JED MADELA...6 BESES PINALAKPAKAN SA SEATTLE CONCERT!
" taffy_kaxel where do i start? Thank you VXVII events for bringing Jed Madela in Seattle. It was indeed an awesome concert. All my friends and clients had a blast. Until now they still have a hangover from the concert. They call me today and they said the best daw talaga. Salamat gid! They request for a repeat pleaseeee! " bulalas pa ng isang avid fan ni Jed.
Sa facebook post naman ni Jed Madela ay walang humpay naman ang pasasalamat nito sa mga taong patuloy na naniniwala at sumusuporta sa kanyang kakayahan bilang isang sikat at world-class performer.
" Thank you very much Seattle!!! You made my first time here very memorable! And Thank you for the 6 standing ovations!!! I'am difinitely coming back soon!! " Jed's post.
Sa anim na standing ovations ay isa sa pinalakpakan ay ang kanyang latest single under Star Music titled " Di Matitinag " na currently making waves sa local music chart! Ngayong October 2 naman ang balik ng Pilipinas ni Jed. Sa kanyang pagbabalik ay deretso naman si Jed sa kanyang local commitments kasama na ang kanyang puspusang paghahanda para sa kanyang nalalapit na Jed Madela XV Concert ngayong November 16 na gaganapin naman sa Smart Aranera Coliseum with guests Darren Espanto, Boy Band PH and TNT Boys!
JED MADELA...WALANG TIME SA BASHERS!
Walang oras sa kanyang bashers si Jed Madela. May mga bashers na parang kabute kamakailan lang ang nagsulputan sa socmed partikular sa twitter. Binashed ang World-Class performer. Ayun pa sa isang kabute, ayaw niya raw sa mga kanta ni Jed. Yung isang kabute naman ay magaling naman daw na singer si Jed pero bakit hindi naman daw umaariba sa sales ang album nito. Dalawa lamang yan sa mga kabuteng nagsulputan na walang ginawa kundi laitin at chararatin si Jed Madela. Mga kabuteng walang magawa sa buhay nila na pakiramdam ko ay nagpapapansin lang kaya minabuti kong huwag ilagay ang post nila sa blog ko. Bakit may mga taong hindi talaga masaya sa achievements ng kanilang kapwa. Why not admire Jed nalang at maging happy sa kanyang karera. Kung ayaw niyo naman sa kanya, puwede namang manahimik at maging masaya sa paraang gusto ninyong maging masaya kayo. But sad to say. Wala pong panahon si Jed Madela para patulan pa ang mga ganitong eksena sa kanyang buhay. Just wanna let you know na mas mahalaga sa sikat na singer ang tutukan ngayon ang kanyang nalalapit na Jed Madela XV Concert na gaganapin sa Araneta Coliseum ngayong November 16! Ayon kay Jed, salamat pa rin sa kanyang mga kritiko! O! Ayan ha! Pinasalamatan pa rin kayo! Manood nalang kayo ng concert niya kasi bago kayo nagtatalak diyan. Wala kayong magawa!
JOSHUA GARCIA...MAHALAGA ANG FANS!
Mahalaga para sa Ngayon At Kailanman actor Joshua Garcia ang kanilang fans ng ka-true to life loveteam nitong si Julia Baretto. Sa HongKong trip nito para sa isang commitment ay halos hindi na makalabas ng arrival area si Joshua sa dami ng fans nitong nag-abang sa kanya para makapagpa-picture. Walang pinalampas na pagkakataon mismo si Joshua Garcia upang mapagbigyan lahat ng naghintay sa kanya. Ayon pa sa isang post ay very accomodating si Joshua at walang arte. Big boy na nga si Joshua at kitang-kita at ramdam na ramdam naman namin ang kanyang pagmamahal sa mga nagmamahal sa kanyang fans nito hindi lang dito sa Pinas kundi sa buong mundo! Samantala, sa Ngayon At Kailanman ay obvious na ang selosan sa pagitan nina Oliver (Jamesone Blake) at Ino (Joshua) over Eva (Julia Barretto). Ipinagtanggol ni Ino si Eva sa pambabastos sa kanya ng barkada ni Oliver, bagay na hindi nagustuhan ng huli. Mas malalaking eksena ng agawan pa ang mapapanood sa serye at mas maraming kilig pa ang nakaabang!
CINCO BOYS....SOARING HIGH!
KATHNIEL...TINALO NA SI VICE GANDA!
The How's Of Us...How To Love and Unlove!
The Hows Of Us is a story of two people. Dalawang taong may kanya-kanyang pangarap para sa kani-kanilang pamilya. Dalawang taong nagmahal. Dalawang taong gagawin ang lahat at susuungin ang hirap ng buhay magkaroon lamang ng katuparan ang lahat ng kanilang pangarap. This film will showcase us a beautiful but winding love story. Just like Primo and George, may kanya-kanyang kuwento tayo ng loving and unloving. Papano nga ba nila isasalba ang kanilang pagmamahal sa isa't isa? May pag-asa bang ang bumalikong desisyon natin sa buhay ay muling maitutuwid pagdating ng tamang pagkakataon? Well, isang pelikulang maipagmamalaki ng KathNiel. Isang pelikulang pinaghandaan nina Daniel at Kathryn. This time, accorsing to Direk Cathy Garcia-Molina ay kakaibang KathNiel na ang ating mapapanood sa malaking telon. Ibang level na 'to, sabi nga nila! Speaking of level, sa matitinding tanong ng entertainment media sa dalawang bida, matitinding pasabog naman sa katalinuhan ang ipinamalas ng KathNiel sa pamamagitan ng kanilang pagsagot sa mga tanong sa kanila. Ibang level na nga! Kunsabagay, ilang beses na rin nilang pinatunayan ang kanilang kakayahan bilang magagaling na aktor mapa-pelikula man o telebisyon lalo na ang paghataw ng bawat pelikula nila sa takilya at ratings naman sa bawat palabas nila sa mukha ng telebisyon! Sabi nga ng isang kaibigan, KathNiel is KathNiel nasa harap man ito o likod ng kamera! Showing napo ang THOU simula ngayong August 29 in cinemas nationwide handog sa atin ng Star Cinema!
JAMESON BLAKE HAPPY SA KANYANG MOVIE AND TELEVISION CAREER!
" I'am focused on projects na binibigay po sa akin. Ganoon po kasi ako. Kasi, napaka-dali kong ma-destruct as a person. So as much as possible, this is what iam doing that in every project, naka-focus po ako. I always make it sure that i also, always give my best! " bulalas pa sa amin ng guwapong aktor nang makatsikahan namin ito sa blogcon/pilot viewing last Monday.
Personally ay happy kaming makitang nagtatrabaho ng maayos si Jameson para sa kanyang career. Actually, magaling siyang umarte. Kaya hindi yan mawawalan ng proyekto! Ang tanong, kelan naman siya mabibigyan ng solo break sa telebisyon? Well! Let's wait!
" Am happy po sa career ko. Contented and happy always." sez Jameson na halata namang very happy siya. Trusted ang binatang aktor kasi napaka-professional daw niyang magtrabaho.
JOSHUA AT JULIA...BIG BANG ANG KAUNA-UNAHANG TV SERIES NA NGAYON AT KAILANMAN!
Big Bang para sa tambalang JoshLia ang kauna-unahang teleserye nila together. Ang Ngayon At Kailanman na nag-pilot airing last monday sa Kapamilya Primetime Bida. Kaagad naman umariba sa ratings na 31.2 ang series ng dalawa kaya masayang-masaya ang buong production team ng Star Creatives sa naging response ng televiewers. Kasama po kasi kami last monday kasabay ang buong production staff, cast and crew ng Ngayon At Kailanman upang panoorin ang pilot airing nito. Bumuhos din ang suporta ng kapwa artista nina Joshua at Julia sa social media kaya naman after the said viewing dinner ay kaagad naman nagpasalamat ang buong cast! Sa totoo lang ay para kang nanonood ng pelikula. Sa umpisa palang ay ramdam mo na ang magiging malupet na pang-aapi at matitinding eksena sa serye. I love it. Yung script ng series, sobrang mamahalin mo. Promise. You will also experience pain in this series na hopefully ay kayanin ng televiewers lalo na ang kuwento ng salitang ganid sa series. Kaya abangan natin ang JoshLia dahil ibang level rin ng pag-arte ang ipapakita sa atin ng dalawa kasama ang naglalakihang cast nito. Pretty sure akong makakasabay naman ang JoshLia kaya kampante na ako doon. Big project ito for Joshua and Julia sa totoo lang pagkatapos nilang patunayan ang kanilang kakayahan bilang mga aktor sa halos apat na kumitang movie nila together! Gow JoshLia! It's your turn!
PETMALU....PINALUPET NG KIERVI!
Bagay na bagay itong sina Vivoree Escleto at Charles Kieron. May chemistry ang dalawa. Parehong maganda at guwapo. Parehong magagaling umarte at kumanta pa! Sa katatapos nilang mall shows promoting thier latest movie titled Petmalu under the direction of Joven Tan showing September 5 in cinemas nationwide from Red Nine Entertainment ay talagang dinudumog ang dalawa huh! Sa pelikulang Petmalu ay naging deretsahan ang dalawa sa pagsasabing mapapanood diuamano rito kung saan silang dalawa hahantong. But when asked about kung saan sila hahantong in real life, tumawa nalang ang KIERVI loveteam! May pupuntahan ang tambalang ito sa totoo lang. Grabe ang fans and followers nila huh! Super suporta ang mga ito lalo na sa social media. May ilang factor pa sa kanilang dalawa lalo na kapag nasa stage na sila as what i've observed sa mga mall shows nila pero yung cuteness nila ay ramdam mo talaga! Well, napapanood parin ang dalawa sa Dreamscape series na Asintado. Mabigyan lang ng solo series ang KierVi ay pretty sure akong kaka-boom ito! Promise!
Jed Madela XV Platinum Tickets...SOLD OUT!
" Naku! Sana! Nakakaram na ng saya. Pero may konting nerbiyos parin Kuya Dom. Please, support niyo po ako. Sa mga hindi pa nakakabiling ticket, marami pa pong mabibili after po ma-sold out today ang platinun section namin." masayang mensahe pa ni Jed sa akin.
Please call TicketNet at 911-5555 for tickets! Kitakits po tayo on November 16 guys!
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
OKEY! Wala naman talagang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada na mag-jowa na sila o kung anuman! Ang nangyari kasi, s...
-
MARCOS MAMAY CLOSES THE YEAR WITH MAJOR MILESTONES IN PUBLIC SERVICE AND SHOWBIZ Vice Mayor Marcos Mamay ends 2025 with a series of major ac...


