ALL BINANGONAN ARTISTS ASSOCIATION PINAMUMUNUAN NI RUSSEL YNARES

Last saturday, dated May 28, 2022 ay pormal ng inilunsad sa BRCC sa Binangonan, Rizal ang newest record label na ABAA o All Binangonan Artist Association headed by Mr. Russel Ynares bilang co-founder at adviser. 

Inumpisahan ito ng opening prayer at pagkanta ng ating National Anthem. Isang mainit na welcome remarks naman ang sumalubong sa atin mula sa mga ABAA Directors kasabay ng pagkukuwento nila kung paano nabuo ang ABAA.

Sa kanilang kuwento ay nabatid naming napakaganda ng layunin o vision/ mission nito para sa mga talento ng Binangonan na hindi lang sa musika tututok kundi sa lahat ng saklaw ng sining sa Binangonan.

Ayon pa kay Russel Ynares, tututukan niya itong ABAA na ito upang lalo pang makilala ang mga natatanging talentong meron sa Binangonan kaya raw that same day sa gabi ay inumpisahan na rin ang pagpapasiklab ng ABAA sa pamamagitan ng gagawin nilang festival na iikot hindi lang sa buong Rizal kundi sa buong Metro Manila Cities.

Ayon kay Russel, All Binangonan Artists Association as a group embodyibg the rich, colorful and historic culture of the town of Binangonan bilang vision at to promote and highlight the brilliance of local artists to bring pride and honor to the people and town of Binangonan naman ang kanilang mission.

Nasa presidential table that afternoon kasama ni Russel Ynares sina Mr. Koy Quevedo bilang co-founder, Mr. Raf Suba na isang artist. Mr. Rap Dazo representing Hiphop. Mr. Choi-Beats Quatro representing Music. Hon. Konsehal Rey Punelas para sa Arts kasama si Mr. Nani De Leon Reyes.


KAABANG-ABANG KUNG SINONG MALE ACTOR ANG GAGANAP BILANG REY VALERA

Nitong araw ng Martes, May 31, 2022 ay naganap sa isang function hall ng Stonehouse sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City ang isang buong araw ng audition para sa mga lalakeng edad 8 years old hanggang 28 years old na marunong umarte at marunong o magaling kantahin ang mga awiting itinanim sa ating puso ni Rey Valera na isang icon sa music industry. 

Ang pa-audition ay ipinatawag mismo ng Saranggola Productions ni Edith Fider para sa pagsasapelikula ng buhay ni Rey Valera na ididerehe naman ng kilalang music composer, movie director at hitmaker na si Direk Joven Tan. 

Almost 50 talented male aspirants ang nag-audition kanina at ang ilan ay mga bihasa na rin sa teatro, musika at pag-arte sa harap ng kamera. May mga first time lang din at may iba namang gusto lang subukan ang maaring pagkakataong maibigay sa kanila.

Wala pa akong ideya kung sino talaga ang gaganap na main lead actor para sa The Rey Valera Story na naka-tentative title pa. Pero sinisiguro ng Saranggola at ni Direk Joven Tan na ikakagulat ng madlang pipol kung sino ito na sa ngayon palang daw ay may nakikita na sila o may pipiliin ng isang sikat na male singer na sikat sa mundo ng pelikula at telebisyon. 

Kung sino man yun, ayon kay Direk Joven Tan at Edith Fider ay kaabang-abang ito!



ALL BINANGONAN ARTIST LAUNCHING NGAYONG MAY 28 NA!

All Binangonan Artist association. 

About the organization/group:

Aims to recognize, develop, assist, and nurture all the aspects of artists in Binangonan. This encompasses all forms of art and platform thru which our distinct personality as a thriving lakeshore town can be shared.

Sino members nyo:

Independent Artist of Binangonan Rizal also writing their original songs, Composed of painter, hiphop, bands, actor, and vloggers.

Ano ang layunin:

To help all fellow Binangonan artist to release or produce their art/music to the public. And giving them a platform.

Projects:

Musical events, exhibit, Rap Contest, and Indie film making

Event on May 28:

Official launching of All Binangonan Artist Association as an Organization with their artist.

DANIEL AT KATHRYN KASAL NALANG KULANG

From @bernardokath official facebook page. Bongga! ❤


Celebrated our special day in the most unforgettable way possible and enjoyed every minute of it. πŸ₯ΊπŸ˜


You know how much this trip means to me and how much I looove elephants, so without a question, you agreed to do this again with me right away. All you said to me was "kahit san mo gusto love, susunod ako after ng trabaho ko."


Thank you for making time for this trip, my love! Thank you for always making sure I feel loved and appreciated. πŸ–€ Looking back on our 10-year journey together, I find myself smiling with so much pride. Because we did it... We did it, love! True love exists. Someone like you still do exist. πŸ₯ΊπŸ–€


I love you so much. Happy 10th anniversary to my person!

HANGGANG KELAN MAGHIHINTAY SI RAYVER CRUZ SA MATAMIS NA OO NI JULIE ANNE SAN JOSE?

May patutunguhan ang dalawang ito. Mukhang hindi na nga natiis ni Rayver Cruz ang kanyang totoong nararamdaman para kay Julie Anne San Jose at isinaliwalat niya ito sa birthday celebration mismo ni Julie Anne sa harap ng mga magulang ng dalaga.

Sinabi ni Rayver na kaya niyang maghintay para sa bibitawang pag-ibig mula kay Julie Anne. Halatang seryoso ang sikat na actor-host nung sabihin niya ito na siya namang ikinakilig ng mga bisita sa birthday.

Naging close kasi ang dalawa dahil sa mga pinagsamahan nilang shows together sa bakuran ng Kapuso Network. Lalo na sa magaling nilang team-up bilang host ng The Clash.

Pareho namang loveless ang dalawa at kitang-kita namang okey na okey na si Rayver na magmahal muli.

Marami ang kinilig sa pag-aming ito ni Rayver at sa totoo lang, bagay sila dahil pareho silang guwapo at guwapa!

Ang tanong lang, hanggang kelan maghihintay si Rayver? Handa na rin bang umibig si Julie Anne? Sabi pa ng isang kaibigan, maaring sila na raw pero yung pag-amin in public ay tuma-timing lang sila dahil nga sa kasabihang public property sila! 

Kitang-kita naman daw na mahal narin ni Julie Anne si Rayver the fact na may nga bonding na rin sila together sa bahay pa mismo ni Julie Anne noh!

Well, kaabang-abang ang pag-aming ito ng dalawa soon! Wish namin ay mas marami pang oportunidad sa dalawa, more projects at mas lalo pang umariba ang kani-kanilang showbiz careers.

MGA MARITESS NG BAYAN PINAGPIYESTAHAN ANG LARAWAN TOGETHER NINA BARBIE IMPERIAL AT XIAN LIM SA ISANG DAVAO HOTEL

Dahil sa larawang ito nina Barbie Imperial at Xian Lim na pinost yata ng isang hotel manager sa Mati, Davao Del Norte ay nagkagulo ang Maritess ng Pinas! Siyempre, yung marurumi ang utak at detractors ng dalawa ay ginawan na kaagad ito ng kuwento base sa kanilang imahinasyon. 

Mukhang bongga nga namang patulan ang larawang ito na para bang may pinanggalingan ang dalawa noh! Ayan! Fiesta na nga sa tsika ang larawan at sigurado akong natatawa nalang ang dalawang involved na sina Barbie Imperial na sa pagkakaalam namin ay loveless ngayon at si Xian Lim naman na sa pagkakaalam namin ay matagal ng may girlfriend sa pangalan ni Kim Chiu!

Ang showbizlandia talaga! Ha! Ha! Ha! Am sure, natawa nalang din si Kim about this thing!

DANIEL AT KARTHYN NAPAPANAHON NA BANG BUMUO NG SARILING PAMILYA

Isang dekada na ang tambalang KathNiel sa telebisyon at pelikula. Isang dekada ng magagandang pangyayari sa buhay ng dalawa simulang pasukin nila ang showbizlandia hanggang sa maging real-life partners. 

May mga titulong ibinansag sa kanila ayon na rin sa pag-ariba sa takilya ng bawat pelikulang ginawa nila. Ganoon din ang paghataw ng kanilang tv career. Idagdag mo pa diyan ang recording career ni Daniel.

Bilib na kami kung paano na-sustain ng dalawa ang kanilang karera na magpahanggang ngayon, kahit dumaan sa pandemya ang buong mundo ay sikat na sikat parin sila lalo na't nandiyan na naman ang kinasabikang newest tv series nilang 2G2BT.

Sa puntong ito, hayagang nagsalita si Daniel sa presscon ng latest series nilang mukhang handa na si Daniel na mag-settledown. Mukhang handa na si Daniel na bumuo ng sariling pamilya. Mukhang nakapag-ipon na siya ng malaki para pantustos sa isang responsibilidad sa buhay.

Marami narin kasi ang nagsasabing napapanahon na! Napapanahon na para mag-asawa siya! Handa narin kaya si Kathryn Bernardo? Handa narin kaya si Kathryn na bumuo ng isang pamilya? Handa na ba siyang humiwalay ng tahanan at magsarili?

Yan ang inaabangan ngayon ng karamihan lalo na ang kanilang fans and followers sa buong mundo! 

Ang tanong? Handa na rin kayang tanggapin nina Karla Estrada at Min Bernardo ang lahat kapag nagdesisyon ng magpapakasal na ang ating King & Queen of Hearts?

KARLA ESTRADA KINULANG SA PERCENTAGE KAYA HINDI NAKAPASOK SA CONGRESS BILANG 3RD NOMINEE NG TINGOG

Pebrero nitong taong kadalukuyan umalis si Karla Estrada bilang isa sa tatlong host ng programang Magandang Buhay ng Kapamilya Network. Ito ay para tutukan nito ang kanyang pagkampanya bilang 3rd nominee sa partylist na Tingog nina Yda Romualdez. 

Naging abala nga si Karla sa kampanya mula Luzon, Visayas at Mindanao. Nakita namin ang kanyang sipag para sa kanyang ipinaglabang partylist sa line-up ng BBM-SD Unity Team. 

Hanggang sa lumabas ang resulta ng katatapos lang na eleksiyon. Pasok si Yda Romualdez sa kongreso bilang 1st nominee na sa kabuuang bilang ay pumangatlo ang Tingog partylist sa nanalo. 

Hindi naman pinalad si Karla na makapasok dahil may batayan ang pursiyento kada-nominado. Hindi raw naabot ng percentage ang botong nakuha ni Karla kaya hindi siya nakapasok.

Sa isang text message, hindi man daw nakapasok sa kongreso ay masaya parin at hindi naman daw nalungkot si Karla dahil ayon sa kanya ay mas marami pang parating na mga bagay-bagay sa parating na araw, ayon kay Karla.

Nagpapahinga lang din daw si Karla sa ngayon. Hindi na namin naitanong kung makakabalik pa siya bilang host ng Magandang Buhay.

Well, ganoon talaga! Goodluck sa mga future projects mo QM ganoon narin kay Daniel Padilla.

SEAN DE GUZMAN SASABAK NA SA MAS MATINDING AKTINGAN WITH DIREK JOEL LAMANGAN

Sean patutunayang kaya ring maging dramatic actor sa bagong obra ni Joel Lamangan

Ngayong 2022 ay muling magsasanib-puwersa sa pelikula sina Sean de Guzman at Direk Joel Lamangan para sa  “social crime drama” movie na may woking title na Fall Guy.

Ang Fall Guy na pagbibidahan ni Sean ay istorya ng isang influencer na naging biktima ng injustice system dahil sa kanyang estado sa buhay. Ang pelikula ay sinulat ni Troy Espiritu,  produced by Len Carillo of 3:16 Media Network and John Bryan Diamante of Mentorque Productions.

Si Direk Joel ang director ni Sean sa launching movie niyang Anak Ng Macho Dancer noong 2020. Nasundan pa ito ng mga pelikulang Lockdown, Bekis on the Run, Huling Baklang Birhen sa Balat Lupa (di pa naipapalabas) at Island of Desire. Ang Fall Guy ang magsisilbing 6th movie nila na magksdama.

Para sa isang baguhang aktor na katulad ni Sean ay napakalaking karangalan ang muling maidirek ng multi-awarded director sa isang kakaibang film project.

“Iba ito sa mga usual films na ginagawa ko dati. Malayung-malayo siya. Hindi na sex ang yung sentro ng pelikulang ito. Susubukan ko namang tumawid sa pagiging dramatic actor,” excited na pahayag ng binata.

Malaki naman ang tiwala  ni Direk Joel na kakayanin ni Sean ang role na hinihingi sa kanya sa bagong pelikula.

“Noon pa naman, nung nakatrabaho ko si Sean sa una niyang pelikula ay alam kong malayo talaga ang mararating niya bilang aktor. Hindi ko kailanman pinagdudahan ang kanyang kakayahan. Alam kong he will deliver,” papuri ng award-winning director kay Sean.

Tatalikuran na ba niya ang paggawa ng sexy movies?

Sagot ni Sean, “Hindi naman sa ganun. Gusto ko lang din ng growth as an actor at mag-explore pa ng iba-ibang roles na kaya ko pang gawin. Malay niyo, after this mag-aksyon naman ako?

“Ayoko lang i-limit ang sarili ko. Gusto kong masubukan lahat para mas marami pa akong matutunan.”

Confident din ang mga producer ng pelikula na  panahon para subukan naman ni Sean ang ibang genre.

“Madami pa kasi siyang ilalabas na hindi pa nakikita ng tao. Ang dami niyang pinagdaanan at alam kong makakatulong yon nang smalaki a role niya ngayon,” sabi ni Len.

Makakasama ni Sean sa Fall Guy sina Glydel Mercado,   Shamaine Buencamino,  Vance Larena, Cloe Barreto,   Quinn Cariillo,  Marco Gomez, Karl Aquino, Tina Paner, Jim Pebanco,  Pancho Carrillo, Mark Cardona, Tiffany Grey, Azekah Alvarez, Nisa Oetiz at Itan Magnaye.

Meanwhile, bukod sa mga pelikula ni Direk Joel ay nakilala rin si Sean sa mga pelikula ng Vivamax na Nerisa, Taya, Mahjong Night, Hugas at sa Vivamax original series na Iskandalo.

MCCOY AT ELISSE INAABANGAN NA SA PELIKULANG HABANGBUHAY NGAYONG APRIL 20 NA SA VIVAMAX PLUS AT APRIL 22 SA VIVAMAX

“Ipaglaban mo naman ako.”   ‘Yan ang hiling ng isang babaeng alam na maikli lamang ang buhay.  Ano kaya ang rason ng minamahal niyang lalaki para hindi ito ibigay sa kanya?

Matapos ang halos tatlong taon, magsasama muli ang real life couple na sina McCoy de Leon at  Elisse Joson sa isang pelikulang siguradong pupukaw ng damdamin, ang “Habangbuhay”.  Handog ng Vivamax, ito ay available for streaming sa April 20, 2022 sa Vivamax Plus at April 22, 2022 sa Vivamax. 

Si Elisse Joson ay gumaganap na Bea.  Dahil sa sakit na Common Variable Immune Deficiency (CVID), mababa ang proteksyon ng kanyang katawan laban sa iba’t-ibang impeksyon, kaya naging taong-bahay na lamang si Bea.  

Kahit maraming ipinagbabawal ang kanyang ina na si Lily (Yayo Aguila), nananatiling masayahin at may positibong pananaw si Bea.  Nage-enjoy siya sa kanyang sariling mundo na puno ng musika, pangarap at imahinasyon.  Live streaming ang kanyang paraan para makasalamuha ang ibang tao.  Sa kabila ng lahat, masasabing maayos pa rin ang lagay ni Bea.  At dahil kay JR, mas lalo pa siyang sumasaya.  

Si McCoy de Leon ang gumaganap na JR, ang houseboy ng kanilang pamilya.  Noong bata pa lang ito ay kinupkop siya ng yaya ni Bea nang makitang palabuy-laboy sa lansangan na parang wala sa sarili.  Lumaking seryoso si JR.  “Sad boy” ang pagsasalarawan niya sa kanyang sarili.  Naging magkalapit sila ni Bea dahil sa interes nila sa musika, hanggang tuluyan na nga silang ma-in love. Mas binibigyang kulay ni JR ang mundong nakasanayan ni Bea, at para sa kanya, si JR ang kanyang “safe space”.  Pero bigla na lang tila lumalayo si JR.  Paano na ang pangako nito na magtatayo sila ng sariling pamilya at magsasama habangbuhay?  

Ang “Habangbuhay” ay mula sa direksyon ng award-winning na si Real Florido.  Pinarangalan siya bilang Best Director sa London Film Awards at nagwagi ng Best Feature Film sa  Canada International Film Festival para sa pelikulang “1st Ko Si 3rd”.  Nakatanggap rin ang pelikulang ito ng Gender Sensitivity Award sa QCinema International Film Festival.

Ito ang pagbabalik-pelikula ng McLisse love team matapos ang 2019 movie na “Sakaling Maging Tayo”.  Simula 2021 ay napapanood na si McCoy sa Vivamax dahil bida rin ito sa comedy series na  “Puto” at sa musical film na “Yorme – The Isko Moreno Domagoso Story”.

Bago matapos ang 2021, inilabas nina McCoy at Elisse sa madla ang kanilang baby daughter.  Marami ang nagdiwang sa balitang ito at pina-trend ng kanilang fans ang #McLisse.   

Mag-subscribe na sa Vivamax sa web.vivamax.net at saksihan ang kakaibang chemistry ng McLisse sa “Habangbuhay”.  

Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, App Store, at Huawei App Gallery.

Watch all you can na sa halagang P149 kada buwan o P399 para sa tatlong buwan para sulit na sulit.  Meron pang hot price na P29 lamang at may 3-day access na sa Vivamax.

Sa halagang P499, pwede nang makuha ang VIVAMAX PLUS.  Sa pamamagitan ng special feature na ito, maaari nang mauna sa pag-stream ng gusto niyong pelikula isang liggo bago ang regular playdate!  

Para makapagbayad gamit ang website, maaaring pumili sa EC Pay, 7 Eleven, All Day, All Day, Pay Mongo, GrabPay, GCash, or PayMaya.  Para makapagbayad gamit ang app, maaaring pumili sa Globe, Smart, GCash, Paypal, Visa, or Mastercard.  Para makapagbayad mula sa  Ecommerce, maaaring pumili sa Lazada, Shopee, Comworks, Clickstore, or Paymaya.  Para makapagbayad mula sa authorized outlets, maaaring pumili sa Load Manna, Comworks, Cebuana Lhuillier, Palawan Express, and Load Central.  Ang mga cable partners ng VivaMax ay SkyCable, Cable Link, Wesfardell Connect, Fiber, BCTVI, Cebu Cable, Zenergy HD, Cotabato Cable Television Network Corporation, at Concepcion Pay TV Network, Inc.  

Nasa UAE, Saudi Arabia, Kuwait, Oman, Bahrain, at Qatar rin ang Vivamax.  Makakapanood na sa halagang AED35/month.  Sa Europe, 8 GBP ang halaga ng Vivamax kada buwan.  

Mayroon ring Vivamax sa Hong Kong, Japan, Malaysia, at Singapore, Indonesia, Thailand, South Korea, Taiwan, Brunei, Macao, Vietnam, Maldives, Australia, New Zealand,USA at Canada.  

Hindi hihinto ang Vivamax para ma-entertain ang buong mundo.  

Vivamax, atin ‘to!