BEYOND ZERO STAR-STUDDED ANG FIRST MAJOR DIGITAL CONCERT

Beyond Zero pinatunayang hindi lang silal pang-Tiktok sa kanilang digital concert.

Successful at star-studded ang kauna-unahang digital concert ng Beyond Zero na pinamagatang Beyond Zero: The Reboot na ginanap sa biggest indoor beach club ng bansa -- Cove Manila – ng luxurious Okada Manila noong December 3, 7 p.m. na napanood din sa Ktx.ph.

Ang Beyond Zero ay ang pinakabagong all-male P-Pop group sa Pilipinas na binubuo ng mga TikTok superstars na sina Andrei, Duke, Jester, Jieven, Khel, Matty, and Wayne. Milyon ang followers sa Tiktok ng Beyond Zero members at umabot na rin sa halos 1.4 billion ang kanilang combined TikTok views.

Ang Beyond Zero ay mina-manage ng House of Mentorque at ang production house naman nilang Mentorque Productions ang nag-produce ng show.

Ayon sa management team ng P-Pop group inihanda nilang mabuti ang Beyond Zero bago ito  sumalang sa kanilang  debut concert. Dumaan din ang Beyond Zero sa matinding training sa dancing, singing at maging sa personality development para masiguradong handa sila sa concert scene.

Kahit nagsimula lang sa paggawa ng mga Tiktok videos from the comforts of their homes, the boys faced the pressure of performing on a grand stage for the first time.  The boys shone bright as they performed their first ever single, "Reach the Top” written by the award-winning singer-songwriter, Quest.

Their dance numbers were made exceptional with the beat of the two leading DJs in the Philippines -- Ace Ramos and Mars Miranda.

At bilang pagpupugay sa TikTok kung saan sila nagsimula, nakasama ng Beyond Zero sa isang production number ang fellow TikTokers na sina Argie Roquero, Ericka Pineda, Andrea Pauline, Ralph Alfaro, Austin Ong, Franz Miaco, and JM Yrreverre. Sinayaw nila dito ang mga viral TikTok dance challenges.

Nag-perform din sa concert as special guests at para sumuporta sa Beyond Zero  ang Sexbomb Dancers, The Manoeuvres, Quest, JRoa, Glendale Aquias, at si  Jessy Mendiola-Manzano.

Ang debut concert ng Beyond Zero ay simula pa lang ng mga susunod pang magagandang mangyayari sa kanilang career sa entertainment world. Obstacles and mistakes will be encountered along the way, but rest assured that these stumbling blocks will be treated as experiences to be learned from.

Anyway, Beyond Zero: The Reboot Digital Concert is directed by the award-winning director GB Sampedro.

THE EXORSIS MOVIE NINA ALEX GONZAGA AT TONI GONZAGA MANANAKOT AT MAGPAPATAWA NGAYONG PASKO

Kakaibang Christmas "spirit" ang mararamdaman natin sa pagdating ng The Exorsis sa mga sinehan para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre 25. 

Ang The Exorsis ay isang horror-comedy film na pinagbibidahan ng box office queens at certified comedic duo na sina Ultimate Multimedia Star, Toni Gonzaga, at ng Country’s Top Influencer, Alex Gonzaga. Mula sa pelikula nilang “Mary, Marry Me” noong 2018, nagbabalik MMFF ang Gonzaga sisters para muling magbigay ng kasiyahan sa buong pamilya. 

Kwento ito ni Gina (Toni Gonzaga) at ni Dani (Alex Gonzaga), magkapatid na malaki ang pagkakaiba ng mga ugali. Si Gina ay isang pormal at goal-oriented na tao, samantalang si Dani naman ay pa-easy-easy lang sa buhay. Sa pagkakaulila sa mga magulang, naging responsibilidad na ni Gina bilang panganay na alagaan ang kanilang pamilya, at ang kanyang grocery business ang nakatulong na makapagtaguyod sa kanila ng kanyang kapatid. Gumawa naman ng paraan ang tadhana upang matupad ni Gina ang mga naudlot niyang pangarap at nabigyan ito ng pagkakataon na makapunta sa abroad, pero nagdadalawang isip si Gina na ituloy ito sa pag-aalalang hindi kaya ng iresponsableng si Dani na i-manage at alagaan ang pinaghirapan niyang grocery business.  

Isang gabi, may isang misteryosang babaeng nagngangalang Leng-Leng ang mapapadaan kina Gina at maaaksidente mismo sa harap ng kanilang grocery at sa kasawiang palad ay babawian  ng buhay. Gagala ang espiritu nito at sasanib kay Dani. Aatakehin nito ang lahat ng makita, maging ang kanyang kapatid. Magiging malala ang sitwasyon ni Dani at hahanap si Gina ng paraan upang matulungan at maprotektahan ang kapatid, at maligtas si Dani sa masamang espiritu ni Leng-Leng na sumanib sa katawan nito.

Matapos ang virtually celebrated festival noong nakaraang taon dahil sa pandemya, magbabalik muli sa mga sinehan ang 47th Metro Manila Film Festival, at isa ang The Exorsis sa mga official entries na pasok para sa prestihiyosong pagdiriwang na ito.

Co-produced ng Viva Films at TinCan film production, ang pelikulang ito ang reunion project nina  Alex at Toni. Pinahayag ng magkapatid sa kanilang mga social media kung gaano sila kasaya para sa kanilang paparating na pelikula, “Yehey! We made it to this year’s MMFF! See you sa Pasko!" (Yehey, pasok tayo sa MMFF ngayong taon! Magkita-kita tayo sa pasko!”) saad ni Toni sa kanyang Instagram account kung saan pi-nost ng aktres ang poster ng pelikula, pinromote din ito ni Alex sa kanyang account at nag post naman ng isang pang poster ng pelikula at may caption na “Mga sissss!! Deserve ninyong tumawa ng natatakot ngayong Pasko. Balik sine na tayo! Ito na #TheExorSis. December 25 sa mga sinehan!"

Ang pelikulang ito ay mula sa up-and-coming na direktor na si Fifth Solomon, na isa ring malapit na kaibigan ni Alex at direktor ng pelikula niyang “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka.” Si Fifth Solomon din ang nagsulat at direktor ng “Dulo”,  isang Vivamax Original movie na mapapanood na sa darating na Disyembre 10. 

Ang The Exorsis ay kwento ng pamilya at ng walang kondisyong pagmamahal sa kanila. Ihanda ang sarili na tumawa, umiyak at matakot. Mapapanood na ang The Exorsis sa mga sinehan ngayong Disyembre 25 bilang official entry para sa  47th Metro Manila Film Festival.

VIVA HUNK ACTOR DIEGO LOYZAGA AT RISING ACTRESS BARBIE IMPERIAL BIBIDA NA SA ROMANCE FILM NI FIFTH SOLOMON TITLED " DULO " DECEMBER 10 NA SA VIVAMAX

Maagang nagmahal. Maagang nanindigan. Maaga ding matatapos.Ang real-life couple VIVA hunk Diego Loyzaga at rising actress Barbie Imperial ang bibida sa latest romance film na DULO, sa direksyon ng Actor/Director na si Fifth Solomon.

Parehong nasa early 20s nila, si Dex (Diego Loyzaga) at Bianca (Barbie Imperial) nang magkakilala sila sa isang dating app, at di nagtagal ay nag-live in na sila. Parang mabilis ang lahat ng pangyayari sa kanilang relasyon, at isang taon lang pagkatapos nilang ikasal, nanganganib na silang maghiwalay. Sa pag-asang maaayos pa nila ang kanilang relasyon, nagdesisyon silang mag-unwind at mag-road trip. Sa kanilang road trip, unti-unting bumalik ang kanilang masasayang alaala. Ngunit kasabay ng pagbalik ng kanilang masasayang alaala, isa-isa ring bumalik ang mga lumang issues at problema nila, at di nila maiwasan na mag-away. Sa dulo ng kanilang road trip, masasalba kaya nila ang kanilang pag-ibig, o ito ang magiging dahilan ng kanilang tuluyan na paghihiwalay?

Sa pelikulang ito, madaming mga first time si Barbie Imperial. DULO ang first movie niya sa VIVA Films, at ito din ang first movie project nila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga. Sa sobrang excited ni Barbie sa first movie project nila ni Diego, pinost niya agad sa kanyang Instagram account ang movie teaser, kaya naman lalo pang na-excite ang mga DiegsBie fans na makita silang magkasama sa isang pelikula. 

Bukod sa ito ang unang movie team-up ni Barbie at Diego, isa pang kaabang-abang sa DULO ay ang official soundtrack nito na inawit ng The Juans, ang “Anghel” at “Dulo”.  Sa music at lyrics ng kanta, mas lalong nagiging heartbreaking ang bawat eksena sa DULO.

Kaya samahan si Dex at Bianca sa kanilang road trip, at alamin kung huli na nga ba ang lahat para sa kanilang pagmamahalan. Panoorin ang DULO sa December 10, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. Available na rin ang Vivamax sa USA and Canada. 

Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

Pwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

Maaari ring magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga Authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna. 

Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cable Link, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., Sky Cable, Fiber, BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect at Zenergy Cable TV Network Inc. 

At best viewing na ang quality ng inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting.

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

SEAN DE GUZMAN NAKAGAWA NG 8 MOVIES SA LOOB NG ISANG TAON

Tuloy-tuloy lang ang pag-ariba ng kanyang career simulang mailunsad si Sean De Guzman bilang Anak Ng Macho Dancer na sinundan ng mga pelikulang Lockdown, Nerisa, Taya, Huling Baklang Birhen, Mahjong Nights, Bekis On The Run at Hugas. 

Just imagine kung gaano kasipag si Sean at kung gaano siya kamahal ng mga taong nakakatrabaho niya. Sa loob lamang ng 1 taon ay 8 pelikula na ang kanyang nagawa.

Masuwerte siya dahil sa dinami-rami ng potential actors sa bakuran ng Viva Artist Agency ay lagi siyang napipisil for a project. Yan yung sinasabi kong pakikisama at higit sa lahat ay attitude towards work at sa mga nakakasalamuha sa industriyang ginagalawan niya.

Masasabi nating umariba nga siya this year sa kanyang showbiz career na mula sa simpleng pagsasayaw noon sa mga out of town shows at iba pang karaketan bilang miyembro ng grupong Clique V na mina-manage ni Len Carrillo ng 316 Events And Talent Management ay ayan na siya, kilala na rin sa mundo ng pelikula bilang isang celeberity. 

Wala naman kaming ibang wish kay Sean kundi ang pagtuloy-tuloy ng suwerteng dumating sa kanya at sana huwag na huwag niya itong pakakawalan.

XIAN LIM NA-INSPIRE PASUKIN ANG PULITIKA AT MAGING MAYOR DAHIL KAY ISMO MORENO

Si Xian Lim ang gumaganap na present day Isko Moreno sa musical film na Yorme: The Isko Domagoso Story. Si Raikko Mateo naman ang batang Isko samantalang si McCoy de Leon ang teenager version ni Isko kung saan naging miyembro siya ng youth oriented show ni Kuya Germs na That’s Entertainment.

Ayon kay Xian, nakilala niya nang husto ang pagkatao ni Manila Mayor Isko Moreno habang ginagawa ang pelikula. At dahil nga dito ay na-inspire din siyang maging mayor o kaya’y public servant din sa hinaharap.

 “Sana! Ha-ha-ha! Kung mabibigyan ng pagkakataon, ang saya po noon,” lahad ng aktor.

 “Of course, I think to be an inspiration to many and to be able to create change is very important. I think if there’s anything na napulot ko rito sa proyekto na ito, it’s the ability to inspire and change,” dugtong niya.

Ang Yorme ay iprinodyus ng Saranggola Media Productions at mula sa direksyon ni Joven Tan na siya ring sumulat ng 15 original songs sa pelikula. Ang Viva Films naman ang magdi-distribute ng pelikula na mapapanood sa Dec. 1 sa mga sinehan.

Ano ba ang pinakamahirap sa paggawa ng isang musical film?

Tugon ng aktor, “Well, si Direk Joven naman po kasi, marami po siyang na-compose na magagandang kanta. I believe yung couple of songs ni Ice Seguerra, si Direk Joven ang nagsulat at nag-compose. So, he would give me the song beforehand. Siyempre, aaralin mo, ire-record namin. And after the recording, dadalhin sa shooting namin.

“Ipinakita rin niya sa akin yung mga ups and downs ni Mayor Isko para mas maramdaman ko yung kanta. At siyempre, sariling research na rin ng karakter dahil may ipino-portray po tayo na isang importanteng tao. Hindi naman ito basta na dadalhin mo lang ang sarili mo, tapos aarte ka. 

“Medyo nahirapan lang ako ng konti sa punto ni Yorme. Meron siyang punto, eh, kung paano siya magsalita,” tuluy-tuloy na pagbabahagi ni Xian.

Nagbigay din ng reaksyon si Isko sa nagsasabing baka magamit ang pelikula sa political ambition ng alkalde.

 “Actually, pumasok ako sa project na ito as an actor lang po talaga. Hindi ko po iniisip yung mga ganung bagay. Para sa akin po nandito lang ako para sa ganda ng proyekto and to inspire people na makakapanood. Yon kasi yung kailangan natin sa mga panahon ngayon, eh,” katwiran ni Xian.

Samantala, bukod sa tatlong bidang lalaki ay kasama rin sa pelikula ang mga dating taga-That’s na sina Janno Gibbs, Jestoni Alarcon, Tina Paner, Monching Gutierrez at marami pang iba.

MCCOY DE LEON SING AND DANCE SA YORME

Aminado si McCoy de Leon na naka-relate siya habang ginagawa ang musical film na Yorme: The Isko Domagoso Story. Si McCoy ang gumaganap bilang teenager na Isko sa pelikula na na-discover ng isang talent manager hanggang mapabilang sa sikat na youth oriented show ni German Moreno na That’s Entertainment.

 “Sobra akong naka-relate kasi unang-una taga-Tondo din ako. Tsaka yung time ko kasi na ginampanan pa-artista siya, eh, kaya naka-relate din ako don sa feeling na sana mapansin din ako. Na sana makuha ako sa audition.

“Actually, may eksena ako dito na parang nag-a-audition na sobrang genuine siya kasi hindi siya karaniwang audition. Audition siya ng isang taga-Tondo,” kuwento ng aktor.

Ano nga ba ang naging take away niya sa pelikula?

“Kasi sa amin bilang artista ang daming batikos, ang daming pangit na salitang maririnig ka. Pero nung ginampanan ko yung story niya, alam mo yung nandiyan ka na sa baba pero titirahin ka pa ng masasakit na salita, durog na durog ka don. Pero siya, kung paano niya hina-handle, ‘Okey lang yan, huwag mong pansinin yan.’ Ganun siya, hindi niya lalabanan. 

“Kaya na-realize ko na kung yung iba nakakatanggap ng masasakit na salita online mas worst pa yung talagang nando’n sa labas na naririnig yung boses talaga ng mga tao. Kaya yon yung take away ko na isang malaking realization din,” lahad pa niya.

Bukod sa pag-arte ay sumabak din si McCoy sa pagkanta sa Yorme. Paano ba niya ito pinaghandaan?

“May isang kanta ako sa Yorme na sobrang happy, sobrang uplifting yung feeling -- ito yung Artista Na Ako. Same din kasi yung naramdaman ko nung pini-perform ko yung kanta do’n sa na-feel ko dati nung nagsimula na akong mag-artista.

“Pagdating naman sa paghahanda, bago ako matulog pinapakinggan ko talaga yung kanta. Paulit-ulit sa phone ko, sa computer, sa kotse. Kasi alam ko sa sarili ko na kailangan kong gawin yon kasi pag nagpa-relax-relax lang ako alam naman natin na hindi ko mabibigyan ng hustisya yung role ko. Kaya dugo’t pawis din talaga.

“Pero pag nando’n na… iba talaga pag nando’n na, eh. Si Direk talaga yung naging instrument ko para magawa ko yon nang maayos. Meron ding mga kanta na sumasayaw ako,” paliwanag ni McCoy.

First musical film ni McCoy ang Yorme at sana raw ay hindi rin ito ang last.

Sabi ni McCoy,  “Iba pag musical, kumbaga ibang putahe. Buti na nga lang din may experience ako sa theater dati na nagamit ko rin dito sa Yorme. Kasi kapag musical importante yung laki ng bibig, dapat kita yung sinasabi mo, tapos yung galaw mo. Kakaibang experience  ito for me and sabi ko nga kay Direk Joven sana hindi ito yung maging first and last ko.”

Dati nang gumagawa ng stage play si McCoy dahil sa impluwensya ng kanyang ama na bukod sa pagiging aktor ay director din sa teatro.

“Sana makabalik din ako sa theater kasi yon yung buhay din ng tatay ko, eh.  Alam kong yon ang kasayahan niya kaya sana soon magawa ko rin yon,” he said.

Gaano ba siya ka-passionate sa pag-arte?

 “Siguro kahit pagbali-baligtarin man ang mundo ay dito pa rin ako magiging masaya – sa pag-arte. Dahil din dito kaya ko natutulungan ang pamilya ko,” tugon ng bida ng Yorme.

Anyway, gaganap naman bilang batang Isko sa Yorme si Raikko Mateo. Si Xian Lim naman ang present day Isko

Kasama rin sa pelikula ang ibang That’s Entertainment members tulad nina Janno Gibbs (as Kuya Germs), Jestoni Alarcon (Daddy Wowie, manager ni Isko), Tina Paner at Monching Gutierrez (Isko’s parents) at marami pang iba.

Yorme is produced by Saranggola Media Productions, directed by Joven Tan and distributed by Viva Films. Showing na ang Yorme sa Dec. 1. 

ISKO MORENO NARRATOR, HINDI PRODUCER NG YORME MUSICAL

MALI  ang akala ng marami na si Manila Mayor Isko Moreno ang producer ng musical film na Yorme: The  Isko Domagoso Story na ipapalabas na sa mga sinehan sa Dec. 1. 

Fake news ito dahil ang totoong producer ng Yorme ay ang Saranggola Media Productions na producer din ng 2019 MMFF movie na Suarez: The Healing Priest. 

Ayon sa director ng pelikula na si Joven Tan, ang tanging involvement ni Isko sa Yorme ay ang pagtitiwala niya sa Saranggola na gawing pelikula ang kanyang buhay at ang pagna-narrate niya sa pelikula. Ipinaubaya din ni Isko sa producer kung aling institusyon ang magiging beneficiary ng ibabayad para sa kanyang story rights.  

“Kinausap namin siya ni Ms. Edith Fider (producer) na kung pupuwede ay gawan namin siya ng biopic kasi napaka-inspiring ng kanyang life story di ba? And pumayag naman agad siya. Yon nga lang meron siyang kondisyon – dapat daw yung mga totoong nangyari lang sa buhay niya ang ilalagay namin sa pelikula,” sey ng direktor.

Dagdag pa niya, “Habang binubuo namin ang Yorme noon ay hindi namin alam na mahihikayat siyang tumakbo sa pagka-presidente. Wala kaming ideya. Matagal yung naging proseso namin bago mabuo itong project, two years din yon, tapos nag-pandemic pa kaya hindi rin agad naipalabas.”

Samantala, bida sa Yorme sina Raikko Mateo (bilang batang Isko), McCoy de Leon (teenager na Isko) at Xian Lim (present generation Isko). Mayroong 15 original songs ang pelikula na sinulat lahat ni Joven na kilala ring award-winning songwriter. 

Kasama rin sa pelikula ang ilang dating miyembro ng That’s Entertainment na sina Tina Pander, Monching Gutierrez, Jestoni Alarcon, Bryle Mondejar, Jojo Abellana, Jennifer Mendoza, Jovit Moya, Manolet Rippol, Jojo Alejar, Lovely Rivero, Keempee de Leon, Ricky Rivero, Karen Timbol, Jeffrey Santos at Maricar de Mesa.

 Gagampanan naman ni Janno Gibbs ang character ni German ‘Kuya Germs’ Moreno na producer at host noon ng youth oriented show na That’s Entertainment na naging daan para makilala si Isko sa showbiz.

Yorme is distributed by Viva Films at mapapanood sa mga sinehan sa Dec. 1.

THAT'S ENTERTAINMENT MEMBERS NAGSAMA-SAMA SA PELIKULANG YORME NI DIREK JOVEN TAN

 Muling nagsama-sama sa musical film na Yorme: The Isko Domagoso Story  ang ilan sa mga dating sikat na miyembro ng youth oriented show ni German “Kuya Germs” Moreno na “That’s Entertainment.” 

May cameo role sa Yorme sina Bryle Mondejar, Jojo Abellana, Jennifer Mendoza, Jovit Moya, Manolet Rippol, Jojo Alejar, Lovely Rivero, Keempee de Leon, Ricky Rivero, Karen Timbol, Jeffrey Santos at Maricar de Mesa.

Gumanap naman bilang parents ni Isko sina Tina Paner at Monching Gutierrez samantalang si Jestoni Alarcon ay si Daddy Wowie Roxas, ang  discoverer at talent manager ni Isko. 

Malaki rin ang role ni Janno Gibbs sa musical film dahil siya ang nagbigay buhay sa karakter ng star builder na si  Kuya Germs. 

Dahil ang Yorme ay istorya ng buhay ni Manila Mayor Isko Moreno na nagsimula ang showbiz career sa That’s Entertainment kaya sinadya ng director ng pelikula na si Joven Tan na bigyan  kahit maliliit na role ang dating mga kasamahan ni Isko sa programa. Ayon kay Direk Joven, madali niyang napakiusapan ang mga ito. Ang medyo naging mahirap lang para sa kanya ay kung saan hahagilapin ang iba dahil karamihan sa kanila ay hindi na rin aktibo sa showbiz.

“Wala namang naging problema. Excited pa nga sila, eh,” lahad ng direktor.

Ang Yorme na prinodyus ng Saranggola Media Productions and distributed by Viva Films ay pinagbibidahan nina Raikko Mateo (batang Isko), McCoy de Leon (teenager na Isko) at Xian Lim (present generation Isko). Mayroong 15 original songs sa pelikula na lahat ay sinulat ni Joven na isa ring award-winning songwriter at  2013 grand champion ng Himig Handog P-Pop Love Songs para sa kantang Ano’ng Nangyari Sa Ating Dalawa.

Kabilang dito ang kantang Naniniwala Ako ni Raikko, Nais Ko at Artista Na Ako ni McCoy, at Alam Ko Po Yon ni Xian. 

May production numbers din si  Janno as Kuya Germs ng mga kantang Palakpakan at Bakit Lahat Gustong Mag-artista? suot ang kumikinang nitong coats na naging trademark noon ni Kuya Germs. Of course, may konting kwento rin tungkol sa humble beginnings ng Master Showman bago siya nakilala sa industriya.

Ang pelikulang Yorme ay very entertaining dahil sa magagandang kanta at production numbers ng cast. Ipapakita ng pelikula ang mga naging struggles ni Isko nung kanyang kabataan hanggang pasukin niya ang mundo ng pulitika.

Mapapanood ang Yorme sa mga sinehan sa Dec. 1.

RAYVER AT JANINE ALMOST 1 MONTH NG HIWALAY AT NASA MOVING ON STAGE NA

KUMPIRMADONG hiwalay na talaga sina Janine Guttierrez at Rayver Cruz. Matagal ng umugong ang hiwalayang ito ng dalawa. Hanggang sa nitong araw lang ay nakumpirma naming isang buwan at kalahati na palang hiwalay sina Janine at Rayver. In all fairness, naging tahimik lang ang dalawa. Wala kang narinig na mga negatibong pasaring at kung anu-ano pa huh! 

Well, alam ko na parehong disiplinadong tao ang dating mag-jowa at yun ang dapat. Hindi tulad nung ibang naghihiwalay, aba'y mga nag-iingay! Kakaloka yung ganoon sa totoo lang!

Mula mismo sa text message ng isang kaibigan ay nakumpirma kong wala na nga sila. Meaning, libre na ang bawat isa at irespeto nalang natin ang kanilang pribadong buhay dahil unang-una, love ko si Rayver at mabait na anak-anakan!

Anyways, umaalingawngaw naman ang usap-usapan ngayon patungkol sa tuksuhang nagaganap between Rayver Cruz at Julie Ann San Jose na main host ng programang The Clash sa bakuran ng GMA-7! 

While taping daw ay nababato ng tuksuhan ang dalawa! Well, libreng-libre naman yata silang pareho at walang nagma-may-ari ng kanilang mga puso sa ngayon, why not naman, hindi ba? 

In-all fairnesa huh! Ang ganda ng napapanood kong chwmistry nila while hosting The Clash huh! Sabi ko nga, tama lang na sila ang nilagay ng GMA Network to host the show. Kita namang may chemistry nga sila!

May pag-asa kayang makabuo ng panibagong lovelife si Rayver kay Julie Anne? Nasaan na ba si Mr. Kupido ng mapana na ang dalawang puso!

Speaking of hosting, well, palakpakan kay Rayver! He's doing good sa kanyang hosting job at baka next year ay siya na ang makikita nating nagho-host sa national pageant nights like Mutya, Miss Universe-Philippines at Ms. World, hindi ba? Guwapo, tangkad at matalino! 

Basta! Abangan nalang natin kung anong mangyayari in the future! 

EXCLUSIVE: KARLA ESTRADA ITINANGGI ANG TSISMIS NA 25 MILLION PESOS AT RESIGNED NA SA MAGANDANG BUHAY

It was 3 years ago kung aking matatandaan nang unang magkaroon ng pagkakataong makapag-usap sina Yda Romualdez bilang kumakatawan ng Tingog Partylist at Karla Estrada. Dito ay nasaksihan ko mismo ang mainit na pagtanggap kay Karla bilang kasangga at kapamilya na rin ng Tingog nang magpunta kami mismo sa Tacloban City para sa grupong pribadong binuo ng ilang kaibigan doon ang Sangkay.

Katunayan ang larawang nasa itaas na nagkausap na noon pa sina Yda at Karla. Ayon sa aking kaalaman, kaibigan na nila Karla ang mga Romualdez noon pa at hindi na ito bago sa buhay ng pamilya nila at nakalakihan na ni Karla.

Hanggang sa nitong nakaraang buwan lamang ay nag-file finally si Karla ng kanyang Certificate of Candidacy bilang 3rd nominee para sa naturang partylist na kailangang makapaglikom si Karla ng 1 milyong boto para makapasok siya sa Kongreso at maupo!

Marami ang nabigla sa pagtakbo ni Karla o sabihin na nating marami ang nabigla sa kanyang desisyong pasukin ang pulitika. Marami rin ang umalma lalo na ang ilang fans and followers ng kanyang anak na si Daniel Padilla, ang KathNiels na nagprotesta pa laban kay Karla to withdraw from her candidacy dahil ang taong kanyang susuportahan at sinalihang partylist ay ang taong bomoto rin upang tuluyang huwag mabigyang prangkisa ang ABS-CBN at tuluyan nga itong ipinasara.

Walang lumabas na publisidad mula sa kampo ni Karla habang nasa kasadsaran ang naturang protest issue to withdraw. Naglakas loob ako noong tinext si Karla at ito ang kanyang naging textback.

" Hayaan na natin sila Dom. Malalaman din nila ang tunay kong intensiyon at hangarin. Maiiintindihan din nila. Okey lang yan! " sagot pa ni Karla sa aking text message.

Hanggang sa lumipad na nga patungong Tacloban si Karla. Bumiyahe sa iba't ibang bayan ng Samar at Leyte para gawin ang kanyang obligasyon na pakikipagkapwa-tao doon na inabot siya ng halos 1 buwan sa kaiikot doon representing the Tingog Partylist. 

Habang nandoon si Karla ay napakarami kong natanggap na pakikibalita kung kaninong tao at kaibigan. Tinatanong ako kung totoo bang nasa 25 million pesos daw o higit pa ang halaga ng kanyang pangalan kaya siya napapayag na ibigay ang kanyang suporta sa Tingog Partylist? 

Since alam kong nakabalik na rito sa Manila si Karla ay hindi na ako nagdalawang-isip pang itext siya kung totoo ang naturang halaga at agad-agad naman siyang nagbigay ng kanyang mensahe.

" Walang ganoon! Purely pakikisama at pagmamahal sa Tingog Partylist ito. Hindi totoo yang 25 million na yan. Nakakatawa! " aniyang sagot naman sa aking ipinadalang text message sa kanya.

Nagbigay rin ng paliwanag si Karla patungkol sa tanong na totoo bang nag-resign na ito sa Magandang Buhay bilang host?

" Hindi Dom. Nagti-taping ako ngayon ng Magandang Buhay until January. Tapos by February ay magli-leave ako hanggang April. Yun ang totoo. " aniyang agad namang sagot pa sa akin.

Sana maliwanag na ang lahat. Wala pong tinanggap na 25 million pesos si Karla mula sa Tingog Partylist. Hindi rin totoong nag-resigned siya sa Magandang Buhay na show nito sa Kapamilya Network.

Halata naman talagang loyal na loyal ang kanyang pamilya sa mga Romualdez lalo na sa mga Marcoses. Isang patunay ay si Mommy Thelma, mother of Karla at Lola ni Daniel na talagang wala kang magagawa diyan kapag Imelda Marcos na ang pag-uusapan! 

" Naku! Si Mama Dom, wala kang paglalagyan diyan kapag si Imelda na ang pag-uusapan. " aniyang pagtatapos pang tugon sa akin.