SUMIKAT AT NALAOS NA AKTOR MAY BABALIKAN PA KAYA?

Sumikat! Sikat na sikat mula pelikula at telebisyon. Sino ang nagpasikat? Kapamilya Network! Nagkaroon ng pangalan. Tumatak ang pangalan. Magaling umarte at kumita ng milyones ang kanyang pag-arte.

Hanggang sa nag-inarte. Dahil nag-inarte at nagmahal ay nawala sa ere! Meaning, nawalan ng career. Both sa pelikula at telebisyon. Nanahimik. Ang siste, ine-enjoy nalang ang life dahil ang kuwento ay marami naman daw siyang naipundar at naisalbang pera sa kanyang bank accounts. 

Hanggang sa nag-ingay na hindi naman nung balitang may ginagawang appearance sa isang pelikula na nung ipinalabas ang naturang pelikula ay never heard at never naman kumita sa planggana ang pelikula kundi floptsinang arinola ang kinalabasan!

Nag-ingay ulit at una'y umapir sa isang palabas sa telebisyon at pinag-usapang yun na ang kanyang magiging bagong istasyon! Nawala after that dahil ang tiktak ng baklang walang fund ay tila nakipagnegosasyon ulit sa network na nagbigay ng pangalan at yaman sa kanya. Ang ending, kahit ako, bakit kapa namin kukunin ulit sa halagang gusto mo eh sarado nga kami diba? 

Kaya ang ending sa kanyang pagmamaganda, bumalik sa sinabing bagong tahanan at pumirma na nga! 

Ang tanong? Bankable pa rin ba siya bilang isang aktor? Kikita pa kaya ang mga pelikulang gagawin niya or that even teleserye o sitcom na gagawin niya ay magre-rate kaya? 

Ang tanong? Kikita kaya ang pelikula nila ng kanyang fave movie loveteam sa parehong bagong tahanan nila kapag nagsama na sila sa pelikula? 

Ang tanong, this movie company ba ay kailanman ay may kumita na bang pelikulang produced nila kung hindi man sila nagki-claimed as always na kumita ek ek?

Sayang this actor. Actually. Noon pa ay nawalan na siya ng kinang. Nawala na ang appeal niya sa masa because nanlambot na ang fans and followers niya sa pinaggagawa niya, hindi ba? 

Boyang siya! Mali ang strategy kaya ayan natigey na ang imbes may pamalengke! Kakaloka! Suwapang din kasi sa pera! Madamot din! Bagay lang sila talagang magsama sa isang movie ng love niyang kapareha noon. Ano kaya ang title ng movie nila if ever matuloy? 

CHRISTINE BERMAS BILANG SAMARA SA PELIKULANG SIKLO NI DIREK ROMAN PEREZ

Nasungkit naman ni Christine Bermas ang role bilang si Samara para sa pelikulang SIKLO ni Direk Roman Perez para sa Vivamax! Masaya ang kampo ng dating Belladonnas girl dahil halos walang pahinga si Christine sa paggawa ng pelikula. 

In all fairness kay Christine, naglalakihang mga showbiz actors ang nakakatrabaho niya simulang maging aktibo siya sa paggawa ng pelikula. Hindi dapat kuwestiyunin dahil nakakaarte si Christine at hindi hinog sa pilit ang acting.

Dalawang naglalakihang direktor na rin sa showbiz ang kanyang naging bala sa pag-arte. Nandiyan si Direk Joel Lamangan na siyang naging direktor niya sa kanyang launching movie na Moonlight Butterfly under 316 Media Network at Ang Huling Baklang Birhen. Dalawa rin kay Direk Brillante Mendoza via The Policeman at Sisid. At ngayon naman ay sa pelikulang Siklo ng isang baguhang direktor na si Roman Perez na pakahusay din!

Well, kapag masipag ka naman sa showbiz, marunong umarte at walang attitude, sureness naman ang magagandang project!

ANA JALANDONI NAPA-ARAY SI MARCO ALCARAZ SA ISANG EKSENA NILA SA PELIKULANG MANIPULA NG AFLIX MEDIA PRODUCTIONS

Aliw kami sa pagiging prangka ni @realanajalandoni Unang naitanong sa kanya ang kanyang pribadong buhay at sinagot niya naman itong she's dating right now at magi-isang buwan palang nilang kinikilala ng isang showbiz guy ang isa't isa. Hanggang sa mapunta na kami sa sexy questions. Patol si Ana at walang kiyeme. 

May panghihinayang factor naman ang drama ni Ana sa naging 2 lovescene nila ni @ajabrenica sa pelikulang MANIPULA na kanyang pinagbibidahan na produced ng #AFlixMediaProduction sa direksiyon naman ni Neal Buboy Tan na malapit na rin nating mapanood.

Sinabi nitong talagang maselan ang naturang tsurvahan nila ni Aljur. Nang tanungin siya kung may na-sight naman siya habang ginagawa nila ni Aljur ang eksena, agad naman nitong sinabing " Naku! Wala nga eh! Ha! Ha! Ha! Hindi man lang nila ako binigyan ng chance. " walang kiyemeng sagot pa ni Ana.

Naikuwento rin ni Ana ang experience niya sa habang ginagawa nila ni Marco Alcaraz - isa sa mga lalakeng supporting actor sa movie. " Ay Kay Marco pala. Kasi sa sex scene namin, nakatali siya, so ako, habang ginagawa ko ang eksenang puputulan ko siya ng kanyang ano sa movie, narinig ko siya, sabi niya, aray, aray, aray! Natawa ako! Ha!Ha! Ha! " aniyng pagkukuwento pa sa aming panayam.

Sa totoo lang, sabi ko nga sana maipalabas na ang movie. Lalo akong na-excite sa mapapanood ko! Ha!Ha!Ha!

Jobert Sucaldito Ana Jalandoni

DEPARTMENT OF OFWS AT PROTEKSIYON SA MANGGAGAWA UNA SA LEGISLATIVE AGENDA NI RAFFY TULFO

Nangako si independent senatorial candidate Raffy Tulfo na isusulong ang mga panukalang magtataguyod sa karapatan at kapakanan ng manggagawang Pilipino maging dito man o sa ibang bansa at magbibigay sa kanila ng proteksiyon laban sa pang-aabuso kapag nahalal sa Senado.

" Araw-araw sa aking programa,karamihan sa mga lumalapit ay mga OFW at manggagawa na nakaranas ng pang-aabuso sa kanilang employers at hindi nabigyan ng tamang suweldo o benepisyo. Panahon na upang tuldukan ito. " paglalahad ni Tulfo na kilala sa kanyang pagtulong sa maraming Pilipino araw-araw sa kanyang mga public service program sa radyo, telebisyon at online.

Una sa listahan ng legislative agenda ni Tulfo ang paglikha sa Department of OFWs na tututok sa pagbabantay sa kapakanan at proteksiyon ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibang bansa.

Bahagi ng planong Department of OFW bill ni Tulfo ang palagiang pagbabantay sa ating OFWs sa iba't ibang bahagi ng mundo upang masigurong protektado sila laban sa anumang pang-aabuso ng kanilang mga amo.

Dagdag pa rito sinabi ni Tulfo na magbabalangkas siya ng panukala na magpaparusa sa mga lokal na employer na mabibigong magbayad ng tamang sahod at benepisyo sa kanilang manggagawa.

Alinsunod naman sa tanyag na pahayag ni yumaong dating pangulong Ramon Magsaysay na " those who have less in  life should have more in law ", sinabi ni Tulfo na isusulong niya ang mas malaking pondo para sa Public Attorney's Office o PAO para makapagbigay ito ng libreng tulong legal sa mahihirap na Pilipino na walang kakayahang kumuha ng serbisyo ng abogado.

Nangako rin si Tulfo na dadalhin sa Senado ang mabilis niyang pagtugon sa pangangailangan ng mga Pilipino.

" Dadalhin natin sa Senado ang serbisyo kung saan tayo nakilala ng mga Pilipino. Iyong serbisyong ngayon na, hindi mamaya na. " pagtatapos pa ni Raffy Tulfo sa kanyang napakagandang pangarap sa Senado para sa mga Pilipino mapasaang sulok man ng mundo!

ANA JALANDONI HINAGOD AT SINISID NI ALJUR ABRENICA SA PELIKULANG MANIPULA!

Sa ikalawang pagkakataon ay nakasalamuha ko si Ana Jalandoni, ang bidang seksing aktres sa pelikulang Manipula ng A Flix Media Productions sa direksyon ni Neal Tan na mapapanood na natin soon! Isang pocket interview ito kung saan lima lang kaming imbitado kaya mas may galaw ako personally para ma-sexy interview ang seksing-seksing si Ana na saksakan din ng ganda ng mukha at height!

As we go on sa aming interview, naramdaman kong palaban din si Ana at walang kiyemeng pinagsasagot ang bawat seksing tanong na ibinabato sa kanya huh! 

Pero ako mismo ang nagtanong sa kanya patungkol naman sa mga kinunang love scenes nila ni Aljur Abrenica na leading man niya sa naturang pelikula. 

May lovescenes kayo ni Aljur sa movie. Dalawang beses sa pagkakaalam ko. Kamusta ka-sex scene ang isang matipunong seksing aktor?

" Masarap! Masarap siya! Kasi iba eh! Nagkatinginan lang kami, tapos ayon na! Eye to eye lang. Tapos ginawa na namin ang dapat gawin na eksena. " bulalas pang tugon ni Ana sa amin.

" Basta! Feel na feel namin ang isa't isa. Binigay namin lahat! ' aniyang muli.

Kamusta kahalikan ang isang Aljur Abrenica? Anong nalasahan mo sa mga halik ni Aljur?

" Lasang honey! Matamis eh! " bungisngis pa ni Ana Jalandoni.

Matitindi nga ang love scenes nila. Hindi ba siya o si Aljur nakaramdam ng pag-iinit habang ginagawa nila ang mga eksena nila sa kama?

" Hindi ko na alam eh! Kasi, sobrang love na love namin ang isa't isa sa mga lovescenes namin. Sobrang feel na feel namin ang bawat yakap at halik namin, yung hagod, lahat! " walang kiyemeng tsika pa nito.

Speaking of hagod, Paano nga ba humagod ang isang Aljur Abrenica sa eksena niyo?

" Dalawa kasi lovescenes namin sa movie. Yung isa love and sweet. Tapos yung isa naman ay love and wild. Yung una, wild kasi kaya nahampas niya ang puwet ko, hinawakan niya ang ulo at buhok ko, hinawakan niya ako sa mukha. Ha! Ha! Ha! Yung pangalawa naman, talagang kumain siya ng tahong! Ha! Ha! Ha! Nagulat nalang ako nung nandun na siya sa baba, pero tuloy-tuloy lang kami! Talagang sumisid din siya! Tapos ako naman, sinipsip ko rin nipples niya! Uy! Pero nung pinanood na namin ang eksena after namin gawin yun, artistically done naman siya at hindi naman malaswa! Tapos sabi namin sa isa't isa, ayon na, nagawa naman natin, tinginan na lang kami. " aniyang muli sa amin.

Aminado siyang nanlalamig siya nung nagbibigay palang ng instructions si Direk Neal Tan sa kanila para sa naturang eksena. 

Plus the fact na matalik pa niyang kaibigan si Aljur. Hindi ba mahirap yun?

" Actually, napakahirap kasi nga magkaibigan kami eh. Pero sabi ko nga, tinginan na lang kami, tapos, eye to eye, ginanawa nalang namin! Masaya naman! " aniyang tugon pa sa aming panayam.

Sa aking next article ay abangan pa ninyo ang pagpapatuloy ng aming sexy interview kay Ana Jalandoni na walang kiyemeng aariba at aalagwa sa pelikulang Manipula! 

Ibinalita rin nitong hindi lang pagbebenta ng kotse at pagpo-produce ng pelikula ang pagkakaabalahan niya sa mga darating na araw dahil malapit na rin nitong buksan ang kanyang Samyupsal Resto sa may Tomas Morato, Quezon City.

RAYVER CRUZ HATAW ANG CAREER SA KAPUSO NETWORK

Kahit nung nasa Kapamilya Network palang si Rayver Cruz ay todo suporta na ako sa kanya. Todo na rin ang paghanga ko sa kanya bilang isang magaling na aktor at performer. What happened was hindi talaga siya nabigyan ng pagkakataon that time, for years na nasa network siya, dahil na rin sa dinami-rami ng mga artistang nakapulupot sa ABS at nade-deadma na ang ibang mas may potential pa huh!

Hanggang magdesisyon na si Rayver at ang kaibigang manager nitong si Kuya Albert Chua na tanggapin na ang offer ng GMA Kapuso Network at tuluyang nagpaalam ng maayos si Rayver at naging Kapuso Star na!

Agad-agad ay binigyan ng magagandang projects si Rayver mula sa mga teleserye ng Kapuso, sa singing career nito at higit sa lahat ang kanyang hosting skill na talagang pinatunayan naman niyang may ibubuga siya sa lahat ng kanyang gustong gawin at ginagawa na.

Sa kasalukuyan ay maituturing na siyang isa na rin sa maipagmamalaking talento ng Kapuso network at ayon sa aming nabalitaan ay naglalakihang upcoming projects pa ang nakahilera para kay Rayver Cruz.

Yan ang sinasabi kong good karma for Rayver dahil nakaalagwa na ang iniidolo naming aktor sa kanyang showbiz career na ipinagdamot sa kanya noon sa Kapamilya network! Making waves na si Rayver at tama lang ang naging desisyon nilang lumipat na siya.

Hindi ko maiwasang hindi purihin si Rayver sa totoo lang dahil isa siya sa mga artistang never kong narinig na nag-reklamo. Never din nagkaroon ng isyu. Naghintay talaga siya ng tamang panahon para umariba sa kanyang karera.

Higit sa lahat, isa si Rayver among male celebrities na may pinakamagandang mukha, tangkad at napakabuti ng puso! Tunay na lalake at alam kung sino ang mga tunay na nagmamahal sa kanya. Actually, titigan mo si Rayver mula ulo hanggang paa, total package na siya! Guwapo at matipuno at punong-puno ng talento! Marespeto pa! Just like his brother Rodjun na pinalaki talaga silang low profile lang at alam mong may mga pinag-aralan! 

Ang aking patuloy na pagpuri kay Rayver at patuloy na pagpalakpak sa kanyang showbiz career! More blessings Rayver Cruz! Pakahusay mo naman talaga! 

SEAN DE GUZMAN SHOOTING HIS 6TH FILM HUGAS FOR VIVAMAX WITH DIRECTOR ROMAN PEREZ

Hindi na nga mapigilan ang patuloy na pag-angat ng showbiz career ni @seandgman_ 

Mula sa mga pelikulang Anak Ng Macho Dancer, Lockdown, Ang Huling Baklang Birhen, Taya at Mahjong Nights ay Hugas naman ngayon ang titulo ng pelikulang kanyang ginagawa para sa Vivamax mula sa direksiyon ng idolo naming si Direk Roman Perez.

Itinadhana talagang maging isang artista si Sean mula sa kanyang grupong Clique V ni Len Carrillo ng #316 Events & Talent Management. 

Wala namang dapat ikuwestiyon why making waves na ngayon si Sean sa mundo ng paggawa ng pelikula dahil marunong namang umarte si Sean at ramdam mo naman ang kanyang pagyakap sa kanyang propesyon huh! Si Sean pala ay contract artist na rin ng Viva Artist Agency

ANA JALANDONI MAPANGAHAS ANG ROLE SA PELIKULANG MANIPULA WITH ALJUR ABRENICA

Poster palang ng pelikulang Manipula na launching movie ni @realanajalandoni ay nakaka-kaba na! Hanggang sa napanood natin ang movie trailer nito na mas lalo akong kinabahan dahil sa matitinding eksena ni Ana kasama ang limang lalakeng minanipula niya sa pelikula huh! Medyo dark ang movie, bloody siya na higit sa lahat ay masasabi kong kapupulutan ng aral! 

Punong-puno ng paghihiganti ang movie ni Ana Jalandoni kung saan kapareha niya naman ang super yummy na halos Papey na ng buong mundo si @ajabrenica 

Yun nga! Talagang bloody nga ang movie that's according mismo kay Direk Neal Tan na siyang nagdirek nito at sumulat.

Pero ang inaantay kong mapanood dito ay kung paano inariba ni Ana ang kanyang role the fact na limang katauhan ang kanyang ginampanan sa film! Kung paano niya binigyang buhay ang mga katauhang iyon sa dahilang kailangan niyang magpanggap yata sa movie para balikan ang mga taong nang-alipusta sa kanyang pagkatao. Ganda ng script huh! In all fairness kay Direk Neal sa pelikulang ito.

Well, hindi ko maialis na purihin ang ganda at kaseksihan ni Ana Jalandoni. Sobra! Ganda ng mukha! Malapit na nating mapanood ang movie! Abangan! Hindi ba Nanay Jobert Sucaldito 👏👏👏

P-POP GROUP NA BEYOND ZERO PANGARAP MAGING GLOBAL

Attended yesterday's virtual media launch para sa baguhang grupo ng Beyond Zero managed by John Diamante ng Mentorque. Impressive ang performances ng pitong miyembro nito na sina Duke, Jester, Jeven, Matty, Andrei, Khel at Wayne. Mga guwapo lahat ng bagets na miyembro na hoping silang makikilala rin ang kanilang grupo pagdating ng araw. Grupo dahil individually ay mga kilala silang lahat sa social media bilang mga sikat na tiktokers huh! Grabe ang kanilang followers mula sa Tiktok, Instagram, Twitter at Facebook and made viral videos already huh! 

Gusto ko yung passion ng mga bata sa kanilang ginagawa ngayon, Maybe because ganoon din ka-passionate ang kanilang manager na si John Diamante who's also present that afternoon sa Okada, Manila.

Accoding to Boyond Zero's management, naka-hilera na ang kanilang mga gagawing events starting this month tulad ng kanilang pagbuo para sa kanilang debut single or album at higit sa lahat ay ang kanilang nalalapit na virtual concert this coming December 3 sa Poolside yata ng Okada magaganap na mapapanood naman natin sa Ktx.Ph

Wala akong ibang wish personally sa buong Beyond Zero kundi ang goodluck sa kanilang bagong journey sa buhay at iyan ay ang mga baguhang singer at dancer sa entablado ng showbizlandia!

CHRISTINE BERMAS MAKING WAVES NA SA SHOWBIZLANDIA

Sino ba naman ang mag-akalang making waves na rin ngayon sa mundo ng paggawa ng pelikula si @christinebermas_ 

Mula sa pagiging ekstra lang sa mga naunang movie appearances nito ay bidang-bida na siya ngayon sa kanyang launching movie under 316 Media Network titled Moonlight Butterfly kung saan niya naman katambal sina Kit Thompson at Albie Casino mula naman sa panulat ni Eric Ramos at direksiyon ni Joel Lamangan.

Kinunan lahat ng eksena sa pelikula sa Angeles, Pampanga. Sabi ko nga, biglang nag-level-up si Christine at ang nakakatuwa ay puring-puri siya ng kanyang mga naging kasamahan sa movie dahil hindi ito nagpatalbog kung artehan lang naman ang pag-uusapan huh! I knew it! Mahal kasi ni Christine ang kanyang ginagawa at malalim ang dahilan why ganoon siya ka-pursige sa kahat ng ito. Para sa pamilya!

After niya gawin ang kanyang launching movie na mapapanood na rin natin soon ay natapos niya na rin gawin ang mga pelikulang Ang Huling Baklang Birhen, The Policeman at Sisid. Kabogera si Christine dahil nakaka-dalawang Joel Lamangan na siya at dalawang Brillante Mendoza! Panalo! Happy for Tin! Wishing her more projects to come!