CIA WITH BA : PAANO HAHARAPIN ANG MGA KAPITBAHAY NA MAHIKIG MAG-KARAOKE?

CIA with BA’: Paano haharapin ang mga kapitbahay na mahilig mag-karaoke?

Karaniwan nang reklamo sa maraming komunidad ang mga kapitbahay na mahilig mag-karaoke hanggang dis-oras ng gabi.

Sa nakaraang episode ng ‘CIA with BA,’ isang nag-aalalang residente ang humingi ng payo kay Senador Alan Peter Cayetano sa segment na "Tanong ng Pilipino", tungkol sa kanilang kapitbahay na madalas magpa-party hanggang alas-tres ng madaling araw. Kahit naireklamo na ito sa barangay, tila walang naging aksyon.

Natatawang tugon ni Kuya Alan, kinilala niyang isa itong pangkaraniwang problema: "Napakaraming nakakaranas ng ganyan. Ang [mga] Pinoy po, ‘pag nagkakatuwaan, gusto talaga mag-karaoke at hindi sapat na sila lang [ang] nakakarinig, ang gusto nila buong barangay."

Ibinahagi rin niya ang kanyang personal na karanasan at sinabing mula nang lumipat siya sa kanilang lugar noong 1991, laging may nagkaka-karaoke tuwing weekend. Bagamat hinahayaan nila ito sa umaga at hapon, maayos silang nakikiusap na hinaan ang ingay kapag gabi na.

"Pababayaan muna naming magka-kapitbahay mga 10 in the morning, 1PM, 2PM, 3PM… pagdating ng alas-siete ng gabi, pagsasabihan na, ‘Pakihinaan naman ng konti,’" ani niya.

Bukod sa pagiging bahagi ng kulturang Pinoy ang pagkahilig sa karaoke, ipinaliwanag din ni Kuya Alan ang legal na basehan ng mga reklamo tungkol sa ingay. Binanggit niya ang isang desisyon ng Korte Suprema na nagsasaad na hindi lang ito tungkol sa lakas ng tunog kundi sa epekto nito sa kalusugan ng mga nakatira sa paligid.

"Meron pong sinabi ang Supreme Court na hindi po ‘yung lakas o intensity ng tunog kundi ‘yung health ng kapitbahay. For example, kahit na ito’y hindi kalakasan pero nakakairita, or hindi kayo makapag-concentrate or ‘yung mga anak mo hindi makapag-aral — ang tawag diyan ay nuisance o perwisyo," paliwanag niya.

Ibig sabihin, kahit hindi sobrang lakas ang tunog ng karaoke, maaari pa rin itong ituring na istorbo kung nakakaapekto ito sa pang-araw-araw na gawain ng iba, tulad ng pag-aaral ng mga bata o konsentrasyon sa trabaho.

Ayon kay Kuya Alan, pinakamainam pa rin ang maayos na pakikipag-usap. Sa halip na agad dalhin sa mas mataas na awtoridad, dapat munang subukang makiusap nang maayos sa kapitbahay.

Paalala rin niya na dapat huwag magalit kung tayo naman ang pinagsasabihang hinaan ang ingay. Ngunit kung hindi pa rin maaayos ang sitwasyon, maaaring dalhin ito sa barangay o i-report sa pulisya, dahil bahagi ng kanilang tungkulin ang pagpapanatili ng katahimikan at kaayusan sa komunidad.

Ang ‘CIA with BA’ ay nagpapatuloy sa legasiya ng yumaong Senator Rene Cayetano at mapapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.

CIA WITH BA : HOW TO HANDLE NOISY KARAOKE-LOVING NEIGHBORS

CIA with BA’: How to handle noisy karaoke-loving neighbors

Noisy neighbors who love to sing karaoke late at night are a common issue in many communities.

In a recent episode of ‘CIA with BA,’ a concerned resident sought advice from Senator Alan Peter Cayetano in the segment "Tanong ng Pilipino" regarding a neighbor who frequently hosts parties until 3:00 a.m. Despite reporting the matter to the barangay, no action was taken.

Kuya Alan initially responded with humor, acknowledging that this is a widespread problem: "Napakaraming nakakaranas ng ganyan. Ang [mga] Pinoy po, ‘pag nagkakatuwaan, gusto talaga mag-karaoke at hindi sapat na sila lang [ang] nakakarinig, ang gusto nila buong barangay."

Sharing his personal experience, he mentioned that since moving into his neighborhood in 1991, there has always been at least one karaoke session every weekend. While he and his neighbors tolerate the noise during the day, they politely request a lower volume in the evening.

"Pababayaan muna naming magka-kapitbahay mga 10 in the morning, 1PM, 2PM, 3PM… pagdating ng alas-siete ng gabi, pagsasabihan na, ‘Pakihinaan naman ng konti,’" he said.

Beyond the cultural aspect of Filipinos’ love for karaoke, Kuya Alan also explained the legal basis of noise complaints. He cited a Supreme Court ruling emphasizing that it is not just about the intensity of the noise but also how it affects people’s well-being.

"Meron pong sinabi ang Supreme Court na hindi po ‘yung lakas o intensity ng tunog kundi ‘yung health ng kapitbahay. For example, kahit na ito’y hindi kalakasan pero nakakairita, or hindi kayo makapag-concentrate or ‘yung mga anak mo hindi makapag-aral — ang tawag diyan ay nuisance o perwisyo," he shared.

This means that even if the music is not extremely loud, it can still be considered a disturbance if it disrupts someone’s daily life, such as preventing children from studying or affecting one’s ability to concentrate.

To address such issues effectively, Kuya Alan advised that the best first step is always to communicate. Instead of escalating the issue immediately, one should try knocking on their neighbor’s door and politely asking them to lower the volume.

He also reminded people to be understanding and to avoid getting angry when they are the ones being asked to turn down the noise. If the problem persists, he advised that residents can escalate the complaint to the barangay or even report it to the police, as maintaining peace and order falls under their responsibilities.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

CIA WITH BA PRAYORIDAD ANG KAPAKANAN NG MGA ANAK SA GITNA NG PAGHIHIWALAY NG MAGULANG


‘CIA with BA,’ prayoridad ang kapakanan ng mga anak sa gitna ng paghihiwalay ng magulang

Kapag nagwakas ang isang pagsasama, hindi lang nakaraan ang dapat pagtuunan ng pansin kundi pati ang hinaharap — lalo na para sa mga anak na nadadamay sa sitwasyon.

Sa nakaraang episode ng ‘CIA with BA,’ dumulog si Rose upang humingi ng payo kung paano mapoprotektahan ang kanyang anak sa gitna ng magulong paghihiwalay nila ng kanyang asawang si Omar.

Sa segment na ‘Case 2 Face 2 Face’ noong Pebrero 23, ibinahagi ni Rose na nagwakas ang kanilang relasyon dahil sa paulit-ulit na pambababae ni Omar. Depensa naman ni Omar, mas nauna raw na nagkaroon ng ibang lalaki si Rose, kaya siya nasaktan nang husto at nauwi sa pananakit sa asawa — isang bagay na inamin naman niya.

Nang pinagitnaan ni Senator Alan Peter Cayetano ang kanilang usapan, binigyang diin niya na dapat nilang unahin ang pagmamahal nila sa kanilang anak. Sa halip na magpakalugmok sa mga pagkakamali ng nakaraan, pinayuhan ni Sen. Alan na ituon na lamang nila ang pansin sa kung paano sila magiging mabuting magulang sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

Isa sa mga unang kasunduan nila ay ang direktang pakikipag-usap ni Omar sa kanilang mga anak, lalo na sa mga nasa hustong gulang na. Napag-usapan din nila ang kahalagahan ng maayos na pakikitungo at pagbibigay ng sapat na oras sa kanilang mga anak.

Dahil wala namang day-off si Omar sa trabaho, iminungkahi ni Sen. Alan na pumili siya ng dalawang araw sa isang linggo na ilalaan lamang niya para sa kanyang mga anak. Bilang suporta sa kasunduang ito, nangako ang ‘CIA with BA’ na sasagutin ang sweldo ni Omar sa loob ng isang buwan para sa dalawang araw na iyon. Sa ganitong paraan, masisigurong mabibigyan niya ng sapat na oras ang kanyang mga anak nang hindi iniintindi ang aspeto ng pananalapi.

Pumayag naman sina Rose at Omar sa kasunduang ito, umaasang magiging daan ito upang magkaroon sila ng mas maayos na co-parenting arrangement sa kabila ng kanilang paghihiwalay.

“I hope this will be successful. If we can make it work, that’s one Filipino family less with problems in the future,” ani Sen. Alan, na pinagtibay ang kanyang paninindigan na palakasin ang mga pamilyang Pilipino.

Sa kanyang takeaway, binigyang-diin ni Sen. Alan na sa kabila ng pagiging komplikado ng kaso, naging maayos ang pagresolba rito dahil sa isang bagay na pinagsaluhan ng dalawang panig—ang pagmamahal nila sa kanilang anak.

“Naging madali ‘yung ating ‘Case 2 Face’ kahit komplikado ‘yung kaso. ‘Yung common denominator: ‘yung pagmamahal sa anak. Ang hirap talaga ‘pag may nag-aaway lalo kung parehong may punto, parehong may emosyon,” aniya. “Importante ang batas pero mas importante [kung] ano bang pundasyon ang pinag-uusapan at sa pamilya, ‘yung pagmamahal sa anak talaga.”

Sa pamamagitan ng bukas na diskusyon at pagkakaunawaan, patuloy na tinutulungan ng ‘CIA with BA’ ang mas maraming pamilya na harapin ang kanilang mga pagsubok at makahanap ng mga solusyon na inuuna ang kapakanan ng kanilang mga anak.

Ang ‘CIA with BA’ ay ipinagpapatuloy ang legasiya ng yumaong Senador Rene Cayetano at napapanood tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, na may replays sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m

CIA WITH BA'S PRIORITIZING CHILDREN'S WELL-BEING AMID PARENTAL SEPARATION

CIA with BA’: Prioritizing Children's Well-Being Amid Parental Separation

When a marriage falls apart, the biggest concern is not just the past but the future — especially for the children caught in between.

In a recent episode of ‘CIA with BA,’ Rose turned to the program for guidance on how to shield her child from the emotional strain of her separation from her husband, Omar.

In the ‘Case 2 Face 2 Face’ segment on the February 23 episode, Rose shared that her relationship with Omar ended due to his repeated infidelity. Omar, however, defended himself and claimed that Rose was the first to be unfaithful. This, he said, caused him emotional distress and led to an incident where he physically hurt her — something he now admits.

Senator Alan Peter Cayetano emphasized that their primary focus should be their love for their child. Instead of dwelling on past mistakes, Sen. Alan advised them to concentrate on how they could still be good parents despite their separation.

One of the first agreements they reached was for Omar to communicate directly with their children, as some of them were already of age. They also discussed the importance of proper interaction and dedicating quality time to their kids.

Since Omar does not have days off from work, Sen. Alan proposed that he choose two days per week to spend solely with his children. To support this arrangement, ‘CIA with BA’ committed to covering his salary for those two days for one month. This ensured that Omar could dedicate time to his children without financial concerns.

Both Rose and Omar agreed to this arrangement, hoping it would help create a more harmonious co-parenting relationship despite their separation.

“I hope this will be successful. If we can make it work, that’s one Filipino family less with problems in the future,” Sen. Alan remarked, underscoring his commitment to strengthening Filipino families.

Reflecting on the resolution, Sen. Alan emphasized how, despite the complexity of the case, the discussion remained constructive because of one shared priority — their child’s well-being.

“Naging madali ‘yung ating ‘Case 2 Face’ kahit komplikado ‘yung kaso. ‘Yung common denominator: ‘yung pagmamahal sa anak. Ang hirap talaga ‘pag may nag-aaway lalo kung parehong may punto, parehong may emosyon,” he noted. “Importante ang batas pero mas importante [kung] ano bang pundasyon ang pinag-uusapan at sa pamilya, ‘yung pagmamahal sa anak talaga.”

Through open dialogue and understanding, the program continuously aims to help more families navigate similar challenges and find resolutions that prioritize the well-being of their children.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

MEET THE F4-FANTASTIC FOUR NG DASMARIÑAS, CAVITE NA TUMATAKBONG COUNCILORS


Sa isang intimate interview ay nakatsikahan namin ang binansagang Fantastic Four or F4 ng Dasmariñas, Cavite na currently running bilang mga councilor ng naturang lungsod ng Cavite.

Isa-isang nagbigay ng kani-kanilang plataporma at adhikain ang apat na hopefuls na makapasok sa top 12 spot ng mga councilor! 

Kahanga-hanga ang mga gusto nilang gawin para sa Dasmariñas. Lahat pasok  sa pangangailangan ng kanilang kababayan na nais nilang tunay na mapaglingkuran kapag sila ay nahalal ngayong May 12 midterm election.

Obcourse, dahil si Neil Coleta lang naman ang laking showbiz sa kanilang apat ay naging maboka naman ang sinat na actor-influencer sa pagsasabing nakahanda siyang subukan ang salitang public service sa kauna-unahang pagkakataon. 

Matagal na raw gustong manungkulan ni Neil para sa Dasmariñas at ngayon lang daw niya ito tuluyang gagawin ayon na rin sa payo ng ilan niyang mga kaibigan.

Kapag napagbigyan daw siya ng pagkakataon, hindi niya naman daw tuluyang iiwan ang showbiz. Katunayan niyan, nagpaalam rin naman daw siya kay Coco Martin noon na papasukin na nito ang pulitika at kung anuman daw ang mangyayari sa eleksiyon ay saba tanggapin parin siya ni Coco sa programa.

Sa aming panayam ay kitang-kita namin ang giliw ni Neil na pursigido talaga sa kanyang gustong gawin this time aa kanyang buhay.

Ang maglingkod sa Dasmariñas!

Goodluck Neil Coleta, Arnel Del Rosario, Vlad Maliksi at Tutuy Perez!


 

BLIND ITEM : FEMALE CELEBRITY ASUMERANG TIPELYA RIN NI MALE CELEBRITY

Grabe itey! As in nakakatawa si Ateng girl! Hopyang-hopya sa kanyang life! Super! I cannot imagine na sa kanyang estado ngayon sa buhay ay kapag tumibok ang puso'y kahit hopiang tinapey ay kakainin niya huh! 

Jusmio! Baliw na baliw na raw kasi si Ateng girl na female celebrity sa male celebrity na napupusuan niya! Siya talaga ang hulog na hulog kay male celeb na talaga nga namang saksakan ng kaguwapohan! 

Asang-asa at assume na assume si Ateng girl na ganoon din daw ang pagtingin sa kanya ni male celebrity! Samantalang si male celebrity ay wala naman talagang pakialam kay Ateng girl! 

Meaning, si male celebrity, ang drama sa buhay ay ' gow with the flow ' lang dahil nga kailangan!

Kawawang Ateng girl! She's just so funny and so eewww! Gosh! Ka-ders siya because super pantasya siyang tipelya din siya ni male celeb na sa totoo lang ay wit naman talaga! 

Kakalurkey! As in kaka-OMG!

ASAWANG SUGAROL PAANO PIPIGILAN? MISIS HUMINGI NG PAYO SA CIA WITH BA

Asawang sugarol, paano pipigilan? Misis, humingi ng payo sa ‘CIA with BA’

Humingi ng payo si Rachel, isang OFW na misis, sa ‘CIA with BA’ kung paano niya haharapin ang kanyang asawang nalulong sa sugal. Sa episode nitong Linggo, Pebrero 16, nagbigay si Senador Alan Peter Cayetano ng mahahalagang legal at praktikal na gabay tungkol sa usaping ito.

Ayon kay Kuya Alan, kung umiiral na ang pagkahilig sa sugal bago pa man o noong kasal, maaaring gamitin ang psychological incapacity bilang batayan para sa annulment. Gayunpaman, kung hindi paghihiwalay ang solusyon na nais, may mga paraan upang maprotektahan ang ari-arian ng asawa.

"Ang maganda po, nasa batas [natin] na ‘yung utang na nanggagaling sa sugal o game of chance ay hindi pwedeng i-charge sa ‘yo," paliwanag niya. Ibig sabihin, kung magkaroon man ng malaking utang ang isang tao dahil sa pagsusugal, hindi ito maaaring ipasa sa kanyang asawa. Ngunit may panganib pa rin, lalo na kung ang kanilang ipon, ari-arian, o iba pang naipundar ay magamit o maibenta nang hindi alam ng asawa.

Dahil sagrado ang kasal, binigyang-diin ni Kuya Alan ang tatlong mahahalagang hakbang upang matulungan ang asawang nalulong sa sugal:

  • Aminin ang problema – "Kailangan ma-realize ng asawa mo na meron siyang addiction."
  • Humanap ng tulong – "‘Pag naamin niya na may problema, get help. Kung kaya niyang tumigil mag-isa, na ‘wag nang [lumapit] sa mga nagsusugal, maso-solusyonan ‘to kaagad. Pero kung hindi, get professional help."
  • Kontrolin ang pera – "Kung alam mong isusugal niya lang ‘yung pera, ‘wag mo nang ibigay sa kanya. Ikaw muna mag-manage nung pera habang may problema siya sa sugal."

Sa huli, pinayuhan ng senador ang misis na maging maingat sa paghawak ng kanilang pinaghirapang pera at tiyakin na mapoprotektahan ang kanilang mga ari-arian mula sa posibleng negatibong epekto ng pagsusugal.

Patuloy na ipinagpapatuloy ng ‘CIA with BA’ ang legacy ng yumaong Senador Rene Cayetano. Napapanood ito tuwing Linggo, 11:00 p.m. sa GMA7, na may replay sa GTV tuwing Sabado, 10:30 p.m.

 

HOW TO HANDLE A GAMBLING HUSBAND? WIFE ASKS CIA WITH BA

How to handle a gambling husband? Wife asks ‘CIA with BA’

Rachel, an OFW wife, sought advice from ‘CIA with BA’ on how to deal with her husband’s gambling addiction. In the episode on Sunday, February 16, Senator Alan Peter Cayetano provided important legal and practical insights on the matter.

According to Kuya Alan, if the gambling addiction already existed before or at the time of marriage, one could argue psychological incapacity as grounds for annulment. However, if annulment is not the desired solution, there are ways to protect the spouse’s assets.

"Ang maganda po, nasa batas [natin] na ‘yung utang na nanggagaling sa sugal o game of chance ay hindi pwedeng i-charge sa ‘yo," he explained. This means that if a person accumulates gambling-related debts, their spouse is not legally obligated to pay. However, the risk remains if their joint savings, properties, or assets are used or sold without the other spouse’s knowledge.

Since marriage is sacred, Kuya Alan emphasized three key steps to help a spouse struggling with gambling addiction:

  1. Acknowledge the problem – "Kailangan ma-realize ng asawa mo na meron siyang addiction."
  2. Seek help – "‘Pag naamin niya na may problema, get help. Kung kaya niyang tumigil mag-isa, na ‘wag nang [lumapit] sa mga nagsusugal, maso-solusyonan ‘to kaagad. Pero kung hindi, get professional help."
  3. Control the finances – "Kung alam mong isusugal niya lang ‘yung pera, ‘wag mo nang ibigay sa kanya. Ikaw muna mag-manage nung pera habang may problema siya sa sugal."

In the end, the lawmaker advised the wife to be cautious in handling their hard-earned money and to take steps to safeguard their assets from the potential consequences of gambling.

‘CIA with BA’ continues the legacy of the late Senator Rene Cayetano and airs every Sunday at 11:00 p.m. on GMA7, with replays on GTV the following Saturday at 10:30 p.m.

ALDEN, HIHINTO NA RAW SA PANLILIGAW KAY KATHRYN


After the success ng pelikulang ' Hello, Love, Agaib ' na kumita ng bilyon sa takilya worldwide ay inamin ni Alden Richards na hindi na raw ito manliligaw kay Kathryn Bernardo! Ayon sa Frontline Pilipinas report ni Laila Pangilinan sa Showbiz segment nito ay mas maganda raw kung mananatiling magkaibigan nalang daw ang turingan nina Alden at Kath.

Kaya naman umusbong na naman ang usapang baka nga raw nagkakausap na ang dalawang sina Daniel at Kathryn dahil nabalita rin ito kamakailan. 

Ayon pa sa ilang netizen, mukhang unti-unti raw ay magkakaayos na ang KathNiel at posible raw ito!

Ayon naman sa isang netizen, mukhang may bubulangang tsika raw patungkol sa KathNiel huh!

Naku! Ayon naman sa aking source, wala raw katotohanang nagkakamabutihan na naman ang ex-lovers na KathNiel at huwag daw pangunahan ang dalawa.

Kunsabagay, mas maganda kung bibiglain nalang tayo ng balita at mas magandang hintayin nalang nating manggaling kena Kath at Daniel ang kumpirmasyon kung totoo man!


 

" KAHIT PITIK SA TENGA WALA! HINDI AKO INAWAY NIYAN! " SAGOT NI KARLA NANG TANUNGIN KO KUNG BAKA PATI SIYA AY NAKARANAS DIN NG LIHIM NA PANANAKIT MULA SA EX NITONG SI JAM IGNACIO!

Sa totoo lang, vendicated pa rin si Karla Estrada! Sa isyung kinasasangkutan ngayon ng kanyang ex na si Jam Ignacio at sa sinapit ni Ateng Girl sa kamay ni Jam ay masasabi nating vendicated parin si Karla dahil simulang maghiwalay sila ni Jam ay hindi nagsalita si Karla ng kung anu-ano about Jam kundi nanatili itong tahimik at malayang pinalaya ang bawat puso nila ayon na rin sa pangyayari.

Sa pangyayaring yun, sa kabila ng pananahimik ni Karla, sa totoo lang ay pinagpiyestahan pa siya nitong si Ateng Girl sa mga post nitong palaging may patutsada kay Karla. Pero nanatiling tikom ang bibig ni Karla at natatawa na lamang sa pinaggagawa ni Ateng Girl.

Hindi ko mismo alam ang dahilan kung bakit kailangang maghiwalay sina Karla at Jam kaya wala akong karapatang magsalita kahit noon pa.

Hanggang sa bumulaga nitong mga nakaraang araw na may nambugbog at may nabugbog! 

Yun pala! Ang sangkot ay sina Jam Ignacio at si Ateng Girl na! 

Sa totoo lang din, hindi rin natin alam ang puno at dulo ng bugbugan dahil sina Jam at Ateng girl lang ang nakakaalam ng lahat noh!

Ayon na nga! Kaya naman naglabasan na ngayon ang tsikang babaero daw talaga itong si Jam at ayon na rin sa naging pahayag ni Ateng girl ay napaka-seloso nito! 

Well, sabi pa ng isang netizen, dasurv daw ng dalawa ang kanilang kinahantungan dahil pareho naman daw silang nang-apak ng kanilang kapwa!

May nagsabi namang kawawa naman daw si Ateng girl at basag ang pinagawang mukha daw! 

At kung anu-ano pang reaksiyon!

Sa lahat ng ito, vendicated si Queen! Kunsabagay, masaya naman si Karla sa kanyang pribadong buhay.

Nung tanungin ko nga si Karla about her reaction sa bugbig isyu at kung naranasab niya rin ba ito kay Jam noon, naging maikli lang ang naging tugon ni Queen.

" Wala Lola! Kahit pitik sa tenga ay wala! Di nga ako inaaway niyan! " maikling sagot pa ni Karla! 

That's it! Alam na kung bakit umabot sa ganoon! Hay! Pag-ibig!