NET 25 MATA NG HALALAN 2022 TUWING LUNES AT HUWEBES 8PM KASAMA SINA ALI SOTTO AT PAT DAZA

NET25 ASPN Primetime hosts Ali Sotto at Pat-P Daza, patuloy sa pagkilatis ng mga kandidato sa Mata ng Halalan 2022

Tuluy-tuloy ang pakikipanayam ng beteranang broadcasters at ASPN Primetime hosts na sina Ali Sotto at Pat-P Daza sa mga kandidato sa darating na halalan. 

Sa linggong ito, kikilalanin nina Ali at Pat-P ang anim pang senatoriables at ang Pacquiao-Atienza tandem bilang parte pa rin ng special election series na Mata ng Halalan 2022 ng NET 25.

Huwag palampasin ang pagsalang sa ASPN Primetime nina Sen. Risa Hontiveros at dating Spokesperson Harry Roque Jr. (Lunes, Jan. 31); dating Bayan Muna Rep. Neri Colmenares at peace advocate Robin Padilla; human rights lawyer Chel Diokno at dating Presidential Anti-Corruption Commission chair Greco Belgica; at Sen. Manny Pacquiao at House Deputy Speaker Lito Atienza.

Liban sa masusing pagsusuri ng mga nagawa at gagawin pa ng mga nasabing kandidato kapag nahalal, malalaman din ang mga pinagkakaabalahan nila sa labas ng pulitika sa ASPN Primetime.

Sa pilot week ng programa, walong Senatorial aspirants na ang nakapanayam nina Ali at Pat-P. Sila ay sina Rep. Rodante Marcoleta at dating Sen. Joseph Victor “JV” Ejercito (Jan. 24); Sen. Sherwin Gatchalian at Dr. Ma. Dominga “Minguita” Padilla; Sen. Joel Villanueva at dating Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo; at Marawi civic leader Samira Gutoc at House Deputy Speaker Loren Legarda.

Matututukan ang ASPN Primetime simula 8:00 p.m., Lunes hanggang Huwebes, sa terrestrial TV (Channel 25), Sky Cable (Channel 18), Home Cable (Channel 18) at Global Destiny (Channel 19). Masusubaybayan at mababalikan din ang mga naunang episode sa opisyal na social media accounts ng NET 25, partikular na sa Facebook at YouTube.

ANG MGA BAGONG ELECTED PMPC OFFICERS 2022

The Philippine Movie Press Club, Inc.  (PMPC) successfully held its election of officers for 2022. Following the strict health & safety protocols for COVID-19, the election was held in three batches last January 28 at the PMPC headquarters in Quezon City.

The PMPC is a group of professional and active showbiz writers, editors of newspapers and tabloids in the country, online influencers and vloggers, and radio/TV/online reporters who cover the local entertainment industry.

For years, this non-profit organization functions as an award-giving body recognizing deserving members of the local entertainment industry through the PMPC Star Awards for Movies, PMPC Star Awards for Television, and the PMPC Star Awards for Music. All the awards ceremony were done virtually, for the first time, in 2021 under the helm of then President Roldan Castro due to physical and movement restrictions brought about by the pandemic. 

The counting of ballots was done virtually with Past Presidents Rommel Gonzales and Melba Llanera as election canvassers.

After the counting, elected officers gathered together for a quick photo shoot.

Here is the list of the new set of PMPC officers this 2022:

Fernan de Guzman, president; Rodel Fernando, vice president; Mell Navarro, secretary; Mildred Bacud, assistant secretary; Lourdes Fabian, treasurer; Boy Romero, assistant treasurer; John Fontanilla, auditor, and Francis Simeon and Leony Garcia, public relations officers. Board of directors: Joe Barrameda, Eric Borromeo, Roldan Castro, Jimi Escala, Sandy ES Mariano, and Rommel Placente. 

The new president said he will continue to explore and make the virtual PMPC events better should there still be prohibition for  physical gatherings this year. 

De Guzman, who currently hosts Wow, It's Showbiz at Infinite Radio 92.1 FM, 

is a four-time PMPC president (2006-07, 2013-14, 2016-17 and now 2022). He also urges officers and members for cooperation and unity for the success of the club and for the benefit of its members.

Also popularly known by his career name as Ms. F, De Guzman is a regular Saksi (tabloid) entertainment columnist and host of Wow, It's Showbiz YT channel. He said he envisions to make PMPC as the strongest and most credible award giving body in the entertainment industry in spite of the challenging time.

"Always, our goal is to keep the organization, the PMPC, active in the industry. And of course to continue to hold the annual awards night for Movie, TV and Music come what may. Lastly, we would like to  provide assistance to our members in need through possible fund raising projects this year," he added.

The oathtaking ceremony of the new PMPC officers is expected to happen anytime soon.

ISYUNG PAMBABASTOS NINA HERBERT BAUTISTA AT SP TITO SOTTO, TUMITINDI O MAAAYOS PA?

Marami ang totoong nagmamahal at sumusuporta ngayon sa dating Quezon City Mayor at kasalukuyang tumatakbong Senador na si Herbert Bautista. Sa totoo lang, isa po ako sa nagmamahal sa kanya at sumusuporta. Naging malapit kasi sa amin si Bistek kahit pa man noong wala pa ito sa politics years ago. Mukhang panalo na rin ang kanyang supporters mula Luzon, Visayas at Mindanao kaya naman marami ang nagsasabing sa ngayon palang daw ay pasok na sa banga si Bistek bilang Senador ngayong May 2022! 

Hanggang nitong nakaraang araw lang ay nakita ko ang isang detalyadong facebook post ni Nanay Jobert Sucaldito involving Herbert Bautista and Senate President Tito Sotto. Nagulat ako personally sa cold war ng dalawa dahil sa pagkakaalam ko ay magkakampi sila dahil sa pagkakaalam ko rin ay magka-partido sila sa NPC na pinamumunuan ni Senator Tito Sotto. I have to quote Nanay Jobert Sucaldito using his original post sa facebook na ikinagulat ko. 

" Nagulat ako sa napag-alaman ko about my kumpareng dating Quezon City mayor Herbert "Bistek" Bautista who's running for the Senate this 2022 election. I spoke to a very reliable source who said na patuloy na inu-offend ni Bistek si Senate President Tito Sotto 111 at ang pinamumunuan nitong Nationalist Peoples Coaliton (NPC) kung saan isa si Bistek sa senatorial candidates nila along with Loren Legarda, JV Ejercito, Chiz Escudero and Sherwin Gatchalian. Sila ang nasa magic senatorial slate ng Sen. Ping Lacson-Sen. Tito Sotto ticket. Tanging sina Bistek and Sherwin ang parang namamangka sa 2 ilog dahil kahit members sila ng NPC ay patuloy pa rin silang nakikisiksik sa kampo ni Sara Duterte. There were talks kasi before na nililigawan ni Sen. Sherwin si Inday Sara na kunin siyang running-mate nito nung time na tinutulak pa  si Inday Sara to run for president. Kaya madalas tumutungo si Sherwin sa Davao before. Kung natuloy pala iyon, direktang makakalaban ni Sherwin ang chairman ng NPC na si SP Tito Sotto for VP. How unethical, di ba? Ang mas nakakaloka ay ang eksena ni Herbert Bautista. Since wala itong party, he sought for Sen. Sotto's endorsement para tumakbo under NPC nung 2020 at buong-puso naman siyang tinanggap ng said political party despite 3 graft cases and 3 other cases filed against him. Huh? Si Bistek may pending cases? Nagulat ako kasi all the while I thought that he was "politically-clean". Nag-fact check ako and whoa! Totoo ngang kinasuhan si Bistek ng 3 graft cases - 1) P27.62 million-deal with Cygnet Energy and Power Asia Inc. for the installation of the solar panel system and waterproofing of the city hall's rooftop, 2) CCTV cameras were allegedly distributed in QC barangays but some did not receive them and 3) a plunder complaint (RA 1080) for illegally disbursing P263M. Meron din itong ibang kaso -a VACC complaint over illegal drugs -the VACC accused the Bautista brothers (Coun. Hero Bautista) of dishonesty, neglect of duty, misconduct and conduct prejudicial to the best interest of service (EO 292), grave misconduct and violating the Dangerous Drugs Act of 2002. Meron ding kaso on ROBBERY for P1.2M printing equipment. Nakakagulat pero totoo nga. Bigla akong nakaramdam ng disappointment when I learned about this. Akala ko talaga bongga si Bistek - I mean, malinis ang pangalan. Nakakapanlumo, di ba? Well, that's politics. Anyway, ayon sa aking source, masyado na raw nababastos ang NPC at party chairman nitong si SP Tito Sotto sa maling galaw ni Bistek na nakikisiksik pilit sa kampo ni Sara Duterte na alam naman niyang kalaban ng NPC. Never daw dumalo si Bistek sa mga virtual meetings ng NPC pero visible siya sa ilang activities ni Inday Sara. Simple lang naman ang dapat gawin ni Bistek eh - mag-resign siya sa NPC at magpa-adopt sa party ni Inday Sara. Edukado ka naman Bistek para hindi mo magawa ang tama. Hirap talaga pag disloyal ang isang tao - how can we trust you Bistek kung disloyal ka sa mismong partido mo? Nakikisayaw ka lang ba kung saan malakas ang tugtog? Lumaban ka naman ng disente, pare. Politics lang iyan. Hay buhay - makikita mo talaga ang kulay ng isang taong may pagkatuso sa iba't ibang paraan at anyo. Hope that Bistek redeems himself very soon. Good luck na lang." ang mahabang salita ni Nanay Jobert Sucaldito.

Saganang akin lang, malaki ang puntos! Saganang akin lang, kung tama ay tama at kung mali ay mali. Sa tama tayo.

Sinagip ka po ng NPC Mayor Herbert Bautista. Meaning, dapat ang loyalty mo bilang isang miyembro, kasama ang bonggang senatorial line-up ng NPC ay nasa grupo at makipagtulungan ng maayos, deretso at tunay na pakikisama. Delekadesa ay isa pa, dahil masama po ang namamangka tayo sa dalawang ilog para lang maisalba natin ang ating sarili o mga personal na interes sa anunang pagkakataon.

Hindi po tama na kung saan ang malakas ang tugtug o tunog ng kampana ay makikihalubilo po tayo't igitgit ang ating sarili mailuklok lamang sa isang puwesto.

Respeto isa pa, dahil nung panahong kinailangan mong maindorso at kailangang may makakapitan ka kahit papano ay kinupkop ka ng NPC at nagbunga ito dahil magagaling na Senatoriables pa ang nakahilera mo!

Alam naming pulitika lang ang lahat ng ito. Alam naming at the end of the day ay kayo-kayo parin ang magkakampi at magkakasalubong one day sa kingdom of politics. Pero sana man lang this time, try to be desente at huwag mamangka sa dalawang ilog para lang sa isang ambisyong posisyon dahil sa totoo lang ay napakalakas mo naman na Mayor Bistek sa tao. 

Sa totoo lang, super hinog ka na upang umupo sa mas mataas na posiyon kaya wala ka namang dapat patunayan pa! Respeto lang at pagbibigay galang sa mga taong hindi nagdalawang-isip kupkopin ka nung panahong kinailangan mo sila! Simpleng pagsunod sa tama lang naman! Alam naming magkakaayos din kayo ni Senator Sotto at alam naming matalino ka rin naman dahil iisa lang din naman ang inyong pinag-ugatan, ang pareho naman kayong mga alagad ng pelikula at telebisyon! 

WILBERT ROSS NO TO FRONTAL NUDITY PERO MAY BUTT EXPOSURE SA BOY BASTOS MOVIE NIYA

Nung mabalitaan kong pumirma na sa bakuran ng Viva si Wilbert Ross ay nasabi kong magsa-shine na siya bilang isang aktor kapag nabigyan ng isang magandang break sa pelikula. At last December nga ay nailunsad siya sa pelikulang Ang Crush Kong Curly kung saan pa-sweet pa ang kanyang imahe bilang isang baguhang aktor sa nasabing pelikula ng Vivamax. Hanggang sa nitong January ay tuluyan na nga'ng ipapalabas ang pinagbibidahan nitong pelikula. Ang Boy Bastos kasama si Rose Van Ginkel mula sa direksyon ni Victor Villanueva.

Hindi ako nakapagtanong during our virtual mediacon today kaya minabuti kong mag-message kay Wilbert thru his instagram account at kaagad namang sumagot ang newbie actor ng Viva.

Sa aming conversation ay kinamusta ko ang papasikat ng aktor at wala ng makakapigil pa!

" Okey lang ako Tito Doms. Sobrang masaya lang ako sa nangyayari ngayon sa acting career ko. Dalawang pelikula na nagawa ko sa Viva at sana magtuloy-tuloy na ito at mas maraming projects pa ang magawa ko. " bulalas pa nitong tugon sa akin.

Balita ko kasi ay magpipiyesta ang lahat ng nagpapantasya sa kanya sa pelikulang ito. Bakit? Ano bang pinakita niya sa movie?

" Marami Tito Doms. Basta. Panoorin nila ang movie dahil ginawa ko napo ang pagpapakita ng puwet ko. Puwet lang naman. Ginawa ko siya sa mga bed scenes namin at kung saan-saan pa. " bungisngis pa nitong tugon sa akin.

Sabi ko, baka kasunod niyan ay hindi na lang puwet ang gagawin ni Wilbert kundi aabangan na natin ang gagawin niyang frontal nudity?

" Hindeeeeee! Ha! Ha! Ha! Hindi ko kaya Tito Doms! " bulalas pa ni Wilbert.

Bakit nga ba siya napapayag magpakita ng puwet sa pelikulang ito?

" Grabe to! Proud na proud po ako sa project kong ito. Sa totoo lang. Kaya ako napapayag na maghubad at ipakita ang puwet ko kasi napakaganda po ng story at script nitong movie. At saludo po ako kay Direk Victor. Magaling po. " aniyang kuwento pa sa akin.

Inamin din ni Wilbert na kahit papano ay kinakabahan pa rin siya nung gawin na niya ang maseselang eksena niya sa pelikula pero ipinagdiinan nitong mahal niya ang proyektong ito kaya niyakap niya ng walang duda!

So! Save the date mga bakla! Abangan natin ang mahamis na wetpak ni Wilbert sa February 18 na sa Vivamax!

SILIP SA APOY NI ANGELI KHANG NOW STREAMING SA VIVAMAX

Magmistulang gamu-gamong naaakit sa apoy at sumilip na sa mapang-akit na mundo ng Silip sa Apoy, palabas na sa Vivamax ngayong January 28. 

Unang buwan pa lang ng taon pero may dala nanaman ang Vivamax na isang kontrobersyal na Vivamax Original Movie, ang Silip sa Apoy, isang erotic-drama na pinagbibidahan ng Vivamax K-Crush na si Angeli Khang. Kwento ito ni Emma (Angeli Khang), isang babae na pagod ng pakisamahan ang lasinggero nitong asawa na si Ben (Sid Lucero), dahil nagiging baloyente ito tuwing makakainom. Isang lalaki na magbabago ng lahat, si Alfred, isang kapitbahay sa tabi nila Emma na sumisilip sa mga butas ng pader at makakakita ng pang-aabuso ni Ben kay Emma.  

Maging malapit ang loob ni Alfred at Emma sa isa’t-isa at magkakaroon ng sikretong relasyon, ipapangako rin ni Alfred na itatakas niya si Emma para tuluyan ng malayuan ang kalupitan ni Ben.  Isang pangako na magbibigay kay Emma ng pag-asa na sa wakas ay makamit ang kalayaang matagal na niyang inaasam. 

Mula sa mga successful  Vivamax Originals niya noong 2021 (Taya, Mahjong Nights, Eva), ang K-Krush na si Angeli Khang ay muli na namang papainitin ni Angeli Khang ang ating 2022 gamit ang kanyang maamomg mukha, magandang hubog ng katawan at palaban na acting.

Mula sa Viva Films, ang pelikulang ito ay mula sa dalawang pinaka respetado at kilalang manunulat at direktor ng bansa. Ang Silip sa Apoy ay mula sa direksyon ng FAMAS nominee na si McArthur C. Alejandre, na naghatid ng iba’t-ibang pelikulang Pilipino tulad ng In Your Eyes at ang 2021 movie na My Husband, My Lover. Ang pelikulang ito ay sinulat rin ng award-winning writer na si Ricky Lee. 

Sumilip na at maakit sa mapusok at kapanapanabik na kwento ng Silip sa Apoy, mapapanood na sa Vivamax simula ngayong January 28.  

Mag-subscribe na sa Vivamax sa halagang P149 kada buwan, at P399 naman para sa tatlong buwan. Bisitahin ang web.vivamax.net o i-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery and App Store. 

Para sa mga magbabayad sa website, maaring magbayad sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para sa magbabayad naman gamit ang app, maaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para naman sa magbabayad gamit ang  Ecommerce, maaring magbayad gamit ang Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Maari ring magbayad mula sa mga authorized outlets, kagaya ng Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay  SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Mapapanood rin ang Silip sa Apoy sa Vivamax Middle East! Para sa mga kababayan sa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, and Qatar, mapapanood na ito sa halagang AED35 kada buwan. Mapapanood din ang Vivamax sa Europe sa halagang 8 GB kada buwan.   

Ang Vivamax ay mapapanood na sa Hong Kong, Japan, Malaysia, and Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand, at pati na rin Canada at United States of America.  Vivamax, atin ‘to!

WILBERT ROSS BIBIDA SA COMING OF AGE SEXY COMEDY MOVIE NG VIVAMAX TITLED BOY BASTOS NGAYONG FEBRUARY 18 NA!

Ano ang mangyayari kapag nagsama ang isang malib*g na teenager at sexy teacher sa iisang bahay? Bastusan na sa bagong coming-of-age comedy film na hatid ng VIVA FILMS, ang BOY BASTOS. Tampok sina Wilbert Ross at Rose Van Ginkel, based sa internet sensation noong early 2000s.

Si Felix (Wilbert Ross) ay binansagang “Boy Bastos” sa kanilang eskwelahan. Isa siyang malib*g pero virgin na mahilig mag-drawing ng kabastusan sa kanyang notebook. Si Cathy (Jela Cuenca) naman ay ang kanyang girlfriend na handa nang ibigay ang kanyang virginity sa kanyang nalalapit na birthday. Hindi niya talaga type  si Cathy, kaya naman mahihirapan siyang ma-arouse nang subukan nilang mag-sex.

Makikilala naman ni Felix si Katey (Rose Van Ginkel). Siya ang Substitute Teacher nila sa Biology, na nagkataong magiging housemate niya pala. Ipapaalala ni Katey na wala dapat makaalam sa campus na sa iisang bahay lang sila nakatira. Unti-unti ay mahuhulog ang loob ni Felix kay katie na siyang magiging teacher niya sa life at sa sex 101. 

Panoorin ang mga sexy at funny misadventures ni Felix. Kasama niya sa kalokohan ang kanyang mga kaibigan na sina Garfield (Andrew Muhlach) at Layno (Bob Jbeili) na gaya ni Felix, ay mahilig din sa porn at sa mga kalokohan.

Ang BOY BASTOS ay gawa ni Victor Villanueva, ang batang direktor na gumawa ng award-winning at cult-favorite na “Patay na si Hesus.” Ang Boy Bastos ang kauna-unahang 

Tumawa at makipagbastusan kay BOY BASTOS sa February 18, streaming online sa VIVAMAX Philippines, Hong Kong, Taiwan, Thailand, Malaysia, Indonesia, Singapore, Japan, South Korea, Macao, Vietnam, Brunei, Maldives, Australia, New Zealand, the Middle East Europe, Canada at America

Para sa local subscriptions, maaaring ma-avail ang P149/month watch-all-you-can plan sa VIVAMAX app at pwedeng magbayad gamit ang iyong debit, credit card, GCash or PayPal account na naka-link sa iyong Google, Apple o Huawei App Gallery account.

Maaari ring mag-subscribe sa www.vivamax.net, pumili ng plan, at magbayad gamit ang PayMaya, Debit or Credit card, GCash, GrabPay, o sa ECPAY partner outlets na malapit sa inyo.

Pwede ring mag-add to cart ng VIVAMAX subscriptions sa Shopee, Lazada, PayMaya at ComWorks Clickstore.

Maaari ring magbayad ng VIVAMAX subscription plans sa mga Authorized outlets na malapit sa inyo: Load Central, ComWorks at Load Manna. 

Pwede ring tumawag sa inyong Cable Operators para mag-subscribe: Aklan Cable Television Co., Inc. Cebu Cable HD, Cable Link, Cotabato Cable Television Network Corp., Concepcion Pay TV Network Inc., Sky Cable, Fiber, BCTVI, Paradise Cable Television Nework, Inc., Wesfardell Connect at Zenergy Cable TV Network Inc. 

Ginawa ring mas affordable ng VIVAMAX ang panonood ng inyong mga paboritong pelikula dahil ngayon, sa halagang P29, maaari ka nang mag-watch all you can for 3 days! At sa best viewing quality na ang inyong panonood, dahil ang VIVAMAX compatible na with TV casting.

Mas affordable, mas madami at mas madali na ang mag-subscribe, kaya naman #SubscribeToTheMax na sa best Pinoy Movie Streaming App, VIVAMAX!

HIWALAYANG TOM AT CARLA, TOTOO BA?

Ilang buwan lang matapos nagpakasal ay sumabog ang balitang nagkalabuan at humantong na raw sa hiwalayan sina Tom Rodriguez at Carla Abellana. Kung anu-anong espekulasyon narin ang lumabas patungkol sa hiwalayang ito kung totoo man. 

Lutang parin ang isyung ito hangga't hindi naglalabas ng kanilang opisyal na pahayag ang dalawa. Tatlong araw na ang nakalipas simulang sumabog ang balita subalit sa puntong ito ay mukhang mas pilit tumahimik ng dalawang kampo kasabay ng panghihinayang ng karamihang kaibigan ng dalawa sa loob at labas ng showbusiness. 

Kadalasang dahilan ng hiwalayan, kasal man o hindi ay ang pagpasok ng sinasabing 3rd party involving the boy or the girl.

Bakit nga ba kadalasan ay ito ang nagiging dahilan ng isang hiwalayan ng mag-asawa o mag-nobyo at nobya palang? 

Is it lust or sadyang ang tao ay marupok lamang pagdating sa temptation? Either ways, babae man o lalake ang nangaliwa, bakit nga ba ito nangyayari? At kung bakit sa mga pagkakamaling yun ay hiwalayan kaagad ang madaling maisip na solusyon? 

Kung totoo man ang hiwalayang Tom at Carla, nakapanghihinayang talaga dahil kelan lang ay nagsumpaan pa sila sa altar na magsasama sa hirap at ginhawa. 

Nakakaloka, hindi ba?

KRIS AQUINO, PINATAY SA FAKE NEWS PERO BUHAY NA BUHAY

Isa ako sa nanlumo nang makita ko ang isang post sa facebook about Queen of All Media Kris Aquino. Nakalagay sa title ng post ( sa patanong ) na namayapa na si Kris Aquino. Nagulat ako nung makita ko ang post. Agad-agad ay nasabi kong fake news ito na kinakalat ng mga taong halang ang kaluluwa na walang magawa kundi ang patayin ang buhay at buhayin ang patay!

Kumalat ang naturang fake news. Ang bilis. Hanggang sa nagbigay na rin ng kanyang pahayag si Kris Aquino via her instagram account about the said fake news.

Buhay na buhay po si Kris Aquino at may pinagdadaanan lamang sa kanyang kalusugan tulad nung mga nangyari din sa kanya noon. Hindi po patay kundi buhay si Kris na pilit pinapatay ng mga taong hindi ko talaga alam kung gaano kalalim ang galit sa mga Aquinos!

Tulad ng palagian kong sinasabi na mahal ko si Kris Aquino. Dumating din ako sa puntong nainis at napikon ako sa kanya dahil sa ilang pinaggagawa niya pero hanggang pag-puna lang po ang kaya kong gawin at hindi ko kayang gawing patayin ang isang mabuting tao tulad niya.

Let's appreciate Kris for her kindness. From  being loud and for having that good heart kahit nakakapikon siya. Huwag naman nating patayin ang isang Inang lumalaban lang din naman ng patas sa mundong ito. Sino tayo para husgahan siya mula ulo hanggang paa? Sino tayo para sabihing marumi siya? Sino ba sa atin ang napakalinis sa mundong ito at walang bahid ng kasamaan sa anumang aspeto? 

Tuwang-tuwa na siguro itong nagpakalat ng fake news na ito sa puntong ito ng kanyang buhay. Pero sorry to say na hindi ka magtatagumpay sa kasamaan mong yan! My gosh! Sana yung ibang celebrity nalang pinatay mo sa fake news mo! 

Galit ba kayo sa mundo? Sorry! Kahit may pinagdadaanan si Kris, she's truly happy and blessed! That's it pansit! 


QUEZON CITY MAYORALTY CANDIDATE MIKE DEFENSOR, ISUSULONG ANG PAGBABAGO SA QUEZON CITY SA MABILIS NA AKSYON AT MAHUSAY NA SOLUSYON

Last Sunday, January 23, 3 to 6pm ang oras ay nagkaroon kami ng intimate 3 hours upang tuluyang makilala ng personal at makadaupang-palad ang kasalukuyang Quezon City 3rd District Congressman at Mayoralty Candidate na si Mike Defensor sa Annabel's Restaurant, Tomas Morato. 

Walang prenong binigyang sagot ni Mike Defensor ang ibinatong tanong sa kanya ng invited entertainment press. Una na rito ang isyu ng pagsasara ng ABS-CBN. Kasama rin ang isyung traditional politicians at political dynasty ganoon na rin ang rason kung bakit siya nagdesisyong kalabanin sa pagka-Mayor ng Quezon City si Joy Belmonte at kung anu-ano ang plano niya sa lungsod kapag nanalo siya.

Malumanay niyang binigyang linaw ang lahat. May puso sa bawat salitang binibitiwan at pinalakpakan ng entertainment press sa pagbubukas-pinto nito sa entertainment media kapag siya ang nahalal na Mayor. 

Maganda ang plano niya sa Quezon City. Isa na rito ang buhaying muli ang lungsod bilang City of Stars na unang plinano noon ng namayapang si German Moreno at kung anu-ako pa.

Sa naturang intimate tsikahan kasama si Mike Defensor ay nakita namin ang pagiging transparent niya bilang isang taong nasa mundo ng politics. Naramdaman naming sincere siya sa mga binitiwan niyang salita tungo sa pagbabagong gagawin niya para sa Quezon City.

Walang kongkretong pangako si Mike Defensor na binitiwan sa aming tsikahan. Tulad ko at namin, iisa lang ang gusto niyang iparating sa mga boboto ngayong Mayo 2022. Iboto ang isang taong may paninindigan at ayaw sa korupsiyon kundi solusyon! Isang mabilis na aksyon at mahusay na solusyon! 

Siya po si Michael T. Defensor. Mula sa Anak Kalusugan Partylist sa 18th Congress. Ipinanganak noong June 30, 1969 na ikinasal kay Julie Rose Tactacan Defensor at nagkaroon ng 5 anak. Nag-primary education sa University of the Philippines Integrated School, nagtapos ng secondary education sa Niles McKinley High School, nag-BA History at MA Public Administration both sa U.P Diliman at nag-Masters in International Business Law sa University of Liverpool.

Naging Chairman ng NUSP. Youngest Councilor at the age of 22 ng 3rd District ng Quezon City. Naging youngest Congressman at the age of 25 ng 3rd District ng Quezon City. Naging youngest member of the Cabinet bilang Secretary of Housing. Naging secretary ng Department of Environment and Natural Resources. Naging Chief of Staff sa Office of the President. Naging head ng Task Force NAIA 3. Naging chairman ng PNR and filed 15 priority bills sa 18th Congress! Mula 10th at 11th Congress naman ay nagkaroon siya ng 6 authored laws! 

Wow! Diyan palang ay panalo na sa aming puso si Mike Defensor na kitang-kita namang hindi lamang siya um-attend ng session at nakinig kundi puspusan nitong ginagawa ang kanyang trabaho bilang isang Kongresista at bilang isang taong walang pahinga para sa mamamayan at para sa buong bayan! Yan ang aming ibobotong bagong uupong Mayor ng Quezon City. 

Mabuhay ka at goodluck future Quezon City Mayor Mike Defensor! 

DIEGO LOYZAGA MATINDING DRAMA ANG HAHARAPIN KASAMA SINA CARA GONZALES AT LOUISE DELOS REYES SA THE WIFE SIMULA FEBRUARY 11 SA VIVAMAX

Kahit nasa Amerika ay present ang guwapong aktor na si Diego Loyzaga sa digital presscon ng pelikulang The Wife na mapapanood na natin simula February 11 sa Vivamax. 

Kasama ni Diego sa movie sina Louise delos Reyes at Cara Gonzales mula sa panulat at direksiyon ni Denise O Hara.

Ayon sa kuwento ni Diego, maganda ang istorya ng The Wife na sinulat mismo ng kanilang movie director. Mabigat na drama raw ito at medyo konting skin lang muna raw ang ipinakita ni Diego na ginawa nila ni Cara sa film.

First film to watch ito ni Diego for 2022. Kaya naman happy naman daw ang aktor dahil magandang buena mano ito sa pagpasok ng taon.

Pero during the said digital mediacon ay inurirat din si Diego kubg bakit hindi nito kasama o isinama sa Amerika ang kanyang live-in partner na si Barbie Imperial.

Ayon kay Diego, gustohin man niyang isama ito ay hindi puwede dahil wala namang blue passport o US Visa ready si Barbie. Sinabi pa nitong a day before ang ginawang booking ni Diego para sa kanyang flight papuntang Amerika baho mag-pasko!