DAHIL SA CIA WITH BA IMPOSIBLENG AMA NAGING RESPONSBLE

Dahil sa ‘CIA with BA,’ ‘imposibleng’ ama, naging responsable

Binisita ng ‘CIA with BA’ ang ama na minsang itinanggi ang kanyang anak at ipinakita kung gaano na siya ka-responsable ngayon.

Noong Pebrero 4, inireklamo si Mike ng kanyang ex-partner na si Catherine dahil sa hindi niya pagtanggap sa kanilang anak. Iginiit pa noon ni Mike na imposibleng siya ang ama ng bata dahil nanganak si Catherine sa kanyang ikawalong buwan ng pagbubuntis.

Sa tulong ng mga eksperto, nagsagawa ng DNA test ang programa kung saan nalaman na si Mike nga ang ama ng bata, 99.999999%.

“Mali po ‘yung pag-aakala ko na wala pong nanganganak ng eight months,” sabi ni Mike noong siya ay binisita ng mga staff ng ‘CIA with BA’ na ipinalabas nitong Linggo, Marso 3.

Sa gitna ng pagtatrabaho, nakakapaglaan na ngayon ng oras si Mike para sa bata – isang bagay na hindi niya inakalang magiging bahagi ng kanyang buhay.

“Masaya kasi naaalagaan ko, nakakarga ko,” kwento niya. “Pag lumaki po si CJ, ang balak ko po, pag-aralin, bigyan ng baon, pakainin at alagaan.”

Para naman kay Catherine, magaan ngayon sa kanyang pakiramdam ang kanilang sitwasyon.

“Ang saya-saya. Parang natanggal ‘yung problema mo. Kahit pagod na pagod ka, makikita mo ‘yung mag-ama, nagbo-bonding,” she said. “Kung pwede lang sana araw-araw ganon.”

Bukod sa mga grocery items at iba pang tulong na ipinangako ng ‘CIA with BA,’ nabigyan din ng bagong pedicab si Catherine na si Mike mismo ang humiling.

“Para kung gusto man niya bumiyahe ulit, wala siyang aalalahanin na boundary,” saad niya.

“Alam niyo po, kay Cathy at kay Mike, marami talagang nagalit kay Mike,” pagbabahagi ni Senador Alan Cayetano sa pagtatapos ng episode.

“Medyo hindi maganda intensyon niya kay Cathy. Pero nung nalaman niya ‘yung totoo, truth matters na yes, anak niya ‘yon, he said he’ll take responsibility,” dagdag pa niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7.

CIA WITH BA TURNS IMPOSSIBLE FATHER TO BEING RESPONSIBLE

‘CIA with BA’ turns ‘impossible’ father to being responsible

‘CIA with BA’ visited a father who had once denied being the father of his child but is now taking good care of her.

Mike had been the subject of a complaint by his ex-partner Catherine in the February 4 episode because he did not accept their child as his. He had claimed it was impossible for him to be the father of the child because Catherine delivered the baby in her eighth month.

With the help of experts, the show conducted a DNA test that revealed Mike’s 99.999999% probability of being the father of the child.

“Mali po ‘yung pag-aakala ko na wala pong nanganganak ng eight months,” Mike told ‘CIA with BA’ during the staff’s visit as shown on Sunday, March 3.

Despite his busy schedule, Mike is now able to spend time with the child — one thing he had never expected to be part of his daily life.

“Masaya kasi naaalagaan ko, nakakarga ko,” he said. “Pag lumaki po si CJ, ang balak ko po, pag-aralin, bigyan ng baon, pakainin at alagaan.”

For her part, Catherine expressed her relief at their current situation.

“Ang saya-saya. Parang natanggal ‘yung problema mo. Kahit pagod na pagod ka, makikita mo ‘yung mag-ama, nagbo-bonding,” she said. “Kung pwede lang sana araw-araw ganon.”

Apart from the groceries and other assistance that ‘CIA with BA’ pledged, Mike requested for a new pedicab for Catherine.

“Para kung gusto man niya bumiyahe ulit, wala siyang aalalahanin na boundary,” he said.

“Alam niyo po, kay Cathy at kay Mike, marami talagang nagalit kay Mike,” Senator Alan Cayetano shared while concluding the episode.

“Medyo hindi maganda intensyon niya kay Cathy. Pero nung nalaman niya ‘yung totoo, truth matters na yes, anak niya ‘yon, he said he’ll take responsibility,” he added.

The program carries on the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of the sibling senators. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

‘CIA with BA’ hosted by Alan, Pia, and Boy airs every Sunday, 11:00 p.m. on GMA7.

BAGAY NA BAGAY SINA JUAN KARLOS AT DIA MATE! HAPPY TOGETHER NOONG VALENTINE'S DAY!

MISMONG si Juan Karlos ang nagkumpirma sa aking February 14, 2024 kung saan araw mismo ng mga puso sila  naging opisyal na magkasintahan ni Dia Mate-isang artist at beauty queen who's currently representing the province of Cavite for this year's Miss Universe-Philippines.

" Yes po. May beauty queen tayo. We are na po. " pag-amin mismo ni Juan Karlos nang makatsikahan ko ito last Monday afternoon, February 26 sa Starbucks-Imperial Palace, Tomas Morato, Quezon City.

Halata namang blooming ang bagets at inspired dahil nagmamahal muli ang aming anak-anakan huh!

Nabanggit ko rin kay Juan Karlos ang pagratsada nito sa mga out of town shows na halos walang pahinga si bagets!

" Keri naman Mama Doms! Gow lang ng gow! " bungisngis pa nitong tsika sa akin.

Kinumpirma din nitong tuloy na tuloy na rin ang collab nila ni Moira Dela Torre pagkatapos ng collab nila ni Kyle Echarri na making waves narin ngayon sa airwaves huh!

" Yes po. We're doing a collab ni Moira. Happy and excited sa mga projects po. " aniyang pagkumpirma pa sa akin.

Nakahanda na rin daw si Juan Karlos sa kanyang planong out of the country shows this year.

YES OR NO? CAN TWO FILIPINO CITIZENS MARRY ABROAD? CIA WITH BA ANSWERS!

Yes or No? Can two Filipino citizens marry abroad? ‘CIA with BA’ answers!

Dreaming of a destination wedding in the U.S., in Paris, or even in Maldives but you and your partner are both citizens of the Philippines?

This was a question raised in the ‘Yes or No’ segment of ‘CIA with BA’ on its recent episode Sunday, February 25.

“Yes,” Senator Alan Peter Cayetano answered, noting that it still depends upon the capacity or incapacity of the couple.

He explained further: “Meron kasing tinatawag na formal at essential requisite. So basta’t ‘yung essential requisite [ay] nandiyan — ibig sabihin, nasa edad, wala silang ibang asawa, babae’t lalake — pwedeng mag-asawa abroad, susundin lang nila ‘yung formal requirements ng batas doon…”

Kuya Alan cited an example to illustrate that formal requisites and essential requisites may vary with each other.

“Halimbawa, dito sa Pilipinas, bawal ikasal ang magpinsang-buo. Hindi ka ngayon pwedeng magpunta doon [sa ibang bansa] tapos ikakasal,” he said.

“Kaya nga ‘yung iba tinatanong dito.. babae sa babae, lalake sa lalake — hindi pwede sa atin. Pupunta sa abroad, magpapakasal [pero] tatanungin kung valid dito. So kailangan ‘yung essential requisite dito. E sa batas natin, nandyan ‘yung edad, ‘yung disqualifications (halimbawa nga, magpinsan), tapos ang nakalagay, babae at lalake,” he said.

Generally, essential requisites are primary, while the formal requisites are supplementary.

“Kung may asawa ka na dito, kahit sundin mo ‘yung batas do’n, hindi ka pwedeng mag-asawa ulit,” he said.

“Pero kung ‘yung formal requisites lang, halimbawa, ‘yung marriage license… kung anong batas do’n (sa ibang bansa), sundin lang nila, pwede na dito,” he continued.

‘CIA with BA’ carries on the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of the sibling senators. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

The program–hosted by Alan, Pia, and Boy airs every Sunday, 11:00 p.m. on GMA7.

YES OR NO? PUWEDE BANG MAGPAKASAL ANG DALAWANG FILIPINO CITEZEN SA IBANG BANSA? SIBAGOT YAN NG ' CIA WITH BA '

Yes or No? Pwede bang magpakasal ang dalawang Filipino citizen sa ibang bansa? Sinagot ‘yan ng ‘CIA with BA’!

Nangangarap ba kayong maikasal sa U.S., sa Paris, o kaya naman sa Maldives pero pareho kayong citizen sa Pilipinas?

Ito ang isa sa mga naitanong sa ‘Yes or No’ segment ng ‘CIA with BA’ nitong Linggo, Pebrero 25.

“Yes,” sagot ni Senador Alan Peter Cayetano. Aniya, ito ay depende pa rin sa capacity o incapacity ng magpapakasal.

Paliwanag pa niya: “Meron kasing tinatawag na formal at essential requisite. So basta’t ‘yung essential requisite [ay] nandiyan — ibig sabihin, nasa edad, wala silang ibang asawa, babae’t lalake — pwedeng mag-asawa abroad, susundin lang nila ‘yung formal requirements ng batas doon…”

Nagbigay rin ng halimbawa si Kuya Alan upang maunawaan na ang formal requisites at essential requisites ay maaaring magkakaiba.

“Halimbawa, dito sa Pilipinas, bawal ikasal ang magpinsang-buo. Hindi ka ngayon pwedeng magpunta doon [sa ibang bansa] tapos ikakasal,” sabi niya.

“Kaya nga ‘yung iba tinatanong dito.. babae sa babae, lalake sa lalake — hindi pwede sa atin. Pupunta sa abroad, magpapakasal [pero] tatanungin kung valid dito. So kailangan ‘yung essential requisite dito. E sa batas natin, nandyan ‘yung edad, ‘yung disqualifications (halimbawa nga, magpinsan), tapos ang nakalagay, babae at lalake,” diin pa niya.

Sa kabuuan, ang essential requisites ang mga pangunahing kailangan habang ang formal requisites ay mga karagdagan.

“Kung may asawa ka na dito, kahit sundin mo ‘yung batas do’n, hindi ka pwedeng mag-asawa ulit,” aniya.

“Pero kung ‘yung formal requisites lang, halimbawa, ‘yung marriage license… kung anong batas do’n (sa ibang bansa), sundin lang nila, pwede na dito,” pagpapatuloy niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7

MAGKAPATID NASIRA DAHIL SA TSISMIS

Magkapatid, nasira dahil sa tsismis!

Mapanakit ang mga salita.

Dumulog si Edna ‘CIA with BA’ nitong Linggo, Pebrero 18 upang ireklamo ang kanyang nakababatang kapatid na si Rubie dahil umano sa pagkakalat nito ng chismis na siya ay may ibang lalake.

Sabi niya, posible talaga itong magawa ng kapatid dahil ito mismo ang sabi ng kanyang asawa, pero mariing itinanggi ito ni Rubie dahil aniya hindi niya ito magagawa dahil sila ay magkadugo.

“Kasiraan niya, kasiraan ko din,” sabi ni Rubie.

Inihayag na rin niya ang mga hinaing laban sa nakatatandang kapatid dahil umano sa pananakit at pang-iinsulto nito sa kanyang mga anak.

“I remember ‘yung isang riddle: ‘habang nababawasan, lalong lumalaki – butas,” pagbabahagi ni Senador Alan Peter Cayetano nang kanilang pagnilayan ang kaso. “Gano’n pala ‘yung mga problema sa relationship, ‘pagka-hindi mo na-ceasefire, lalong lumalalim nang lumalalim so dadating ‘yung isang araw na napakahirap nang i-solve.”

Kasama ang kapatid na si Pia Cayetano at co-host na si Boy Abunda, sinubukan ni Alan na ipaintindi sa dalawa kung gaano kahalaga ang magkapatawaran sila na tila mahirap para kina Edna at Rubie.

Sinabi ng dalawa na bukas naman sila para dito dahil kahit na anong mangyari, sila ay magkapatid.

Sa pagtatapos ng segment na ‘Case 2 Face,’ ipinagdasal sila ni Kuya Alan.

“I still believe na malaki pa rin ang pag-asa ni Edna at ni Rubie pero lesson sa ating lahat, kung merong hindi pagkakaunawaan, try to resolve it right away. Kung hindi ma-resolve, ‘wag nating pilitin, pero ‘wag nang lumalim pa,” sabi ni Kuya Alan.

“I’m really hoping 2024 will be a year of healing for all Filipino families,” dagdag pa niya.

Para naman kay Ate Pia: “We always encounter this. Ang laking role po ng mga kaibigan, kapitbahay, ibang kamag-anak na ‘wag nang dagdagan.”

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7

CIA WITH BA : GOSSIP CAUSES CONFLICT BETWEEN SISTERS, THEIR FAMILIES

CIA with BA: Gossip causes conflict between sisters, their families

Words cut deep.

Edna took to ‘CIA with BA’ on Sunday, February 18, to complain about her younger sister Rubie who was spreading rumors about her having an affair.

Edna said she found this out from her husband, but Rubie denied the claim and said she would never do anything to harm her sister’s reputation.

“Kasiraan niya, kasiraan ko din,” Rubie said.

The younger sibling also took the opportunity to share her own sentiments against her elder sister for allegedly insulting and hurting her children.

Senator Alan Peter Cayetano said he remembers the riddle: ‘Habang nababawasan, lalong lumalaki – butas.” 

“Gano’n pala ‘yung mga problema sa relationship, ‘pagka-hindi mo na-ceasefire, lalong lumalalim nang lumalalim so dadating ‘yung isang araw na napakahirap nang i-solve,” he said.

Alan, together with his sister Senator Pia Cayetano and co-host Boy Abunda, tried to make the two sisters understand how important it is for them to forgive each other.

The two said they are still open because whatever happens, they are sisters, and at the end of the ‘Case 2 Face’ segment, Kuya Alan offered the two a prayer.

“I still believe na malaki pa rin ang pag-asa ni Edna at ni Rubie pero lesson sa ating lahat, kung merong hindi pagkakaunawaan, try to resolve it right away. Kung hindi ma-resolve, ‘wag nating pilitin, pero ‘wag nang lumalim pa,” he said.

“I’m really hoping 2024 will be a year of healing for all Filipino families,” Kuya Alan added.

For her part, Ate Pia noted: “We always encounter this. Ang laking role po ng mga kaibigan, kapitbahay, ibang kamag-anak na ‘wag nang dagdagan.”

‘CIA with BA’ carries on the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of the sibling senators. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

The program–hosted by Alan, Pia, and Boy airs every Sunday, 11:00 p.m. on GMA7.


CIA WITH BA : MANININGIL NA MAG-JOWA BUGBOG ANG NAPALA

CIA with BA: Maniningil na mag-jowa, bugbog ang napala!

Isa na namang kaso ang hinarap ng ‘CIA with BA’ na maaaring nangyayari rin sa karamihan.

Sa segment na ‘Payong Kapatid’ sa episode nitong Linggo, Pebrero 11, dumulog ang magkasintahan na sina Michelle and Jonalyn upang humingi ng tulong tungkol sa kung ano ang kanilang dapat gawin pagkatapos makaranas ng pambubugbog mula sa binilhan nila ng lupa.

Nangyari ang insidente matapos nilang malaman na mayroon pa palang orihinal na may-ari ang lupa at ninais na nilang bawiin ang kanilang naibayad.

Ayon sa dalawa, nailahad na rin nila sa kanilang barangay ang pangyayari ngunit lumapit pa rin sila sa programa para kumpirmahin ang kanilang susunod na galaw, lalo na sa paghahain ng kaso dahil sa kanilang dinanas.

“Ang barangay ay may jurisdiction kung pareho kayong taga-roon,” pagpapaliwag ni Alan Peter Cayetano.

“Secondly, ‘yung conciliation kung tawagin or, I don’t mean it in a negative way, in a positive way ‘yung pag-aaregluhan [o] pakikipag-ayos. ‘Yan ay kailangan mag-agree lahat ng parties,” pagpapatuloy pa niya.

“Pangatlo, pagka-mayroon kayong agreement sa barangay, hindi na kayo pupunta sa korte,” aniya.

Kwento pa nina Michelle and Jonalyn, hindi sila makakilos nang maayos dahil kailangan nilang magpa-check up sa doktor at magpagamot, na siya ring payo ni Kuya Alan na kanilang unahin.

“Nakakalungkot ‘no? Imagine kung nagka-kontratahan tayo tapos nauwi sa sakitan? Ang sakit,” saad ni Senador Pia. “But that’s our job — to dissect kung ano ‘yung dapat gawin. At ‘yung sinasabi nga natin, ‘yung kapakanan ng nagcomplain, magpatingin sa doktor dahil baka naman may physical na talagang kailangan ipa-check.” 

“I’m so happy na nagtiwala sila to come to us because naging source of information,” ani-Pia bilang panapos.

Ibinahagi naman ni Boy Abunda na patuloy na bukas ang programa para sa panig ng kabilang partido.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7

CIA WITH BA : PAIN IS WHAT THEY GAINED

CIA with BA: Pain is what they gained

‘CIA with BA’ took on another case that a lot of people are probably facing.

In the segment ‘Payong Kapatid’ on the episode on Sunday, February 11, partners Michelle and Jonalyn sought help and advice on what to do after being assaulted by the owner of the lot they were buying.

The incident happened when they tried to ask for their money back as they found out that there was another owner of the lot.

They had already raised the concern to their barangay officials but still came to the show to confirm if they can file a case for what they’ve experienced.

“Ang barangay ay may jurisdiction kung pareho kayong taga-roon,” Senator Alan Peter Cayetano explained.

“Secondly, ‘yung conciliation kung tawagin or, I don’t mean it in a negative way, in a positive way ‘yung pag-aaregluhan [o] pakikipag-ayos. ‘Yan ay kailangan mag-agree lahat ng parties,” he continued. “Pangatlo, pagka mayroon kayong agreement sa barangay, hindi na kayo pupunta sa korte.”

Michelle and Jonalyn claimed they could not move forward to their everyday lives because they needed to seek doctor’s help, which Kuya Alan advised for them to prioritize.

“Nakakalungkot ‘no? Imagine kung nagka-kontratahan tayo tapos nauwi sa sakitan? Ang sakit,” Senator Pia remarked. “But that’s our job — to dissect kung ano ‘yung dapat gawin. At ‘yung sinasabi nga natin, ‘yung kapakanan ng nagcomplain, magpatingin sa doktor dahil baka naman may physical na talagang kailangan ipa-check.” 

“I’m so happy na nagtiwala sila to come to us because naging source of information,” Pia concluded.

Boy Abunda noted that the program is open to hear the side of the other party.

The show carries on the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of the sibling senators. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

‘CIA with BA’ hosted by Alan, Pia, and Boy airs every Sunday, 11:00 p.m. on GMA7.

SINO ANG AMA? DNA TEST REVEAL SA CIA WITH BA

Sino ang ama?: DNA test reveal sa ‘CIA with BA’

Dumulog si Catherine sa ‘CIA with BA’ upang ireklamo si Mike, ang kanyang ex-partner na itinatanggi ang pagiging ama sa kanilang anak na isang taong gulang.

Ibinahagi ng dalawa ang kani-kanilang panig sasegment na ‘Case 2 Face’ sa episode nitong Linggo, Pebrero 4.

Ayon kay Catherine, nahulog ang kanyang loob kay Mike kahit na siya ay mas nakatatanda. Nang siya ay mabuntis, hindi ito madaling tinanggap ni Mike.

Giit ng lalaki, imposible umano niyang maging anak ang batang dinala ni Catherine sa kanyang sinapupunan dahil nanganak ito sa kanyang ika-walong buwan.

Para matulungan silang makumpirma ito, ipina-DNA test sila ng ‘CIA with BA,’ sa tulong ng mga eksperto.

Bago malaman ang resulta, binasa ni Senador Pia Cayetano ang mga alituntunin bilang mga magulang base sa Article 220 ng Family Code, kabilang ang pag-aaruga, pagmamahal at pagbibigay suporta sa bata, pagtuturo sa kanila ng mabubuting asal, pagpo-protekta sa kanila mula sa anumang kapahamakan, pagbuo ng mahahalagang desisyon para sa kanila, pagdidisiplina kung kinakailangan, at pagsunod sa batas.

Matapos nito ay binasa na rin ni Ate Pia ang resulta na nagsasabing may 99.999999% na probabilidad na si Mike nga ang ama ng anak ni Catherine.

Dito naiyak na si Catherine at tila nakahinga ng maluwag. Tinanggap naman ni Mike ang responsibilidad ngunit aniya’y kailangan niya pa itong prosesuhin.

Nangako naman ang ‘CIA with BA’ na tutulong sa pagharap nila sa bagong yugto ng kanilang buhay.

“Sometimes, we hold on to something. Pero ‘pag hindi mo binitawan, hindi mailalagay ‘yung mas mabuti para sa ‘yo,” saad ni Senator Alan Peter Cayetano sa pagtatapos ng episode.

“If you’re holding on to something na tingin mo ‘yan ‘yung absolute kaligayahan, pero nakikita mo [rin] na parang hindi, bitawan mo. Baka ‘yung para sa ‘yo ay makikita mong eto talaga ‘yung para sa ‘yo,” dagdag pa niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

Huwag palampasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:00 sa GMA7.