ShowbizlandiaPH

TAGUMPAY ANG YEAR END COUNTDOWN KAGABI NG NET25 SA PHILIPPINE ARENA

It's a blasts!Naging matagumpay ang isinagawang year-end countdown ng NET25 na ginanap sa philippine arena kagabi December 31, 2021!

Taong 2020 ang huling may isinagawang countdown sa Philippine Arena. Noong nakaraang taon, dahil sa ipinatutupad na restrictions ay wala munang isinagawang ganitong presentasyon. 

Bukod sa hatid na saya ng mga live performances ay may mga napiling winners sa 'Selfie with the Agila' promo. 

Habang nanunuod kasi ang netizens ng naturang programa ay maaaring mapanalunan ang isang brand new car, iphone 13 at samsung s21 phone. Bukod diyan may cash prizes din. Limang winners ng P100,000, dalawang winners ng P50,000, limang winners ng P25,000, 25 winners ng P10,000, at 25 winners naman ng P5,000.  

Ang mga nanalo sa 'Selfie with the Agila' promo ay iaanunsyo sa mga programang 'kada umaga' at 'Ano Sa Palagay nyo (ASPN)' nina Ali Sotto at Pat-P Daza. 

Unang nagperform on stage si Callalily frontman Kean Cipriano kasama ang kanyang banda, sinundan ito ng 'Magandang Dilag' hitmaker na si JM Bales, ang actor-singer na si Ruru Madrid, ang rapper na si Rapido, ang acoustic singer na si Princess Velasco at ang south border lead vocalist na si Jay Durias. Nagkaroon din sila ng duet ng 'With a Smile' ni Maureen Schrijvers. Nagpakitang gilas naman sa dance floor sa saliw ng mga sikat na tiktok dance craze sina Athena Madrid, Jon Lucas at Ms. Emma Tiglao. 

Present din sa Philippine Arena ang cast ng Quizon CT na sina Eric Quizon, Epi Quizon, Vandolph Quizon, kasama si Jenny Quizon.

Ang naturang pagsalubong sa bagong taon ay pinangunahan ng 'kada umaga' morning show hosts na sina Pia Guanio-Mago, Emma Tiglao, Maureen Schrijvers, Tonipet Gaba at Wej Cudiamat kasama din si Alex Calleja.

Patunay lamang na patuloy na sa pag-ariba ang Net25 ng EBC ayon na rin sa unti-unting pag-ganda ng kanilang tv shows mula umaga hanggang gabi at mula lunes hanggang linggo! 


Tumagal ng mahigit trenta minutos ang fireworks display... Isa din sa highlight ng naturang pailaw ay ang lumilipad na 'Agila'. 

Isinara naman ng performances ng bandang Mayonnaise ang ginanap na masayang year-end countdown. 

Ipinaskil ni Dominic Rea sa Disyembre 31, 2021 Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

TUTUKAN MAMAYANG 10PM ANG LET'S START 2022-GETHER NG NET25 NEW YEAR COUNTDOWN SPECIAL AT MANALO

SAMU'T-SARING SAYA AT PAPREMYO ANG IHAHATID NG NEW YEAR COUNTDOWN SPECIAL NG NET25 – ANG LET'S START 2022-GETHER !

BRAND NEW CAR ANG TOP PRIZE SA ‘SELFIE WITH THE AGILA’ PROMO NA PWEDENG-PWEDENG SALIHAN NG LAHAT NG MGA MANONOOD. MAG-REGISTER LAMANG SA NET25 WEBSITE (NET25.COM), ABANGAN ANG PAGLITAW NG AGILA SA SCREEN AT MAG-SELFIE KASAMA NITO. 

IPADADALA ANG LARAWAN SA NATURANG WEBSITE PARA SA TSANSANG MAIUWI ANG BAGONG KOTSE.

MAY PAGKAKATAON DIN ANG VIEWERS NA MANALO NG IPHONE 13 AT SAMSUNG S21 PHONE, LIMANG WINNERS NG P100,000 EACH, DALAWANG WINNERS NG P50,000 EACH, LIMANG WINNERS NG P25,000 EACH, 25 WINNERS NG P10,000 EACH, AT 25 WINNERS NG P5,000 EACH.  

TANGI SA MGA PAPREMYO.... PANALO RIN SA ENTERTAINMENT ANG COUNTDOWN DAHIL SA PERFORMANCES NINA KEAN CIPRIANO, JAY DURIAS, MAYONNAISE, RAPIDO, RURU MADRID, ATHENA MADRID, PRINCESS VELASCO, JM BALES, JON LUCAS, ERIC QUIZON, EPI QUIZON, VANDOLPH QUIZON, KASAMA SI JENNY QUIZON.

MAPAPANOOD RIN ANG HOSTS NG UBOD -SAYANG (FUN)  MORNING SHOW NA KADA UMAGA SINA PIA GUANIO-MAGO, MAUREEN SCHRIJVERS, TONIPET GABA, WEJ CUDIAMAT, ANG INYO PONG LINGKOD PATI NA RIN SI ALEX CALLEJA.

MAMAYA NA NA ANG LET'S START 2022-GETHER ...AYA'T MAKISAYA SA PAGSALUBONG SA BAGONG TAON.

Ipinaskil ni Dominic Rea sa Disyembre 31, 2021 Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

KIT THOMPSON KINUMPIRMA SA KANYANG INSTAGRAM POST ANG RELASYON NILA NGAYON NI ANA JALANDONI

JUST IN: KUMPIRMADO! Sa instagram post ng aktor na si Kit Thompson nitong gabi ay may nakalagay sa caption na  " our first date " at ito nga ang larawang yun! Kumpirmadong mag-jowa na nga sina Ana Jalandoni, ang maganda at seksing lead star ng pelikulang MANIPULA ng A Flix Media Productions na ipapalabas ngayong January 2022! 

Inurirat ko noon si Ana about sa kanyang lovelife pero pinagdiinan nitong dating palang sila ng kanyang showbiz guy. Wala siyang inamin sa lahat. 

Hanggang nitong gabi lang, kuha sa kanilang first date na sa pagkakaalam ko ay 2 months na siyang nililigawan ay mismong si Kit Thompson na ang nagkumpirma nito sa kanyang instagram account! 

Tama nga ang hula ko! Si Kit Thompson nga ang sinasabi niya noon na ayaw pa niyang aminin! Wishing you the best!

Ipinaskil ni Dominic Rea sa Disyembre 15, 2021 Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

MANG JOSE NI JANNO GIBBS NGAYONG DECEMBER 24 NA SA VIVAMAX

Handa nang magpakitang-gilas si “Mang Jose” sa Vivamax ngayong Nobyembre.  Ang superhero na ito na nilikha at ipinakilala ng bandang Parokya ni Edgar bilang isang awitin noong 2005 ay isa nang pelikula na maihahanay sa mga extraordinary films na hatid ng Vivamax.

Si Janno Gibbs ay si Mang Jose na ang superpowers ay energy absorption and redirection.  Siya ang tinatawag ng mga taong nangangailangan ng tulong, ngunit dapat ay may kakayahan silang magbayad.  Hindi libre ang serbisyo ni Mang Jose, at umaabot pa nga ito ng ilang libong piso.  

Samantala, ang dating kapareha ni Janno na si Manilyn Reynes ay gumaganap bilang King Ina na gumagamit ng milk tea upang kontrolin ang pag-iisip ng mga tao.  Ang mga kampon ni King Ina ay tinatawag na Turborats.  

Nang gawing bihag ng mga Turborats si Tina (Bing Loyzaga), agad kinuha ng anak niyang si Tope (Mikoy Morales) ang serbisyo ni Mang Jose upang sagipin ito.

Inaasahan nang mahal ang magagastos ni Tope sa rescue mission na ito, ngunit ang isang mahalagang bagay na madidiskubre nila ni Mang Jose ay walang katapat na presyo.  

“Mang Jose” also serves as the big screen reunion of Janno and Manilyn after over two decades.  The JannoLyn tandem was one of the biggest love teams in the ‘80s, so even if they play rivals in this comedy-fantasy film, avid fans will be delighted about this reunion project.  Bing Loyzaga’s participation in her husband’s movie is an added bonus.

Siksik ang pelikula sa mga bakbakan at tawanan. Kaya sinisiguro ni Mang Jose at ng kanyang wacky sidekick na si Charlemagne (Jerald Napoles) na bibigyan nila tayo ng out of this world experience. Una nang nagkasama sina Janno at Jerald sa comedy movie na Pakboys na box office hit sa 2020 Metro Manila Film Festival.

Ito ang pinaka-unang pelikulang pinagsamahan nina Janno at Manilyn makalipas ang lampas sa dalawang dekada. Isa sa pinaka-malaking love teams ang JannoLyn noong ‘80s, kaya naman kahit magkalaban sila sa pelikulang ito, ang mga avid fans ay tiyak na matutuwa sa reunion project na ito.  Bonus pa ang partisipasyon ni Bing Loyzaga, ang real-life Mrs. Gibbs.  

Ang “Mang Jose” ay simula ng malaking oportunidad para kay Mikoy Morales na nakatakdang makasama sa inaabangang superhero series sa telebisyon. 

Mula sa direksyon ni Rayn F. Brizuela, ang “Mang Jose” ay nakalahok sa Bucheon International Fantastic Film Festival (BIFAN) sa South Korea noong July.  Hindi ito ang unang pagkakataon na mapasama ang pelikula ni direk Brizuela sa isang international film festival.  Ang kanyang first feature film na “Memory Channel” (2016) ay nakapasok sa World Premiere Film Festival. 

Maunang saksihan ang kapangyarihan ni “Mang Jose” sa Vivamax Plus, ang pinakabagong pay-per-view service ng Viva, sa halagang 299 pesos ngayong November 17, 2021 at sa December 24 naman sa Vivamax.

Para mag-stream, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store at Huawei store.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.  Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para makapagbayad mula sa  Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Mapapanood rin ang “Mang Jose” sa Vivamax Middle East! Sa ating mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar, watch all you can na for only AED35/month.  Sa Europe, makakapanood na sa Vivamax sa halagang 8 GBP kada buwan.  

Nasa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, USA at Canada  na rin ang Vivamax. 

Vivamax, atin ‘to!

Ipinaskil ni Dominic Rea sa Disyembre 15, 2021 Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

CHRISTINE BERMAS AT VINCE RILLON PAREHONG PINURI NI DIREK ROMAN PEREZ SA PELIKULANG SIKLO

Making waves na rin ngayon si Christine Bermas. Mula sa pagiging one of those ay ilulunsad na siya sa pelikulang Moonlight Butterfly ni Joel Lamamgan kung saan tatlong kalalakihan ang mahuhumaling sa kanyang pagiging paru-paru na sina Albie Casino, Ivan Carapiet at Kit Thompson. Tapos niya na ring gawin ang mga pelikulang Ang Huling Baklang Birhen, The Policeman, Sisid at ngayon naman ay ang pagpapalabas ng pelikulang Siklo sa Vivamax ngayong January 7, 2022 kung saan siya naman ang bidang babae kasama si Vince Rillon sa direksiyon ng napakahusay na film director na si Roman Perez Jr.

Sa katatapos lang na digital presscon ng nasabing pelikula ng Viva Films ay tinanong si Christine kung ano ang kanyang pakiramdam dahil mas mauuna pang ipalabas ang Siklo keysa sa launching movie niyang Moonlight Butterfly.

" Oo nga po eh! Ha! Ha! Ha! Feeling ko nga po baka naipalabas na lahat nung iba pang movies na ginawa ko at panghuli na yung launching ko. " tugon pa ni Christine.

Nagsunod-sunod kasi ang paggawa ni Christine ng pelikula pero okey lang naman daw sa kanya kung ano nalang ang maunang ipapalabas dahil mas mahalaga parin diumano para sa kanya ay ang pagdagsa ng blessing sa kanyang career.

Bakit ganoon nalang ka-pursigido si Christine? Ayon sa star in the making na produkto ng 316 Events And Talent Management ni Len Carrillo, ginagawa niya ang lahat ng ito hindi lang daw para sa kanyang sarili kundi lalo na diumano para sa kanyang pamilya.

Kung hindi natin alam, nanggaling lamang sa isang simpleng pamilya si Christine sa Palawan. Isang pamilyang salat sa lahat kaya naman sa kanyang murang edad ay natuto na siyang magbalat ng buto o maghanapbuhay para makatulong sa kanyang pamilya. Laking lola si Christine kaya nung makakita siya ng chance mula Palawan ay pumunta na siyang Maynila at the age of 15 at heto na siya ngayon at nilalakbay na ang daan tungo sa kanyang pangarap.

Kahit si Direk Roman ay hindi maiwasang purihin si Christine sa ipinamalas nitong galing sa pag-arte sa pelikulang Siklo. Hindi lang daw pagpapaseksi ang alam gawin ni Christine kundi mahusay din itong umarte. Tulad ni Direk Joel Lamangan ay pinuri din siya while shooting her launching movie.

Nagpasalamat din si Tin kay Direk Roman Perez Jr. sa pagtitiwalang ibinigay sa kanya bilang si Samara sa pelikula. Seksi man daw ang pelikula, malalim din daw ang aral na mapupulot dito lalo na't istorya ito ng mga delivery boys! 

Ipinaskil ni Dominic Rea sa Disyembre 15, 2021 Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

CHRISTINE BERMAS AT VINCE RILLON AABANGAN SA SEXY-ACTION-THILLER MOVIE NA SIKLO NGAYONG JANUARY 7 NA SA VIVAMAX

Sumakay na sa mga kapanapanabik na tagpo ng buhay at umangkas kay Ringo at Samara sa pagdating ng Siklo sa Vivamax ngayong January7.

Ang unang Vivamax Original movie ng 2022, ang Siklo ay isang sexy-action-thrillerna pinagbibidahan nina Vince Rillon at Christine Bermas. Kwento itmulti-awarded director na si Brillante Mendozao ni Ringo (Vince Rillon), isang delivery rider na mahuhulog sa pinagbabawal na pag-ibig sa isa sa kanyang mga customer, si Samara. Si Samara ay isa ring kabit ni Pastor Boy (Joko Diaz), na isang lider ng religious group na mandarambong at ginagamit ang mga nananampalataya nito upang lokohin at kuhanan ng pera. Matutuklasan ni Pastor Boy ang namamagitan kay Ringo at Samara at susubukan niyang sirain ang mga buhay nito sa pagdawit ng pangalan ni Ringo sa kanyang mga iligal na transaksyon, at  sa pananakit nito kay Samara. 

Sasakay sina Ringo at Samara sa motor ni Ringo at tatakas upang subukang magsimula ulit ng bagong buhay, lingid sa kaalaman nila ay natangay pala nila ang mga perang ninakaw ni Pastor Boy mula sa relihiyon nito. Tutugisin at hahanapin ang magkasintahan at mas manganganib pa ang kanilang buhay dahil kay Amang Pablo, ama ni Pastor Boy at ang pinaka lider ng kanilang pekeng relihiyon. 

Ang pelikulang ito ang unang lead role ni Vince at Christine para sa Vivamax, at pinatunayan nilang dalawa na may ibubuga sila pagdating sa pag-arte para sa mga intense at maaksyon na eksena. Siguradong mas makikita pa ang husay nila sa pag-arte sa pagbida nila sa iba pang Vivamax Original Movies at mga pelikula mula sa mga award-winning directors. Una nang nagkasama sa isang BL (Boys’ Love) movie sina Vince at Christine. Ito ay sa direction ng multi-awarded director na si Brillante Mendoza at pinagbibidahan din ni Paolo Gumabao - ang Sisd na malapit na ring ipalabas sa Vivamax. Magpapasiklab din dito si Ayanna Misola, fresh sa success ng Pornstar 2 at artist-vlogger na si Rob Guinto.

Mula sa Viva Films, ang Siklo at pelikula ni Roman Perez Jr., direktor ng ibang pang kilala at trending na mga Vivamax Original Movies na Taya at The Housemaid. Siya rin ang direktor ng 2019 erotic thriller movie na Adan.  

Ituloy ang pag-celebrate ng bagong at kumapit ng mahigpit at sumama na sa kakaibang byahe ng Siklo, mapapanood na sa Vivamax sa darating na January 7, 2021.

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store. 

Para sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para sa magbabayad naman gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para naman sa magbabayad gamit ang  Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay  SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Mapapanood rin ang Siklo sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, mapapanood na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.   

Ang Vivamax ay mapapanood na sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.  Vivamax, atin ‘to!

Ipinaskil ni Dominic Rea sa Disyembre 13, 2021 Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

AJ RAVAL NAKATANGGAP NG DEATH THREAT

Hindi pala talaga biro ang pinagdaanan lately ni AJ Raval--ang bidang babae sa pelikulang Crush Kong Curly ng Vivamax na mapapanood na ngayong December 17 mula s direksiyon ni GB Sampedro kung saan leading man niya naman ang newcomer actor na si Wilbert Ross.

Sa mga naging pahayag ni AJ during the virtual mediacon ay halatang fighter siya huh! 

Kanyang inaming napagod din siya sa mga nanghusga sa kanya pero wala naman daw talaga siyang magagawa sa mga ito. Nagkaroon siya ng mental breakdown actually kaya mas ninais nalang nitong huwag na masyadong depensahan ang kanyang sarili sa mga akusasyon sa kanya. 

Sonabi rin nitong pati death threat ay nakatanggap siya!

" Ang dami ko pong nare-receive na kung anu-ano. May mga death threat pa po. May mga galit na galit po sa akin. Nag-detox nalang po ako kasi nakakasira po talaga ng mental health yung social media. " paglalahad pa ni AJ Raval.

Samantala, tuwang-tuwa naman daw siya sa leading man niyang si Wilbert Ross sa movie na nung una ay nasusungitan siya nung una silang magkita at di kalaunan ay naging vibes naraw silang dalawa. 

Maaring ito na ang huling movie na makita nating bumubukwa ang kanyang bobey dahil plano na rin ni AJ na ipatanggal ang implant silicon gel sa kanyang dibdib next year. Nais din daw niyang magpaganda pa ng kanyang skin next year! Yun na!

 

  
Ipinaskil ni Dominic Rea sa Disyembre 10, 2021 Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

ANGELINE QUINTO 5 MONTHS PREGGY! WHAT A BLESSING TO CELEBRATE HER 10 YEARS IN SHOWBUSINESS!

Nitong gabi lang, araw ng biyernes, ganap na ika-6 ng gabi, December 10 ay tuluyan na nga'ng inamin ni Angeline Quinto sa The Purple Chair interview ni Boy Abunda sa youtube channel nitong siya ay 5 months pregnant. 

Sinabi ni Angge na September this year niya lang nalamang buntis siya na magiging panganay nila ng kanyang di-pinangalanang soon to be Daddy ng kanyang dinadala. Biniro pa nga ni Angge si Boy Abunda na itetext niya nalang daw si Boy sa pangalan ng guy.

Aniya, new chapter ito ng kanyang buhay after her Mama Bob left her kung saan nakita ito sa isa sa kanyang naging instagram post. New chapter kung saan isa na diumano siyang Ina at punong-puno na rin siya ngayon ng excitement lalo na diumano sa ipapangalan niya sa kanilang magiging anak.

Malumanay lang ang naturang interview ni Boy Abunda. Just like Angeline who answered everything in malumanay na halatang pinaghandaan talaga ni Angeline ang naturang pag-amin dahil ayun na rin mismo sa sikat na kapamilya actress-singer ay karapatan diumano ng kanyang mga fans and followers ang malaman ang totoo at estado ng kanyang buhay na naging bukas naman daw sa publiko simulang makilala siya sa showbiz.

What a blessing to celebrate Angeline Quinto's 10 years sa showbiz. Blessing ang magkaroon siya ng baby at blessing ang ayon sa kanya'y pagkakaroon nito ng major concert this December 25 titled 10Q araw ng pasko! Hindi vaaah!

Bagamat may anak na sa ibang babae ang lalakeng nagbigay sa kanya ng blessing ngayon, minahal niya raw ito dahil sa pagiging honest nito sa kanya sa loob ng halos isang taong pagmamahalan nila na ngayon ag nagbunga na rin ng isang anghel!

Deserve ni Angeline ang kasiyahang ito dahil hindi naman naging lingid sa ating kaalaman kung gaano niya minahal ang kanyang Mama Bob at kung gaano niya sinuportahan ang mga taong naging katuwang niya sa anumang meron siya ngayon sa buhay.

Mapapanood anv kabuuan ng interview kay Angeline sa youtube channel ni Boy Abunda na The Purple Chair. 

Ipinaskil ni Dominic Rea sa Disyembre 10, 2021 Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

AJ RAVAL AT WILBERT ROSS MAGBIBIGAY ROMANSA AT KOMEDYA SA PELIKULANG ' CRUSH KONG CURLY ' NGAYONG DECEMBER 17 NA SA VIVAMAX

A curly, sexy vlogger that everyone is crushing hard on is coming to Vivamax this December!

In “Crush Kong Curly”, AJ Raval stars as Elle, once a bullied ugly duckling and now the hottest celebrity vlogger in the country.  She believes that sex is power, and she knows how to use it well – be it in public or private shows.  She’ll do anything for her family.  She works hard to be able to build their dream home. But her grandmother does not know what she does for a living.  Elle’s friends are supportive of her, no matter how wild she gets.  Her first love broke her heart, but she’s not afraid to open her heart again.  But while she waits for “the one”, she’ll just keep opening her legs.  And that’s exactly how Peter finds her – legs wide open, lying on the floor, clad in a skimpy dress.

Wilbert Ross plays Peter, an architect who just moved in Elle’s neighborhood. He’s an ex-seminarian, a loving brother and uncle to his sister’s children.  The reason why he found Elle in an awkward position on the floor is because the wall in which she was leaning on has crumbled.  The attraction between them is undeniable.  Elle hires Peter for home repairs and one thing leads to another.  The conservative Peter suddenly finds himself fantasizing over Elle.  Elle feels the same way, and nothing can stop them from reaching the heights of passion.  

What begins as lust turns to love, but one discovery turns Elle’s world upside down.  Their lovemaking was streamed live and trending! Peter set it all up!  But why?  

“Crush Kong Curly” is AJ Raval’s first romantic comedy film after the success of her psychedelic, erotic thriller movie “Taya”, and Andrew E’s “Shoot Shoot” where she co-starred. 

This is the first full-length movie team-up of AJ Raval and Wilbert Ross, although they have both appeared in “Shoot! Shoot!”.  Wilbert, known for his singing and dancing talent, coming from the famous group Hashtag, also sang the “Crush Kong Curly” theme song.  

For this project, Award-winning director GB Sampedro (Astig) teams up again with screenwriter Conn Escobar who also wrote the screenplay of Sampedro’s other sexy comedy film, “Kaka”.  

“Crush Kong Curly” also stars Viva’s Maui Taylor as Pia, sister of Peter, Gina Pareño as Lola Elvie, Chad Kinis and Loren Mariñas as friends of Elle, Andrew Muhlach as Peter’s buddy, Jao Mapa as Peter’s brother-in-law, Madeleine Red as Elle’s sister, and Gab Lagman as Elle’s first love.

Stream and enjoy this movie on Vivamax starting December 17, 2021.  Go to web.vivamax.net or download the app and subscribe via Google Play Store and App Store. 

Watch all you can on Vivamax for only P149/month and P399 for 3 months for bigger savings.  

For payment thru website, you may choose from EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  For payment thru app, you may choose from Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  For payment thru Ecommerce, you may choose from Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  For payment thru authorized outlets, you may choose from Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  VivaMax’s cable partners are SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, and Concepcion Pay TV Network, Inc.  

“Crush Kong Curly” is also streaming on Vivamax Middle East! To our dear fellow Pinoys in UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, watch all you can for only AED35/month.  In Europe, Vivamax can be streamed for only 8 GBP/month.   

Vivamax is also available in Hong Kong, Japan, Malaysia,Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia,New Zealand, USA and Canada.Vivamax, atin ‘to!

Ipinaskil ni Dominic Rea sa Disyembre 09, 2021 Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest

ALEX AT TONI PATOK ANG SISTERRIFIC TANDEM SA THE EXORSIS NA MAPAPANOOD NA NGAYONG DECEMBER 25

Malakas ang kutob kong this movie The Exorsis na pinagbibidahan ng magkapatid na Alex at Toni Gonzaga ang tatabo ngayong taon sa takilya ng Metro Manila Film Festival. Ako personally ay gusto kong makapanood ng pelikulang magaan lang na matatawa ako, maiyak konti at matatakot and this movie fits my inaasam-asam na pamaskong pelikula bilang treat ko sa sarili ko after being jailed ng pandemic noh!

Sa trailer palang na aming napanood bago mag-umpisa ang virtual mediacon, tawang-tawa na kami at alam na naming kakabagin ka sa kakatawa sa movie. Idagdag mo pa diyan ang nakakatawang si Melai Cantiveros who's playing the name of Jessamae ( kalokang pangalan ) sa movie! Bakit kaya wala si Maritess? Kidding aside, beautiful itong film na minaneho naman ng isang fresh movie director na si Direk Fifth Solomon na minsan na rin naming binigyang puri noon sa kanyang debut film na Nakalimutan Ko Ng Kalimutan Ka na pinagbidahan ni Alex Gonzaga huh! 

Istorya ng dalawang magkapatid na magkaiba ang pag-uugali. Kumbaga si Toni ay matino at ito namang si Alex sa movie ay pasaway kaya siya ang dinikitan ng masamang espiritu kaya nasapian siya na ikinawindang naman ng kanyang Ate Toni sa film. Basta. Kakaloka ang mga eksenang mapapanood natin. 

Well, acting wise, natural kung umarte ang magkapatid huh! Parang sila lang sa totoong buhay. Na si Toni ay seryosong tipo at si Alex naman ay kikay na minsan daw o kadalasan ay walang preno ang bibig na kahit yung ibang bagay na hindi dapat sinasabi ay nasasabi ni Alex dahil nga sa pagiging kudaera nito! 

Ang nakakatuwa sa dalawa, as they grow older at kahit may kanya-kanya na silang pamilya, maintained pa rin diumano ang kanilang closeness bilang sissies in real life at yun diumano ang mahalaga sa kanila. 

Hay naku! Basta! Positive akong this MMFF Official entry ng Viva Films at Tincan na The Exorsis will make it to the box-office talaga. Kumpleto na kasi ang sangkap ng pelikula plus galing pa ng direktor nila! 

Ipinaskil ni Dominic Rea sa Disyembre 07, 2021 Walang komento:
I-email ItoBlogThis!Ibahagi sa XIbahagi sa FacebookIbahagi sa Pinterest
Mga Mas Bagong Post Mga Lumang mga Post Home
Mag-subscribe sa: Mga Post (Atom)

US AGAIN NINA JANE AT RK MASAKIT PERO NAPAKASARAP MAGMAHAL

  • TILA PRIVACY ANG HILING NINA DANIEL PADILLA AT KAILA ESTRADA SA KANILANG RELASYON NGAYON?
    Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
  • DANIEL AT KAILA IWAS POST SA SOCMED NG KANILANG TOGETHERNESS EME! BAKIT KAYA?
    OKEY! Wala naman talagang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada na mag-jowa na sila o kung anuman! Ang nangyari kasi, s...
  • MARCOS MAMAY CLOSES THE YEAR WITH MAJOR MILESTONES IN PUBLIC SERVICE AND SHOWBIZ
    MARCOS MAMAY CLOSES THE YEAR WITH MAJOR MILESTONES IN PUBLIC SERVICE AND SHOWBIZ Vice Mayor Marcos Mamay ends 2025 with a series of major ac...
Twitter Pinterest Facebook LinkedIn RSS

Pageviews

  • HOME

JIN MACAPAGAL VIDEO


Publicist/Columnist/Blogger/ Keribels:Youtube

Aking larawan
Dominic Rea
Rodriguez, Rizal, Calabarzon, Philippines
Tingnan ang aking kumpletong profile

DANIEL PADILLA

DANIEL PADILLA
ACTOR/SINGER

CLIQUE V

CLIQUE V
LAGUNA EXCELLENCE AWARDS

SETH FEDELIN

SETH FEDELIN
NEWBIE

BELLADONNAS

BELLADONNAS
LAGUNA EXCELLENCE AWARDS

Iulat ang Pag-abuso

Mga Tatak

316 Events And Talent Management Abandoned ABS-CBN ABSCBN ACTOR Actors Actress Ai Ai Delas Alas Alagang Angara Alessandra de Rossi Andrea Brillantes ANNE CURTIS Ang Henerasyong Sumuko Sa Love Angara For Senator Angel Locsin Ara Mina ARIEL VILLASANTA Arjo Atayde Bell Films Belladonnas Between Maybes BIDAMAN Boygroup CATRIONA GRAY CCM PRODUCTIONS Chinita Princess Cinema Clique V Club 690 Coco Martin CORNERSTONE D'Ninang Dancer Dancers Daniel Padilla Daniel Padilla Actor Daryl Ong DENISE LAUREL Dimples Romana Dondon Monteverde DONNY PANGILINAN DREAMSCAPE Dreamscape Digital DreamscapePH EBC FILMS ENDORSER ENRIQUE GIL Ensayado Epicmedia Famous Actress Famous Child Star FDCP Film Development Council Of The Philippines Film Directing FPJ Ang Probinsyano Francine Diaz FUMIYA Gabbi Garcia Gerald Anderson Globe Studios GMA Artist Center GMA Channel 7 GUERRERO DOS Halalan 2019 Hashtags Hatch.ph Hazelberry Cafe Hello Love Goodbye Hooq Horror Movie Hugot Queen Idol Philippines IT'S SHOWTIME It's Showtime BidaMan Its Showtime IWant JAKE CUENCA JAMES REID Jana Agoncillo Jane Oineza Janella Salvador Janjep Carlos Javi Lopez Binetez JBK JBK UK JENNELYN MERCADO JessaMae Gabon Joem Bascom John Lloyd Cruz Jordan Gigil Official Jordan Lim JoshLia Joshua Garcia Judy Ann Santos Julia Baretto Julia Barretto Juris Fernandez Kadenang Ginto Kapamilya Actor KAPAMILYA NETWORK Kapuso Network Karla Estrada KathNiel KATHNIELS Kathryn Bernardo Katrina Halili Khalil Ramos Kid Alpha One Movie Kim Chiu Kinetek KINGS OF REALITY SHOWS Kisses Delavin Kontradiksyon Kris Bernal Kuwaresma Movie Kyle Echari LEE JEANS PH LEE PHILIPPINES LEEJEANSPH LIONS FAITH PRODUCTION Liza Dino LIZA SOBERANO LIZQUEN Lovelife Lovi Poe Madame Inutz Magandang Buhay Magui Ford Maja Salvador MAKE IT WITH YOU Maledicto Maricel Soriano MARLO MORTEL Mccoy De Leon Melizza Jimenez Miles Ocampo MISS UNIVERSE 2018 MMFF 2019 MORISETTE AMON Mother Lily Monteverde Mr. Gay World 2019 MYKO MANAGO NADINE LUSTRE Nora Aunor One Music X OPM PBB PBB Otso PBB Seth PBB Teen Performers Philippine Cinema Pokwang PPop Primetime Events And Talent Management Primetime Events Artist Queen Mother Karla Estrada Quezon's Game Reality Entertainment Regak Entertainment Regal Regal Actor Regal Entertainment Regal Films REGAL FMS Regine Velasquez RK Bagatsing Rommel Padilla SANTIGWAR SB19 Seth Fedelin SethDrea SHAINA MAGDAYAO Sharon Cuneta Singer Singers Sir Wil Media Challenge Sir Wil Online Challenge Sonny Angara Star Cinema Star Circle 2019 Star Creatives Star Magic Star Music Star Music PH Starla Sylvia Sanchez TAWAG NG TANGHALAN TEEN KING Teen Star Teleserye The Annulment The Gold Squad The Killer Bride THE MALL THE MERRIER The Podium Tony Labrusca TV Host Ukay Queen Us Again Vice Ganda VIVA ARTISTS AGENCY Viva Films VIVA FILMS Wilbert Tolentino Wild Little Love Xian Lim
  • Setyembre 2026 (2)
  • Hulyo 2026 (3)
  • Abril 2026 (3)
  • Pebrero 2026 (3)
  • Enero 2026 (10)
  • Disyembre 2025 (14)
  • Nobyembre 2025 (10)
  • Oktubre 2025 (17)
  • Setyembre 2025 (10)
  • Agosto 2025 (16)
  • Hulyo 2025 (10)
  • Hunyo 2025 (15)
  • Mayo 2025 (12)
  • Abril 2025 (13)
  • Marso 2025 (10)
  • Pebrero 2025 (18)
  • Enero 2025 (12)
  • Disyembre 2024 (12)
  • Nobyembre 2024 (11)
  • Oktubre 2024 (20)
  • Setyembre 2024 (10)
  • Agosto 2024 (8)
  • Hulyo 2024 (11)
  • Hunyo 2024 (12)
  • Mayo 2024 (14)
  • Abril 2024 (17)
  • Marso 2024 (12)
  • Pebrero 2024 (14)
  • Enero 2024 (11)
  • Disyembre 2023 (13)
  • Nobyembre 2023 (13)
  • Oktubre 2023 (15)
  • Setyembre 2023 (16)
  • Agosto 2023 (1)
  • Hulyo 2023 (4)
  • Hunyo 2023 (13)
  • Mayo 2023 (13)
  • Abril 2023 (6)
  • Marso 2023 (4)
  • Pebrero 2023 (6)
  • Enero 2023 (8)
  • Disyembre 2022 (4)
  • Nobyembre 2022 (13)
  • Oktubre 2022 (16)
  • Setyembre 2022 (6)
  • Agosto 2022 (4)
  • Hulyo 2022 (10)
  • Hunyo 2022 (15)
  • Mayo 2022 (8)
  • Abril 2022 (5)
  • Marso 2022 (9)
  • Pebrero 2022 (5)
  • Enero 2022 (19)
  • Disyembre 2021 (19)
  • Nobyembre 2021 (17)
  • Oktubre 2021 (11)
  • Setyembre 2021 (3)
  • Agosto 2021 (1)
  • Hulyo 2021 (3)
  • Hunyo 2021 (18)
  • Mayo 2021 (1)
  • Abril 2021 (3)
  • Marso 2021 (1)
  • Pebrero 2021 (10)
  • Enero 2021 (6)
  • Disyembre 2020 (16)
  • Nobyembre 2020 (6)
  • Oktubre 2020 (12)
  • Setyembre 2020 (16)
  • Hunyo 2020 (3)
  • Mayo 2020 (1)
  • Marso 2020 (15)
  • Pebrero 2020 (21)
  • Enero 2020 (9)
  • Disyembre 2019 (9)
  • Nobyembre 2019 (17)
  • Oktubre 2019 (21)
  • Setyembre 2019 (14)
  • Agosto 2019 (28)
  • Hulyo 2019 (18)
  • Hunyo 2019 (14)
  • Mayo 2019 (17)
  • Abril 2019 (18)
  • Marso 2019 (10)
  • Pebrero 2019 (7)
  • Enero 2019 (10)
  • Disyembre 2018 (1)
  • Nobyembre 2018 (11)
  • Oktubre 2018 (5)
  • Setyembre 2018 (5)
  • Agosto 2018 (6)
  • Hulyo 2018 (13)
  • Hunyo 2018 (20)
  • Mayo 2018 (11)
  • Abril 2018 (10)
  • Marso 2018 (18)
  • Pebrero 2018 (3)
  • Enero 2018 (15)
  • Nobyembre 2017 (2)

Hanapan ang Blog na Ito

Copyright 2017 Dominic Rea/ All Rights Reserved. Simple na tema. Pinapagana ng Blogger.