ALEX AT TONI PATOK ANG SISTERRIFIC TANDEM SA THE EXORSIS NA MAPAPANOOD NA NGAYONG DECEMBER 25

Malakas ang kutob kong this movie The Exorsis na pinagbibidahan ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga ang tatabo ngayong taon sa takilya ng Metro Manila Film Festival. Ako personally ay gusto kong makapanood ng pelikulang magaan lang na matatawa ako, maiyak konti at matatakot and this movie fits my inaasam-asam na pamaskong pelikula bilang treat ko sa sarili ko after being jailed ng pandemic noh!

Sa trailer palang na aming napanood bago mag-umpisa ang virtual mediacon, tawang-tawa na kami at alam na naming kakabagin ka sa kakatawa sa movie. Idagdag mo pa diyan ang nakakatawang si Melai Cantiveros who's playing the name of Jessamae ( kalokang pangalan ) sa movie! Bakit kaya wala si Maritess? Kidding aside, beautiful itong film na minaneho naman ng isang fresh movie director na si Direk Fifth Solomon na minsan na rin naming binigyang puri noon sa kanyang debut film na Nakalimutan Ko Ng Kalimutan Ka na pinagbidahan ni Alex Gonzaga huh! 

Istorya ng dalawang magkapatid na magkaiba ang pag-uugali. Kumbaga si Toni ay matino at ito namang si Alex sa movie ay pasaway kaya siya ang dinikitan ng masamang espiritu kaya nasapian siya na ikinawindang naman ng kanyang Ate Toni sa film. Basta. Kakaloka ang mga eksenang mapapanood natin. 

Well, acting wise, natural kung umarte ang magkapatid huh! Parang sila lang sa totoong buhay. Na si Toni ay seryosong tipo at si Alex naman ay kikay na minsan daw o kadalasan ay walang preno ang bibig na kahit yung ibang bagay na hindi dapat sinasabi ay nasasabi ni Alex dahil nga sa pagiging kudaera nito! 

Ang nakakatuwa sa dalawa, as they grow older at kahit may kanya-kanya na silang pamilya, maintained pa rin diumano ang kanilang closeness bilang sissies in real life at yun diumano ang mahalaga sa kanila. 

Hay naku! Basta! Positive akong this MMFF Official entry ng Viva Films at Tincan na The Exorsis will make it to the box-office talaga. Kumpleto na kasi ang sangkap ng pelikula plus galing pa ng direktor nila! 

ANGELINE QUINTO HEADLINES OWN SHOW AT EXPO 2020 DUBAI

ANGELINE HEADLINES OWN SHOW AT EXPO 2020 DUBAI

 Power Diva Angeline Quinto headlines her own show at the ongoing Expo 2020 in Dubai this Wednesday (Dec 8), 8PM at the Jubilee Stage.

 This is one of the many musical shows and concert in the six month-long event. Also gracing the event soon are Academy-Award winning composer and musician A.R. Rahman, Filipina singing sensation Lea Salonga, and multi-award winning artist Alicia Keys.

Also joining Angeline on stage is OPM band Six Part Invention. 

The Expo 2020 in Dubai is an international exhibition designed to showcase the achievements of various nations. With the theme “Connecting Minds, Creating the Future,” this year’s Expo is participated in by more than 100 countries including the Philippines. The Expo 2020 Dubai started last Oct 1, 2020 and will end in March 31, 2022.

RHEN ESCANO AT RITA MARTINEZ NAGKAGAANAN NG LOOB HABANG GINAGAWA ANG PELIKULANG " LULU " NI DIREK SINGRID ANDREA BERNARDO

Kung tinangkilik ang mga pelikulang BL series, this  time, isang GL o Girl Love movie series titled LULU naman ang matapang na ipapalabas sa Vivamax simula January 7, 2022 na magkakaroon ng 8 series. 

Matapang ang tema ng movie about lesbianism or lesbians kung paano sila magmahal sa isang sitwasyon na sinulat at idinerek mismo ng award-winning scriptwriter-director ng pelikulang Kita Kita na si direk Sigrid Andrea Bernardo. Ayon mismo kay Direk Singrid when asked kung may mapapanood na intimate sexy scenes ang dalawang bida na sina Rhen Escano at Rita Martinez, naging deretsahan si Direk sa pagsasabing may love sa movie at may mga scenes ang love na aabangan daw talaga natin sa pelikula. 

Actually, nung pinapanood namin ang official trailer ng movie, mukhang lalake talaga si Rita Martinez. Para siyang korean actor na super naman talaga ang kaguwapohan huh! Sa trailer palang, kitang-kita na naming maromansa ito na medyo may komedya ayun pa sa dalawang bida.

During the virtual presscon naman, naku, halatang kinikilig naman si Rhen sa tuwing kinukulit ng entertainment media ang kanilang naging working relationship while doing the film huh!

Kunsabagay, pareho namang loveless ang dalawa at kahit si Rhen Escano na mismo ang umaming walang pinipili ang pag-ibig. Tomboy man o lalake ang manligaw sa kanya, wala diumanong prpblema at bukas siya kahit kanino. Ang kondisyon ni Rhen, basta't mamahin siya at maging loyal ito sa kanya.

In fairness sa Lulu, kaabang-abang siyang panoorin! May hatak ang tandem nina Rhen at Rita na for sure, hindi lang lesbians kundi pati mga bakla at kalalakihan ay mai-inlove sa movie! 

JANNO GIBBS, DENNIS PADILLA AT ANDREW E. MULING MAGPAPATAWA SA SANGGANOT, SANGGAGO, SANGGUWAPO NGAYONG DECEMBER 31 NA SA VIVAMAX

Inihahandog ng Vivamax ang sequel sa hit na comedy movie na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo, sa panulat at direksyon pa rin ng nag-iisang Al Tantay, pinagbibidahan ng mga lodi ng Pinoy Comedy: Janno Gibbs, Dennis Padilla at Andrew E. At dahil sa patok na theme song nito na Aussie! Aussie! O sige! ni Andrew E., na ngayon ay hit Tiktok trend na, siguradong mapapasige ka nang sige ngayong December 31, sa Vivamax.

Sa SANGGANO, SANGGAGO’T SANGGWAPO 2: AUSSIE! AUSSIE! O SIGE!, susundan natin ang mga kwelang adventures nina Johnny (Janno), Dondon (Dennis) at Andy (Andrew) bilang mga managers sa bagong bukas na resort ng kanilang long-time friend na si Rico (Julianna Parizcova Segovia).

Ngayong namamasukan na sila sa Bonggacious Resort, masosorpresa ang tatlo sa pagdating ng kanilang mga dating katrabaho (Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes, Angela Morena) bilang mga una nilang kliyente. Ayos na sana ang lahat kasama ang mga nagseseksihan nilang mga bisita. Kaso si Sir Gustavo (Pepe Herrera), ang pilyong boss, ay present din. Kakailangan muna nilang harapin siya bago sila maka-score sa mga ladies.

Saksihan ang ating mga bidang lalaki sa kanilang panggo-good time kasama ang kanilang special resort guests dito sa Vivamax Orignal movie na Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie! O Sige! sa Vivamax simula December 31, 2021.

Para sa local subscriptions, pwedeng i-download ang app at mag-subscribe via Google Play Store, Huawei App Gallery, at App Store. Manood nang tuluy-tuloy sa Vivamax sa halagang P149/month at sa halagang P399 naman para sa tatlong buwang mas makakatipid. Ngayon, may mas sulit pang option, sa halagang P29 lang pwede nang makanood nang tuluy-tuloy sa tatlong araw!

Maaaring magbayad gamit ang website, pumili lamang mula sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, o PayMaya. Maaari ring magbayad sa pamamagitan ng app, pumili lamang mula sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, o Mastercard. O kaya naman, pwede rin sa Ecommerce, pumili lamang mula sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, o Paymaya. O kaya naman sa pamamagitan ng mga authorized outlets,  pumili lang mula sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, at Load Central.

Available din ang Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, Canada at USA. Vivamax, atin ‘to!

HANGGANG DULO KAYA ANG PAG-IIBIGANG BARBIE IMPERIAL AT DIEGO LOYZAGA SA PELIKULANG DULO?

Matindi ang salitang love kapag tinamaan ka. Either it will help you grow as a person or it will lead you to a pain na malulugmok ka lang bilang tao. Sa pelikulang DULO na pinagbibidahan ng real couple na sina Diego Loyzaga at Barbie Imperial na mapapanood na natin ngayong December 10 sa Vivamax ay tila bibiyahe pa sila ng pagkalayo-layo sa pamamagitan ng isang road trip kung kakayanin pa nila o makakakuha pa sila ng sagot sa kanilang mga tanong hanggang sa dulo. 

Actually, inspiring ang film para sa mga lovers out there because the movie tackles love, patience and determination. Parang kasama nila ang hope sa biyaheng dulo na ito. 

Personally, i love them both lalo na nung malaman kong gagawa sila together ng isang pelikula. Acting wise naman, given na ang pagiging magaling nilang dalawa na pareho naman silang nakagawa na ng maraming projects lalo na sa telebsiyon. 

During the virtual mediacon, may mga isyu mang kinasasangkutan especially Barbie, hindi kami natinag sa sweetness ng dalawa the whole time. Well, it shows na mukhang deadma sila sa intriga and sa kanila na mismo galing ang salitang mas marami pa silang mas bibigyang pansin sa kanilang buhay like tutukan ang mga parating nilang projects at plano nila sa kanilang personal na buhay.

What excites me ay yung magiging dulo ng pelikula sa totoo lang. Kasi kung si Barbie ang tatanungin, she's willing to travel hanggang dulo pagdating sa isang relasyon. Aminado siyang minsan sa pagmamahal, nakakapagod din pero she said, that's life and walang makakapagsabi what will it run sa parating na araw sa buhay.

Also Diego exclaimed na wala sa isip niya mga ganoong bagay like hiwalayan. Basta't ang alam niya now ay nagmamahalan sila ni Barbie at marami silang plano together na 5 years from now daw ay baka magpakasal na sila at bubuo na rin ng sariling pamilya. Sobrang positive ni Diego, diba?

Hay naku! Basta! Let's all wish them luck at panoorin natin ang pelikulang idinerehe ni Fifth Solomon! Promise! Beautiful ang film kaya papanporin ko siya talaga! Inlove kasi ako noh! 

RHEN ESCANO AT RITA MARTINEZ BIDA SA GIRL LOVE SERIES NA " LULU " SIMULA JANUARY 7 SA VIVAMAX

Ngayong 2022, maghanda na para sa isang girl to girl romance!

Mula sa box-office director ng Kita Kita na si Sigrid Andrea Bernardo, inihahandog ng Vivamax ang girl love series na “Lulu”, simula January 7, 2022.  Dito makikilala ang unang pagsasama ng sultry actress na si Rhen Escaño (Adan, The Other Wife, Paraluman) bilang Sophie at ang baguhang aktres na si Rita Martinez (The Voice Philippines season 2 semifinalist, LGBTQIA+ advocate) bilang Abi.   

Dahil sa relasyong nauwi sa hiwalayan, gusto munang lumayo at mapag-isa ni Sophie.  Pati ang kanyang social media accounts ay deactivated na.  Siya ay nagtungo sa kanyang beach house na pinaparentahan sa AirBnB at inisip niyang ipaayos na rin ito.  Ang kaso, lahat na lang ng ginagawa niya ay hindi maganda ang nagiging resulta.  Sa katunayan, iniisip ni Sophie na wala na siyang ginawang tama sa 25 taon na nilalagi niya sa mundo.  Ngunit nang dumating si Abi sa kanyang bahay at buhay, nakaramdam siya na ito ay tama.    

Si Abi ay isang butch lesbian, magaling magluto at tumutugtog bilang gitarista sa isang indie band.  Laging planado ang buhay niya maliban ngayon.  Ngayon, gusto ni Abi na maglakbay nang walang sinusunod na plano.  Dahil dito ay napadpad siya sa AirBnB property ni Sophie.  Simula nang magkakilala sila, hindi na napigilang mahulog ang loob sa isa’t-isa.  

Ang “Lulu” ay may walong episodes na lalabas tuwing Biyernes sa Vivamax. Sundan kung paano makakaapekto sa relasyon nina Sophie at Abi ang pagbabalik ng kanilang mga ex at ang paglutang ng mga dating lihim at hinanakit.  

Sa isang panayam, ibinahagi ni direk Sigrid Andrea Bernardo na matagal na niyang tinatago ang konsepto ng kwento ng “Lulu”.  Humahanap lamang siya ng tamang panahon para ituloy ang pagsulat nito at maipalabas sa telebisyon o sinehan.  

Salamat sa Viva na bukas sa realidad ng girl love and boy love stories at sa wakas ay nabigyan ng pagkakataon ang award-winning writer/director na ibahagi ang kwentong ito na siguradong magugustuhan ng mga open-minded na manonood.  

Sa unang pagkakataon, mapapanood natin ang pagkakalog ni Rhen Escaño, malayo sa mga nakaraang roles niya. Ayon kay direk, ang “Lulu” ay romantic comedy, at hindi heavy drama na nakasanayan ng marami pag dating sa lesbian love stories.  Aniya, “I wanted Lulu to be light. I want to focus doon sa individual struggles nila and love is secondary.  And it will come naturally. Of course, we will tackle ’yong mga issues pero very, very subtle. It’s more of parang every-day life ng lesbian community.”  Sa pamamagitan ng seryeng ito, gusto ni direk na makita ng mga tao na hindi lang puro issues ang mga tomboy, “masayahin din sila”.  

Parehong excited sina Rhen at Rita na makita ng mga tao ang pagmamahalan nina Sophie at Abi.  Naniniwala si Rhen na walang masama sa ganitong klaseng kwento dahil walang pinipiling kasarian ang pag-ibig.   Masaya si Rita na ang kanyang papel na si Abi ay maraming pagkakapareho sa kanya.  Bukod sa pagiging tomboy, mahusay na chef rin si Rita at tumutugtog rin sa isang banda.    

Para mapanood ang “Lulu”, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery at App Store.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.  Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para makapagbayad mula sa  Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Mapapanood rin ang “Lulu” sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.  Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.  

Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macau, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, Canada at USA na rin ang Vivamax. 

CAUGHT IN THE ACT-A COMEDY MYSTERY-CRIME ADVENTURE MOVIE OPENS DECEMBER 15 IN CINEMAS NATIONWIDE

MPJ Entertainment Productions and Golden Brilliance present "CAUGHT IN THE ACT," a comedy, mystery-crime adventure movie starring hot newbies of today’s generation -- Joaquin Domagoso (GMA artist and son of Manila Mayor Isko Moreno) and Andi Abaya (ABS-CBN's Pinoy Big Brother first runner-up).

As "Caught In The Act" opens in Philippine cinemas on December 15, 2021 (ten days before Christmas), for the record, it is the first Pinoy film to be shown in the movie theaters after 21 months of its closure due to the global pandemic.

Kapuso Joaquin and Kapamilya Andi get their biggest break on film as they portray senior high school students who invent a new mobile app called "Caught in the Act," a crime-stopping app, which allows people to report crimes.

Introducing in this movie are new faces who also portray major characters in the exciting story:  Bamboo B., Jhassy Busran, and Josh Lichtenberg.

Written and directed by Perry Escaño, the film’s executive producers are Josie Paynor, Reagan Romero, and JCB Production.

In the supporting cast are:  Karel Marquez, Lance Raymundo, Shido Roxas, John Gabriel, Tony Co, EJ Panganiban.

A group of Filipino senior high school students invent a new mobile app called "Caught in the Act," a crime-stopping app, which allows people to report crimes happening around.

As part of their final school project, a group of senior high school students invent a new mobile app and call it "Caught in the Act."  They design it as a crime-stopping app, which allows onlookers to report crimes happening in their campus and in their community. 

While testing the app, they get to witness a crime committed by a syndicate group.  The app effectively sends a report about the ongoing crime to the to the authorities.  

However, the first person to receive it is the head of Police, who is also involved with the syndicate.  As the syndicate group tries to cover its tracks, these innocent teenagers now have to decide whether to run away as they are being hunted down or face their tormentors head on.

According to Director Perry “Caught in the Act” depicts how talented Filipinos are when it comes to invention and creation of advanced technology.  The film promotes good Filipino traits like not giving up on trials and adversities of life, very hardworking,  responsible, hopeful in achieving their dreams in life.". 

Most Filipinos nowadays – especially the millennial generation -- are into social media, it is also an awareness to everyone that App nowadays are faster and easiest version of a site to interact and connect.

These Apps are companions for today's social life.  They are literally very significant in our daily lives, especially on emergency matters like what will be seen in this film.

PLAYDATE:  Dec. 15, 2021, rated Parental Guidance by the MTRCB.

BEYOND ZERO STAR-STUDDED ANG FIRST MAJOR DIGITAL CONCERT

Beyond Zero pinatunayang hindi lang silal pang-Tiktok sa kanilang digital concert.

Successful at star-studded ang kauna-unahang digital concert ng Beyond Zero na pinamagatang Beyond Zero: The Reboot na ginanap sa biggest indoor beach club ng bansa -- Cove Manila – ng luxurious Okada Manila noong December 3, 7 p.m. na napanood din sa Ktx.ph.

Ang Beyond Zero ay ang pinakabagong all-male P-Pop group sa Pilipinas na binubuo ng mga TikTok superstars na sina Andrei, Duke, Jester, Jieven, Khel, Matty, and Wayne. Milyon ang followers sa Tiktok ng Beyond Zero members at umabot na rin sa halos 1.4 billion ang kanilang combined TikTok views.

Ang Beyond Zero ay mina-manage ng House of Mentorque at ang production house naman nilang Mentorque Productions ang nag-produce ng show.

Ayon sa management team ng P-Pop group inihanda nilang mabuti ang Beyond Zero bago ito  sumalang sa kanilang  debut concert. Dumaan din ang Beyond Zero sa matinding training sa dancing, singing at maging sa personality development para masiguradong handa sila sa concert scene.

Kahit nagsimula lang sa paggawa ng mga Tiktok videos from the comforts of their homes, the boys faced the pressure of performing on a grand stage for the first time.  The boys shone bright as they performed their first ever single, "Reach the Top” written by the award-winning singer-songwriter, Quest.

Their dance numbers were made exceptional with the beat of the two leading DJs in the Philippines -- Ace Ramos and Mars Miranda.

At bilang pagpupugay sa TikTok kung saan sila nagsimula, nakasama ng Beyond Zero sa isang production number ang fellow TikTokers na sina Argie Roquero, Ericka Pineda, Andrea Pauline, Ralph Alfaro, Austin Ong, Franz Miaco, and JM Yrreverre. Sinayaw nila dito ang mga viral TikTok dance challenges.

Nag-perform din sa concert as special guests at para sumuporta sa Beyond Zero  ang Sexbomb Dancers, The Manoeuvres, Quest, JRoa, Glendale Aquias, at si  Jessy Mendiola-Manzano.

Ang debut concert ng Beyond Zero ay simula pa lang ng mga susunod pang magagandang mangyayari sa kanilang career sa entertainment world. Obstacles and mistakes will be encountered along the way, but rest assured that these stumbling blocks will be treated as experiences to be learned from.

Anyway, Beyond Zero: The Reboot Digital Concert is directed by the award-winning director GB Sampedro.

THE EXORSIS MOVIE NINA ALEX GONZAGA AT TONI GONZAGA MANANAKOT AT MAGPAPATAWA NGAYONG PASKO

Kakaibang Christmas "spirit" ang mararamdaman natin sa pagdating ng The Exorsis sa mga sinehan para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) ngayong Disyembre 25. 

Ang The Exorsis ay isang horror-comedy film na pinagbibidahan ng box office queens at certified comedic duo na sina Ultimate Multimedia Star, Toni Gonzaga, at ng Country’s Top Influencer, Alex Gonzaga. Mula sa pelikula nilang “Mary, Marry Me” noong 2018, nagbabalik MMFF ang Gonzaga sisters para muling magbigay ng kasiyahan sa buong pamilya. 

Kwento ito ni Gina (Toni Gonzaga) at ni Dani (Alex Gonzaga), magkapatid na malaki ang pagkakaiba ng mga ugali. Si Gina ay isang pormal at goal-oriented na tao, samantalang si Dani naman ay pa-easy-easy lang sa buhay. Sa pagkakaulila sa mga magulang, naging responsibilidad na ni Gina bilang panganay na alagaan ang kanilang pamilya, at ang kanyang grocery business ang nakatulong na makapagtaguyod sa kanila ng kanyang kapatid. Gumawa naman ng paraan ang tadhana upang matupad ni Gina ang mga naudlot niyang pangarap at nabigyan ito ng pagkakataon na makapunta sa abroad, pero nagdadalawang isip si Gina na ituloy ito sa pag-aalalang hindi kaya ng iresponsableng si Dani na i-manage at alagaan ang pinaghirapan niyang grocery business.  

Isang gabi, may isang misteryosang babaeng nagngangalang Leng-Leng ang mapapadaan kina Gina at maaaksidente mismo sa harap ng kanilang grocery at sa kasawiang palad ay babawian  ng buhay. Gagala ang espiritu nito at sasanib kay Dani. Aatakehin nito ang lahat ng makita, maging ang kanyang kapatid. Magiging malala ang sitwasyon ni Dani at hahanap si Gina ng paraan upang matulungan at maprotektahan ang kapatid, at maligtas si Dani sa masamang espiritu ni Leng-Leng na sumanib sa katawan nito.

Matapos ang virtually celebrated festival noong nakaraang taon dahil sa pandemya, magbabalik muli sa mga sinehan ang 47th Metro Manila Film Festival, at isa ang The Exorsis sa mga official entries na pasok para sa prestihiyosong pagdiriwang na ito.

Co-produced ng Viva Films at TinCan film production, ang pelikulang ito ang reunion project nina  Alex at Toni. Pinahayag ng magkapatid sa kanilang mga social media kung gaano sila kasaya para sa kanilang paparating na pelikula, “Yehey! We made it to this year’s MMFF! See you sa Pasko!" (Yehey, pasok tayo sa MMFF ngayong taon! Magkita-kita tayo sa pasko!”) saad ni Toni sa kanyang Instagram account kung saan pi-nost ng aktres ang poster ng pelikula, pinromote din ito ni Alex sa kanyang account at nag post naman ng isang pang poster ng pelikula at may caption na “Mga sissss!! Deserve ninyong tumawa ng natatakot ngayong Pasko. Balik sine na tayo! Ito na #TheExorSis. December 25 sa mga sinehan!"

Ang pelikulang ito ay mula sa up-and-coming na direktor na si Fifth Solomon, na isa ring malapit na kaibigan ni Alex at direktor ng pelikula niyang “Nakalimutan Ko Nang Kalimutan Ka.” Si Fifth Solomon din ang nagsulat at direktor ng “Dulo”,  isang Vivamax Original movie na mapapanood na sa darating na Disyembre 10. 

Ang The Exorsis ay kwento ng pamilya at ng walang kondisyong pagmamahal sa kanila. Ihanda ang sarili na tumawa, umiyak at matakot. Mapapanood na ang The Exorsis sa mga sinehan ngayong Disyembre 25 bilang official entry para sa  47th Metro Manila Film Festival.

VIVA HUNK ACTOR DIEGO LOYZAGA AT RISING ACTRESS BARBIE IMPERIAL BIBIDA NA SA ROMANCE FILM NI FIFTH SOLOMON TITLED " DULO " DECEMBER 10 NA SA VIVAMAX

Maagang nagmahal. Maagang nanindigan. Maaga ding matatapos.Ang real-life couple VIVA hunk Diego Loyzaga at rising actress Barbie Imperial ang bibida sa latest romance film na DULO, sa direksyon ng Actor/Director na si Fifth Solomon.

Parehong nasa early 20s nila, si Dex (Diego Loyzaga) at Bianca (Barbie Imperial) nang magkakilala sila sa isang dating app, at di nagtagal ay nag-live in na sila. Parang mabilis ang lahat ng pangyayari sa kanilang relasyon, at isang taon lang pagkatapos nilang ikasal, nanganganib na silang maghiwalay. Sa pag-asang maaayos pa nila ang kanilang relasyon, nagdesisyon silang mag-unwind at mag-road trip. Sa kanilang road trip, unti-unting bumalik ang kanilang masasayang alaala. Ngunit kasabay ng pagbalik ng kanilang masasayang alaala, isa-isa ring bumalik ang mga lumang issues at problema nila, at di nila maiwasan na mag-away. Sa dulo ng kanilang road trip, masasalba kaya nila ang kanilang pag-ibig, o ito ang magiging dahilan ng kanilang tuluyan na paghihiwalay?

Sa pelikulang ito, madaming mga first time si Barbie Imperial. DULO ang first movie niya sa VIVA Films, at ito din ang first movie project nila ng kanyang boyfriend na si Diego Loyzaga. Sa sobrang excited ni Barbie sa first movie project nila ni Diego, pinost niya agad sa kanyang Instagram account ang movie teaser, kaya naman lalo pang na-excite ang mga DiegsBie fans na makita silang magkasama sa isang pelikula. 

Bukod sa ito ang unang movie team-up ni Barbie at Diego, isa pang kaabang-abang sa DULO ay ang official soundtrack nito na inawit ng The Juans, ang “Anghel” at “Dulo”.  Sa music at lyrics ng kanta, mas lalong nagiging heartbreaking ang bawat eksena sa DULO.

Kaya samahan si Dex at Bianca sa kanilang road trip, at alamin kung huli na nga ba ang lahat para sa kanilang pagmamahalan. Panoorin ang DULO sa December 10, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East at Europe. Available na rin ang Vivamax sa USA and Canada. 

Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

Pwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

Maaari ring magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga Authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna. 

Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cable Link, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., Sky Cable, Fiber, BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect at Zenergy Cable TV Network Inc. 

At best viewing na ang quality ng inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting.

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!