DANIEL PADILLA DINUMOG SA TAGUM CITY

šŸŽ¤ SA MGA NAGING ACHIEVEMENTS NIYA SA BUHAY, SA PAGSUBOK NA KANYANG PINAGDAANAN, SA LABAN NA KANYANG SINUONG, NANATILING NAKATAYO AT PATULOY NA NAMAYAGPAG ANG KANYANG PAGLIPAD HINDI LANG BILANG ISANG MABUTING ANAK KUNDI BILANG ISANG MAHUSAY NA PERFORMER SA ENTABLADO NG MUSIKA, BILANG ISANG MAHUSAY NA AKTOR SA MALAKING TELON AT BILANG ISANG AKTOR SA MUNDO NG TELEBISYON! HIGIT SA LAHAT, BILANG ISANG SIMPLENG TAONG NORMAL NA NABUBUHAY SA MUNDO, SA MUNDO NG KANYANG MGA TAGAHANGA HINDI LANG DITO SA PILIPINAS KUNDI SA BUONG MUNDO! SABI NGA NILA, YOU CANNOT ARGUE WITH SUCCESS AT YAN ANG NAGING TATAK NG ISANG DANIEL PADILLA! HINDI MO SIYA MATITINAG! HINDI RIN SIYA PAPATINAG LALO NA SA MGA NANG-MALIIT SA KANYA! ISANG NILALANG NA PUNONG-PUNO NG BENDISYON MULA SA LANGIT NG KABUTIHAN! MAHAL NA MAHAL KA NAMIN DJ! MABUHAY KA AT PAGPALAIN KA PANG LALO NG MAYKAPAL! 

PATULOY SA PAGKINANG DJ! šŸŽ¤

' SINAG ' MOVIE DIRECTOR ELAINE CRISOSTOMO NAALARMA SA TATLONG SIBILYANG NAGHAHANAP SA KANYA

Matiwasay ang naging 2 shooting days namin sa Nadugbo at Lian, Batangas para sa pelikulang Sinag na pinagbibidahan ni Claudine Barretto sa direksiyon ni Elaine Crisostomo under Entablado Films.

Kahapon dapat, araw ng Miyerkules ay may mga kukunang shot si Direk sa Roxaco, Nasugbo pero hindi ito natuloy dahil nilagnat si Direk Elaine. Hanggang sa nitong araw lang ng Huwebes, alas-onse ng umaga ay napatawag si Direk Elaine sa akin at naalarma sa diumano'y dalawang taong naka-bonet at naka-civilian na hinahanap siya sa aming naging last location sa Cumbas View Deck sa Lian, Batangas na pagma-may-ari ng kaibigang Grace Villaviray. Naka-kotse raw ito at nung pinasuri ni Direk ang plate number ay hindi ito ang plate nunber ng kotseng dala-dala ng dalawang hindi kilalang tao.

Naalarma hanggang ngayon ang buong produksiyon dahil hindi naman biro ang ginawanf set-up ng production team sa dalawang bayan sa Batangas para sa mga gagamiting eksena sa pelikula.

Nagkaroon din ng takot si Direk Elaine dahil unang-una ay wala naman soyang atraso sa kanino man para hanapin siya at ipa-aresto daw at may dala pa raw silang warrant of arrest.

Dahil naalarma si Direk, pina-tsek na mismo ni Direk sa NBI at sa iba pang ahensiya ng Gobyerno kung may kaso siya sa Pinas at warrant. Wala naman daw natuklasang ganoon ayon pa sa kaibigan ni Direk na siyang nagtanong.

Kausap na ni Direk Elaine ang kanyanf mga kaibigang lawyers patungkol dito at kung anong legal na aksiyon ang gagawin.

Kasalukuyang naghahanap ng ibang lokasyon ang buong production team para maiwasan nalang ang maaring gulong idudulot nito.

" Natakot ako. Obcourse, hindi ko alam kung anong intensiyon nila and sabi pa ipapa-arrest ako? Wala naman akong kaaway o atraso. Gulat ako. Doon talaga sila nagpunta sa last location namin sa may Cumbas View Deck. Hindi ko alam ang intensiyon nila.  ' bulalas pa ni Direk Elaine.

BOY ABUNDA NAGING EMOSYONAL NANG MAGHARAP ANG ISANG AMA AT ANAK NA BAKLA SA CIA WITH BA

Boy Abunda, naging emosyonal nang magharap ang isang ama at anak na bakla sa ‘CIA with BA’

Sa gitna ng pagdiriwang ng Father’s Day at Pride Month, ipinakita ng show na ‘CIA with BA’ ang nakakatabang kwento tungkol sa isang ama na nagsimulang tanggapin ang pagkakaroon ng kanyang anak na bakla, na nagdulot ng emosyonal na reaksyon mula kay host Boy Abunda.

Dumulog si Yuri sa segment na ‘Case 2 Face’ upang ibahagi ang kanyang mga laban kasama ang kanyang ama, si Tatay Marcos, na matagal nang hindi tanggap ang kanyang pagkakakilanlan dahil sa kanyang sekswalidad.

“Gusto niya po akong maging isang tunay na lalake. Ginawa ko naman po ang lahat pero pusong babae po talaga ako,” pahayag ni Yuri.

Inamin ni Tatay Marcos na may mga pagkakataon na nasaktan niya si Yuri na sa kanyang paniniwala ay upang disiplinahin ang kanyang anak.

“Kung sakaling hindi mabago ang pagiging bakla niya, ang gusto ko magsumikap siya sa trabaho. Ayoko nung bigla siyang aalis pagka-sweldo. Ang nagiging ugali kasi niya, pumupunta siya sa mga barkada niya, nakikipag-inuman, do’n tumitindi ang galit ko,” paliwanag ni Tatay Marcos.

Nagbigay ng payo si Senador Alan Peter Cayetano, “We can disagree with his choices pero mahal pa rin siya. We can disagree with [his] lifestyles, pero respetuhin pa rin siya. Karapatan mo na sabihin sa anak mo na, ‘ito ang mali, ito [ang] tama.’”

“Maaaring sa mind mo mas magiging maigi ang buhay niya kapag siya’y naging straight, ‘pag hindi siya bakla, pero ‘pag nilagay mo sa sako’t ginulpi, may epekto po ‘yun ‘tay e,” pagpapatuloy ni Kuya Alan. “Karapatan mo tatay [na sabihin] sa mga anak mo kung ano ang tama’t mali, pero hindi mo karapatan na mag-decide para sa kanila.”

Sa episode, lumabas din na nakipaglaban sa depresyon si Yuri noong mga 18 na taong gulang siya, na halos humantong sa kanyang pagpapatiwakal.

“Anak, kung ano man ang nagawa kong pagmamalupit sa iyo, hindi ko na uulitin kahit kailan. Unti-unti ko rin matatanggap ‘yung katayuan mo bilang bakla. Magtulungan na lang tayo habang mayroon pa akong natitirang lakas dahil hindi naman ako pabata nang pabata. Parang magpanibagong buhay tayo,” mensahe ni Tatay Marcos sa kanyang anak. “Hindi na kita sasaktan. Igagalang ko na lagi ang pagkatao mo.”

Bilang miyembro ng LGBTQIA+ community, nagbahagi si Tito Boy ng kanyang mga saloobin sa pagtatapos ng segment.

“Parati ko pong sinasabi na ang pagmamahal ng isang LGBT person ay pantay sa pagmamahal ng kahit sino. Ipinapaliwanag ko po ‘yung karapatan naming mabuhay,” saad ng award-winning talk show host.

Sa pagtugon kay Tatay Marcos, idinagdag ni Abunda, “Tatay, he’s gay, he’s human, anak ng Diyos po ‘yan, at higit sa lahat, anak niyo po ‘yan kaya ‘yung pagmamahal mo ay hindi dapat ipakiusap ni Yuri. Baka pwedeng titigan ho ninyo, yakapin ho ninyo, mayroong kadakilaan ho ‘yon.”

“Maraming mga bakla, mga lesbian, LGBT people ang inuuna ang kanilang pamilya kaysa sa kanila. Ako, did I choose to be gay? Hindi po. Kami’y naniniwala kasi na anak din kami ng Diyos and we were born, we were created to be who we are. Buksan niyo ho ang puso niyo. Tao ho ‘yan. Mabuting tao ho ‘yan,” pagtatapos ni Abunda.

Ipinagpapatuloy ng ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘CompaƱero y CompaƱera’ noong 1997 hanggang 2001.

Pinangungunahan nina Alan, Pia, at Boy Abunda, ang ‘CIA with BA’ ay ipinapalabas tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV sa sumunod na Sabado ng 10:30 p.m.

BOY ABUNDA TURNS EMOTIONAL AS CIA WITH BA TOOK ON FATHER-GAY SON CASE

Boy Abunda turns emotional as ‘CIA with BA’ took on father-gay son case

For Father’s Day and Pride Month, the show ‘CIA with BA’ featured a heartwarming story about a father coming to terms with his son's sexuality, bringing host Boy Abunda to an emotional moment.

Yuri appeared on the show's ‘Case 2 Face’ segment to share his struggles with his father, Tatay Marcos, who had been unaccepting and harsh towards him for over 20 years due to his sexual orientation.

“Gusto niya po akong maging isang tunay na lalake. Ginawa ko naman po ang lahat pero pusong babae po talaga ako,” Yuri shared.

Tatay Marcos admitted that there was a time when he hurt Yuri, believing it was necessary for discipline.

“Kung sakaling hindi mabago ang pagiging bakla niya, ang gusto ko magsumikap siya sa trabaho. Ayoko nung bigla siyang aalis pagka-sweldo. Ang nagiging ugali kasi niya, pumupunta siya sa mga barkada niya, nakikipag-inuman, do’n tumitindi ang galit ko,” Tatay Marcos explained.

Senator Alan Peter Cayetano offered advice, saying, “We can disagree with his choices pero mahal pa rin siya. We can disagree with [his] lifestyles, pero respetuhin pa rin siya. Karapatan mo na sabihin sa anak mo na ‘ito ang mali, ito [ang] tama.’”

“Maaaring sa mind mo mas magiging maigi ang buhay niya kapag siya’y naging straight, ‘pag hindi siya bakla, pero ‘pag nilagay mo sa sako’t ginulpi, may epekto po ‘yun ‘tay e,” Kuya Alan continued. “Karapatan mo tatay [na sabihin] sa mga anak mo kung ano ang tama’t mali, pero hindi mo karapatan na mag-decide para sa kanila.”

The episode also revealed that Yuri struggled with depression at around 18 years old, which almost led him to take his own life.

“Anak, kung ano man ang nagawa kong pagmamalupit sa iyo, hindi ko na uulitin kahit kailan. Unti-unti ko rin matatanggap ‘yung katayuan mo bilang bakla. Magtulungan na lang tayo habang mayroon pa akong natitirang lakas dahil hindi naman ako pabata nang pabata. Parang magpanibagong buhay tayo,” Tatay Marcos told his son. “Hindi na kita sasaktan. Igagalang ko na lagi ang pagkatao mo.”

Boy, a member of the LGBTQIA+ community, shared his thoughts as the segment concluded.

“Parati ko pong sinasabi na ang pagmamahal ng isang LGBT person ay pantay sa pagmamahal ng kahit sino. Ipinapaliwanag ko po ‘yung karapatan naming mabuhay,” said the award-winning talk show host.

Addressing Tatay Marcos, Tito Boy said, “Tatay, he’s gay, he’s human, anak ng Diyos po ‘yan, at higit sa lahat, anak niyo po ‘yan kaya ‘yung pagmamahal mo ay hindi dapat ipakiusap ni Yuri. Baka pwedeng titigan ho ninyo, yakapin ho ninyo, mayroong kadakilaan ho ‘yon.”

“Maraming mga bakla, mga lesbian, LGBT people ang inuuna ang kanilang pamilya kaysa sa kanila. Ako, did I choose to be gay? Hindi po. Kami’y naniniwala kasi na anak din kami ng Diyos and we were born, we were created to be who we are. Buksan niyo ho ang puso niyo. Tao ho ‘yan. Mabuting tao ho ‘yan,” he ended.

'CIA with BA' upholds the legacy of Senator Rene Cayetano, the esteemed father of the sibling senator-hosts. A distinguished lawyer, the senior Cayetano gained prominence through his radio and TV program 'CompaƱero y CompaƱera,' which aired from 1997 to 2001.

'CIA with BA,' hosted by Alan, Pia, and Boy, airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.


CIA WITH BA MAGING STRATEGIC AT TACTICAL SA PAGHAHANAP NG HUSTISYA

‘CIA with BA’: Maging ‘strategic,’ ‘tactical’ sa paghahanap ng hustisya

“There are many ways to get justice…”

Ito ang mga salitang binitiwan ni Senador Alan Peter Cayetano habang nagbibigay ng kanyang huling payo kay Ken sa segment na "Payong Kapatid" ng episode ng ‘CIA with BA’ noong Hunyo 2.

Humingi ng tulong si Ken tungkol sa kanyang dating amo na nanakit sa kanyang anak. Noong Pebrero, si Ken at ang kanyang asawa ay naging stay-in workers at personal na nasaksihan ang pananakit ng kanilang amo sa kanilang anak dahil lamang ayaw nitong pahawakan ang kanilang alagang aso. Sa kabila ng pang-aabuso, tiniis ni Ken ang sitwasyon dahil desperado sila at kailangan ng pera. Noong Abril, nang magkasakit ang asawa ni Ken, nagkaroon sila ng dahilan upang umalis sa trabaho. Subalit matapos nilang umalis, nagsimula ang kanilang amo na magpakalat ng maling balita, kabilang ang paratang na nagnakaw sila ng pera.

Pinagtibay ni Pia Cayetano na may karapatan si Ken na lumaban. Dahil emosyonal pa si Ken, pinayuhan din siya na huwag nang bumalik sa dating trabaho at maghanap ng ibang trabaho, kung saan maaari ding magbigay ng tulong ang programa.

Inisa-isa naman ni Kuya Alan ang mga hakbang na maaaring gawin ni Ken: “You can file a criminal case for child abuse sa fiscal’s office or pwedeng complain sa pulis tapos dadalhin sa fiscal’s office. ‘Di na kailangang dumaan ng barangay ‘yan, more than one year ‘yung penalty niyan.”

“Secondly, kung sapat ang katibayan mo, lalo kung may witnesses o screenshots ka na siniraan kayo, whether ‘yan ay defamation o libel,” dagdag niya.

“Pangatlo, kailangan ko pa ‘to pa-check ‘pag nag-usap kayo nung abogado, pero kung covered kayo nung minimum wage law, kahit pumayag or sinabing hanggang 400 lang, pwede maghabol kasi ‘yung empleyado sa backwages niya kung dapat binayaran ng tama,” aniya.

“There are many ways to get justice. So kailangan minsan strategic ka rin. Pero I’d like to thank you for listening to our advice but I’d like to assure you, desisyon mo ‘yan, and either way we would like to help,” paalala ni Kuya Alan kay Ken at sa mga manonood.

Sa pagtatapos ng episode, binalikan ng mga host ang segment na ‘Payong Kapatid.’

“Usually ‘pag ‘Payong Kapatid,’ ine-expect natin, ito ‘yung facts, ito ‘yung kaso, pero [dito] makikita natin na ‘yung sinasabing ‘It’s complicated,’ hindi lang pala sa relationship ‘yon lalo ‘pag ‘yung problema, nagpatung-patong na,” sabi ni Alan. “Katulad ng parati nating sinasabi, ‘pag maliit pa lang ‘yung problema, i-address na natin.”

“Regardless kung ‘yung Civil Code o Data Privacy Act ang i-apply natin, ito’y paalala para sa ating lahat. Sabi nga ng Civil Code natin, it’s [a] basic etiquette, respetuhin ang privacy ng iba. Respeto lang,” dagdag ni Pia.

“Kailangan taktikal din tayo. Kailangan hindi tayo nagpapadala nang padalos-dalos, ‘yung mabilis.. kasi ang daming considerations kaya importante talaga na pinag-iisipan nang mabuti,” pagtatapos ni Boy Abunda.

Ipinagpapatuloy ng ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘CompaƱero y CompaƱera’ noong 1997 hanggang 2001.

Pinangungunahan nina Alan, Pia, at Boy Abunda, ang ‘CIA with BA’ ay ipinapalabas tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV sa sumunod na Sabado ng 10:30 p.m.

CIA WITH BA REMINDS PUBLIC TO BE STRATEGIC, TACTICAL ON SEEKING JUSTICE

‘CIA with BA’ reminds public to be strategic, tactical on seeking justice

“There are many ways to get justice…”

These words from Senator Alan Peter Cayetano resonated as he gave his final advice to Ken in the “Payong Kapatid” segment of the June 2 episode of ‘CIA with BA.’

Ken sought help regarding his former employer who had hurt his child. In February, Ken and his wife became stay-in workers and personally witnessed their child being punched by their employer, who didn't want their pet dog to be touched. Despite the abuse, Ken endured the situation because they desperately needed the money. In April, when Ken's wife got sick, it gave them a reason to leave their employment. However, after they left, their employer started spreading rumors, including accusations of theft.

Pia Cayetano assured Ken that he had the right to fight back. Since Ken was still emotional, she also advised him not to return to his former workplace but instead look for another job, with the program offering assistance.

Kuya Alan then enumerated the steps Ken could take: “You can file a criminal case for child abuse sa fiscal’s office or pwedeng complain sa pulis tapos dadalhin sa fiscal’s office. ‘Di na kailangang dumaan ng barangay ‘yan, more than one year ‘yung penalty niyan.”

“Secondly, kung sapat ang katibayan mo, lalo kung may witnesses or screenshots ka na siniraan kayo, whether ‘yan ay defamation or libel,” he continued.

“Pangatlo, kailangan ko pa ‘to pa-check ‘pag nag-usap kayo nung abogado, pero kung covered kayo nung minimum wage law, kahit pumayag or sinabing hanggang 400 lang, pwede maghabol kasi ‘yung empleyado sa backwages niya kung dapat binayaran ng tama,” he added.

“There are many ways to get justice. So kailangan minsan strategic ka rin. Pero I’d like to thank you for listening to our advice but I’d like to assure you, desisyon mo ‘yan, and either way we would like to help,” Kuya Alan noted to Ken and the viewers.

As the episode ended, the hosts reflected on the ‘Payong Kapatid’ segment.

“Usually ‘pag ‘Payong Kapatid,’ ine-expect natin, ito ‘yung facts, ito ‘yung kaso, pero [dito] makikita natin na ‘yung sinasabing ‘It’s complicated,’ hindi lang pala sa relationship ‘yon lalo ‘pag ‘yung problema, nagpatung-patong na,” said Alan. “Katulad ng parati nating sinasabi, ‘pag maliit pa lang ‘yung problema, i-address na natin.”

“Regardless kung ‘yung Civil Code or Data Privacy Act ang i-apply natin, it’s a reminder for all of us. Sabi nga ng Civil Code natin, it’s [a] basic etiquette, respect people’s privacy. Respect lang,” added Pia.

“Kailangan tactical din tayo. Kailangan hindi din tayo nagpapadala nang padalos-dalos, ‘yung mabilis.. kasi ang daming considerations so importante talaga na pinag-iisipan nang mabuti,” concluded Boy Abunda.

'CIA with BA' upholds the legacy of Senator Rene Cayetano, the esteemed father of the sibling senator-hosts. A distinguished lawyer, the senior Cayetano gained prominence through his radio and TV program 'CompaƱero y CompaƱera,' which aired from 1997 to 2001.

'CIA with BA,' hosted by Alan, Pia, and Boy, airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.


CIA WITH BA NAGBAHAGI NG SALOOBIN SA KOMPLIKADONG USAPIN TUNGKOL SA LUPA NG PAMILYA

‘CIA with BA’: Alan, Pia, at Boy, nagbahagi ng saloobin sa komplikadong usapin tungkol sa lupa ng pamilya

“Sometimes, just like life, it’s complicated.”

Ito ang mga sinabi ni Senator Pia Cayetano habang siya, kasama ang mga ‘CIA with BA’ co-hosts na sina Alan Peter Cayetano at Boy Abunda, ay tinatalakay ang isang komplikadong kaso na kinasasangkutan ng mga miyembro ng pamilya at kanilang lupa.

Sa ‘Case 2 Face’ segment noong May 26 episode, nagreklamo si Estela tungkol sa kanyang hilaw na hipag na si Evelyn, dahil sa pag-aangkin nito ng bahagi ng lupang pinaniniwalaan niyang pag-aari niya. Ayon kay Estela, ang buong lupain ay ibinigay sa kanya ng kanyang yumaong tiyahin. Samantala, ang yumaong kapatid niyang si Geronimo ay binili ang 50-square-meter na bahagi na inaangkin ngayon ni Evelyn. Ang bahaging ito ng lupa ay dating isinangla ni Geronimo kay Rajo, tinubos ni Luisito (kapatid ng asawa ni Estela), at sa kalaunan ay ipinagbili kay Estela dahil sa mga problemang pinansyal.

“Mabigat. Kasi talagang pasa-pasa ‘yung ownership nung lupa and then [may] denial..” sabi ni Pia habang binibigyang-diin ang sitwasyon.

“But you can lessen the complication by documenting, ‘di ba? That’s one reminder we always give. And clarifying the objectives, especially among family,” dagdag niya.

Habang nagpapatuloy ang talakayan, lumabas na may kakulangan sa dokumentasyon sa buong proseso, kung saan nangako ang programa na tutulong sila.

“Kailangan talaga matuto tayong mag-agree to disagree… Hindi mawawala ‘yung stress e, hindi mawawala ‘yung [feeling na] parang anxious ka, hindi mawawala ‘yung [thought na] ‘sana ma-solve na ‘to ulit.’ Pero nadadagdagan kasi kung ‘yung away, manganganak.,” komento ni Kuya Alan sa pagtatapos ng episode.

Para naman kay Tito Boy, sinabi nya na: “Hindi maluluma ‘yung konsepto na, ‘Let’s build relationships.’ Ang daming maiiwasan na gulo kung merong mga relasyon. Importante kasi na napapaalalahanan tayo kung saan tayo nanggaling, ano ang ating kwento. Because if we’re able to celebrate our story, ‘yung ating present, ‘yung ating now, ay--hindi ko man masasabi na lahat ng ating problema ay maso-solve pero—mas klaro ang perspektibo, ang point of view, dahil alam mo ang iyong pinanggagalingan.”

Ang episode ay nagtapos sa pagbibigay-diin sa kahalagahan ng tamang dokumentasyon at malinaw na komunikasyon sa paglutas ng mga alitan sa pamilya, na naglalagay ng halaga sa relasyon at pagkakaunawaan.

Ipinagpapatuloy ng ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘CompaƱero y CompaƱera’ noong 1997 hanggang 2001.

Pinangungunahan nina Alan, Pia, at Boy Abunda, ang ‘CIA with BA’ ay ipinapalabas tuwing Linggo ng 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV sa sumunod na Sabado ng 10:30 p.m.


ALAN, PIA, BOY REFLECT ON FAMILY LAND DISPUTE IN CIA WITH BA

Alan, Pia, Boy reflect on family land dispute in ‘CIA with BA’

“Sometimes, just like life, it’s complicated.”

These words from Senator Pia Cayetano set the tone as she, along with ‘CIA with BA’ co-hosts Senator Alan Peter Cayetano and Boy Abunda, tackled a complex case involving family members and their land.

In the ‘Case 2 Face’ segment of the May 26 episode, Estela complained about her sister-in-law, Evelyn, for claiming possession of part of the land Estela believes she owns. According to Estela, the entire property was given to her by her late aunt. Meanwhile, her late brother Geronimo had purchased a 50-square-meter portion, which Evelyn now claims. This part of the land had been pawned by Geronimo to a certain Rajo, redeemed by Luisito (brother of Estela’s wife), and eventually sold to Estela due to financial constraints.

“Mabigat. Kasi talagang pasa-pasa ‘yung ownership nung lupa and then [may] denial..” said Pia, reflecting on the situation.

“But you can lessen the complication by documenting, ‘di ba? That’s one reminder we always give. And clarifying the objectives, especially among family,” she noted.

As the discussion progressed, it became clear that there was a lack of documentation throughout the process, which the program pledged to help rectify.

“Kailangan talaga matuto tayong mag-agree to disagree… Hindi mawawala ‘yung stress e, hindi mawawala ‘yung [feeling na] parang anxious ka, hindi mawawala ‘yung [thought na] ‘sana ma-solve na ‘to ulit.’ Pero nadadagdagan kasi kung ‘yung away, manganganak.,” commented Alan as they concluded the episode.

For his part, Tito Boy remarked: “Hindi maluluma ‘yung konsepto na, ‘Let’s build relationships.’ Ang daming maiiwasan na gulo kung merong mga relasyon. Importante kasi na napapaalalahanan tayo kung saan tayo nanggaling, ano ang ating kwento. Because if we’re able to celebrate our story, ‘yung ating present, ‘yung ating now, ay--hindi ko man masasabi na lahat ng ating problema ay maso-solve pero—mas klaro ang perspektibo, ang point of view, dahil alam mo ang iyong pinanggagalingan.”

The episode underscored the importance of proper documentation and clear communication in resolving family disputes, emphasizing the value of relationships and mutual understanding.

'CIA with BA' upholds the legacy of Senator Rene Cayetano, the esteemed father of the sibling senator-hosts. A distinguished lawyer, the senior Cayetano gained prominence through his radio and TV program 'CompaƱero y CompaƱera,' which aired from 1997 to 2001.

'CIA with BA,' hosted by Alan, Pia, and Boy, airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

DIRECTOR ELAINE CRISOSTOMO CONFIRMED SA AMERIKA GAGAWIN ANG SPECIAL EFFECTS NG ' SINAG ' MOVIE NI CLAUDINE BARRETTO

Nasugbu, Batangas ang napiling lokasyon ni Direk Elaine Crisostomo para sa fantasy movie nitong ' Sinag ' na pinagbibidahan ng Optimum Star na si Claudine Barretto. Produced by Bea Glorioso ng Entablado Films na may gagampanang papel rin sa pelikula at siya ring production manager. Sinulat naman ni Harvie Aquino ang script na siya ring Assistant Director.

Ayon kay Direk Elaine, masaya siyang makatrabaho ang dating kaibigang si Claudine Barretto.

" Matagal na kaming magkaibigan niyan. 90's pa. Nag-amerika lang ako then this time na nasa Pinas na ako, told her na kailangang magtrabaho kami sa isang movie and nag-isip kami ng script for her dahil alam naman natin na si Claudine, mahusay talagang umarte eversince and the films na ginawa niya, grabe, kapag sinubay mo lahat, ang lalaking pelikula lahat and box-office hit lahat. " sez Direk Elaine.

" Excited lahat to work with her lalo na ako. That's why, heto, rolling na tayo and i will do my best bilang direktor niya sa pelikula para the fans and followers at lahat ng nagmamahal sa kanya ay hindi tayo mapapahiya. " saad pang muli ni Direk Elaine.

Ayon din sa scriptwriter nitong si Harvie Aquino na siya ring Assistant Director for the film, ginalingan niya rin ang pagsulat ng script dahil diumano sa isang mahusay na aktres ang gaganap dito.

" Nung sinusulat ko talaga ang script, sabi ko, Claudine ito. Sinulat ko, ginawa ko and then i presented it to them, kay Direk Elaine at kay Claudine, alam mo yung feeling nung binabasa niya ang script then tinanggap niya at nakita kong she's happy with the dialogues, everything, ang sarap sa pakiramdam. Ang saya ko. Para talaga kay Claudine ang script. " paglalakad din ni Harvie Aquino.

Sa media announcement palang ng Sinag that happened a month ago ay very vocal na si Claudine sa pagsasabing she's excited to do the film dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap siyang diwata.

Sa mga costume palang na gagamitin ni Claudine Barretto sa movie, ayon sa aking napag-alaman ay nagkakahalag na ito sa halos 300 thousand pesos at siya raw mismo ang pumili.

Medyo malaki raw ang magiging production cost ng ' Sinag ' lalo na at sa Amerika pa gagawin ang special effects nito.

Star-studded ang ' Sinag ' dahil ayon pa sa production, napakaraming kaibigan si Claudine na nagpaabot ng interest sumama sa cast ng pelikula at ikinatuwa naman ito ni Claudine.

Inaasahang tatapusin within the month of June ang Sinag at inaasahang maipapalabas sa Philippine cinema ngayong taon.

OPTIMUM STAR CLAUDINE BARRETTO GAGANAP NA DIWATA SA PELIKULANG ' SINAG ' NI DIREK ELAINE CRISOSTOMO

MAY 28, 2024 NA ANG FIRST SHOOTING DAY ng pelikulang ' SINAG ' na pagbibidahan ng ating Optimum Star na si Claudine Barretto. Nasugbo, Batangas ang napiling location ng inaabangang full-lenght film ni Claudine na idederehe naman ni Direk Elaine Crisostomo. Sa media announcement palang nito ay nagpahayag na ng kanyang excitement si Claudine dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay gaganap siyang diwata na pinag-aralang mabuti ng direktor nitong si Direk Elaine! Narito ang synopsis ng pelikula.
Iikot ang kwento sa Tribu Nayas-Yasak na kung saan ay ito ay pinamumugaran ng mga diwatang may iba’t-ibang antas at katayuan. Binubuo ito ng Mga Diwatang Lunas na pinamumunuan ni Liway-way, Mga Diwatang Mananambal na pinamumunuan naman ni Bai Waluka at mga Diwatang Bughaw na kung saan si Reyna Erna ang nagsisilbing Reyna sa buong Tribu.
Sa paparating na malaking digmaan ng mga Diwata at mga lahing tikbalang at Engkanto ay kinakailangan nila ang magiging tagapagtanggol ng kanilang tribu na kung saan ito ang magsisilbing itinakdang “Sinag”. Ngunit sa pagkakataong ito ay kambal na Diwata ang isinilang ni Reyna Erna at ito ay sina Amara at Mayari na kung saan ay nagdulot ito ng kalituhan kung sino nga ba sakanila ang tunay na itinakda at kung sino ang huwad.
Magkakaroon ng mga pagsubok, kalituhan at pagtataksil sa pagitan nina Mayari at Amara upang patunayan lamang ang kanilang tagna. Sino ang mananaig, sino ang tunay at sino ang huwad?
Ang mga mahiwagang bukal ang magsisilbing tulay na magtatagpi upang suyurin ang Katotohanan at nakaraan at ang magaganap sa hinaharap. Ito ay ang mga Bukal ng Nensaman na magdadala sa kanila sa nakaraan, ang Bukal ng Tugtuwa na magbubulong naman ng katotohanan, ang Bukal ng Arapen na sasalamin naman sa hinaharap at ang Bukal ng Beskeg na kung saan ito ang papanday sa kalakasan at magbibigay kapangyarihan sa tunay na itinakda. Makikilala dito ang mga Punong Bantay na sina Mujer Satru, Mujer Nepara at Mujer Namasnen.
Ano ang magiging papel ng mga lahing tikbalang na sina Diego at Adonis sa Itinakdang Sinag at anong lagim ang dulot ng engkantong itim na si Enyegro?
Sino nga ba ang huwad at sino ang tunay na itinakda… at sino ang magisilinbing Liwanag sa Nayas-yasak at tutupad ng kanyang tagna bilang itinakdang… SINAG!