JAM IGNACIO HINAHANAP NA RAW NG NBI?


Hindi biro ang isyung pambubugbog ni Jam Ignacio sa current jowa nitong ayaw ko nalang banggitin ang pangalan! Sa kasalukuyan ay hinahanap na raw ng NBI si Jam na hanggang sa ngayon ay wala pang latest development kung nasaan siya nagtatago. Si Jam Ignacio po ay naging partner din ni Karla Estrada for how many years at last year lang din naghiwalay ang dalawa. 

Nagsimula diumano sa diskusyon o pagtatalo ang lahat na di-kalaunay heto na nga, nangyari na nga ang bugbogan daw sa loob mismo ng car ni Jam. Ayon sa kuwento ay sa NLEX pa nangyari ang pag-eskapo nitong girl mula sa loob ng sasakyan ni Jam dahil noong papasok na silang toll gate ay hindi raw gumana ang easytrip card ng sasakyan kaya nakaganap ng pagkakataong umaripas palabas ng sasakyan si girl at humingi ng saklolo sa mga nandoon. 

Umaripas din ng alis si Jam at nagtago na after what he did!

Sariking opinyon ko lang, sa ilang taong nakilala at nakakasama ko si Jam noong sila pa ni Karla, hindi ko nakitaan ng ganyang ugali si Jam. Nakasama ko pa siya sa mga out of town namin ni Karla at okey naman si Jam kaya nabigla ako nung umusbong ang bugbugan isyu!

Well, hindi natin alam ang totoong kuwento how it started at kung ano ang nag-trigger kay Jam na gawin yun sa girl! Dahil sa ngayon, after lumabas sa social media ang nabugbog na pics at post ni girl, istorya palang ni girl ang ating nabasa at larawang ebidensiya nga ng dinanas niyang pait sa mga kamay ni Jam. 

Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin natin naririnig ang other side of story sa parte naman ni Jam na feeling ko, magtatago muna yan para fair tayo. Pero kahit ano pa man ang dahilan para sa akin, hindi dapat humantong sa pambubugbog ang lahat! Ano ba naman ang kalaban-laban ni girl sa puwersa ni boy! 

Hay! Kakaloka! 





 

CIA WITH BA NOMINADO SA 38TH PMPC STAR AWARDS FOR TV

CIA with BA,’ nominado sa 38th PMPC Star Awards for TV

Patunay ng epekto at kahusayan nito, nakatanggap ng dalawang nominasyon ang ‘Cayetano in Action with Boy Abunda’ (CIA with BA) sa 38th PMPC Star Awards for TV.

Batay sa opisyal na listahan ng mga nominado na inilabas ng Philippine Movie Press Club (PMPC) ngayong buwan, kabilang ang CIA with BA sa mga posibleng manalo ng Best Public Affairs Program.

Samantala, ang mga host nitong sina Senador Alan Peter at Pia Cayetano, kasama si Boy Abunda, ay nominado rin bilang Best Public Affairs Program Hosts.

Matapos ang anunsyo, nagpahayag ng taos-pusong pasasalamat ang programa sa natanggap na pagkilala.

“Malaki po ang aming pasasalamat sa PMPC Star Awards for TV sa pagbibigay ng nominasyon sa amin,” pahayag ng ‘CIA with BA.’

“Ang parangal na ito ay hindi lang isang pagkilala, kundi isang motibasyon para sa amin upang lalo pang pagbutihin ang aming serbisyo at tulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan ng legal na tulong at gabay sa kanilang mga problema.”

Idaraos ang awarding ceremony sa darating na Marso 23, 2025, kung saan iaanunsyo ang mga mananalo sa 38th PMPC Star Awards for TV.

Samantala, sa pagpapatuloy ng ‘Hong Kong special’ episode nito noong Linggo, Pebrero 9, itinampok ng ‘CIA with BA’ ang mga pagsubok at tagumpay ng mga kababaihang nagsakripisyo para sa mas magandang kinabukasan ng kanilang pamilya.

Sa pamamagitan ng taos-pusong usapan, ipinakita ng episode ang mga hamon na kinakaharap ng mga Pilipinang nagtatrabaho sa ibang bansa at kung paano sila patuloy na nagsisikap para sa kanilang mga mahal sa buhay sa Pilipinas.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senator Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.

IT'S A MOTIVATION : CIA WITH BA EARNS TWO NOMINATIONS AT 38TH PMPC STAR AWARDS FOR TV

It’s a motivation!’: ‘CIA with BA’ earns two nominations at 38th PMPC Star Awards for TV

A testament to its impact and excellence, ‘Cayetano in Action with Boy Abunda’ (CIA with BA) has been recognized with two nominations at the 38th PMPC Star Awards for TV.

According to the official list of nominees released by the Philippine Movie Press Club (PMPC) earlier this month, CIA with BA is in the running for Best Public Affairs Program.

Meanwhile, its hosts — sibling senators Alan Peter and Pia Cayetano, along with Boy Abunda — are nominated for Best Public Affairs Program Hosts.

Following the announcement, the public service and talk program expressed its deep gratitude for the recognition.

“Malaki po ang aming pasasalamat sa PMPC Star Awards for TV sa pagbibigay ng nominasyon sa amin,” ‘CIA with BA’ said in a statement.

“Ang parangal na ito ay hindi lang isang pagkilala, kundi isang motibasyon para sa amin upang lalo pang pagbutihin ang aming serbisyo at tulungan ang ating mga kababayan na nangangailangan ng legal na tulong at gabay sa kanilang mga problema.”

The winners will be announced at the 38th PMPC Star Awards for TV awarding ceremony which will take place on March 23, 2025.

Meanwhile, in the continuation of its 'Hong Kong special' episode on Sunday, February 9, ‘CIA with BA’ featured the struggles and triumphs of women who sacrificed to give their families a better life.

Through heartfelt conversations, the episode highlighted the challenges faced by Filipinas working abroad and how they continue to persevere for their loved ones back home.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

CIA WITH BA HONGKONG SPECIAL : MGA KUWENTO NG SAKRIPISYO, TATAG AT SERBISYO

CIA with BA’ Hong Kong special: mga kwento ng sakripisyo, tatag, at serbisyo

Lumipad patungong Hong Kong ang public service at talk program na CIA with BA upang tuparin ang kahilingan ng ating mga kababayang OFW (Overseas Filipino Workers) na mabisita sila nina Senador Alan at Pia Cayetano, at Boy Abunda.

Sa unang bahagi ng special Hong Kong episode, na ipinalabas nitong Linggo, Pebrero 2, ibinahagi ng mga Pilipino na lumipat sa tinaguriang Asia’s World City ang kanilang mga kwento sa hangaring magkaroon ng mas magandang buhay.

Isa sa mga tampok na kwento ay mula sa mga babaeng propesyonal sa Pilipinas na kasalukuyang nagtatrabaho bilang domestic helpers sa Hong Kong. Sa kabila ng kanilang trabaho, hindi nila tinalikuran ang kanilang mga propesyon. Tuwing day off nila, nagbibigay sila ng libreng serbisyo bilang mga nurse, guro, at cancer support volunteers.

Nagbigay ng papuri si Sen. Pia Cayetano sa kanilang dedikasyon at sinabing sana’y patuloy silang magsilbing inspirasyon sa iba, habang itinuturing ang Hong Kong bilang isang home away from home.

“I’m so proud of you. I hope your families recognize the sacrifices and success you made,” ani Ate Pia.

Isa pang kwento ang ibinahagi ni Noelyn, isang OFW sa Hong Kong sa loob ng 11 taon na na-diagnose ng breast cancer. Binigyan siya ng legal advice ni Kuya Alan tungkol sa kanyang mga karapatan, partikular na sa health benefits. Nangako rin ang senador at host na aalamin pa ang ibang paraan upang matulungan siya.

“’Pag nasa Senado ka at ikaw ay national official, you try to solve the problems in a macro way. But when you’re here, listening to the individual problems, hindi mo pwedeng sabihin, ‘O, sino-solve namin ‘to lahat.’ It’s just so much a blessing to be here—to listen to the heartaches but also to the heartwarming stories ng ating mga kababayang Pilipino dito,” pahayag ni Kuya Alan.

Samantala, ibinahagi naman ni Tito Boy kung gaano ka-espesyal para sa kanya ang Hong Kong at ang Filipino community rito.

“Sa akin po, ang Hong Kong ay napaka-espesyal dahil nung buhay pa po ang aking ina, at tuwing kami’y dumadalaw dito, ang nanay ko sobrang tuwang-tuwa dahil nakikita niya at nakakasalamuha ang kanyang mga pamangkin—ang aking mga pinsan—na hanggang ngayon po ay domestic helpers dito. Kaya hindi po iba sa akin ang mga OFW dito sa Hong Kong,” aniya.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senator Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.


NAGLALAKIHANG MOVIE PROJECTS ANG AABANGAN MULA SA BG PRODUCTIONS NI BABY GO NGAYONG TAON

Isang imbitasyon mula kay Dennis Evangelista ang aking natanggap to attend Madame Baby Go's 60th birthday celebration na ginanap sa Valle Verde Country Club sa Pasig City. Well attended ito ng mga kaibigang entertainment media ganoon din ang malalapit na kaibigan, kamag-anak, politician friends at direktor ni Madame.

Simpleng dumating si Madame Baby Go sa kanyang makulay na kasuotan. Halatang masaya si Madame that night na nagkaroon ng kanya-kanyanf pagbati sa kanya ang ilan nitong bisita.

Isa lamang si Baby Go sa mga independent producer natin sa movie industry na patuloy sa pagpo-produce. Nasa puso niya raw kasi ang paggawa ng pelikula at masaya raw siyang nakakatulong din at nakapagbibigay ng trabaho sa mga movie workers. Ayon pa sa kanya, naglalakihang pelikula ang nakatakdang gawin ng BG Productions this year na ipapalabas dito sa ating bansa at sa labas. Nagpasalamat din siya sa mga taong nakasuporta sa kanya mula noon upang magtuloy-tuloy ang kanyang paggawa ng pelikula. Kaabang-abang din ang kanyang ginawang short film na intended yata for International release na sa ipinasilip na trailer ay mukhang maganda ito na may titulong ' Madam ' huh! Abangan natin ang patuloy na pagkinang ng BG Productions! 

CIA WITH BA' HONGKONG SPECIAL : STORIES OF SACRIFICE, STRENGTG AND SERVICE

‘CIA with BA’ Hong Kong special: stories of sacrifice, strength, and service

Public service and talk program CIA with BA flew to Hong Kong to fulfill the request of our fellow OFWs (Overseas Filipino Workers) to be visited by Senators Alan and Pia Cayetano, and Boy Abunda.

In the first part of the special Hong Kong episode, which aired on Sunday, February 2, Filipinos who moved to the so-called Asia's World City in pursuit of a better life shared their stories.

One of the featured stories came from female professionals in the Philippines who are now working as domestic helpers in Hong Kong. Despite their jobs, they have not abandoned their professions. On their days off, they provide free services as nurses, teachers, and cancer support volunteers.

Reflecting on their dedication, Sen. Pia Cayetano expressed hope that they continue to inspire others and see Hong Kong as a home away from home.

“I’m so proud of you. I hope your families recognize the sacrifices and success you made,” Ate Pia told them.

Another story featured Noelyn, an OFW in Hong Kong for 11 years who was diagnosed with breast cancer. She received legal advice from Kuya Alan regarding her rights, particularly her access to health benefits. The senator and host also pledged to explore more ways to assist her.

“’Pag nasa Senado ka at ikaw ay national official, you try to solve the problems in a macro way. But when you’re here, listening to the individual problems, hindi mo pwedeng sabihin, ‘O, sino-solve namin ‘to lahat.’ It’s just so much a blessing to be here—to listen to the heartaches but also to the heartwarming stories ng ating mga kababayang Pilipino dito,” said Kuya Alan.

For his part, Tito Boy shared how special Hong Kong and its Filipino community are to him.

“Sa akin po, ang Hong Kong ay napaka-espesyal dahil nung buhay pa po ang aking ina, at tuwing kami’y dumadalaw dito, ang nanay ko sobrang tuwang-tuwa dahil nakikita niya at nakakasalamuha ang kanyang mga pamangkin—ang aking mga pinsan—na hanggang ngayon po ay domestic helpers dito. Kaya hindi po iba sa akin ang mga OFW dito sa Hong Kong,” he said.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m

CIA WITH BA TINALAKAY ANG IBA'T IBANG KASO NG PAMBUBUDOL

‘CIA with BA,’ tinalakay ang iba’t-ibang kaso ng pambubudol

“In the end, ipaglaban natin ‘yung karapatan natin then we just have to move on.”

Ganito tinapos ni Senador Pia Cayetano ang nakaraang episode ng ‘CIA with BA’, kasama ang kanyang mga co-host na sina Boy Abunda at ang kapatid niyang si Alan.

Sa segment na ‘Payong Kapatid,’ tinalakay ng public service at talk program ang tatlong magkakaibang isyu ng scam. Isa rito ay ang tungkol sa magkasintahan at ang kanilang wedding organizer. Ang isa naman ay tungkol sa isang babae na nagreklamo ukol sa mga laruan o toy charms na kanyang in-order. At ang pangatlo ay tungkol sa isang lalaki na gustong makuha ang pera ng yumaong kapatid mula sa bangko.

“Ang sakit. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nagpabaya sila. Dapat listo talaga tayo all the time kasi anything that involves something na may value sa atin—sometimes, pera ‘yon, sometimes, it’s a friendship—kung anuman ‘yung may value sa atin, pagka-ingatan natin because minsan may manloloko, may pabaya,” wika ni Ate Pia habang nagre-reflect sa mga sitwasyong kanilang tinalakay.

Gayunpaman, pinaalala niya: “Ang importante is we do everything sa power natin na ma-minimize, mabawasan ‘yan kaya kailangan maayos ang mga contract, merong mga pinagkakatiwalaang mga nakapaligid sa ‘tin.”

Samantala, sabi naman ni Kuya Alan: “It’s possible you do everything right pero nagkaproblema ka pa rin, and it’s possible you blame yourself. But [you know], pick yourself up, learn your lessons tapos go ulit, go lang, laban.”

Binigyang-diin naman ni Tito Boy ang aspeto ng pagkatao sa mga isyung ito: “Maraming mga legal na problema na merong dimensyon na hindi legal. Bumabalik sa pagkatao, sa character, sa value… maraming mga legal na problemang maiiwasan kung hindi tayo mawawala.”

Nagbahagi rin siya ng isang aral mula sa kanyang ina: “My mother used to say, ‘Kahit anong mangyari sa ‘yo, do not lose your sense of what is right and what is wrong.’ Ganon lang ka-simple ‘yon.”

Ayon sa mga host, sinusubok ng mga scam hindi lamang ang ating pagiging alerto kundi pati na rin ang ating mga pagpapahalaga. Sa tamang mindset at pag-iingat, maiiwasan natin ang mga panganib habang pinanghahawakan ang mas mahalagang bagay — ang ating integridad at katatagan.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senator Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.

NABUDOL KA? CIA WITH BA TAKES ON DIFFERENT CASES OF SCAM

Nabudol ka?’: ‘CIA with BA’ takes on different cases of scam

“In the end, ipaglaban natin ‘yung karapatan natin then we just have to move on.”

This was how Senator Pia Cayetano concluded the recent episode of ‘CIA with BA,’ alongside co-hosts Boy Abunda and her brother Alan.

In the segment ‘Payong Kapatid,’ the public service and talk program took on three different issues of scam. One involved a couple and their wedding organizer while another was a woman who raised concerns about toy charms she ordered. Lastly, they addressed a man seeking to claim his late brother’s bank money.

“Ang sakit. Hindi ko naman pwedeng sabihin na nagpabaya sila. Dapat listo talaga tayo all the time kasi anything that involves something na may value sa atin — sometimes, pera ‘yon, sometimes, it’s a friendship — kung anuman ‘yung may value sa atin, pagka-ingatan natin because minsan may manloloko, may pabaya,” Ate Pia said, reflecting on the situations they tackled.

However, she reminded viewers: “Ang importante is we do everything sa power natin na ma-minimize, mabawasan ‘yan kaya kailangan maayos ang mga contract, merong mga pinagkakatiwalaang mga nakapaligid sa ‘tin.”

Meanwhile, Kuya Alan noted: “It’s possible you do everything right pero nagkaproblema ka pa rin, and it’s possible you blame yourself. But [you know], pick yourself up, learn your lessons tapos go ulit, go lang, laban.”

Tito Boy, for his part, emphasized the human dimension of these issues: “Maraming mga legal na problema na merong dimensyon na hindi legal. Bumabalik sa pagkatao, sa character, sa value… maraming mga legal na problemang maiiwasan kung hindi tayo mawawala.”

He also shared a piece of wisdom from his mother who used to say: ‘Kahit anong mangyari sa ‘yo, do not lose your sense of what is right and what is wrong.’ Ganon lang ka-simple ‘yon.”

As the hosts urged the viewers, scams test not only our vigilance but also our values. With the right mindset and precautions, we can minimize the risks while holding on to what truly matters — our integrity and resilience.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

AI AI DELAS ALAS THIRD PARTY ANG DAHILAN NG HIWALAYAN NILA NG KANYANG EX-HUSBAND


Sabi nga nila, you can't have it all sa iisang panahon! Sa araw-araw na buhay man yan o pag-ibig! Halimbawa nalang ang nangyaring hiwalayan nina Ai Ai Delas Alas at ang non-showbiz partner o husband nitong hindi ko na lang palangalanan. 

2 months ago nung inamin ni Ai Ai na wala na sila, na hiwalay na sila! Nanahimik muna ang mundo hanggang sa nitong nakaraang araw ay bigla nalang nagpasabog ang sikat na komedyana, aktres at singer.

Isang pinay rin daw ang kalaguyo ng kanyang partner na kung tawagin niya ngayon ay isang cheater!

Ayon kay Ai Ai, moved-on na siya! Pagmamahal sa sarili at aatupagin na raw niya ngayon ang kanyang medyo nakaligtaan panahon sa kanyang karera s showbiz! 

Nasa mga larawan napo ang mga binigkas ni Ai Ai sa kanyang pasabog na kanyang inilabas sa kanyang instagram account!


 

SIMPLENG KASIYAHAN MAHALAGA PARA KAY KUYA ALAN

Simpleng kasiyahan, mahalaga para kay Kuya Alan

Sa kauna-unahang pagkakataon, ibinahagi ni Senator Alan Cayetano ang kanyang takeaway hindi mula sa pangunahing usapin na tinalakay sa nakaraang episode ng ‘CIA with BA’ kundi mula sa masaya at pagtatapos na segment nito, ang ‘Alan, Pia, Pik!’ – isang laro kung saan naglalaro ang mga kalahok ng ‘bato-bato-pik’ at nananalo ng mga premyo.

Noong Linggo, Enero 19, binigyang diin ni Kuya Alan ang kahalagahan ng pagkakaroon ng positibong pananaw at pagpapahalaga sa simpleng kasiyahan, at inamin niyang madalas siyang ma-frustrate kapag nakakakita ng mga hindi pagkakapantay-pantay o hindi pagkakasunduan. Ito ang nagtulak sa kanya na magbago ng pananaw para sa 2025.

“Iba muna ang paghuhugutan ko ng takeaway kasi nga medyo umiinit ulo ko ‘pag may tingin ko mali o injustice o sakitan among each other. Gusto ko kasi, itong 2025 medyo mas happy ang dating,” ani Alan.

Bilang patunay, ibinahagi ni Senator Alan ang mga kwento mula sa kanyang kabataan at buhay may-asawa, na nagpapakita kung paano ang mga pinakasimpleng sandali ay nagdudulot ng pinakamatinding kasiyahan.

“Years ago, ilang taon na rin kaming kasal ni Lani, umulan nang malakas [tapos] hinahanap niya ‘ko. Nakita niya ‘ko nasa garden, walang t-shirt, naka-shorts [lang], naliligo sa ulan,” kwento niya, na may kasamang ngiti habang nire-reminisce ang isang masayang alaala.

Nagbalik-tanaw din siya sa mga simpleng karanasan noong kabataan: “Panahon kasi namin, ‘yung pinakasimple, ‘yon ang pinakamasaya, e. May puno ng aratiles, aakyat kami, magbabatuhan ng konti, kukuha, kakainin mo... Magpa-patintero kayo. Mga simpleng bagay pero masaya.”

Binigyang-diin ni Senator Alan na hindi kailangang magarbo o materyal upang makamit ang kasiyahan.

“Hindi kailangang mahal, hindi kailangang bumili. ‘Yung time mo, ‘yung effort mo, and simple things — [those] will become true memories. Magpasaya tayo sa simpleng mga bagay,” aniya.

Ang nakaka-inspire na episode na ito ay nagbigay-diin sa halaga ng pagiging simple, oras, at pagsisikap sa pagbubuo ng makulay at makabuluhang mga alaala at relasyon.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa pamana ng yumaong Senator Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, may mga replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.