MAMANG POKWANG MASAYA AT POSITIBO LAGI SA BUHAY KAYA RATSADA SA BLESSINGS ANG CAREER

SUPER FRESH si Mamang Pokwang ng bumisita ako sa shooting niya ng pelikulang ' SLAY ZONE ' under Wide International na line produced ng kaibigang Dennis Evangelista at dinerek naman ni Louie Ignacio sa Guiguinto, Bulacan.

Sorpresa ang pagbisita ko kay Mamang na halos 5 years kong hindi nakita. Gulat din siya nung bumulaga ako sa harap niya pagpasok ko ng kanilang tent ni Glaiza De Castro who's also in the movie.

Nagkamustahan kami hanggang sa sinabihan niya akong after ng kanyang isang eksena ay gora kami sa kanyang hotel at magtsikahan.

Sa aming naging kuwentuhan ay ramdam ko parin ang Mamang na dating kaibigan at yung walang kiyemeng magkukuwento ng lahat mula sa kanyang puso.

Felt her so much lalo na nung buksan ko ang kuwento patungkol sa kanyang naging pagharap sa hamon ng buhay lately. 

Naikuwento niya halos lahat na ikinagulat ko dahil for 6 years or 7 ay naitago niya ang lahat, kinimkim niya ang lahat hanggang sa sumabog na nga siya.

She cried! I felt her! Pero pinigilan ko rin ang maiyak dahil alam kong mabigat ito kaya pampagaan nalang din sa nararamdaman niya. 

Currently fighting for something si Mamang na hindi kopo puwedeng ilahad ang nilalaman nito dahil nasa proseso na ang lahat. 

Sa labang ito, wala naman akong magagawa kundi ang isama sa dasal ko ang salitang ' victory ' para kay Mamang at sa anak niyang si Malea!

Anyways, while shooting this film, according sa mga taong nakausap ko, very warm as always si Mamang sa lahat ng taong nakakatrabaho niya. Mula sa production staff, co-actors and crew ay pinupuri ang pagiging professional ni Mamang at pakikipag-kapwa-tao sa kanila.

Yan si Mamang Pokwang! Ganyan naman siya mula noon hanggang ngayon. Kaya hindi siya nawawalan ng proyekto dahil alam niya ang salitang professionalism! 

Never siyang naging problema sa taping, commitments at shooting dahil napaka-transparent niyang kausap.

" Sobrang blesseeld parin tayo. Yung pinagdadaanan ko ngayon, dasal, dasal lang katapat niyan. Yun ang ipinagpapasalamat ko. " bulalas pa ni Mamang sa aming tsikahan! 

Tapos na siyang mag-shooting ng ' Slay Zone ' last Monday.

" HINDI PO NAMIN KAYO IPAPAHIYA ' SEZ MENTORQUE PRODUCTIONS PRODUCER BRYAN DY SA PELIKULANG ' MALLARI '

TAGUMPAY ang pagbuo ng Mentorque Productions ni Bryan Dy para sa pelikulang ' Mallari ' na pinagbibidahan ni Piolo Pascual. Siyempre, happy to the highest level si Bryan sa pagpasok ng kanyang pelikula bilang official entry ngayong taon para sa Metro Manila Film Festival. 

Sa totoo lang, 2 weeks before the announcement ay aminado si Bryan Dy na kalmado naman siya pero kabado dahil naglalakihang pelikula ang entries ngayong taon na pinagbibidahan din ng mga naglalakihang artista natin sa telebisyon at pelikula huh!

For us na nasa publicity and promotions ng pelikulang ' Mallari ' ay malakas ang aming kutob at loob na papasok ito. Una ay pinaghandaan ng Mentorque Productions ang magiging kaledad ng pelikula. Pangalawa, hindi na nila ininda ang talent fee ni Piolo Pascual dahil tatlong Piolo ang mapapanood dito sa suspense-thriller film ni Derick Cabrido. 

At higit sa lahat ay hindi tinipid ang pelikula kundi naging all-out ang support ng team Mentorque upang maging maganda ang kuwentong ilalatag ng movie sa silverscreen.

Sa aming panayam kay Bryan Dy via our Group Chat ay narito po ang kanyang naramdaman sa pagkakapisil ng pelikulang ' Mallari ' para sa MMFF 2023 Official Film Entries.

" Una po, sobrang nagpapasalamat sa pagkakataong ibinigay ng MMFF sa pelikula naming Mallari." aniyang bulalas pa.

" Alam po naming hindi biro ang naging proseso nila dahil napakarami ng magaganda sumali this year. To be selected is an honor, may nakita siguro sila sa pelikula natin kaya napasama sa top 10. Mantakin po ninyo sa hirap ng pagpili, ginawa po nilang sampu ang entries. Sobrang saya po ng buong Team natin sa Mallari. "

" Yung pinaghirapan naming obra ay magkakaroon ng pagkakataong maisalang to a wider audience. Sa mga manonood na sabik mapanood ang Mallari, hindi po namin kayo ipapahiya. " pagtatapos pa ni Bryan Dy ng Mentorque Productions.

Umaasa kaming nasa PR group niyang makakapanayam din namin si Piolo! 

Mabuhay!!!

' CASE 2 FACE ' SEGMENT NG ' CIA WITH BA ' ALWAYS INTERESTING ANG PINAG-UUSAPANG ISYU

Sa last episode ng CIA With BA qy dalawang lalaki na nag-away dahil sa mansanas ang  pinag-ayos ng ‘CIA with BA’ na humantong sa sinserong paghingi ng tawad at pagpapatawad.

Ayon pa kay Senator Alan Peter Cayetano...

“A wrong doesn’t correct something also that’s wrong. So tayo po man ay makatikim ng injustice, ‘wag mong suklian ng mas masamang injustice kasi pare-pareho lang kayong mapeperwisyo.”

Banat ni Senator Alan Peter Cayetano habang pinagninilayan ang mga kaso na hinarap kasama ang kapatid na si Senador Pia at co-host na si Boy Abunda sa pinakahuling episode ng ‘CIA with BA.’ last Sunday.

Sa segment nitong ‘Case 2 Face’ ay nagreklamo ang isang apple vendor na si Jovi laban sa tricycle driver na si Jhon-Jhon. Inakusahan ni Jovi si Jhon-Jhon na di-umano’y ninakaw ang kanyang mansanas na tinitinda sa isang terminal sa Quezon City. 

Dahil sa kahihiyan, sinuntok at sinakal naman ni Jhon-Jhon si Jovi.

“Hindi ko kinakampihan si Jhon-Jhon pero there’s more than one way to call a person na ‘magnanakaw.’ Maaaring hindi mo ginamit ‘yung salitang ‘magnanakaw,’ pero [para sa] nakarinig no’n, ang dating sa kanya, tinawag mo na siyang magnanakaw,” sabi ni Kuya Alan kay Jovi.

Pinaalalahanan naman ng mambabatas si Jhon-Jhon: “Hindi mo kontrolado ang aksyon ng iba, pero kontrolado mo [ang] reaksyon mo.”

“Maaaring totoong napahiya ka dahil sa kanya, pero makukulong ka hindi dahil sa kanya, [pero] dahil sa ‘yo,” dagdag pa niya.

Bagamat nagkaroon na ng unang pag-uusap ang dalawa sa barangay hall na malapit sa pinangyarihan ng insidente, pakiramdam ni Jovi ay hindi bukal sa loob ni Jhon-Jhon ang paghingi ng paumanhin. Ngunit muli itong kinlaro ng programa na sila ay ligtas mula sa kamay ng isa’t-isa.

Sa pagtatapos ng naturang segment, lumapit si Jhon-Jhon kay Jovi at humingi ito ng tawad. “Pasensya ka na. Hayaan mo hindi na mauulit ‘yon,” aniya.

Nangako naman ang ‘CIA with BA’ na sasagutin ang kanilang mga nagastos noong mga oras na kinailangan nilang harapin ang kaso sa barangay.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

‘Wag palagpasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.

DALAWANG LALAKI NAG-AWAY DAHIL SA MANSANAS PINAG-AYOS NG ' CIA WITH BA '

Dalawang lalaki na nag-away dahil sa mansanas, pinag-ayos ng ‘CIA with BA’

“A wrong doesn’t correct something also that’s wrong. So tayo po man ay makatikim ng injustice, ‘wag mong suklian ng mas masamang injustice kasi pare-pareho lang kayong mapeperwisyo.”

‘Yan ang banat ni Senator Alan Peter Cayetano’s habang pinagninilayan ang mga kaso na hinarap kasama ang kapatid na si Senador Pia at co-host na si Boy Abunda sa pinakahuling episode ng ‘CIA with BA.’

Sa ‘Case 2 Face’ segment, nagreklamo ang apple vendor na si Jovi laban sa tricycle driver na si Jhon-Jhon. Inakusahan ni Jovi si Jhon-Jhon na di-umano’y ninakaw ang kanyang mansanas na tinitinda sa isang terminal sa Quezon City. Dahil sa kahihiyan, sinuntok at sinakal naman ni Jhon-Jhon si Jovi.

“Hindi ko kinakampihan si Jhon-Jhon pero there’s more than one way to call a person na ‘magnanakaw.’ Maaaring hindi mo ginamit ‘yung salitang ‘magnanakaw,’ pero [para sa] nakarinig no’n, ang dating sa kanya, tinawag mo na siyang magnanakaw,” sabi ni Kuya Alan kay Jovi.

Pinaalalahanan naman ng mambabatas si Jhon-Jhon: “Hindi mo kontrolado ang aksyon ng iba, pero kontrolado mo [ang] reaksyon mo.”

“Maaaring totoong napahiya ka dahil sa kanya, pero makukulong ka hindi dahil sa kanya, [pero] dahil sa ‘yo,” dagdag pa niya.

Bagamat nagkaroon na ng unang pag-uusap ang dalawa sa barangay hall na malapit sa pinangyarihan ng insidente, pakiramdam ni Jovi ay hindi bukal sa loob ni Jhon-Jhon ang paghingi ng paumanhin. Ngunit muli itong kinlaro ng programa na sila ay ligtas mula sa kamay ng isa’t-isa.

Sa pagtatapos ng naturang segment, lumapit si Jhon-Jhon kay Jovi at humingi ito ng tawad. “Pasensya ka na. Hayaan mo hindi na mauulit ‘yon,” aniya.

Nangako naman ang ‘CIA with BA’ na sasagutin ang kanilang mga nagastos noong mga oras na kinailangan nilang harapin ang kaso sa barangay.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

‘Wag palagpasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.

TWO GENTLEMEN FIGHT OVER APPLE ' CIA WITH BA ' FIXES

Two gentlemen fight over apple, ‘CIA with BA’ fixes

“A wrong doesn’t correct something also that’s wrong. So tayo po man ay makatikim ng

injustice, ‘wag mong suklian ng mas masamang injustice kasi pare-pareho lang kayong

mapeperwisyo.”

These were Senator Alan Peter Cayetano’s final words as he reflected on the

complaints he took, together with sister Senator Pia and co-host Boy Abunda, in the

recent episode of ‘CIA with BA.’

In the ‘Case 2 Face’ segment, apple vendor Jovi accused tricycle driver Jhon-Jhon of

stealing one of his apples at a terminal in Quezon City. However, to his embarrassment,

Jhon-Jhon punched and choked him until they both got into a fistfight.

“Hindi ko kinakampihan si Jhon-Jhon pero there’s more than one way to call a person

na ‘magnanakaw.’ Maaaring hindi mo ginamit ‘yung salitang ‘magnanakaw,’ pero [para

sa] nakarinig no’n, ang dating sa kanya, tinawag mo na siyang magnanakaw,” Alan told

Jovi.

The lawmaker, meanwhile, reminded Jhon-Jhon: “Hindi mo kontrolado ang aksyon ng

iba, pero kontrolado mo [ang] reaksyon mo.”

“Maaaring totoong napahiya ka dahil sa kanya, pero makukulong ka hindi dahil sa

kanya, [pero] dahil sa ‘yo,” he added.

While the two had initially talked about their issue in a barangay hall near where the

incident happened, Jovi felt that Jhon-Jhon was insincere. Also, he felt threatened that

the latter might hurt him again.

But the public service program, once and for all, clarified with the two that they are both

safe from each other.

At the end of the segment, Jhon-Jhon apologized to Jovi.

“Pasensya ka na. Hayaan mo hindi na mauulit ‘yon,” he said.

‘CIA with BA’ also pledged to cover their financial losses during the week when Jovi and

Jhon-Jhon had to go back-and-forth to the barangay hall to face the complaint.

The program continues the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of sibling

senators Alan and Pia. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame

' LOLA MAGDALENA ' NINA GLORIA DIAZ, PERLA BAUTISTA, LIZA LORENA, PIA MORAN AT SUNSHINE CRUZ WINNER SA KATATAWANAN

Direk Joel Lamangan emphasized that ' Lola Magdalena ' is a comedy movie! " Matatawa ka sa pelikulang ito. Hindi ito sexy movie. Isa itong comedy movie. " litanya pa ni Direk Joel Lamangan sa aming pakikipagtsikahan sa kanya right after naming mapanood ang ' Lola Magdalena ' na sinulat ni Dennis Evangelista at produced ng Hero Hito Productions. 

True enoughed! Simula umpisa ng film hanggang matapos ito ay nakatutok kami sa galawan ng limang bida na sina Gloria Diaz, Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran at Sunshine Cruz.

Ang huhusay nilang lima sa pelikula. I love the linyahan. Nag-blend ang karakter ng bawat isa sa kanila at winner ang bawat eksena.

Kaaliw si Gloria Diaz na isang Lola at mapagmahal sa apo. May eksena siya sa pelikulang tawang-tawa kaming lahat na nasa loob ng sinehan that afternoon. Hindi lang talaga siya beauty queen kundi aktres!

Yung karakter ni Perla Bautista, bumagay sa kanya bilang isang lolang bigo sa pag-ibig pero not hopeless. May ipinaglalaban siya sa pelikula at itatawa mo! Pakahusay naman din talaga!

Si Liza Lorena naman, naku, nakakaloka rin ang mga trip niya sa pelikula lalo na nung inaaway na siya ng anak ng kanyang naging asawa played by Jim Pebanco. Basta. Aliw silang dalawa!

Si Pia Moran naman, juice colored! Beautiful ang kanyang karakter sa film na akmang-akma sa kanya. Panoorin niyo ang movie para malaman mo kung bakit mahal na mahal niya si Daks! 

Si Sunshine Cruz naman, siya yung nagbigay ng luha sa movie. I love her role. And she played it very well na bumagay naman sa kanyang personality. Mahusay din.

Silang lima ay mga babaeng nagbebenta ng aliw sa film. Yung apat na lola na kahit juranggels na ay patuloy parin sa pagbebenta ng kaligayahan sa film. 

Mga lolang rampadora! At irarampa nila ang kanilang husay at galing sa pelikulang ito! 

Pakahusay ng screenplay! Panoorin ito! What a beautiful film! 

Mabuhay ang buong production staff, cast and crew ng LOLA MAGDALENA!

PIOLO PASCUAL'S MALLARI MOVIE TEASER PINAGKAGULUHAN SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA MALA-HOLLYWOOD TOUCH NITO

BUMULAGA SA SOCIAL MEDIA ang inaabangang movie teaser ng pelikulang ' Mallari ' na pinagbibidahan ni Piolo Pascual sa direksiyon ni Derick Cabrido na produced ng Mentorque Productions ni Bryan Dy.

Pinag-usapan kaagad ang naturang movie teaser na mala-Hollywood film ang atake sa teaser palang. Marami ang natuwa sa teaser nitong ikinagulantang ng madlang pipol dahil sa mahusay nitong cinematography at kitang-kitang mahal ang produksiyon nitong hindi tinipid.

Ang ganda ng script nito sa totoo lang na sinulat ni Enrico Santos. Pakaganda ng cinematography na sa teaser palang ay kitang-kita naman huh!

May nakausap kaming mula mismo sa production ang nagsabing this is really a different Piolo Pascual na gumanap sa ganitong klase ng role. Hindi nga biro dahil 3 Piolo Pascual ang mapapanood mong karakter sa pelikula at pakahusay daw ni Piolo. 

Bigatin din ang mga kasama ni Piolo Pascual sa movie tulad na lamang nina JC Santos, Elisse Joson at Gloria Diaz.

Hindi raw matatawaran ang galing na ipinamalas ni Piolo sa film. Kahit ang producer nitong si Bryan Dy ay hindi maiwasang purihin ang movie and television actor dahil ibinigay daw nito ang kanyang best sa pelikula.

Balita rin namin ay hindi na rin tinawaran ang asking price ni Piolo bilang si Juan Severino Mallari sa pelikula. Hindi raw kasi biro ang kanyang karakter kaya naman masaya ang buong production dahil napakasarap at magaan daw katrabaho si Piolo Jose Pascual.

Nangangamoy Best Actor si Piolo Pascual dahil sa pelikulang ito! Yan ang totoo! 

' Mallari ' soon in cinemas nationwide!

CIA WITH BA HELPS LENDER CLAIM MONEY FROM DEBTORS

‘CIA with BA’ helps lender claim money from debtors


A certain Emy took to ‘CIA with BA’ to seek help and advice regarding the money amounting to Php150,000 that she lent to her in-laws.


In the segment ‘Payong Kapatid’ of the most recent episode, Sunday, October 1, Emy elaborated her story with Senators Alan and Pia Cayetano and Boy Abunda, which she initially shared through the public service program’s official Facebook page.


In 2019, Jenny, the sister-in-law, and Marlon, the brother of Jenny, mortgaged their vehicle to Emy for about Php150,000 to be paid for 7 months. With all her trust, Emy agreed to not have the vehicle under her custody since Jenny and Marlon still had to use it for public utility to earn money for its amortization. A year later, the two still failed to pay her.


“First month pa lang po ng hulog, hindi na po nabuo ‘yung 24,” said Emy, pertaining to Php24,000 that is supposed to be the amount of Jenny and Marlon’s monthly payment to her. “20 (thousand) lang po ‘yung [naibayad] nila hanggang sa hindi na talaga sila nakahulog.”


“Umabot lang po siguro ng Php65,000 ‘yung nahulog nila, pa-utay-utay,” she added.


What’s more disappointing for Emy is that in 2021, Jenny and Marlon sold the vehicle but still never managed to pay her.


True to its goal to help and serve, ‘CIA with BA’ provided legal assistance to Emy, advising her to file small claims to get her money from her in-laws. The show also accompanied her to the Metropolitan Trial Court to fill up the forms she needed for filing her claims.


“Siguro ‘yung pag-uutang, ‘yung pangangailangan at ‘yung [may] mabubuting puso, natural na sa buhay natin,” Senator Pia said as the hosts concluded the episode.


“So kung kayo’y magpapautang, mag-isip kayo ng maraming beses — [like] kung may kakayanan naman talaga kayong mawala ‘yung pera na ‘yon, dahil may posibilidad na hindi makabayad ang umuutang,” she reminded the viewers. 


“Hindi naman kaswapangan ‘yon kundi pag-iingat lang naman ‘yon sa pinaghirapan na salapi,” she added.


'CIA with BA' continues the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of sibling senators Alan and Pia. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.


Don’t miss ‘CIA with BA’ with Alan, Pia and Boy every Sunday, 11:30 p.m. on GMA7.

NAGPAUTANG NG 150K MAKAKASINGIL NA SA TULONG NG CIA WITH BA!

Nagpautang ng 150K, makakasingil na sa tulong ng ‘CIA with BA’!


Dumulog si Emy sa ‘CIA with BA’ upang humingi ng tulong at payo tungkol sa pera na inutang sa kanya ng kanyang hipag at bayaw.

Sa segment na ‘Payong Kapatid’ sa episode nitong Linggo, Oktubre 1, ibinahagi ni Emy kina Senador Alan at Pia Cayetano at Boy Abunda ang buong kwento.

Noong 2019, isinangla nina Jenny, hipag ni Emy, at Marlon, kapatid ni Jenny, ang kanilang sasakyan sa halagang Php150,000, at babayaran ito sa loob ng pitong buwan. Dahil tiwala si Emy, pumayag din siyang hindi na kunin ang sasakyan dahil ibina-byahe ito nina Jenny at Marlon para kumita pa ng panghulog sa sasakyan. Lumipas ang isang taon, hindi pa rin nakabayad ang dalawa kay Emy.

“First month pa lang po ng hulog, hindi na po nabuo ‘yung 24,” saad ni Emy, patungkol sa dapat na Php24,000 na buwanang hulog sa kanya nina Jenny at Marlon. “20 (thousand) lang po ‘yung naano nila hanggang sa hindi na talaga sila nakahulog.”

“Umabot lang po siguro ng Php65,000 ‘yung nahulog nila, pa-utay-utay,” dagdag pa niya.

Mas masakit pa para kay Emy dahil noong 2021, naibenta nina Jenny at Marlon ang sasakyan ngunit hindi pa rin siya binayaran.

Bilang patuloy na layunin ng programa ang tumulong at magbigay-serbisyo, nagbigay ng legal assistance ang ‘CIA with BA’ kay Emy. Sinamahan siya ng programa sa Metropolitan Trial Court upang makapag-fill up ng mga form na kailangan para makapag-file ng claim at masingil sina Jenny at Marlon.

“Siguro ‘yung pag-uutang, ‘yung pangangailangan at ‘yung [may] mabubuting puso, natural na sa buhay natin,” sabi ni Senador Pia sa pagtatapos ng naturang episode.

“So kung kayo’y magpapautang, mag-isip kayo ng maraming beses. ‘[Like] kung may kakayanan naman talaga kayong mawala ‘yung pera na ‘yon, dahil may posibilidad na hindi makabayad ang umuutang,’” paalala niya sa viewers. 

“Hindi naman kaswapangan ‘yon kundi pag-iingat lang naman ‘yon sa pinaghirapan na salapi,” dagdag pa niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

‘Wag palagpasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.

CIA WITH BA PANALO SA PAGTALAKAY NG ISYU, PAGTUGON AT AKSIYON

Hindi matatawaran ang husay, galing at talino ng tatlong host ng programang CIA With BA na mapapanood na natin ng 11:30pm tuwing linggo ng gabi sa GMA 7 simula ngayong October 1, 2023.

Si Tito Boy Abunda na napaka-opinionated at deretso sa kanyang pagtatanong ng walang harang at lahat ng puwedeng halughugin sa isang pinag-uusapan ay kanyang binibigyang punto at suhistiyon.

Sina Senators Pia Cayetano at Alan Cayetano naman ay deretsahang tinutugunan ang isang kaso o sitwasyon kasama ang tamang batas na sumasaklaw dito. Ngunit minsan, tulad sa isyung tinalakay nila nitong September 24 episode nila ay hindi maiwasang maging emosyonal ng host tulad nalang ni Senator Pia na sinermonan talaga ang isang iresponsableng ama sa ' Case 2 Face ' segment nila.

Mabilis ang solusyon, kita ang katwiran sa bawat isyung pinag-uusapan dahil matatalino ang tatlong host ng programa. Kaya naman bawat isyung pinag-uusapan sa show ay nabibigyan kaagad ito ng sagot at aksiyon.

Higit sa lahat ay ang mga ipinapaabot na tulong nina Senators Pia, Alan at Tito Boy sa kanilang mga nagiging bisita na labis itong ikinatutuwa ng mga bisita nila lalo na't kailangan naman talagang bigyang pansin at tulong ang mga ito.

Yan ang programang hindi scripted kundi taos-puso ang pagtalakay, pag-uusap at agad na solusyon handog ng tatlong host nito.

Hiwag kaligtaang manood ng CIA With BA tuwing linggo ng gabi, 11:30pm sa GMA Channel 7.