As always, it was a success! Sabi nga nila, who can argue with success! Yes! Wala siyang katulad, walang papantay at nag-iisa lang siya! Kilalang world-class singer and performer. Yan si Jed Madela na kamakailan lang ay muling pinatunayang mapa-Pilipinas man o sa ibang bansa ay kayang-kaya niyang punuin ang isang tanghalan without using any other personalities sa kanyang field just to make it! Sa kanyang katatapos lang na All About Love--Valentine Concert na ginanap sa Kia Theatre, Jed Madela truly nailed it! Everytime! Anywhere! Yes. Being a fan and follower na rin ni Jed eversince, in every concert niya, wala kang ibang maririnig from the audience kundi lahat ay papuri sa kanyang angking galing sa pagkanta. Yung followers ni Jed, ibang level, may matanda, bata, pamilya, basta, saklaw niya lahat. Kahit ako, hindi ako manghihinayang sa libong ibabayad ko para lang mapanood siya. Dahil alam kong kulang pa ang halagang iyon sa performance na ipapamalas niya! Napanood ko ang buong concert show ni Jed. Mula sa unang kinanta ni Jed hanggang sa huling piyesa niya, as in, relate lahat ng taong nakapanood sa kanya. Nakakatuwa nga dahil everytime na matatapos ang isang kanta, since nasa dulong bahagi ako ng orchestra nakaupo dahil sinadya ko naman, yung mga tao, abangers kung anong susunod na kakantahin ni Jed huh. Alam mong lahat ng nanood sa kanya, mahal siya dahil everytime na magsasalita siya, nakikinig lahat sa kanya at yung palakpakan sa full-packed na venue, wow, grabe! Ganoon naman talaga tayong mga Pinoy, kapag gusto natin ang isang singer, hindi natin iisipin kung magkano ang ticket. Mahalaga sa atin ang makapiling siya at mapanood siya! Not only that! Iba kasi ang boses ni Jed. Everything ay kayang-kaya niyang awitin. Sabi nga ng isang couple sa likod ko that evening nung kantahin ni Jed ang isang Adele song, sisiw yan kay Jed! Kinilabutan ako sa tuwa and happiness dahil yes, i knew it, yun si Jed eh! Totoo yun! Sa kabuuan ng concert, behave ang audience sa panonood kay Jed at tutok silang lahat na halos wala na talagang tayuan at walang gustong mag-comfort room dahil baka nga naman may ma-miss sila! Ganoon ang hatak ni Jed Madela and so proud of this guy kaya mahal na mahal ko yan at marami at napakarami naman talaga ang nagmamahal sa kanya. One more thing, halos lahat ng kantang inawit ni Jed sa kanyang concert ay sinabayan lahat ng tao! Wow! Meaning, kahit si Jed, alam niya mismo kung anong dapat kantahin sa ganoon okasyon at hindi. Well, huwag na tayong magtaka kung one day, sa isang mas malaking venue like MOA and ARANETA ay gagawin na ni Jed ang kanyang solo concert na mismong siya na rin ang director and writer which he did na sa All About Love! Lastly, wala kasing yabang si Jed Madela. Yung character niya as a person, napaka-humble and low profile, yan din ang higit na minahal sa kanya ng tao.
" It was my honor sharing a part of my life with you guys. Directing and writing it wasn't easy but it was all worth it. You would have spent your valentines somewhere else but you chose to spend it with me. My heart is full! " ang facebook message ni Jed a day after the concert!
Thank you sa Ang Mata Ay Alagaan Foundation kung saan naging first choice si Jed to produce a concert. Sa sponsors for the huge help in making everything possible. GM Proponents Of Artists Incorporated nina Tita Annie Tajanlangit and Gerry Mercado. ASAP. ABS-CBN. TNT. Star Music family, Ryan Panaligan, Patty Yap, Kay Ate Flor Paclib at Totong Abordaje, Tribe of Jed, Team Jed Madela, WCOPA Team Philippines. Kay Sarah Faye at Tim Pavino, sa buong Band Team ni Jed at sa lahat-lahat ng kanyang personal sponsors and friends! THANK YOU EVERYONE!
LA LUNA SANGRE...LALONG KAABANG-ABANG ANG HULING TATLONG LINGGO!
Umpisa na ngayong gabi ang huling tatlong linggo ng teleseryeng La Luna Sangre na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo under Star Creatives ng ABS-CBN! Umpisa na rin ito ng mga naglalakihang pasabog sa seryeng ating inaabangan at tinututukan gabi-gabi sa Kapamilya Network! In fairness sa La Luna Sangre, mula umpisa hanggang ngayon ay humataw ito sa ratings. Pero ang tanong ng karamihan ay kung ano naman ang kasunod na proyekto ng KathNiel? Sa pagkakaalam namin ay isang pelikulang pasabog naman ang gagawin nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa direksiyon naman ni Cathy Garcia-Molina under Star Cinema. Ayon sa aming nabalitaan, mas malaking project ito kumpara sa huling pelikula ng KathNiel huh! Ratsada naman si Daniel Padilla sa kaliwa't kanang endorsements nito. Kamakailan lang ay ang Nescafe TVC nilang dalawa ni Karla Estrada at malapit na rin yata siyang mag-shoot para sa isang de-latang TVC! Next year na naman gagawa ng teleserye ang KathNiel dahil ang pagkakaalam namin ay ang teleseryeng Bagani naman ng LizQuen ang ipapasok sa timeslot na iiwanan ng La Luna Sangre! Bongga talaga ang KathNiel. Walang ibang kakabog diyan. Kaya yung loveteam diumano sa kabilang network na sinasabi nilang nagpataob sa KathNiel, hello world! Wala pa po silang napapatunayan noh! Hindi ko nga kilala ang mga yun eh! Basta! Mas maraming aabangan sa KathNiel this year! Abang-abang tayong lahat!
THE SIGNIFICANT OTHER....ANG PELIKULANG PARA SA LAHAT NG PUSONG NAGMAMAHAL!
Mukhang maganda ang istorya ng pelikulang The Significant Other starring Erich Gonzales, Lovi Poe and Tom Rodriguez. May mga eksenang pinag-usapan sa pelikula lalo na ang sampalan nina Lovi at Erich. Usap-usapan din ang pakikipag-laplapan nina Erich at Lovi kay Tom. Halata namang good kisser si Tom. Pero ang inaabangan sa pelikula ay ang walang kiyemeng pagbuyangyang ng tatlong bida ng kanilang kalamnan sa pelikula. Patalbugan nga raw sina Lovi at Erich sa pelikula kaya naman while shooting the said movie ay pinag-usapan naman talaga ito. Sa acting naman, given na yung pagiging magaling ng tatlong aktor sa pelikula. Seksi nga ang tema ng movie, pero huwag ka, may Dina Bounnevie at Snooky Serna huh! Well, mukhang papatok naman ang ganitong pelikula dahil alam naman nating si Tom ay napakaraming beki followers noh! Ganoon din ang mga kalalakihang nahuhumaling sa ganda nina Lovi at Erich noh! The Significant Other is centered on top fashion models Nicole and Maxenne who are two friends who realize that they are romantically involved with the same man Edward na isa namang plastic surgeon. Doon na iikot ang istorya ng pelikula. Ito rin ang kauna-unahang pagtatambal nina Lovi, Erich at Tom sa isang proyekto ng Cineko Productions. Kanino nga ba babagsak si Edward? Kay Nicole o Maxenne? Showing napo ang movie this coming February 21 release thru Star Cinema Productions. Naku, aabangan natin ang mga linyang " Kapag nangati, hindi kinakamot kundi ginagamot." at " Mas makati na nga sa higad, gumagapang pa sa dahon ng gabi." at marami pang ibang hugot lines sa pelikula sa direksiyon ni Joel Lamangan!
JED MADELA...ALL ABOUT LOVE NGAYONG FEBRUARY 14 NA SA KIA THEATRE!
Kung world class performer at performance ang pag-uusapan ay nag-iisa lang para sa akin si Jed Madela. Walang tanong-tanong dahil hindi niya lang naman pinatunayan ang kanyang kakayahan dito sa Pilipinas kundi lalo na sa buong mundo! Lahat po ng ginawang concerts ni Jed ay purong sold-out! Kaya naman this time ay minabuti niyang gawin ang isang valentine concert sa Kia Theatre na mismong araw ng mga puso! Concert with a purpose ito na may titulong "All About Love "which is For the Benefit of “Ang Mata’y Alagaan Foundation”
It is Jed’s first time in about 10 years to do a valentine show in Metro Manila as he intentionally does his valentine shows out of the country or in the provinces.
Jed is in the process of making a “kick ass” album... which characterizes the kind of singer that he truly is... this is not the “sing along” kind. Jed’s heavy involvement in mentoring and coaching aspiring artists that we put forth into the world stage in Hollywood, at the WORLD Championships of Performing Arts where he is also a Regional Director for the Visayas region. He is quite generous with his techniques and styles to those he mentors that the Philippines continues to bring home the bacon in the singing category. He is featuring these kids at his valentine concert. He continues to be a premier concert artist in demand in the Philippines and abroad. See you guys this February 14 sa Kia Theatre! It's truly a valentine date!
Guests:
Sarah Faye - US trained Coloratura singer
WCOPA Team Philippines
Timmy Pavino
It is Jed’s first time in about 10 years to do a valentine show in Metro Manila as he intentionally does his valentine shows out of the country or in the provinces.
Jed is in the process of making a “kick ass” album... which characterizes the kind of singer that he truly is... this is not the “sing along” kind. Jed’s heavy involvement in mentoring and coaching aspiring artists that we put forth into the world stage in Hollywood, at the WORLD Championships of Performing Arts where he is also a Regional Director for the Visayas region. He is quite generous with his techniques and styles to those he mentors that the Philippines continues to bring home the bacon in the singing category. He is featuring these kids at his valentine concert. He continues to be a premier concert artist in demand in the Philippines and abroad. See you guys this February 14 sa Kia Theatre! It's truly a valentine date!
Guests:
Sarah Faye - US trained Coloratura singer
WCOPA Team Philippines
Timmy Pavino
FIRST MAJOR CONCERT NG CLIQUE V NGAYONG FEBRUARY 27 NA SA MUSIC MUSEUM!
Kasado na ang lahat ng gagawing production number ng pitong miyembro ng newest boy group na Clique V para sa kanilang kauna-unahang major concert ngayong February 27, 8pm na gaganapin sa Music Museum na produced mismo ng kanilang management company na 316 Events & Talent Management Company. Puspusan na ang ang mga guwapo at cute members ng Clique V sa kanilang rehearsals and pagpapaganda ng katawan. Ayon sa 316, gusto kasi nilang kahit papano ay may ipapakitang ganda ng katawan ang mga bagets dahil hindi lang kakanta ang mga ito kundi may gagawin din silang dance numbers na sigurado akong paiinitin tayo huh! Puwedeng sabihing sings and dance ang grupo na kinabibilangan nina Karl, Sean, Clay, Marco, Josh, Rocky at Tim. In fairness sa mga bagets, simulang hinawakan namin ang publicity and promotions nila at nakasalamuha namin sa mga out of town scenes ay hindi ko nakitaan ng yabang at asta ang mga ito. Pero kapag pinapanood na namin silang nagpi-perform, wow, may angas at kanya-kanyang eksena sa appeal ang bawat isa huh! Magkakaroon ng special guest ang Clique V during the concert at excited na kami sa totoo lang! Just wanna say thank you sa mga artista at singers na nagbigay ng kanilang suporta sa pagsulpot ng newest boy group thru video greetings! During the said concert ay maririnig niyo rin ang mga original compositions ni Direk Joven Tan na kinanta ng Clique V na kasama sa kanilang album na puwede niyo napong i-download sa youtube, spotify at amazon! Tiyaga lang mga anak at pasasaan ba ang lahat! Happy for you Clique V! Stay humble!
SA UMAAPAW NA BIYAYA, KARLA AT DANIEL, TAOS-PUSO ANG PASASALAMAT!
Beautiful ang newest tvc ng mag-inang Daniel Padilla at Karla Estrada. Tumpak at perfect ang mag-ina sa naturang tvc dahil tugmang-tugma ang konsepto sa kanilang dalawa. It's true. Napakarami nilang pinagdaanang mag-ina. Si Daniel ang totoong nakaranas ng totoong hirap sa kanilang apat na magkakapatid dahil siya ang panganay. You can ask Daniel dahil nakita niya mismo ang kanilang pinagdaanang mag-ina. But Karla didn't stop praying that someday ay makakaraos din. Patience is a virtue sabi nga nila. Hindi nawalan ng pag-asa lalo na si Karla at patuloy niyang itinaguyod ang kanyang mga anak at naniwalang darating ang araw na pasasaan ba't magliliwanag din ang lahat at magkakaroon din sila ng magandang buhay. Now it can be told. Simbolo ang mag-ina na kapag naniwala kang may DIYOS at kapag gumawa ka ng mabuti sa kapwa, posible ang magandang biyaya mula sa Itaas! Sa ngayon ay ine-enjoy na ng mag-ina ang bunga ng isang tagumpay na kahit sila mismo ay hindi nila inakalang ipagkakaloob sa kanila. Happy lang ako to see them both doing good and great sa kani-kanilang karera and happy so much dahil nagkaroon din sila sa wakas ng magandang buhay at patuloy sa pagiging mabuti sa kapwa! More blessings para sa inyong dalawa! Happy me!
XIAN LIM....KAABANG-ABANG SA PELIKULANG SIN ISLAND!
Hindi pa namin alam kung anong totoong dahilan kung bakit biglaang umalis sa bakuran ng Star Magic si Xian Lim at contract star na ito ngayon ng Viva Artists Agency. Hindi naman na ito bago sa amin dahil for the past years ay napakaraming artista na rin ang nakita naming kapag pakiramdam nila ay hindi na sila nago-grow sa kanilang management agency ay lumilipat talaga sila sa ibang management company. Hindi rin namin alam kung masasabi nating career move ito or maybe may mga dahilan naman talaga sila kung bakit kailangan nilang lumipat. Kapag inisip mong mabuti, ganoon ba talaga sa showbiz na kapag ang isang artista ay hindi na gusto ang nangyayari sa kanyang career sa isang company, the easiest thing to do ba talaga ay ang lumipat ng management? Is that good? Well, kakalungkot lang dahil ang Star Magic naman talaga ang nag-hulma sa isang Xian Lim na sana lang sa paglipat nito sa Viva ay mas lalong titingkad ang kanyang career noh! Anyways, timing naman yata ang pelikulang Sin Island na pinagbibidahan ngayon nina Xian Lim, Nathalie Hart at Coleen Garcia na showing na ngayong February 14 in cinemas nationwide! Timing dahil mukhang sa pelikulang ito ay walang kiyemeng nagbuyangyang na ng kanyang kahubdan si Xian huh! This kahubdan thiung matters to me dahil super crush ko naman personally si Xian noon pa. The height, the looks, the body, as in wow lang talaga ang masasabi ko sa kanya kahit may mga tsismis pang isa siyang closet gay! Wala akong pakialam dahil unang-una ay hindi ko naman nakikita sa kanya! Don't care anyways! Hahahaha! Mukhang panalo ang movie because mukhang nagpaka-daring din sa movie sina Nathalie Hart at Coleen Garcia. Sa trailer palang ng movie ay mukhang panalo na ang istorya nito Day! Ito na kaya ang most daring movie of the year? Abangan! Showing napo ngayong February 14 in cinemas nationwide from Star Cinema!
SOFIA ANDRES...RATSADA SA WORK!
Mukhang wala raw sa mood itong anak-anakan naming so Sofia Andres nang dumating ito sa isang presscon kamakailan. Halatang hindi raw maganda ang naging araw na iyon kay Sofia kaya kitang-kita raw ito sa kanyang aura habang kausap siya ng ilang kasamahan sa entertainment media and bloggers. Sabi ng ilang kasamahan, may attitude daw talaga si Sofia at medyo disappointed daw ang ibang kasamahan sa ipinakita ng sikat na ring aktres sa kanyang henerasyon. Medyo naloka lang ako personally sa mga tsika ng ibang kasamahan dahil unang-una po ay sino po tayo para husgahan kaagad ang young actress? Kesyo ganoon ang nakita nating attitude niya that day ay masama na ang ugali niya at attitude na ito? Nakakalungkot lang minsan na inuunahan natin ang mga sitwasyong hindi naman dapat at hindi natin alam ang pinagdadaanan ng aktres. Masyado tayong malinis sa ganoong panghuhusga at puwede naman nating ipagkibit-balikat na maaring may pinagdadaanan siya dahil lahat naman tayo ay tao lang na minsan, may mga araw na nagkaroon tayo ng mga problemang hindi maiwasang isipin. The fact na nandoon siya para sa presscong ay bigyang respeto naman natin ang pagiging professional niya sa kanyang trabaho at sa atin na rin! Kilala ko si Sofia sa pagiging sweet girl nito at malambing sa mga nakakasalamuha niya. Napag-alaman ko rin na totoo nga, that day ay may pinagdadaanan talaga ang buong family niya. Ang naging mali lang siguro ni Sofia, hindi niya naisip na kapag binigyang-pansin niya ang mga ganoong bagay sa oras ng trabaho ay maaapektuhan talaga siya which is okey lang naman yun dahil tao lang tayo. Payo ko na rin sa anak-anakan, control and stay happy lang Nak! Ang mga problema ay nandiyan lang yan at harapin lang itong nakangiti! Lagi mong isipin na life is beautiful because you're so beautiful and blessed! Hay naku! Basta! After niyang umariba sa kanyang karakter sa katatapos lang na seryeng Pusong Ligaw ng Star Creatives ay mapapanood muli si Sofia Andres sa upcoming teleserye ng LizQuen na Bagani under Star Creatives! Ganoon lang Nak! Smile, Work and Enjoy!
ROBIN PADILLA.....BINASHED!
Sa presscon ng kanyang latest seryeng Sana Dalawa Ang Puso ng Star Creatives that will start airing this coming January 29 sa Kapamilya Network ay hindi nakaligtas si Robin Padilla sa ilang entertainment bloggers and media friends patungkol sa isyung kinasangkutan nito about this young Korean na nag-audition sa bagong season ng Pilipinas Got Talent. Napanood ko ang naturang episode sa isang facebook share. Actually, cute nung Korean at alam kong talented naman siya talaga bilang nagma-magic trick! Sa totoo lang, wala namang masamang intensiyon si Robin Padilla sa kanyang ginawang paulit-ulit na pagsasabing magsalita sa tagalog ang naturang Korean o sumagot sa wikang filipino kapag kinakausap nila ito. Mukhang naintindihan din naman ng Korean ang ibig sabihin ni Robin. Tama naman si Robin sa kanyang pinupuntong nasa Pilipinas Got Talent nga naman itong Korean. Siguro, ang mali lang na nakita ko doon ay ang gesture ni Robin habang binibitiwan ang kanyang mga salita sa Korean na parang binabara niya pa ito at yung tuno ng boses ni Robin. Siguro kung nabitiwan ni Robin sa mas magandang antas ng pakikipag-usap ang mga sinabi niya na hindi mag-mukhang napahiya ang Korean ay maaring tanggap pa ito ng mga nakapanood. Pero sa totoo lang, maliit na bagay lang naman yun at wala naman talaga sigurong intensiyon si Robin. Medyo foul lang daw talaga ang kanyang ginawa na hindi nakayanang tanggapin ng mga nakapanood kaya naman after that episode ay binaha ng bashing si Robin Padilla. Hay, yan ang nagagawa ng social media sa ating lahat na feeling natin napaka-powerful nating lahat na sa isang pindot lang ay atin na ang mundo! Basta ang alam ko ay mapapanood na simula ngayong January 29 ang teleseryeng Sana Dalawa Ang Puso nina Jodi Sta. Maria, Richard Yap at Robin Padilla sa Kapamilya Network!
ASINTADO...SIMULA NA NGAYONG ARAW AFTER SHOWTIME SA KAPAMILYA GOLD!
Today after Showtime ay simula ng mapapanood sa Kapamilya Gold ang teleseryeng Asintado na pinagbibidahan nina Julia Montes, Paulo Avelino, Shaina Magdayao at Aljur Abrenica kasama ang naglalakihang beteranong aktor tulad nina Cherry Pie Picache, Agot Isidro at Nonie Buencamino. Nung unang araw na malaman kong ipapalabas na ang serye, sabi ko, i posted it sa aking facebook wall na magpa-flop ang ratings nito. Sad because napakaganda ng istorya ng serye. Sabihin na nating saklaw ni Julia Montes ang naturang afternoon slot na kanya naman talagang pinatunayan sa kanyang nakaraang seryeng Doble Kara pero sana man lang nailagay sa magandang slot ang teleserye knowing that the story itself, wow, ibang klase at yung mga artistang bida, magagaling naman talaga! Tulog po at super busy ang mga tao sa mga oras na yan, sigurado po ako diyan. I have nothing against anybody when i posted it. Nanghihinayang lang ako sa istorya nito at pang-primetime talaga ito! Sayang ang 90% na komentong nakuha ko sa mga nakausap ko. Sana, mali ako sa hula ko at sa sinabi ko dahil mahal ko naman ang mga bidang aktor sa seryeng ito. May mga pagkakataong nalalagay talaga sa alanganing sitwasyon ang isang serye that causes flag down sa mga artistang umaasang babango ulit ang kanilang pangalan sa pamamagitan ng isang seryeng kinabibilangan. Okey lang sa mga artistang may napatunayan na. What about the feelings nung ibang magsasabing " wow, akala ko makakabawi na ako sa seryeng ito " na magaling din namang artista? Yung iba naman, as long as hindi sila ang apektado ng flop title ay wala naman silang pakialam! Well, hoping that this serye will make it to the top 5! Maganda talaga ang story nito. Kaya since nandiyan na, sige, support it nalang para sa mga iniidolo nating mga celebrities! Goodluck Asintado. Sana ma-asinta ninyo ang magandang ratings! Mwuah!
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
OKEY! Wala naman talagang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada na mag-jowa na sila o kung anuman! Ang nangyari kasi, s...
-
MARCOS MAMAY CLOSES THE YEAR WITH MAJOR MILESTONES IN PUBLIC SERVICE AND SHOWBIZ Vice Mayor Marcos Mamay ends 2025 with a series of major ac...









