CIA WITH BOY ABUNDA TINUTUTUKAN NG BUONG BAYAN

Sa katatapos lang na episode ng CIA With Boy Abunda last Sunday, September 10, 11:30 pm sa GMA Channel 7 ay muling pinatunayan ng programa sa pamamagitan nina King Of Talk Boy Abunda at Cayetano siblings na sina Senators Alan Peter Cayetano at Pia Cayetano na kahit may gusot at reklamo ay posible paring pagmamahal sa kapwa ang mananaig sa isang sitwasyon.

Yan din mismo ang naging takeaway ni Boy Abunda last Sunday when he reflected on the story sa segment nitong ' Case 2 Face ' kung saan isang Berly ang nagreklamo sa kanyang elderly na kapitbahay na si Trinidad dahil diumano sa pananakit nito sa kanyang anak ng ilang beses kung saan itinanggi naman ito ni Trinidad.

Bago pa man humantong sa reklamo ang lahat ay itinuring na palang parang tunay na Ina ni Berly si Trinidad. Meaning, malapit na ito sa kanyang puso.

Naging maganda at maayos ang talakayang naganap kung saan nangibabaw pa rin sa dalawa ang salitang hango sa isang Bible verse na ' love thy neighbor ' sabay sabing ang tao ay hindi ginawa para sa batas, ang batas ang ginawa para sa tao. Ayon pa kay Senator Alan, human relations parin daw talaga ang mangingibabaw kung saan yun nga ang nangyari sa nagreklamo at inireklamo.

Maganda ang ginagawang pagtutok at pagtalakay ng tatlong host sa bawat episode nila simulang umere ang naturang programa huh! May best ideas kasi na nanggagaling sa tatlo at winner ang bawat bigkas ng salitang binibitiwan nila kaya naman tutok ang buong bayan sa programa na panalo rin ang ratings.

The said program CIA With Boy Abunda continues the legacy of Senator Rene Cayetano na late father of siblings Alan and Pia kung saan nakilala ito sa programa nito noong ' Companero Y Companera ' na isang radio and television show noong 1997 hanggang 2001 ayon na rin sa pagiging mahusay nitong abogado.

Patuloy ang pagtutok sa CIA With Boy Abunda tuwing lingo ng gabi, 11:30pm sa GMA Channel 7! 



CIA WITH BOY ABUNDA MULING PINATUNAYAN ANG KAHALAGAHAN NG MGA RELASYON

CIA with BA,’ muling pinatunayan ang kahalagahan ng mga relasyon

Ang kasabihang galing sa Bibliya na “love thy neighbor” ang naging takeaway ng award-winning TV host na si Boy Abunda mula sa kasong tinalakay kasama ang magkapatid na senador Alan Peter at Pia Cayetano sa pinakahuling episode ng ‘CIA with BA.’

Sa segment na ‘Case 2 Face’ nitong Linggo, September 10, inireklamo ni Berly ang nakatatandang kapitbahay na si Trinidad dahil sa ilang beses na pananakit nito diumano sa kanyang anak. Mariin namang itinanggi ito ni Trinidad.

Habang may karapatan magsampa ng kaso si Berly, mas nangibabaw ang relasyon at pagmamahal niya kay Trinidad, na itinuring niya na ring parang tunay na ina.

“Kung ano ang kayang pag-usapan, pag-usapan,” giit ni Abunda habang pinagninilayan ang kanilang kwento.

Naalala naman ni Senador Alan ang 1 Timothy 1:9 sa Bibliya na nagsasabing, “ang tao, hindi ginawa para sa batas.. ang batas ang ginawa para sa tao.”

“Kung titignan mo, nung binabasa ko [kung] ano ‘yung batas sa child abuse… pero nung nakita mo na sila (Berly and the older woman), it’s not about the law e, ‘di ba?” pagpapaliwanag niya. “It’s about ‘yung tao e, ‘yung relationship nila, kung paano kakausapin, paano ipapaliwanag.. human relations pa rin talaga.”

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

‘Wag palagpasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.

MAKABULUHANG TALAKAYAN, ATING TUTUKAN SA CIA WITH BOY ABUNDA TUWING LINGO 11:30 PM SA GMA!

‘Love thy neighbor’: ‘CIA with BA’ proves human relationships are more valuable

The biblical passage “love thy neighbor” became the takeaway of award-winning TV host Boy Abunda from a case he took on, together with sibling senators Alan Peter and Pia Cayetano, in the latest episode of ‘CIA with BA.’

In the ‘Case 2 Face’ segment on Sunday, September 10, a certain Berly complained against her elderly neighbor Trinidad for allegedly hurting her child not just once but a few times. Trinidad, however, strongly denied it.

While Berly had every right to formally file a case, her relationship with Trinidad – whom she has treated as her own mother – and love for the elderly ruled.

“Kung ano ang kayang pag-usapan, pag-usapan,” said Abunda as he reflected on the story.

Senator Alan, on the other hand, was reminded of 1 Timothy 1:9 in the Bible which says, “ang tao, hindi ginawa para sa batas.. ang batas ang ginawa para sa tao.”

“Kung titignan mo, nung binabasa ko [kung] ano ‘yung batas sa child abuse… pero nung nakita mo na sila (Berly and the older woman), it’s not about the law e, ‘di ba?” he explained. “It’s about ‘yung tao e, ‘yung relationship nila, kung paano kakausapin, paano ipapaliwanag.. human relations pa rin talaga.”

'CIA with BA' continues the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of sibling senators Alan and Pia. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

Don’t miss ‘CIA with BA’ with Alan, Pia and Boy every Sunday, 11:30 p.m. on GMA7.

' PUNIT NA LANGIT ' SEPTEMBER 8 NA SA VIVAMAX

PUNIT NA LANGIT
Cast:  Tiffany Grey, Apple Dy, Aila Cruz, Chester Grecia, Aerol Carmelo, Aria Bench
Directed by:  Rodante Pajemna, Jr.
Playdate:  September 8, 2023
 
Dalawang babaeng puno ng pangarap ang mapupunit ng huwad na pagmamahal.
 
Inihahandog ng Vivamax ang “Punit na Langit” kung saan si Tiffany Grey (2022 MMFF Best Supporting Actress nominee) ay bibida bilang si Claudia kasama ang Pantaxa Laiya star na si Apple Dy bilang Dyosa
 
Bata pa lang ay naulila na si Claudia, kaya’t lumaki siya kasama ang pinsang si Dyosa. Naging sandigan nila ang isa’t isa. Nagsasabihan ng mga problema’t pangarap. Nang maging pipi si Dyosa, si Claudia pa rin ang nakakaunawa sa kanya.  
 
Isang pangarap ni Claudia ang makapag-aral sa Maynila, at matutupad na nga ito nang  matanggap siya sa isang unibersidad doon. Pero bago ang lahat, pupunta muna ang magpinsan sa perya na itinayo sa kanilang munting bayan. Dito na magbabago ang lahat.
 
Si Chester Grecia ay gumaganap bilang si Rafael, ang may-ari ng perya. Malayo ang tanda niya kay Claudia kaya madali niya itong natukso. Hindi alam ni Claudia na binibidyo ni Rafael ang kanilang pagtatalik. Ito ang gagamitin ni Rafael pang-blackmail kay Claudia. Simula noon, napasok na si Claudia sa negosyong prostitusyon ni Rafael.
 
Samantala, may nakilala rin si Dyosa sa perya – si Diego, ginagampanan ni Aero Carmelo. Empleyado ni Rafael si Diego bilang operator ng ferris wheel.
 
Ngayong masaya si Dyosa sa relasyon nila ni Diego, nakalimutan na kaya niya ang kanyang pinsan? May aasahan bang tulong si Claudia sa kanya?
 
At ano kaya ang magiging papel ni Salve (Aila Cruz), ang tinatawag na “Babaeng Ahas”, sa kanilang buhay? Isa ba siyang kalaban o kaibigan?
 
Ang “Punit na Langit” ay mula sa panulat at direksyon ni Rodante “Roe” Pajemna, Jr. Ito ang ikalawa niyang pelikula kasunod ng “Happy Breakup”.  Ilang music videos na rin ang kanyang idinirek at siya ang tumayong creative producer ng mga nag-aalab na Vivamax series na “High on Sex”, “Pantaxa Laiya”, at “Sssshhh!”. Nag-aral ng filmmaking si Direk Roe sa Amerika. Nagtapos siya ng Bachelor of Arts major in Cinema sa San Francisco State University.  
 
Ipalalabas ang “Punit na Langit” sa Vivamax simula Setyembre 8, 2023.  
Punta na sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.
Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para makapagbayad mula sa  Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  
Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax.  Makakapanood na sa halagang AED35/month.  Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.  
Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand,USA at Canada.  
Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.  
Vivamax, atin ‘to!

LIZZIE AGUINALDO HINDI ITINANGGING CRUSH SI KYLE ECHARRI

Sa katatapos lang na pocket interview ng rising newbie singer ng Star Music na si Lizzie Aguinaldo ay naging maboka ang 15 years old singer sa pagsasabing kinakakaya naman nitong pagsabayin ang pagre-recording at pag-aaral. 

Kanyang sinabing ine-enjoy niya ang pagkanta kahit priority nito ang kanyang pag-aaral na kasalukuyang nasa grade 10 na siya.

" Opo. Am enjoying everything now. Nandiyan naman ang support sa akin ng parents ko, pero po siyempre, hindi ko puwedeng pabayaan ang school ko. " Lizzie exclaimed during the said interview.

She's currently promoting her latest 2nd digital single titled ' Lato-Lato ' composed by Direk Joven Tan na isang award-winning music composer sa Music Industry.

Nag-enjoy diumano si Lizzie while recording the said single na napapanahon naman talaga lalo na nung gawin niya ang music video nito.

Sa aming interview, hindi namin maiwasang intrigahin ang dalaga kung sino ang kanyang showbiz crush!

" Si Kyle Echarri po talaga! " bungisngis pa nitong tsika sa amin.

Gusto niya rin daw makatrabaho soon si Kyle at pangarap din niyang maka-collab ang mga nagsisikatang recording stars sa industry.

Maganda ang boses ni Lizzie at may recall.

Wish namin that one day, makikilala na rin siya ng tuluyan at magtuloy-tuloy ang recording career.

HINDI MATATAWARAN ANG HUSAY NINA RICKY DAVAO AT GINA ALAJAR SA FIRST FILM PRODUCED NG NET25 NA ' MONDAY FIRST SCREENING ' NGAYONG AUGUST 30 NA IN CINEMAS NATIONWIDE

Dinumog ng mga nagmamahal sa NET25 Films ganoon din ng mga tagahanga, tagasuporta at nagmamahal kena Gina Alajar at Ricky Davao bilang mga pangunahin bida ng romantic-comedy film na ' Monday First Screening ' ang katatapos lang nitong Celebrity Premiere Night na ginanap mismo sa isang Theatre ng NET25 last Monday.

Maaga akong dumating for the said Celebrity Red Carpet Premiere dahil ako mismo ay excited itong mapanood. Unang-una dahil alam kong maganda ang storyline ng film lalo na't simulang bata palang ako ay iniidolo ko narin ang dalawang batikang aktor natin ngayon sa showbizlandia.

Kuwentuhan muna sa aming table with other some friends from the media na habang kumakain kami ng burger at cold coffee tea for meryenda ay nasilayan namin ang ilang batikang celebrities like Boots Anson Roa, Isabel Rivas, Amy Austria, Gladys Reyes , Patricia Javier at Nova Villa. 

Hanggang sa eksaktong 4pm ay nagtawag na on-mic ang production na kailangan na naming pumasok sa sinehan dahil puntong alas-kuwatro ay kailangang umpisahan na ang screening.

Agad naman akong tunayo sa aking upuan at excited pumasok sa sinehan at naupo sa pinakaunang seat near the entrance. Unti-unti naring nagpasukan ang ilang bisita at celebrities. Hanggang sa tinawag na nga ang mahal naming NET25 President Sir Caesar Vallejos upang magbigay ng kanyang maikling message at mainit niya kaming tinanggap nung hapong iyon.

Ewan ko ba, kapag si CRV na ang nagsasalita on-mic, ang sarap niya lang talagang pqkinggan because alam kong bawat salitang binibigkas nito ay alam mong galing sa kanyang puso. Gusto ko yung sinabi niyang sana ay suportahan natin ang pelikulang ito na kauna-unahang film produced ng NET25 Films kasabay ng kanilang pakikipag-ugnayan sa Regal Films para sa theatrical release nito at sa mga bubuuin pa nilang films in the future.

Entrada palang ng movie ni Direk Benedict Mique ay alam mong tututukan mo na ito. And exactly, tinutukan ko nga ang beautiful film na ito ninq Gina Alajar at Ricky Davao. Sabi nga nila at sabi ko rin, Gina Alajar is Gina Alajar and Ricky Davao is Ricky Davao! 

Like what i said, napakaganda ng istorya ng pelikula. Hakayatin mo na ang buong pamilya. Pakahusay lahat ng mga nagsipagganap sa kabuuan nito. Gusto ko ang pagkakalatag ng kuwento. The production design na nag-swak sa saktong buhay na meron ang isang pamilya sa kuwento, the editing, the cinematogrphy, the musical scoring, actually, lahat mamahalin mo at hahangaan mo sa film na ito.

Very touching ang bawat eksena, pamilya at pagmamahal ang mararamdaman mo kasama na ang puso dahil napaka-totoo ng pelikula about two senior citizens na parehong walang sabit na nagkakilala lang sa sinehan. Sobrang mamahalin mo rin ang mga lines, natural at naibato ng mga supporting actors to it's highest taste na sasabihin mong pakahusay naman nila!

I recommend this film! Pakahusay! Na ako personally ay super proud ako sa proyektong ito ng NET25 Films. It's a rom-com movie pero tagos sa puso ang ilang eksenang conflicts nina Ricky at Gina na ramdam na ramdam mo talaga ang husay nilang hindi mababayaran sa pelikulang ito.

Showing napo ngayong August 30 in cinemas NATIONWIDE!

AI AI DELAS ALAS PAKAHUSAY SA PELIKULANG LITRATO

Matagumpay ang naging karera ni Ai Ai Delas Alas sa loob ng showbizlandia simulang pasukin niya ito. Nag-umpisa bilang comedy bar host, hanggang sa maisalang siya sa pelikula at pagpapatawa ang naging porte niya.

Nabigyang ng magagandang break hanggang sa pasukin narin nito ang mundo ng telebisyon at musika.

Aliw naman kasi si Ai Ai Delas Alas. Kaya naman hindi ipinagkait sa kanya ang salitang big break sa showbiz kasama ang naglalakihang aktor natin sa industriya. Nagkaroon ng mga blockbuster films partikukar ang pelikulang Ang Tanging Ina kung saan tuluyang napatunayan ni Ai Ai Delas Alas na hindi lang siya sa pagpapatawa magaling kundi kayang-kaya niya ring umarte sa seryosohang role mapa-pelikula man o telebisyon.

Hindi rin ipinagkait ng showbiz ang entablado ng konsiyerto kung saan binansagan naman siyang The Comedy Concert Queen.

Isa lang nung una ang medyo tagilid kay Ai Ai. Ito ay ang kanyang pribadong buhay partikular sa kanyang lovelife kung saan ilang beses din siyang umibig at nabigo pero sa huli ay nakatagpo rin siya ng totoong nagmahal sa kanya na katuwang niya na ngayon sa kanyang buhay at pangarap pa.

Sa pelikulang Litrato ng 316 Media Network na kanyang pinagbibidahan ay kakaibang Ai Ai naman ang ating mapapanood. 

Kakaiba ito dahil pakahusay niyang nagampanan ang kanyang role bilang isang matanda at bilang isang Ina sa pelikula.

Kahit si Ai Ai ay hindi niya rin daw lubos maisip na naitawid niya ang bagong role niya kung saan siya binihisang matanda, pinagmukhang matanda at boses matanda.

Beautiful ang script ng pelikulang ito ni Ai Ai sa direksiyon ni Louie Ignacio. 

Paiiyakin kayo ni Ai Ai sa pelikulang ito na ipapalabas na ngayong July 26 in cinemas nationwide!

Pakahusay niya sa pelikulang ito na feeling ko ay hahakot siya ng parangal! 

MARY CHERRY CHUA NOW SHOWING NATIONWIDE

Mary Cherry Chua Movie

Cast: Ashley Diaz, Kokoy de Santos, Lyca Gairanod, Joko Diaz, Alma Moreno, Abby Bautista, Krissha Viaje

Writer and Director: Roni S. Benaid

 Isang sikat na Filipino urban legend ang isasapelikula na siguradong aabangan at tututukan ng manonood. Alamin ang katotohanan sa likod ng misteryo ng pagkamatay ni Mary Cherry Chua.

 Naging usap-usapan ang pangalang Mary Cherry Chua noong early 2000s. Ang sabi sa urban legend, si Mary ay isang maganda at matalinong estudyante na diumano ay ni-rape at pinatay ng school janitor. Sabi rin sa mga kuwento ay nananatili pa rin ang kaluluwa ni Mary sa school campus.

 Tunghayan natin ang bagong kuwento hango sa urban legend na si Mary Cherry Chua sa bagong pelikula ng 2018 CineFilipino finalist na si Roni S. Benaid. Ibinahagi ng direktor kung bakit niya napiling isapelikula ang sikat na horror story na ito, “I remember nung high school ako, sikat siya sa amin. Gusto kong ibalik siya at ipakilala sa younger generations, sa mga Gen-Z.”

 Si Mary Cherry Chua (Abby Bautista) ay estudyante mula sa isang prestihiyosong eskwelahan noong 60s. Isang masayahing teenager na may mahabang buhok, totoong na kay Mary Cherry Chua na ang lahat – siya ay maganda, mayaman at matalino. Hinahangaan at kinaiinggitan ng lahat, kilala siya bilang Miss Popular sa eskwelahan. Pero ang inaakala ng marami na perpektong buhay niya ay biglang mag-iiba nang matagpuang walang buhay ang dalaga sa campus grounds matapos maging biktima diumano ng rape at pagpatay.

 Sa kasalukuyan, si Karen (Ashley Diaz), isang high school student na mahilig magbasa ng mga horror stories at urban legends, ay maiintriga sa buhay ni Mary Cherry Chua. Bubuksan niya ulit ang kaso nito at mag-iimbestiga sa sariling niyang diskarte para maghanap ng mas matibay na ebidensiya sa krimen. At sa tulong ng mga kaibigan at kaklase ay may bagong impormasyong makukuha si Karen. Pero sa paghahanap niya pala ng katototohanan ay para na ring pagsindi ng mitsa ng buhay niya dahil sa matutuklasan niyang maaari rin niyang ikapahamak.

 Ang Mary Cherry Chua ay ang kauna-unahang lead role sa pelikula ni Ashley Diaz. Sa isang interview kay Ashley, ibinahagi ng batang aktres kung paano niya kinaya ang pressure ng pagiging lead role sa pelikula,“There will always be pressure naman sa bawat project pero iba po talaga kasi kapag first lead mo tapos solo ka pa, pero nasa sayo naman yon kung i-take mo yung pressure positively or negatively. Eh ngayon naman I'm taking it positively.”

 Nagkuwento rin si Ashley tungkol sa mga challenges na kailangan niyang harapin para sa kanyang role, “Pinaka-challenging na ginawa ko for this role ay yung nagpagupit ako, kasi halos years bago ko napahaba yung buhok ko, pero for the role I cut it short. Worth it naman.”

 Todo-suporta naman ang kanyang amang award-winning actor na si Joko Diaz na gaganap bilang si Mr. Manzano, ang term paper adviser ni Karen. “Kay Ashley, I’m a proud papa, pero siyempre kailangan gina-guide mo pa rin siya.” sabi ng aktor tungkol sa kanyang anak.

 Pinagbibidahan din ito ng mga young and promising stars gaya nina Kokoy De Santos na gaganap bilang Paco (duwag na research partner ni Karen), Lyca Gairanod bilang Faith (ang supportive best friend ni Karen), Krissha Viaje bilang Lena (protective na ate ni Karen) at Abby Bautista bilang si Mary Cherry Chua. Gaganap para sa isang importanteng role si Ms. Alma Moreno. Siya si Ms. Estrella, dating guro na magbibigay ng linaw sa nangyari kay Mary Cherry Chua. Binahagi ni Direk Roni ang pasasalamat niya sa cast at sa professionalism ng mga ito, “Lahat sila cooperative, tinutulungan nila ako maituro ko sa kanila or masabi ko sa kanila yung intention ng character.” Paparating na siya. Handa ka na ba? Alamin ang kuwento ni Mary Cherry Chua, in cinemas nationwide ngayong July 19, 2023.

SEAN DE GUZMAN AT QUINN CARRILLO WAGING BEST NEW MOVIE ACTOR AT ACTRESS SA PMPC STAR AWARDS FOR MOVIES

Dalawa sa mga contract artist ng Viva at 316 ang nagwagi last July 16 sa katatapos lang na PMPC Star Awards for Movies na ginanap sa The Manila Hotel.

Ito ay sina Vivamax King Sean De Guzman bilang Best New Movie Actor na hinangaan sa kanyang pagganap bilang baguhan sa pelikulang ' Anak Ng Macho Dancer ' ni Direk Joel Lamangan kung saan nito nakatrabaho ang mahuhusay nating aktor sa industriya na sina Allan Paule at Jaclyn Jose at si Quinn Carrillo bilang Best New Movie Actress na nagpakita ng natural na pag-arte bilang newcomer sa pelikulang ' Silab ' sa direksiyon din ni Joel Lamangan.

Mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang paggawa ng pelikula ng dalawa sa bakuran ng Viva hanggang ngayon. 

Deserving ang dalawang alaga ni Len Carrillo sa napanalunan nilang award dahil kami mismo ay nakita namin kung gaano minahal ng dalawang aktor ng Viva Artist Agency ang kanilang propesyon bilang mga artista.

Promising talaga sina Sean at Quinn bilang mahuhusay na aktor sa kanilang henerasyon.

Sa kanilang parehong acceptance speech ay pinasalamatan mismo nina Sean at Quinn ang mga taong nasa likod ng kanilang tagumpay bilang mga baguhang aktor sa pelikula.

Wala pang eskedyul kung anong buwan umpisahang gawin ni Sean ang kanyang pelikula under 316 Media Network. Pero si Quinn, loaded ang kanyang nakalipas na buwan promoting her latest family-drama film ' Litrato ' kung saan niya naman nakatrabaho sina Ai Ai Delas Alas, Bodjie Pascua, Liza Lorena at Ara Mina sa direksiyon ni Louie Ignacio.

Ipapalabas na sa July 26 in cinemas nationwide ang Litrato at bukas, July 21 ay magaganap naman ang premiere night ng movie sa SM North The Block ng 4pm.

38TH PMPC STAR AWARDS FOR MOVIES LIST OF WINNERS

Narito ang official list of winners para sa 38th Star Awards for Movies:


MOVIE OF THE YEAR - “On The Job 2: The Missing 8” (Reality MM Studios, Globe Studios, HBO Asia Originals)

 MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR - Erik Matti (On The Job 2: The Missing 8 ) 

INDIE MOVIE OF THE YEAR - “Katips” (PhilStagers Films) 

 INDIE MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR - Vince Tañada (Katips)

MOVIE ACTRESS OF THE YEAR - Charo Santos-Concio (Kun Maupay Man It Panahon) at Sunshine Dizon (Versus)

 MOVIE ACTOR OF THE YEAR - Vince Tañada (Katips) 

 MOVIE SUPPORTING ACTRESS OF THE YEAR - Janice De Belen (Big Night!) at Lotlot De Leon (On The Job 2: The Missing 8 ) 

MOVIE SUPPORTING ACTOR OF THE YEAR - Johnrey Rivas (Katips) 

MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR - The cast of “On The Job 2: The Missing 8” 

 INDIE MOVIE ENSEMBLE ACTING OF THE YEAR - The cast of “Katips” 

NEW MOVIE ACTRESS OF THE YEAR - Quinn Carrillo (Silab)

NEW MOVIE ACTOR OF THE YEAR - Sean De Guzman (Anak Ng Macho Dancer) 

CHILD PERFORMER OF THE YEAR - Ella Ilano (The Housemaid)

SHORT MOVIE OF THE YEAR - “Black Rainbow” (Sinehalaga, NCCA, Negros Cultural Foundation, Uncle Scott Global Productions)

 SHORT MOVIE DIRECTOR OF THE YEAR - Zig Dulay (Black Rainbow)

 TECHNICAL CATEGORIES  

(Mainstream and Indie Films) 

 MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR - Michiko Yamamoto (On The Job 2: The Missing 8 )

 MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR - Teck Siang Lim (Kun Maupay Man It Panahon) 

 MOVIE EDITOR OF THE YEAR - Benjamin Tolentino (Big Night!) 

 MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR - Whammy Alcazaren (Kun Maupay Man It Panahon) 

MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR - The Storyteller Project (My Amanda)

 MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR - Corinne De San Jose (On The Job 2: The Missing 8 )

MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR -- "Umulan Man O Umaraw", performed by Rita Daniela, composed by Louie Ignacio, arranged by Bobby Velasco (for the movie "Huling Ulan Sa Tag-Araw")

 INDIE MOVIE SCREENWRITER OF THE YEAR - Lav Diaz (Historia Ni Ha)

 INDIE MOVIE CINEMATOGRAPHER OF THE YEAR - Lav Diaz (Historia Ni Ha)

 INDIE MOVIE EDITOR OF THE YEAR - Armando Lao, Peter Arian Vito, Ysabelle Denoga (Gensan Punch)

INDIE MOVIE PRODUCTION DESIGNER OF THE YEAR - Lav Diaz (Historia Ni Ha) 

 INDIE MOVIE MUSICAL SCORER OF THE YEAR - Pipo Cifra (Katips)

 INDIE MOVIE SOUND ENGINEER OF THE YEAR - Albert Michael Idioma (Gensan Punch) 

 INDIE MOVIE ORIGINAL THEME SONG OF THE YEAR - “Sa Susunod Na Ikot Ng Mundo” -- performed by Kris Lawrence, with saxophone solo by Nicole Reluya, composed and arranged by Von De Guzman (“Nelia”)

 SPECIAL AWARDS:

 Nora Aunor Ulirang Artista Lifetime Achievement Award 

-- Ms. HELEN GAMBOA 

 Ulirang Alagad Ng Pelikula Sa Likod Ng Kamera Lifetime Achievement Award 

-- Director CHITO ROÑO 

 DARLING OF THE PRESS - Alfred Vargas 

 MOVIE LOVETEAM OF THE YEAR - Donny Pangilinan and Belle Mariano (Love Is Color Blind) 

FEMALE STAR OF THE NIGHT - Claudine Barretto

MALE STAR OF THE NIGHT - Christian Bautista

FEMALE CELEBRITY OF THE NIGHT

- Quinn Carrillo

MALE CELEBRITY OF THE NIGHT

- Sean De Guzman

FACE OF THE NIGHT - Sunshine Cruz