MOMENTS NI GLADYS REYES SA NET25 16 YEARS NA!

Hindi biro ang tumayo ka ng almost 16 years sa ere. Yan nga ang nangyari sa Moments TV show ni Gladys Reyes sa NET25! 

Kahit siya ay hangang-hanga rin sa kanyang naging kakayahan bilang host nito. Kaya naman abot-langit ang pasasalamat ni Gladys sa NET25 dahil hindi rin siya binitiwan nito hanggang ngayon. 

Marami paraw gustong patunayan si Gladys sa kanyang show. May mga bagong ideya na rin daw siya sa ika-16 years ng show niya at yun daw ang dapat abangan pa ng kanyang avid listeners and viewers.

Sa bagong season ng Moments, siniguro nitong may bago silang inohandang surpresa na tatatak sa puso ng bawat pamilya. Abangan ang Chikat or chikahan with sikat. Moment Ko 'To kung saan icha-challenge ng guest si Gladys at ang Kusina Moments na magbibigay ng kitchen hacks. 

Manood na ng Moments kasama ang buong pamilya tuwing Linggo alas-kwatro ng hapon sa NET25.

VIC SOTTO, PAULEEN LUNA AT TALI BIBIDA NA SA NET25'S LOVE, BOSLENG & TALI

Nakakatuwa ang mag-asawang Vic Sotto at Pauleen Luna. Panay ang tawanan ng lahat habang kausap namin via zoom ang mag-asawa sa katatapos lang na Let's Net Together Media Conference.

Ayon kena Vic at Paulen, mas pinili diumano nilang sa bahay nalang nila kunan ang mga eksena sa bagong family show nilang Love, Bosleng & Tali. Dahil iwas sakit na rin daw muna dahil nasa panahon parin daw tayo ng pandemya. 

Good vibes daw ang show na ito ng tatlo dahil pang-pamilya ito at happy lang. Ayon kay Vic, ibang-iba qng istorya nito na ating aabangan tuwing Sunday, alas-sais ng hapon. 

Tutulungan nila Bosleng and Tali ang isang letter sender kung saan magbibigay sila ng payo sa buhay. Bawat episode ay ipapakita ang mga isyu na malapit sa ating puso, pamilya, buhay pag-ibig, trabaho at pagkakaibigan. 

Asahan na magiging nakakatawa ang life lessons at siguradong makaka-relate ang bawat pamilyang Pilipino.

ASPN NG NET25 YEAR 2 NA!

Tuloy ang pangako ng NET25 sa bawat Pilipino sa buong mundo. Ang maghatid ng maganda at de-kaledad na programa na talaga namang aabangan ng bawat Pilipino.

Isa na rito ay ang ASPN o Ano Sa Palagay Niyo hosted by Ali Sotto and Pat Daza. 

Sa katatapos lang na Let's Net Together Media Conference ay ibinalita ng dalawang host na nasa ikalawang taon na ang kanilang show. Sabi pa ng dalawang host, happy sila sa kanilang show at nagagawa nila ang kanilang gusto sa tulong narin ng NET25 management. 

Sa kanilang programa ay inilalahad nila ang kanilang makabuluhang komentaryo at pagsusuri sa mahahalagang pangyayari, isyu at personalidad. Salungat sa nakasanayan nating male dominated radio talk genre, kapansin-pansin ang kanilang atensyon sa maliliit na detalye.

Umaasa silang mas lalo pa silang susuportahan ng kanilang listeners and viewers sa kanilang ikalawang taon sa ere.

Alamin ang mga detalye sa likod ng bawat balita tuwing Lunes-Biyernes alas-otso ng umaga sa ASPN sa NET25.


NAGBUNGA ANG HUSAY SA PAG-ARTE NI SEAN DE GUZMAN KAYA NANALONG BEST ACTOR SA CHITHIRAM INTERNATIONAL FILM FESTIVAL SA INDIA

Produkto ng Circle of 10 male and female pageant search at all male group na Clique V si Sean De Guzman bago pa man siya nakilala bilang isa na ngayon sa mahuhusay na aktor ng kanyang henerasyon. Alam namin kung paano niyakap ni Sean ang mundo ng showbizlandia na kanyang ginagalawan ngayon. Kilala namin si Sean kung paano ito magtrabaho. Yung dedikasyon niya sa bawat proyektong kanyang ginagawa. Ganoon din ang mabuting kalooban nito lalo na sa mga taong nakapaligid sa kanya. 

Kaya nung makarating sa amin ang balitang siya ang napiling Best Actor sa katatapos lang na Chithiram International Film Festival sa India para sa pelikulang ' Fall Guy ' ni Joel Lamangan ay nagdiwang ang lahat para sa kanya. Marami ang natuwa sa pagkapanalo ni Sean. 

Sino ba naman ang mag-akalang sa dinami-rami ng sumaling pelikula sa naturang filmfest abroad ay mabibigyang pansin at halaga ang kanyang acting sa naturang pelikula na produced ng 316 Media Network at Mentorque Productions.

Sabi ko, alligned talaga ang stars ni Sean dahil simulang ilunsad siya ni Direk Joel Lamangan sa pelikulang ' Anak Ng Macho Dancer ' produced by GodFather Productions ni Joed Serrano ay nagsunod-sunod na ang magagandang proyekto nito sa pelikula. Nakatadhana talaga ang kasikatan niya ngayon kaya kontrahin man ng mga hindi naniniwala sa kanyang kakayahan ay wala silang nagawa! 

Actually, kung maalala ko lang, mismong si Direk Joel Lamangan na rin ang nagsabi noong storycon palang ng pelikulang ' Fall Guy ' na magkaka-award si Sean dito at nagka-totoo nga! Even the people from the production side, sino-shoot palang namin ang movie sa Angeles, nagsabi na rin silang ibang klaseng Sean ang mapapanood sa movie. Magaling daw siya talaga.

And speaking of kahusayan ni Sean, isa sa aabangang pelikula pa ni Sean ay itong katatapos niya lang gawin. Ang ' My Father, Myself ' kung saan katrabaho niya naman sina Jake Cuenca, Tiffany Grey at Dimples Romana na isa na namang Direk Joel Lamangan movie. Ayon pa sa producer nitong si Len Carrillo, hoping sila na maipalabas ito sa big screen dahil beautiful ang movie at paiiyakin ka! 

Well, mabuhay ka Sean De Guzman. Ibang klase rin ang kahusayan mo. 

MARCO GOMEZ AT CLOE BARRETO BALIK TAMBALAN SA #DoYouThinkIamSexy AFTER SILAB

#DoYouThinkIAmSEXY

Cast:  Cloe Barreto, Marco Gomez, Chloe Jenna, Ava Mendez, Milana Ikimoto, Hershie De Leon

Directed by:  Dennis N. Marasigan 

Playdate:  September 9, 2022 on Vivamax

Hot. Wild. Savage. Oh, the things that can happen in an adult media site.  And you are invited to see them all for yourself.

Vivamax presents #DOYOUTHINKIAMSEXY, starring Cloe Barreto and Marco Gomez, two of Viva’s sexiest and most fearless stars who go all the way as the scenes call for.  They have previously worked together in a Joel Lamangan film entitled “Silab”.  

Cloe Barreto plays Charlize, a college student who supports herself by creating content for #DoYouThinkIAmSexy.com.  Her online name is Elle, and she has one client who cannot get enough of her.

Marco Gomez plays Trystan, a college teacher who secretly subscribes to #DoYouThinkIAmSexy.com.   He opens up all his sexual fantasies to Elle and asks her to create erotic videos.  

Time comes when Trystan and Charlize/Elle finally see each other in the flesh – right inside the classroom.  After the initial surprise subsides, Trystan finds out that Charlize may be a topnotch online model, but she’s definitely not a star student.  

As Trystan takes advantage of Charlize, she plots how to get even with him.  She’ll give him the greatest pleasure, but she’ll make sure that the climax will be filled with unbearable pain.    

#DOYOUTHINKIAMSEXY is written and directed by Dennis N. Marasigan, recipient of Best Screenplay awards at the Cinemalaya Independent Film Festival and Golden Screen Awards. 

The film’s maximum sexiness is achieved with the supporting cast composed of Chloe Jenna, Hershie de Leon, Milana Ikimoto, and Ava Mendez.

Say yes to #DOYOUTHINKIAMSEXY on September 9, 2022.  Streaming exclusively on Vivamax.

Visit web.vivamax.net or download the app and subscribe via Google Play Store, App Store, or Huawei App Gallery. 

For payment thru website, you may choose from EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  For payment thru app, you may choose from Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  For payment thru Ecommerce, you may choose from Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  For payment thru authorized outlets, you may choose from Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  VivaMax’s cable partners are SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, and Concepcion Pay TV Network, Inc.  

In UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Vivamax can be accessed for only AED35/month.  

In Europe, Vivamax can be enjoyed for only 8 GBP/month.   Vivamax is also available in Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA and Canada.  

Indeed, Vivamax is not stopping to entertain more people across the globe!

Vivamax, atin ‘to!





 



















#DoYouThinkIAmSEXY

Cast:  Cloe Barreto, Marco Gomez, Chloe Jenna, Ava Mendez, Milana Ikimoto, Ava Mendez

Directed by:  Dennis N. Marasigan 

Playdate:  September 9, 2022 on Vivamax

Press Release



Maalab. Mapusok. Marahas. Kung alam mo lang ang mga eksenang nangyayari sa loob ng isang adult internet site.  Sa Vivamax, pwede mong malaman. 


Sa September 9, 2022, available for streaming ang #DOYOUTHINKIAMSEXY na pinagbibidahan nina Cloe Barreto at Marco Gomez.  Una silang nagkasama sa isang Joel Lamangan movie na “Silab”.  Noon pa lang nakitaan na ng katapangan ang dalawa na itodo na ang kaseksihan sa kanilang mga eksena.  


Si Cloe Barreto ay gumaganap bilang si Charlize, nagtatrabaho bilang content creator sa #DoYouThinkIAmSexy.com para masustentuhan ang kanyang pag-aaral.  Elle ang gamit niyang pangalan dito.  Masugid siyang sinusubaybayan ni Trystan na ginagampanan ni Marco Gomez.  Gustong-gusto ni Trystan ang mga erotic videos ni Elle.  


Laking gulat ng dalawa nang magkita sila sa eskwelahan kung saan teacher ni Charlize si Trystan.   Hirap na nga sa klase si Charlize ay pagsasamantalahan pa ito ni Trystan.  Para makaganti, lahat ng pantasya ni Trystan ay pagbibigyan ni Charlize, pero sa kabila ng ligayang naghihintay ang malupit na parusa.  


Ang #DOYOUTHINKIAMSEXY ay mula sa panulat at direksyon ni Dennis N. Marasigan na nakatanggap ng parangal na Best Screenplay mula sa Cinemalaya Independent Film Festival at Golden Screen Awards. 


Lalo pang paiinitin ng supporting cast na sina Chloe Jenna, Hershie de Leon, Milana Ikimoto, at Ava Mendez ang pelikulang ito.  


Para mapanood ang #DOYOUTHINKIAMSEXY, mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.


Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para makapagbayad mula sa  Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  


Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax.  Makakapanood na sa halagang AED35/month.  Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.  


Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand,USA at Canada.  


Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.  


Vivamax, atin ‘to!

KIT THOMPSON MAHUSAY NA AKTOR KAYA HINDI MAWAWALAN NG PROYEKTO

Sa totoo lang, kapag magaling kang umarte, may kalalagyan ka talaga sa showbiz. Hindi man ganoon ka-galing, basta magaling, hindi ka mawawalan ng proyekto. 

Tulad nalang ni Kit Thompson. Nitong taon lang ay isang isyu ng pambubugbog sa babae ang kanyang kinasangkutan. Ako personally ay nabigla sa pangyayari. Medyo nagulat dahil hindi ko ine-expect na magagawa yon ni Kit.

Buong akala ng mundo, katapusan na ng career ni Kit. Buong akala nila ay tuluyan ng tatalikuran ni Kit ang mundo ng showbiz. Pero hindi. Pakiramdam ko ay umpisa palang ito ng mas magagandang oportunidad o proyekto para sa showbiz career ni Kit.

Tulad nitong storycon ng pelikulang ' Showroom ' na ginanap last week sa Iagos Restaurant. It's a film written by Quinn Carrillo for 316 Media Network. Walang kagatol-gatol ay naging perpektong materyal si Kit Thompson na gaganap bilang leading man ni Quinn Carrillo sa pelikulang nagkataong first project naman ni Carlo Obispo sa 316 Media Network.

Pansin naming mas maganda ngayon ang aura ni Kit. Mas gumuwapo siya at fresh na fresh. Alam naman nating pantasya ng mga bakla si Kit kaya ang yumminess niya lalo ngayon.

Anyways, patunay lang na hindi naman dahil nanakit ka o nakapanakit ka ng iyong kapwa lalo na at artista ka ay katapusan mo na. Obcourse not! Internal naman ang naging isyu nila ng naging jowa nitong si Ana Jalandoni na kasalukuyan yatang nasa Amerika naman. Kaya wala tayo sa posisyon to judge them lalo na at ongoing parin yata until now ang kanilang kaso. 

What matters most, yung pagiging mahusay na aktor ni Kit ang hindi natin matatawaran dahil sino ba namang mag-aakalang nahasa na rin ang kanyang pangil kaya't masasabi nating isa na rin siya sa mga mahuhusay nating aktor ngayon sa industriya.

Not only that. Talagang hindi siya mawawalan dahil guwapo siya talaga at machong guwapito't napaka-sexy pa! Katakam-takam naman talaga! Pasok na kasi ngayon ang mga sexy films, i mean, kapanahonan niya kaya in na in siya!

Well! Deserving si Kit to have beautiful films and more films to come. Napaka-professional niya rin kasi bilang isang aktor. He's currently manage by Cornerstone! 

Last September 2 ay gumulong na ang kamera para sa pelikulang ito nina Kit Thompson, Quinn Carrillo, Rob Guinto at Emilio Garcia at marami pang iba. On location sa Angeles City, Pampanga ang shooting ng movie.

QUINN CARRILLO'S SHOWROOM MOVIE KAABANG-ABANG WITH KIT THOMPSON AT ROB GUINTO

' SHOWROOM '

Another script written by Alyssa CariƱo na siyang nagsulat ng ' TAHAN ' na pinagbidahan ni Cloe Barreto with Jaclyn Jose and JC Santos sa direksiyon ni Bobby Bonifacio Jr., ' THE INFLUENCER ' na pinagbidahan nina Ford De Guzman at Cloe Barreto with Elizabeth Oropesa sa direksiyon ni Louie Ignacio at ' MY FATHER, MYSELF ' na pinagbidahan nina Sean De Guzman, Tiffany Grey, Dimples Romana at Jake Cuenca. 

Hindi matatawaran ang mga gawang kuwento ni Quinn Carrillo. Kaya naman ratsada siya sa paggawa ng makabuluhang script para sa mga pelikulang produced at ipo-produce pa ng 316 Media Network ni Nylinaj Ollirrac  Inamin ni Quinn na may 3 pending scripts pa siya bilang commitment kaya naman pending din muna ang plano niyang bakasyon.

Masaya si Quinn dahil aside from being the scripwriter ng ' SHOWROOM ' ay pinagbibidahan niya rin ito kasama ang magaling na aktor na si Kit Thompson kasama sina Rob Guinto, Emilio Garcia, Paolo Rivero at  Alvaro Oteyza na ididerek naman this time ng kilalang Cinemalaya film director na si Carlo Obispo na first time gagawa sa 316!

Maganda ang tinatahak na career pattern ni Quinn. Nakikita naming ine-enjoy niya rin ang kanyang ginagawa lalo na't always naka-suporta ang kanyang buong pamilya lalo na ang kanyang Mommy Len! 

Pansin din ang mga de-kaledad na pelikulang pino-prodyus ng 316 Media Network huh! Mga de-kalibreng aktor palagi ang kinukuha ni Len para suportahan ang mga alaga naming ilulunsad at nailunsad na sa 316 Events And Talent Management! 

Kaabang-abang pa ang future projects ng 316 Media Network! 

First week of September ay magso-shooting na ang buong Team Showroom sa Angeles City, Pampanga! 

Congratulations sa buong TEAM SHOWROOM!

ASIA'S PINNACLE AWARDS 2022 NGAYONG OCTOBER 8 NA SA OKADA MANILA

ASIA’S PINNACLE AWARDS 2022 (Year 1) LAUNCHED; 

HONORING SHOWBIZ PERSONALITIES


Asia’s Pinnacle Awards 2022 is a newly-found Filipino award giving body which aims to honor and recognize successful people in the business sector.  


During its media launch held recently in Quezon City, the organizers announced that the Asia’s Pinnacle Awards Night will be held on October 8, 2022 (Saturday), 6:00 pm at the Grand Ballroom in Okada Manila.


In the Entertainment Category, various celebrities in the showbiz industry will likewise be honored.  


These are the artists who have been successful with their own personal and professional businesses.  


On this 1st awarding ceremony on October 8 in Okada Manila, these celebrities will also be given the chance to meet other prominent businessmen who have also contributed remarkable impact in their field of expertise within their sectors. 


The aspiration is to provide our local artists (with businesses) the best and prestigious venue for possible future collaborations with fellow Filipinos in the Business Category.


With Dr. Ronnel YbaƱez as Founder and President of Asia’s Pinnacle Awards, the five members of the BOARD OF COUNCIL for Business Excellence who evaluated the nominees and awardees are:


Erarev "Anne” Bacho (Founder of Eralista), Asec. Vidal Villanueva (Assistant Secretary of Cooperative Development Authority), Charms Espina (PTV4 news anchor), Nico Faustino (Founder of Go Live Asia), and Dr. Alim Fatani (National President of Ulama and Imam of the Philippines Association).


In the Entertainment Category, head of jury is filmmaker and events director Perry EscaƱo.


Below is the full list of CELEBRITIES who will be honored and recognized by Asia’s Pinnacle Awards 2022 for their remarkable competence and contributions to the society and their services to the Filipino community – with their respective awards:


• MARVIN AGUSTIN (Somo Sam and John and Yoko) 

-- Most Outstanding Chef and Entrepreneur of the Year 


• JOEL TORRE (JT Manukan) 

-- Most Outstanding Chicken Inasal Business Owner of the Year


• ENCHONG DEE (Peri-Peri Charcoal Chicken) 

-- Most Dedicated and Outstanding Business Restaurant Owner of the Year


• WENDELL RAMOS (IFuel Gasoline Station) 

-- Most Renowned Businessman in Fuel Business of the Year


• ELISSE JOSON and MCCOY DE LEON (Felizia Jewelry) 

--  Most Outstanding and Trusted Jewelry Supplier of the Year


• KARLA ESTRADA (Rustic Box) 

– Most Outstanding Entrepreneur in the Field of Food Industry


• MATTEO GUIDICELLI (Da Gianni) 

-- Asia’s Most Renowned Filipino-Italian Entrepreneur of the Year


• JC DE VERA (The Burgery)

-- Asia’s Most Well-Known Businessman of the Year


• ISABELLE DAZA (FRNK) – 

-- Asia’s Most Outstanding and Trusted Entrepreneur of the First Authentic Japanese Milk Bar of the Year


• RICHARD YAP (Wang Fu Chinese Cafe)

-- Asia’s Most Outstanding Entrepreneur of Delicious Singaporean Chinese Restaurant of the Year


• JOSHUA GARCIA (Academy of Rock)  

-- Aspiring Business Collaboration in Music Academy 


• DAVID LICAUCO (Sobra Comfort Food) 

-- The Year’s Most Outstanding Entrepreneur for Flavorful Comfort Food


• JENNIFER SEVILLA (Lynelle Hair Fashion) 

-- Most Outstanding Businesswoman and Hair Supplier of the Year


• MAJA SALVADOR (Crown Artist Management) 

-- Asia’s Renowned Talent Manager of the Year


• SHAMCEY SUPSUP (Pinoy Pop Chibog)

-- Asia’s Most Dedicated and Outstanding Businesswoman of the Year


• KARYLLE PADILLA-YUZON  (Centerstage KTV) 

-- Most Outstanding Entrepreneur in the Field of Entertainment of the Year


• JAMES REID Careless Music) 

-- Most Creative and Efficient Talent Manager of the Year


• DAINA MENEZES – Most Outstanding Television Host in the Showbiz Industry


• ALEXA MIRO – Rising Actress in the Entertainment Industry of the Year


• JANE DE LEON – Most Outstanding Female Actress of the Year


• TYRONNE ESCALANTE – Most Exemplary Artist Management of the Year


• MIMIYUUUH – Most Prominent Creator in Social Media Industry


Congratulations to all honorees!

SEAN DE GUZMAN AT CLOE BARRETO DI-MASUSUKAT ANG HUSAY SA NAPAPANAHONG PELIKULANG THE INFLUENCER

Kagabi lang, August 4, 2022 ay naimbitahan kami ng Vivamax Philippines to attend the private screening of the film THE INFLUENCER sa Cinema 7 ng Gateway Mall, Cubao. 

Excited akong mapanood ang film na pinagbibidahan together ng dalawang anak-anakan namin sa 316 Events & Talent Management ni Len Carrillo na sina Sean De Guzman at Cloe Barreto sa direksiyon ni Louie Ignacio at produced ng 316 Media Network at Mentorque Production.

Bago pa man kasi ang naturang screening ay naging usap-usapan na ang dalawang bidang pinupuri ang kanilang ipinamalas na galing daw sa pelikula.

True enoughed! 

Pakahusay dito nina Sean at Cloe. Ibang klaseng pag-atake sa kani-kanilang role. Ibang Sean ang aming naramdaman na tila parang beteranong aktor na ang datingan. The same with Cloe. Grabe na. Kaya pinalakpakan talaga ng mga invited guests ang dalawang after ng film showing.

Hayop sa hubaran. Hayop sa aktingan. Hayop sa direksiyon. Hayop sa musical scoring. Hayop sa photography. Galing mo direk Louie Ignacio.

Pakahusay ng script ni Quinn Carrillo who's also in the movie. She nailed it again after BIYAK and TAHAN. 

Galing ng pelikulang ito na mismong taga-Viva raw ay ikinatuwa ang husay ng buong cast ng pelikula lalo na kena Sean at Cloe.

Masasabi nating nahasa na pareho sina Sean at Cloe na parehong si Direk Joel Lamangan ang nag-luwal at unang naniwala sa kanilang talento at nabigyan nga ang mga ito ng magagandang proyekto!

Gusto ko ring i-congratulate ang 316 Media Network ni Len Carrillo na walang sawang nagpo-produce ng magagandang materyal para sa kanyang mga anak ganoon din ang lahat ng nakikipag-co-produce sa kanya.

Balikan ko lang, galing ng confrontation scene nina Sean at Cloe. Diko sukat akalaing aktor na aktor na ang dalawa. Galing nung pagtanggap ng pakiramdam ni Sean habang tino-torture ni Cloe. Si Cloe naman habang tinotorture si Sean, yung mga mata nila, bitaw ng linya, reaksiyon sa eksena, sobra! Gagaling!

Sensiya na sa papuri pero sa totoo lang tayo. Mahuhusay na talaga sila. Lutong-luto na sa kanilang karera. Kayang-kaya na nila! Iba! 

Mapapanood ang The Influencer simula na ngayong August 12 sa Vivamax.

THE INFLUENCER AUGUST 12 NA SA VIVAMAX

Langit sa kama ang mararanasan ng isang lalaki kasama ang bagong nakilala mula sa bar.  Wala siyang ideya na impyerno na ang kasunod.


Pagkatapos niyang magpaiyak at magpa-“Tahan”, nagbabalik si Cloe Barreto para paiyakin naman sa sarap at sa sakit si Sean de Guzman sa pelikulang “The Influencer”, mula sa direksyon ni Luisito Lagdameo Ignacio.  


Si Sean de Guzman ay gumaganap bilang Yexel, isang sikat na social media influencer.  Lagi siyang pumpunta sa bar para maka-pick up ng babae.  Isa na doon si Nina.  Iniyabang pa niya na nakatikim siya ng “best sex” kasama nito.  Dahil na rin dito, binali ni Yexel ang kanyang rule na pang-one time lang ang mga babae sa kanya.  Muli niyang tinawagan si Nina.  


Si Cloe Barreto ay si Nina.  Nagkakilala sila ni Yexel sa bar at hindi na nagpatumpik-tumpik pa at nakasiping na ito.  Nang tawagan siya ulit ni Yexel, pinaniwala niya ang sarili na boyfriend na niya ito.  Naging stalker siya ni Yexel at nagagalit tuwing nakikita niya ito na may kasamang ibang babae.


Kahit anong pagtataboy ni Yexel kay Nina ay hindi ito natitinag.  Ano ang kayang gawin ni Nina para tuluyang mapasakanya si Yexel?


Itinuturing ni Sean na pinaka-daring ang “The Influencer” sa mga pelikulang nagawa niya.  Aniya, “Mas daring pa sa daring… malala as in malala talaga…As in ibinigay ko na ang lahat, kasi ang ganda ng istorya eh, kasi hindi mo inaasahan na magiging ganoon ang kalalabasan ng istorya.”


Ito ang ikalawang pelikula ni Cloe na isinulat ng kanyang kaibigan na si Quinn Carrillo, ang writer ng “Tahan”.


Mapapanood ang “The Influencer” sa Vivamax simula August 12, 2022.  Produced by 3:16 Media Network at Mentorque Productions.  Also starring Ms. Elizabeth Oropesa.  


Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.


Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para makapagbayad mula sa  Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  


Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax.  Makakapanood na sa halagang AED35/month.  Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.  


Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada.  


Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.  


Vivamax, atin ‘to!