano ni Karla na sabik na rin ang KathNiel fans and followers na mapanood muli together sa isang teleserye ang kanilang iniidolong loveteam na umabot na sa isang dekada.

Besing-besi ngayon si Queen Mother sa pag-iikot sa buong Samar at Leyte para sa Tingog Partylist Campaign nila bilang 3rd nominee! 

Maupay nga adlaw Tacloban!

ALJUR ABRENICA INAMING NAG-MANIPULA RIN SIYA NOON SA NGALAN NG PAG-IBIG

Sa presscon ng pelikulang ' Manipula ' na pinagbibidahan nina Ana Jalandoni at Aljur Abrenica ay agad nagsalita si Aljur patungkol sa isyung kinasSangkutan nila ngayon ng kanyang asawang si Kylie Padilla. Sa kanyang mga sinabi ay halatang malaki pa rin ang paggalang ni Aljur sa kanyang dating asawa lalo na sa kanilang mga naging anak at pamilya. Halatang tinuldukan na nga ni Aljur ang kabanatang ito ng kanyang buhay. 

Naging maikli ang ang kanyang naging statement pero punong-puno ito ng laman. Pakiramdam daw niya'y lugmok na siya at lubog na sa isyung tila sa kanya nalang daw lahat ng sisi at siya ang may kasalanan. Hindi na rin daw nakapagpigil si Aljur sa kanyang damdamin kaya't napilitan na rin siyang maglabas ng kanyang statement just last week.

Una at huli na raw yun ayon kay Aljur. Mas nanaisin niya na rin daw ngayon ang manahimik na patungkol sa naturang isyu at kailangan ng mag-move-on!

Anyways, nasa kontrobersya man sa kasalukuyan ay ratsada pa rin ang sikat na aktor sa paggawa ng ilang projects. Nagpapasalamat naman si Aljur sa mga taong nagtanggol sa kanya at pinakinggan naman ang kanyang side of story. 

Masaya naman daw si Aljur ng kunin ang kanyang serbisyo sa pelikulang Manipula ng A Flix Productions. Maganda raw ang movie kung saan niya naman katambal si Ana Jalandoni na ilulunsad naman sa pelikulang ito. Aniya, maganda at seksi si Ana at kahit sinong lalake ay matu-turn-on dito. 

Minabuti nitong inaming sa mga sexy scenes nila ni Ana ay nag-uusap muna ang kanilang mga mata bago gawin ang mga ito. Naging deretsahan ito sa pagsasabing magkaibigan lang sila at wala ng hihigit pa doon. 

Pero ng tanungin ko siya kung may na-Manipula na ba siya noon sa ngalan ng pag-ibig ay naging deretsahan namab si Aljur sa pagsasabing meron na at sibabi nitong hindi ito magandang gawain ng isang lalake. 

Ang Manipula ay wala pang final date of exibition. Produced ito ni Ana Jalandoni ng A Flix Productions mula naman sa direksiyon ni Neal Tan. Abangan! 


MADAM INUTZ SOARS HIGH IN HER SHOWBIZ CAREER

Madam Inutz received a House and Lot from her Talent Manager Ka-Freshness Wilbert Tolentino


There's no stopping Daisy Lopez or better known as "Madam Inutz", 'Ang Mama-bentang Live Seller ng Cavite' as she soars high in her showbiz career. This is with the solid support and guidance that she is getting from her manager, former Gay World titlist,  businessman, social media influencer, and philanthropist, no less than Wilbert Tolentino.

Madam Inutz took her colorful and vibrant personality inside the Pinoy Big Brother House as she has been named as one of the housemates of PBB Kumunity Season 10. She was one of the first three official housemate that was announced to enter the PBB House.

Before Madam Inutz became officially part of PBB, she released her very first and much-awaited debut single "Inutil" and also recorded her next song just in time for the holiday season, "Sangkap ng Pasko". Inutil is a categorized as a novelty song while Sangkap ng Pasko is a ballad one which everyone can deeply relate to because it is a very heart-warming song perfect for the whole Filipino family who never fails to celebrate the Christmas season together no matter what they're going through.

“Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy. Sobrang makare-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay ang pagmamahal sa pamilya,” said Ka-Freshness Wilbert Tolentino.

The mother of Madam Inutz also got emotional when she heard the song "Sangkap ng Pasko", it was indeed tears of joy, she felt the strong message of the lyrics plus she is also very happy for her daughter's achievements. 

You can now watch the official music video of "Sangkap ng Pasko" on the Official YouTube Channel of Daisy Lopez. https://www.youtube.com/watch?v=NhkcDLQZQ0c 

Moreover, Ka-Freshness Wilbert Tolentino didn't stop from giving Madam Inutz surprises because she and her family truly deserves it. 

Last October 5, before she had hotel quarantine for PBB, Madam Inutz received the early Christmas gift and surprise from her manager Wilbert Tolentino - a house and lot in Bulacan. 

In Wilbert Tolentino Vlogs (https://www.youtube.com/watch?v=RkoNbgTgQes ) you watch how Madam Inutz cried in joy when she learned about the biggest surprise she received this year, another turning point and milestone achieved thanks to her very generous manager Wilbert. 

“Huwag ka na umiyak. Deserved mo ‘yan, deserved mo ito,” said Ka-Freshness Wilbert.

According to Wilbert, this is also a motivational gift for Madam Inutz so that she will focus on her work and push herself to do her best inside the Pinoy Big Brother house.

The house  and lot in Bulacan is 85 square meters, the floor area is 55 square meters and still needs to have some additional beautifications and renovations which is undergoing while Madam Inutz is currently inside PBB. Wilbert plans to build the house with three floors so that the whole family can fit and also out up a sari-sari store so that they can have a stable business as well since the area is also residential and the location is very accessible to the residents since it is near the main entrance of their subdivision. 

Sir Wil said that Madam Inutz sacrificed a lot of endorsements when she decided to enter PBB, saying, “Puwede naman siyang kumita sa labas although pinili ko  na ipasok siya sa PBB."

Sir Wil has a lot of plans and career development in store for Madam Inutz which is why her fans will be very happy to know that she will continue to have amazing projects ahead. Even the netizens who misjudged Sir Wil in the past for handling Madam Inutz's career are now in full support and are also very thankful that she is in the right hands because not only is he handling her career but also manages the welfare and future of her family.

Congrats Madam Inutz and Wilbert Tolentino! 

For Inquiries & Product endorsement - Call or Text 09175INUTIL / 09175468845 or Email sa DLINUTIL@GMAIL.COM.

Be updated with the latest videos of Ka-Freshness on Wilbert Tolentino VLOGS YouTube chanel and Daisy Lopez YouTube channel.

CHRISTI FIDER MATINDI ANG HUGOT SA KANTANG " HETO NA NAMAN "

Christi Fider  matindi ang hugot sa kantang ' Heto Na Naman ' 

May bagong single ang PMPC’s Star Awards for Music Most Promising Female Artist na si Christi Fider. The title of the song is Heto Na Naman na sinulat ng 2013 Himig Handog P-Pop Love Song grand champion na si Joven Tan.

Ayon pa sa Pinoy hitmaker, ang Heto Na Naman ay isang hugot song with spoken words na magpapakilala ng bagong tunog ni Christi bilang sultry singer.

 “Gusto kong marinig ng mga tao kung gaano kalalim at kalawak ang kanyang emotional range at sa kantang ito they will see a different side to her, na hindi lang siya sugar and spice, na nice and sweet.  Babae rin siya na puwedeng makaramdam ng pain caused by romantic feelings,” pahayag ni Tan.

Sabi naman ni Christi, dedicated ang bago niyang kanta para sa mga broken hearted. 

 “Hindi ito yung typical na heartbreak song. I think magugustuhan ng mga tao yung kanta ko kasi mahilig ang Pinoy sa mga hugot songs dahil  mas nakaka-relate tayo dito. Para ito sa mga nagmahal, nasaktan, at handa pa rin sumubok ulit.

“Heto Na Naman is about giving love endless chances. I feel like nature na yon ng tao, na kahit paulit-ulit tayong nasasaktan, hindi tayo napapagod magmahal ulit. Even if mag-give up na tayo sa love, once may ma-meet tayong person na we feel like there’s a chance na he/she might be the right one, we will still give it a chance kahit alam natin na we might get hurt again,” paliwanag ng dalaga. 

Kuwento pa ng Bubble Gum Pop Princess, “When I heard the intro palang ng kanta sobrang nagulat ako kasi very different from my personality. My first single Teka,Teka,Teka is very light and bubbly kasi,  then this one Heto Na Naman is the opposite. Since I’m still in the stage of trying out different genres, of course, na-excite ako to record this one.”

Hindi ba mahirap maka-relate sa isang hugot song ang taong NBSP o no boyfriend since birth?

“People may think na never akong nagkaproblem when it comes to love life. Actually, it’s the other way around. Kaya when I heard this song,  I can still relate, kasi even though I haven’t really found the right person to love I’m still willing to try to meet people until mahanap ko yung right person for me,” sagot ng singer na pinasok na rin ang pag-arte sa pelikula.

 “When it comes to love life kasi, I’m the type of person na na-experience ko na rin ata almost all the “ings” in love -- like ghosting, benching, haunting, etc. Pero I realized na ang bilis ko din maka-move-on. 

“So maybe I haven’t really been inlove talaga. Pero as a person kasi na haven’t had a deep relationship with someone sometimes naiisip ko na if it’s my fault? Hindi naman maiiwasan yon to think bakit walang relationship na nagpu-push through. 

“Pero when you come to think of it maybe we need to experience these hardships and heartbreaks to prepare us para once we meet the right person we know how to value that relationship. I believe that everything happens for a reason,” paliwanag niya.

Si Christi ay ilan lamang sa mga Adober Studio talents ng ABS-CBN na naapektuhan ng pagsasara ng network dahil sa pagkawala ng prangkisa nito. 

 “Super nakaka-miss kasi most of my projects are from Adober Studios. Nakakausap ko pa rin naman minsan yung mga network manager ko and they're proud of what I'm doing now – sa music,” lahad niya.

Kamakailan lang ay nanalo si Christi sa Star Awards for Music at para sa kanya ay validation ito na tama ang desisyon niyang i-pursue ang music.

 “It was very unexpected. I don’t have any idea about it at first.  I’m super grateful for the award. Thankful din for PMPC for the award kasi binibigyan nila ng chance yung mga new talents/artists like me,” reaksyon niya.

Christi Fider’s new song Heto Na Naman is distributed by Ivory Records. Available na ito sa mga digital music stores.

MADAM INUTZ SINORPRESA NG KANYANG MANAGER NA SI WILBERT TOLENTINO NG 88 SQUARE METERS NA HOUSE AND LOT BAGO PUMASOK SA PBB

Patuloy sa pagkinang ang career ni Madam Inutz  (Daisy Lopez), ang mama-bentang live seller ng Cavite.

Todo alaga siya  ng kanyang manager, ang former Mr. Gay World titlist, sikat na businessman, social media influencer, at philanthropist na si  Wilbert Tolentino. 


Bago siya pumasok sa Pinoy Big Brother ay ini-release ang kanyang debut single  na ‘Inutil’.

Nag-record din siya ng  kanyang second single entitled ‘Sangkap ng Pasko.’

Kung novelty ang unang kanta niya, ballad naman itong bagong awitin niya.

Tumatagos sa puso ang   mensahe ng kanyang Christmas song.Marami ang makare-relate mula sa isang mahirap na tao na gaya ni Madam Inutz na ang sangkap ng Pasko ay pamilya. Kay sarap ng feeling na sama-sama  sa pagdiriwang nito.

“Promise, iiyak kayo sa song na ito. Sobrang mata-touch ang mga Pinoy.Sobrang makare-relate sila na ang sangkap o ingredient ng Pasko ay ang pagmamahal sa pamilya,” deklara ni Ka-feshness Wilbert.

Literal na umiyak ang ina ni Madam Inutz nang marinig ang ‘Sangkap ng Pasko’dahil dama niya ang hugot ng kanta, gayundin ang kalahagahan ng pamilya.

Lumabas na ang official music video ng ‘Sangkap ng Pasko’ sa YouTube  Channel na Daisy Lopez . https://www.youtube.com/watch?v=NhkcDLQZQ0c .

Samantala, walang tigil ang sorpresa ni  ka-freshness Wilbert sa kanyang alaga.

Bago rin pumasok sa PBB si Madam Inutz  ay binigyan siya ng bahay at lupa  ng kanyang manager sa Bulacan nu’ng Oct. 5 bago kinuha ng PBB para sa kanyang hotel quarantine.  Naiyak ito sa tuwa.

Mapapanood sa Wilbert Tolentino VLOGS  ang buong detalye ng regalo niya. https://www.youtube.com/watch?v=RkoNbgTgQes .

“Huwag ka na umiyak.Deserved mo ‘yan, deserved mo ito,” bulalas ni Kuya Wil.

Motivation gift ito para paghusayan pa ni Daisy ang  laban niya sa Pinoy Big Brother para manalo siya. 88 square meter ang house and lot  pero ang  floor area  niya ay 55 square meter. Kailangan pa itong bakuran  kaya pagagandahin nila ito habang nasa PBB house ang alaga. Dalawang palapag siya pero  balak ni Sir Wil na   gawing third floor para matirhan ng buong pamilya ni Madam Inutz. Puwede rin itong lagyan ng tindahan.

Hindi siya magarbo pero puwedeng daanan ng tao at nasa bungad ng subdivision.

Sey pa ni Sir Will  maraming isinakripisyo si Madam Inutz  na endorsement.

“Puwede naman siyang kumita sa labas although pinili ko  na ipasok siya sa PBB,” sambit pa ni   Wilbert.

Maraming inilaan na pagbabago at  plano si  Kuya Wil na kaabang-abang para kay Madam Inutz at sa kanyang mga supporters.

Hindi  mapigilan ang paimbulog ng career ni Madam Inutz sa pamamahala ni Sir Wilbert.Maski ang mga netizen na humusga sa kanya bilang manager  ay naging masaya dahil napatunayan nito na may nagawa siya sa career ng kanyang talent. Bukod dito, sini-secure niya ang future ng pamilya  ni Madam Inutz.

Mabuhay ka Wilbert.

Para sa mga Inquiries & Product endorsement - tumawag lang sa 09175INUTIL / 09175468845 or Email sa DLINUTIL@GMAIL.COM.

Kung gusto niyo rin ng update mag-stream sa Wilbert Tolentino VLOGS YouTube chanel at  Daisy Lopez YouTube channel.

34TH PMPC STAR AWARDS FOR TELEVISION BUKAS NA

34th Star Awards For Television, kasado na!


Handang-handa na ang The Philippine Movie Press Club, Inc.(PMPC) sa selebrasyon ng ika-34 edisyon ng Star Awards For Television. Gaganapin ito sa  ika-17 ng Oktubre,, 2021, Linggo, 6:00 ng gabi,  sa pamamagitan ng virtual awarding. Mapapanood ito sa STV at RAD channels. 


Sina Zsa Zsa Padilla, Gerald Santos, Ima Castro at Christian Bautista ang mga performer. Magsisilbing hosts sina Congressman Alfred Vargas at Sanya Lopez. 


Pararangalan ang King of Talk na si Boy Abunda ng Ading Fernando Lifetime Achievement Award. Igagawad naman kay Korina Sanchez ang Excellence in Broadcasting Lifetime Achievement Award. 



Ang 34th PMPC Star Awards For Television ay sama-samang binuo ng mga officer at members sa pangunguna ng Presidente nitong si Roldan Castro. Katuwang ng club sa pagdiriwang ang  Film Development Council of the Philippines (FDCP) sa pangunguna ni Chairperson Liza Diño-Seguerra .Ganoon din ang Beautedem ni CEO at President  Rhea Anicoche Tan. Ito ay sa direksyon ni Pete Mariano. 


Bukod sa RAD at STV channels, ipalalabas din ito ng ika-9:00 ng gabi sa iba't  ibang online platform gaya ng  PMPC Facebook  Page, FDCP Facebook Page (Film Development Council of the Philippines) , Abante Facebook Page, Abante Tonite Facebook Page, Beautederm Facebook Page,EuroTV Facebook Page, AbanteRadyo Tabloidista Facebook Page, ATC Channel 31 Online TV Network, Benny Andaya Official Account Facebook Page, Channel One Global, Channel One TV Movie Global at Mulat Media.


Sino kaya ang mananalong Best  Drama Actress  kina Coney Reyes, Jennylyn Mercado, Judy Ann Santos, Maja Salvador, Nora Aunor, Sunshine Dizon at Sylvia Sanchez?


Magsasalpukan din sina Alden Richards, Coco Martin, Dingdong Dantes, Jeric Gonzales, JM de Guzman, Joey  Marquez  at Joshua Garcia  sa Best Drama Actor.