JAMSAP ENTERTAINMENT CORPORATION AARIBA SA SHOWBIZLANDIA NGAYONG 2023

Isang bonggang grand launch ang naganap sa SMX Convention Center sa Pasay City last December 21, 2022. 

Ito ay ang JAMSAP Entertainment Corporation launch kung saan halos 60 talents mula sa iba't ibang divisions mula Luzon, Visayas at Mondanao ang nagpakitang gilas sa pamamagitan ng isang fashion show suot-suot ang kani-kanilang estilo ng Filipiniana costumes.

Bago pa man mag-start ang naturang event ay nauna ng humarap sa amin sa press room ang CEO nitong si Jojo Flores at COO nitong si Maricar Moina. 

Ayon sa dalawa, hindi biro ang naging desisyon nilang palawakin pa ang Jams Talents Management nila. Wala daw silang ibang pangarap kundi ang magbukas ng pinto sa mga talentadong kabataan at suportahan ang mga ito. 

Ang JAMSAP ay kinabibilangan ng Jams Artist Talent Center, Jams Top Model Philippines, Jams Basketball Training Camp at Jams Artist Production.

Marami pa diumanong aabangang papasuking bagong mundo ang Jamsap tulad ng paglalagay ng isang mobile app, pagpo-produce ng pelikula at concerts.

Ang JAMSAP din ang magpo-produce ngayong taon para sa 35th PMPC Star Awards for Television na gaganapin sa Winford Hotel, Manila.

Patunay lang na aabangan ang Jamsap ng showbiz dahil na rin sa mga kaabang-abang nilang proyektong gagawin this 2023!


NIGHTBIRD NI CHRISTINE BERMAS MAPAPANOOD NA NGAYONG JANUARY 13 SA VIVAMAX

VIVAMAX ORIGINAL MOVIE  

STARRING: CHRISTINE BERMAS, SID LUCERO, MARK ANTHONY FERNANDEZ, ARRON VILLAFLOR, FELIX ROCO, CHLOE JENNA, ALEXA OCAMPO, ALI KHATIBI

DIRECTOR: LAW FAJARDO

 

Ang magpakasaya sa alak at magpakalasing sa tuwa kasama ang mga kaibigan ay ilan sa mga  bagay na hindi natin basta-basta nakakalimutan. Mga pagkakataon na nakakabuhay ng dugo at hinahayaan tayong makalimot sa lahat ng problema, sa lahat ng dapat isipin. Pero minsan ang mga pagkakataong  ding ito ang  nagdadala sa ‘tin sa mga desisyong hindi pinagiisipan at pwede pang magdala sa'tin sa kapahamakan.

 

Ngayong bagong taon, may bago ring ihinanda ang Vivamax para sa mga subscribers. Mapapanood na ang Night Bird, isang sexy-thriller Vivamax Original Movie, streaming na ngayong January 13, 2022.

 

Kwento ito ni Rachel (Christine Bermas) na isang gabi ay nagpunta sa bar para makipagsaya at mag-unwind kasama ang mga kaibigan. Dito makikilala nila ang apat na misteryoso pero mga gwapong kalalakihan (Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez, Arron Villaflor, Felix Roco), magsasama-sama sila sa pagpa-party para sa isang gabing hindi malilimutan.

 

Pero ang party na dapat ay puno lang ng alak at kasiyahan ay mauuwi sa isang ‘di magandang bagay dahil pagsasamantalahan ng apat na kalalakihang nakilala nila sina Rachel at ang mga kaibigan nito.

 

Iisa lang ang nasa isip ni Rachel -  gusto niyang maghiganti. Kakailanganin niya ang kanyang husay at talino sa pakikipaglaban  na tinuro sa kanya ng kanyang ama.  

 

Ang Night Bird ay pelikula ni Law Fajardo na pinagbibidahan ng Vivamax star at Scorpio Nights 3 actress na si Christine Bermas. Makakasama niya sa pelikula ang ilang sa mga award-winning at talented hunk actors ng iba’t ibang henerasyon, sina Sid Lucero, Mark Anthony Fernandez, Arron Villaflor, at Felix Roco.

 

Keep your friends close, and your enemies closer. Maniningil na at maghihiganti, panoorin na ang Night Bird,  streaming exclusively sa Vivamax simula ngayong  January 13, 2022.

 

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store. 

 

Sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para sa magbabayad gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para naman sa magbabayad gamit ang  Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay  SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Mapapanood na rin ang Nightbird sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan natin sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, Maa-access na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.   


Ang Vivamax ay mapapanood na rin sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.  Vivamax, atin ‘to!

DIVINE DIVAS THE ULTIMATE DRAG EXPERIENCE NGAYONG FEBRUARY 10 NA SA NEW FRONTIER THEATER

Shining the spotlight on the art of drag

THE fabulous expression that is drag is rapidly inching into the mainstream through various shows – both live and streamed – that elevate the artists and their craft into more than just mere entertainment.

Fire & Ice Media production, the newly formed company of LGBT powerhouse couple – singer-songwriter Ice Seguerra and wife, actress, and former Film Development Council Of The Philippines chairperson Liza Diño, will be staging a pre-Valentine extravaganza that showcases Drag Race Philippines season 1 winner Precious Paula Nicole alongside Viñas Deluxe and Brigiding.

Fresh from their multiple wins at the Aliw Awards for Best Stage & Musical Direction for Seguerra’s anniversary concert, Fire & Ice media wants to shine the spotlight on the art of drag through Divine Divas: The Ultimate Drag Experience. The concert will showcase Philippine drag culture at its finest on February 10, 2023, at the New Frontier Theater, Araneta City, Cubao. It will be a showcase of the various disciplines that drag represents: impersonations of music superstars like Beyonce and Lady Gaga, as well performances of original songs that the drag artists themselves helped create and bring to life.

But more than the performances, the concert also aims to present the colorful, multi-faceted lives of the drag queens: from their struggles to their triumphs. After all, beneath the glamourous make up and the wonderful clothes, there is a human being wishing simply to be seen, represented, heard, and loved. Says Brigiding of her experience: “This is a very inspiring moment for me because I've never thought of this when I was younger, I've never seen someone like me when I was younger, but because I dreamed and believed, it's happening. And now, to be that inspiration to the younger queer artists and the LGBTQ community is one big beautiful thing.”

Part of the reasons for staging this concert is also to bring the art out onto a bigger platform, a bigger stage, one that is not limited to a niche audience and a very specific, limited crowd. “This is an opportunity for drag queens to be seen on the main stage and to be considered as mainstream artists. Fire &Ice wants to support that. Especially since we are part of the LGBT community. We deserve to be front and center and not just be on the sidelines. Through this concert, we hope that more people will appreciate these drag performers and help normalize drag as a form of entertainment,” producer Diño explains.

For Seguerra, this is a key moment in the history of Philippine drag. “Local drag queens are finally there on the main stage. You see their names alongside mainstream artists and concert performers. For me, that's a big thing because drag has always been on the sidelines. Has always been underground.” The time has definitely come for drag to take the spotlight and shantay its way onto the mainstream stage.

Ticket prices for Divine Divas: The Ultimate Drag Experience range from P800 (Balcony B) to P6,500 (SSVIP) and are now on sale at TicketNet (visit www.ticketnet.com.ph or call 89115555).This event is co-produced with Nathan Studios, a production company co-founded by veteran actress Sylvia Sanchez.

TEN17P AND TINCAN GEAR UP ON ITS UPCOMING PROJECTS

In a collaboration project of TEN17P and TINCAN we proudly bring you MY TEACHER one of the 8 official entries to the 48th Metro Manila Film Festival. Directed by Paul Soriano, it tells the story of a high school teacher, Emma played by Toni Gonzaga, returning to her hometown and learning life's most valuable lesson from her unconventional student, a 70 year old man, Solomon played by Mr. Joey De Leon. As Philipline cinema fully reopens, catch this heartwarming film with your friends and family starting this Christmas.

We are also excited for everyone ro see the much-awaited Philippine adaptation of the hit Korean movie, My Sassy Girl, finally making its way to the big screen 2023 starring Toni Gonzaga and Pepe Herrera.

Other full-length pictures include The Fisher, directed by Paul Soriano which tells the story of a grieving father who will do anything for a miracle to happen as he attempts to bring back the son he lost. Simple Bells directed by Fifth Solomon tells the story of two women with very opposing beliefs in life as they discover who they are through new experiences in both love and pain. 3 Words for the direction of Fifth Solomon is a coming of age film tackling the stories of five individuals who yearn to confess their last three words before an asteroid hits and ends the world. Friendly Fire for the direction of Mikhael Red takes it viewers to the interesting world of e-sports and Outside for the direction of Carlo Ledesma that tells the story of a family who locked themselves in their home to escape a violent outbreak that is tearing the outside world apart only to discover that a far deadlier threat may already be inside.

For TV and digital shows, watch out for the 2nd season of TONI. Expect conversations of real-life to be more elevated and much more exciting, airing both on AllTV and Toni Gonzaga Studio Youtube Channel.

TEN17P is a boutique film company based in Manila that believes in creating unique and high quality films that are both director and story driven. TEN17P envisions to entertain and inspire the global audience with world-class films achieved through collaborations, commitment and hardwork.

TINCAN is a film house that aims to reach a global audience through stories that are entertaining and empowering stories that celebrate you.

TPO The Post Office is a post production house specializing in TV commercials, music videos, motion graphics, corporate videos, animation, short and full-length films.

TGS The Gonzaga Studio is an inhouse production unit that currently produces Toni Talks, an inspirational talk show which aims to be an avenue for real and honest conversations where all are welcome to share their life story and journey. 

SILENCE IS THE BEST ANSWER " --- TONI GONZAGA SORIANO

She's currently doing great sa kanyang showbiz career sa kanyang panibagong journey sa kanyang karera after leaving Kapamilya Network. Why not sabi nga nila because hindi naman talaga matatawaran ang husay at galing ng isang Toni Gonzaga sa halos dalawang dekada nitong pamamayagpag sa showbizlandia and considered as one of the most bankable celebrity kasabay ng kanyang titulong The Ultimate MultiMedia Star.

Mahal ng entertainment media si Toni. For decades ay nakilala namin itong napaka-straight person niya at walang kiyeme sa lahat ng tanong o interviews namin sa kanya. 

Sa katatapos lang na media conference para sa nalalapit niyang 20th Anniversary Concert ngayong January 20, 2023 sa Araneta Coliseum titled Iam Toni ay naging deretsahan si Toni sa pagsasabing hindi na ito ang panahong patulan pa niya o kumambyo sa mga haters at bashers niya.

Maliwanag sa naging pahayag niya na tila okey na okey lang kay Toni ang kanyang masalimuot na pinagdaanan sa mapanghusgang netizens!

" I do not like speaking about hate, love lang tayo because the energy you give is the energy you will receive. " bulalas pa nito habang nakangiti.

" Iam quiet. Silence is the best answer. No response is the best response. Pagka-mga hindi magagandang bagay, iam quiet nalang siguro." Aniya.

" We are not fighter, we are a lover. We only speak about the things we love. " paglalahad pa ni Toni.

Sa nalalapit niyang concert, magiging espesyal na bisita pala ni Toni ang ilang malalapit nitong kaibigang naging parte ng kanyang 20 years sa showbiz. Toni also promised beautiful songs sa kanyang concert and punong-puno ng sorpresa. 

Ang Iam Toni 20th Anniversary Concert ay produced ng GodFather Productions ni Joed Serrano at co-produced ni Mommy Pinty Gonzaga in cooperation with Winford Hotel Manila.

MOVIE DIRECTOR AND PRESIDENTIAL ADVISER ON CREATIVE COMMUNICATIONS PAUL SORIANO HAPPY AT POSITIVE ALWAYS SA BLESSINGS NILA NI TONI GONZAGA

On time dumating ang kilalang movie director at ngayon ay Presidential Adviser on Creative Communications ng Malacanang na si Direk Paul Soriano sa katatapos lang nitong entertainment media conference na ginanap sa Winford Hotel Manila. 

Fresh na fresh si Direk Paul at siyempre, guwapong-guwapo parin na almost 4 years yata naming hindi nakita huh!

Sa kanyang naging bungad na pananalita, nagpahayag ng kanyang pagkagalak si Direk Paul na makita, makapiling at makasalamuha kaming mga kasamahan niya sa showbiz industry. 

Maraming pinag-usapan sa naturang event. Naitanong kay Direk Paul ang kanyang trabaho ngayon sa Malacanang as appointed by President Bongbong Marcos. Tinanong din siya patungkol sa kung anong magagawa niya para sa showbiz industry ngayong nakaupo siya sa isang posisyon for 6 years. 

Tinanong din siya patungkol sa family time nila ngayong mag-asawa ni Toni Gonzaga. Tinanong din siya patungkol sa mga bashing na kanilang natanggap na mag-asawa noong panahon ng kampanya ay sa naging desisyon ni Toni at kung anu-ano pa.

Sa bashing issue, obcourse, inamin ni Direk Paul na nasasaktan siya ganoon din ang kanyang Misis and he told us that hindi niya raw alam kung bakit si Toni lang ang pinuntirya.

Sa mga isyung naitanong sa kanya, well, malumanay na sinagot ni Direk Paul ang lahat at sinagot niya ito ng walang kaabog-abog noh!

Positibo lahat ng kanyang naging kasagutan at halatang happy na si Direk Paul sa kanilang buhay ngayon.

Direk Paul is on the set para tumulong sa publisidad ng current film nila ni Toni Gonzaga at Joey De Leon na siya naman ang direktor nito.

Official entry po ito ng TinCan at Ten17P ngayong taon para sa Metro Manila Film Festival na magbubukas na sa mga sinehan ngayong Decenber 25! 

Kasama sa nakita namin sa event ay ang mahal naming si Joed Serrano na isa rin sa peoducer ng film at produced din ni Joed ang January 20, 2023 Anniversary concert ni Toni Gonzaga na gaganapin sa Araneta Coliseum! 


MAY SOMETHING BA KINA L.A SANTOS AT KIRA BALINGER?

Seseryosohin kaya nila L.A. Santos at Kira Balinger ang kanyang screen team up at handa ba silang i-level up ito?

Halata at pansin naman kasi talaga ang chemistry nina Kira at L.A.  na napapanood sa hit ABS-CBN seryeng Darna. Kung saan si  Kira plays Luna while L.A. plays Richard na tuwing nakikita ang dalawa sa kanilang eksena ay marami ang nagsasabing bagay sila na kahit netizens ay nagsasabing why not!

Kahit sa kanilang social media posts, kahit wala namang niri reveal ang dalawa ay kapansin-pansin kung paano tratuhin ni LA si Kira na alam mong espesyal huh!

Si Kira kaya yung mysterious girl sa mga Instagram posts ni L.A.? Ayan. Nasa isang larawan na may magkahawak-kamay pa! Na ayon sa netizens ay kamay daw yan ni Kira.

Sa comment section ng nasabing instagram post ni L.A ay iisa ang sinasabi nila. Na sana ay maging sila na o sila na nga dapat dahil bagay sila!

Sa ngayon, walang kumpirmasyon both kina LA at Kira sa real status ng kanilang special friendship. Kaya for now, nakaabang ang mga Marites kung later on ba ay aamin na din sina LA at Kira.

ACTOR AND SINGER KELVIN MIRANDA THE NEXT BIG STAR

Agree ako sa sinasabi nilang si Kelvin Miranda na ang newest Kapuso leading man. Tama lang at napapanahon na para umariba ng husto ang karera ni Kelvin. Sobrang blessed ni Kelvin dahil halos lahat ng hahanapin mong kaguwapuhan ng isang leading man material ay nasa kanya na. Higit sa lahat ay ang pagiging mahusay nitong aktor anong role man ang ibigay mo sa kanya na minsan na nitong ipinamalas last year sa teleseryeng ' The Lost Recipe ' ganoon din ang ipinamalas nitong husay sa isang limited series with Beauty Gonzales na ' Loving Miss Bridgette ' na waging-wagi rin sa pagpapakilig.

Dalawang proyekto lang yan ni Kelvin sa Kapuso network pero naramdaman ng buong mundo ang kanyang pagbulusong bilang isang aktor na maipagmamalaki mo. And that Kelvin's boyish good looks and outstanding skills certainly made a mark that earned him awards and brand endorsements. 

Sa ' Gusto Kita ' single launch nina Kelvin Miranda at Ally Gonzales ay masasabi kong nagwagi na naman ang Kelvin sa puso ng kanyang mga fans and followers. Dahil patunay lang ito na may boses talaga si Kelvin at ang sarap niyang panoorin habang nagduduet sila ni Ally huh!

For the record lang ay si Kelvin rin ang kumanta ng The Lost Recipe OST titled Di Mawawala. Ganoon din ang OST ng Wish Ko Lang, o diba? At kamakailan lang, Kelvin recently released two singles ang Sumayaw at Slow Dance na parehong nasa digital platforms na like sa Spotify at ITunes placing number 8 and number 2!

Ako personally ay masaya sa nangyayari ngayon sa showbiz career ni Kelvin and he'll go places talaga! May ibubuga eh! He will be the next big star sa totoo lang! Panatag ako!

Basta! Support natin ang pagi-spread ng love and good vibes nina Kelvin at Ally through their song collaborations, ang GUSTO KITA at ATING KABANATA! 

Si Kelvin Miranda ay nasa pangangalaga po ng kaibigang Tyronne James Escalante ng TEAM with Jane De Leon, Polo Ravales, Andrew Gan, Chanel Morales and many others!

VIVAMAX KING SEAN DE GUZMAN MASAYANG NAKATRABAHO SINA JAKE CUENCA AT DIMPLES ROMANA SA MY FATHER, MYSELF

Joel Lamangan’s My Father, Myself explores a ‘different kind of love’

Kakaibang pag-ibig sa My Father,  Myself

Pipigilin mo ba ang iyong nararamdaman  para lang huwag makasakit ng damdamin ng iba? O hahayaan mong ipakita kung ano ang totoong nasa puso mo para lang maging maligaya?

Ito ang mga katanungang bibigyan ng kasagutan sa pelikulang My Father, Myself ni Direk Joel Lamangan na official entry ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network sa 2022 Metro Manila Film Festival. 

Ang My Father, Myself ay  pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, Dimples Romana at  ipinakikilala si Tiffany Grey.

Sina Jake at Dimples ay huling nagkasama sa  Kapamilya hit series na Viral Scandal. Ilang beses na rin nilang nakatrabaho noon sa TV at pelikula si Direk Joel kaya alam na nila what to expect sa premyadong direktor.

Si Sean na tinawag na  Vivamax King, at nakasungkit na ng dalawang international acting award ay kay Direk Joel din nagsimula.  Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nina Sean at Direk Joel ay ang Anak Ng Macho Dancer, Lockdown, Fall Guy at marami pang iba.

Ilang araw pa lang pagkatapos lumabas ng trailer ng My Father, Myself sa social media ay kaagad itong pinag-usapan ng netizens sa Twitter. Ang iba ay kini-criticize agad ang trailer ng pelikula kahit hindi pa nila napapanood ang kabuuan nito.

Pinagsimulan din ito ng mga discussion sa social media at sa mundo ng LGBTQ+ dahil sa mapangahas at matapang na tema ng pelikula.

“Panoorin muna nila ang aming pelikula bago nila kami i-judge. Hindi namin ito ginawa para maka-offend ng sinuman. Ang intensyon namin ay maglahad ng kakaiba at makulay na istorya ng isang pamilya,” pahayag ni Direk Joel.

Ayon naman sa writer ng pelikula na si Quinn Carrillo, “Hindi ito fiction. May pinanggalingan ang istorya ng My Father, Myself. Oo, may shock value siya but it’s up to the viewing public kung ano ang magiging interpretasyon nila dito.”

Ang My Father, Myself ay ipapalabas sa mga sinehan sa Dec. 25. Kasama rin sa cast ng pelikula sina Allan Paule, Jim Pebanco,  AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza at Joseph San Jose,

The film is produced by Len Carrillo,Win Salgado, Jumerlito Corpuz,  Nicanor Abad and Bryan Dy.

MY FATHER, MYSELF EXPLORES A DIFFERENT KIND OF LOVE

Joel Lamangan’s My Father, Myself 

explores a ‘different kind of love’


Kakaibang pag-ibig sa My Father,  Myself

Pipigilin mo ba ang iyong nararamdaman  para lang huwag makasakit ng damdamin ng iba? O hahayaan mong ipakita kung ano ang totoong nasa puso mo para lang maging maligaya?

Ito ang mga katanungang bibigyan ng kasagutan sa pelikulang My Father, Myself ni Direk Joel Lamangan na official entry ng Mentorque Entertainment at 3:16 Media Network sa 2022 Metro Manila Film Festival. 

Ang My Father, Myself ay  pinagbibidahan nina Jake Cuenca, Sean de Guzman, Dimples Romana at  ipinakikilala si Tiffany Grey.

Sina Jake at Dimples ay huling nagkasama sa  Kapamilya hit series na Viral Scandal. Ilang beses na rin nilang nakatrabaho noon sa TV at pelikula si Direk Joel kaya alam na nila what to expect sa premyadong direktor.

Si Sean na tinawag na  Vivamax King, at nakasungkit na ng dalawang international acting award ay kay Direk Joel din nagsimula.  Ilan sa mga pelikulang pinagsamahan nina Sean at Direk Joel ay ang Anak Ng Macho Dancer, Lockdown, Fall Guy at marami pang iba.

Ilang araw pa lang pagkatapos lumabas ng trailer ng My Father, Myself sa social media ay kaagad itong pinag-usapan ng netizens sa Twitter. Ang iba ay kini-criticize agad ang trailer ng pelikula kahit hindi pa nila napapanood ang kabuuan nito.

Pinagsimulan din ito ng mga discussion sa social media at sa mundo ng LGBTQ+ dahil sa mapangahas at matapang na tema ng pelikula.

“Panoorin muna nila ang aming pelikula bago nila kami i-judge. Hindi namin ito ginawa para maka-offend ng sinuman. Ang intensyon namin ay maglahad ng kakaiba at makulay na istorya ng isang pamilya,” pahayag ni Direk Joel.

Ayon naman sa writer ng pelikula na si Quinn Carrillo, “Hindi ito fiction. May pinanggalingan ang istorya ng My Father, Myself. Oo, may shock value siya but it’s up to the viewing public kung ano ang magiging interpretasyon nila dito.”

Ang My Father, Myself ay ipapalabas sa mga sinehan sa Dec. 25. Kasama rin sa cast ng pelikula sina Allan Paule, Jim Pebanco,  AC Carrillo, Mon Mendoza, Shawn Nino Gabriel, Erryn Garcia, KC Contreras, Rayah Minioza at Joseph San Jose,

The film is produced by Len Carrillo,Win Salgado, Jumerlito Corpuz,  Nicanor Abad and Bryan Dy.