' LOLA MAGDALENA ' NINA GLORIA DIAZ, PERLA BAUTISTA, LIZA LORENA, PIA MORAN AT SUNSHINE CRUZ WINNER SA KATATAWANAN

Direk Joel Lamangan emphasized that ' Lola Magdalena ' is a comedy movie! " Matatawa ka sa pelikulang ito. Hindi ito sexy movie. Isa itong comedy movie. " litanya pa ni Direk Joel Lamangan sa aming pakikipagtsikahan sa kanya right after naming mapanood ang ' Lola Magdalena ' na sinulat ni Dennis Evangelista at produced ng Hero Hito Productions. 

True enoughed! Simula umpisa ng film hanggang matapos ito ay nakatutok kami sa galawan ng limang bida na sina Gloria Diaz, Perla Bautista, Liza Lorena, Pia Moran at Sunshine Cruz.

Ang huhusay nilang lima sa pelikula. I love the linyahan. Nag-blend ang karakter ng bawat isa sa kanila at winner ang bawat eksena.

Kaaliw si Gloria Diaz na isang Lola at mapagmahal sa apo. May eksena siya sa pelikulang tawang-tawa kaming lahat na nasa loob ng sinehan that afternoon. Hindi lang talaga siya beauty queen kundi aktres!

Yung karakter ni Perla Bautista, bumagay sa kanya bilang isang lolang bigo sa pag-ibig pero not hopeless. May ipinaglalaban siya sa pelikula at itatawa mo! Pakahusay naman din talaga!

Si Liza Lorena naman, naku, nakakaloka rin ang mga trip niya sa pelikula lalo na nung inaaway na siya ng anak ng kanyang naging asawa played by Jim Pebanco. Basta. Aliw silang dalawa!

Si Pia Moran naman, juice colored! Beautiful ang kanyang karakter sa film na akmang-akma sa kanya. Panoorin niyo ang movie para malaman mo kung bakit mahal na mahal niya si Daks! 

Si Sunshine Cruz naman, siya yung nagbigay ng luha sa movie. I love her role. And she played it very well na bumagay naman sa kanyang personality. Mahusay din.

Silang lima ay mga babaeng nagbebenta ng aliw sa film. Yung apat na lola na kahit juranggels na ay patuloy parin sa pagbebenta ng kaligayahan sa film. 

Mga lolang rampadora! At irarampa nila ang kanilang husay at galing sa pelikulang ito! 

Pakahusay ng screenplay! Panoorin ito! What a beautiful film! 

Mabuhay ang buong production staff, cast and crew ng LOLA MAGDALENA!

PIOLO PASCUAL'S MALLARI MOVIE TEASER PINAGKAGULUHAN SA SOCIAL MEDIA DAHIL SA MALA-HOLLYWOOD TOUCH NITO

BUMULAGA SA SOCIAL MEDIA ang inaabangang movie teaser ng pelikulang ' Mallari ' na pinagbibidahan ni Piolo Pascual sa direksiyon ni Derick Cabrido na produced ng Mentorque Productions ni Bryan Dy.

Pinag-usapan kaagad ang naturang movie teaser na mala-Hollywood film ang atake sa teaser palang. Marami ang natuwa sa teaser nitong ikinagulantang ng madlang pipol dahil sa mahusay nitong cinematography at kitang-kitang mahal ang produksiyon nitong hindi tinipid.

Ang ganda ng script nito sa totoo lang na sinulat ni Enrico Santos. Pakaganda ng cinematography na sa teaser palang ay kitang-kita naman huh!

May nakausap kaming mula mismo sa production ang nagsabing this is really a different Piolo Pascual na gumanap sa ganitong klase ng role. Hindi nga biro dahil 3 Piolo Pascual ang mapapanood mong karakter sa pelikula at pakahusay daw ni Piolo. 

Bigatin din ang mga kasama ni Piolo Pascual sa movie tulad na lamang nina JC Santos, Elisse Joson at Gloria Diaz.

Hindi raw matatawaran ang galing na ipinamalas ni Piolo sa film. Kahit ang producer nitong si Bryan Dy ay hindi maiwasang purihin ang movie and television actor dahil ibinigay daw nito ang kanyang best sa pelikula.

Balita rin namin ay hindi na rin tinawaran ang asking price ni Piolo bilang si Juan Severino Mallari sa pelikula. Hindi raw kasi biro ang kanyang karakter kaya naman masaya ang buong production dahil napakasarap at magaan daw katrabaho si Piolo Jose Pascual.

Nangangamoy Best Actor si Piolo Pascual dahil sa pelikulang ito! Yan ang totoo! 

' Mallari ' soon in cinemas nationwide!

CIA WITH BA HELPS LENDER CLAIM MONEY FROM DEBTORS

‘CIA with BA’ helps lender claim money from debtors


A certain Emy took to ‘CIA with BA’ to seek help and advice regarding the money amounting to Php150,000 that she lent to her in-laws.


In the segment ‘Payong Kapatid’ of the most recent episode, Sunday, October 1, Emy elaborated her story with Senators Alan and Pia Cayetano and Boy Abunda, which she initially shared through the public service program’s official Facebook page.


In 2019, Jenny, the sister-in-law, and Marlon, the brother of Jenny, mortgaged their vehicle to Emy for about Php150,000 to be paid for 7 months. With all her trust, Emy agreed to not have the vehicle under her custody since Jenny and Marlon still had to use it for public utility to earn money for its amortization. A year later, the two still failed to pay her.


“First month pa lang po ng hulog, hindi na po nabuo ‘yung 24,” said Emy, pertaining to Php24,000 that is supposed to be the amount of Jenny and Marlon’s monthly payment to her. “20 (thousand) lang po ‘yung [naibayad] nila hanggang sa hindi na talaga sila nakahulog.”


“Umabot lang po siguro ng Php65,000 ‘yung nahulog nila, pa-utay-utay,” she added.


What’s more disappointing for Emy is that in 2021, Jenny and Marlon sold the vehicle but still never managed to pay her.


True to its goal to help and serve, ‘CIA with BA’ provided legal assistance to Emy, advising her to file small claims to get her money from her in-laws. The show also accompanied her to the Metropolitan Trial Court to fill up the forms she needed for filing her claims.


“Siguro ‘yung pag-uutang, ‘yung pangangailangan at ‘yung [may] mabubuting puso, natural na sa buhay natin,” Senator Pia said as the hosts concluded the episode.


“So kung kayo’y magpapautang, mag-isip kayo ng maraming beses — [like] kung may kakayanan naman talaga kayong mawala ‘yung pera na ‘yon, dahil may posibilidad na hindi makabayad ang umuutang,” she reminded the viewers. 


“Hindi naman kaswapangan ‘yon kundi pag-iingat lang naman ‘yon sa pinaghirapan na salapi,” she added.


'CIA with BA' continues the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of sibling senators Alan and Pia. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.


Don’t miss ‘CIA with BA’ with Alan, Pia and Boy every Sunday, 11:30 p.m. on GMA7.

NAGPAUTANG NG 150K MAKAKASINGIL NA SA TULONG NG CIA WITH BA!

Nagpautang ng 150K, makakasingil na sa tulong ng ‘CIA with BA’!


Dumulog si Emy sa ‘CIA with BA’ upang humingi ng tulong at payo tungkol sa pera na inutang sa kanya ng kanyang hipag at bayaw.

Sa segment na ‘Payong Kapatid’ sa episode nitong Linggo, Oktubre 1, ibinahagi ni Emy kina Senador Alan at Pia Cayetano at Boy Abunda ang buong kwento.

Noong 2019, isinangla nina Jenny, hipag ni Emy, at Marlon, kapatid ni Jenny, ang kanilang sasakyan sa halagang Php150,000, at babayaran ito sa loob ng pitong buwan. Dahil tiwala si Emy, pumayag din siyang hindi na kunin ang sasakyan dahil ibina-byahe ito nina Jenny at Marlon para kumita pa ng panghulog sa sasakyan. Lumipas ang isang taon, hindi pa rin nakabayad ang dalawa kay Emy.

“First month pa lang po ng hulog, hindi na po nabuo ‘yung 24,” saad ni Emy, patungkol sa dapat na Php24,000 na buwanang hulog sa kanya nina Jenny at Marlon. “20 (thousand) lang po ‘yung naano nila hanggang sa hindi na talaga sila nakahulog.”

“Umabot lang po siguro ng Php65,000 ‘yung nahulog nila, pa-utay-utay,” dagdag pa niya.

Mas masakit pa para kay Emy dahil noong 2021, naibenta nina Jenny at Marlon ang sasakyan ngunit hindi pa rin siya binayaran.

Bilang patuloy na layunin ng programa ang tumulong at magbigay-serbisyo, nagbigay ng legal assistance ang ‘CIA with BA’ kay Emy. Sinamahan siya ng programa sa Metropolitan Trial Court upang makapag-fill up ng mga form na kailangan para makapag-file ng claim at masingil sina Jenny at Marlon.

“Siguro ‘yung pag-uutang, ‘yung pangangailangan at ‘yung [may] mabubuting puso, natural na sa buhay natin,” sabi ni Senador Pia sa pagtatapos ng naturang episode.

“So kung kayo’y magpapautang, mag-isip kayo ng maraming beses. ‘[Like] kung may kakayanan naman talaga kayong mawala ‘yung pera na ‘yon, dahil may posibilidad na hindi makabayad ang umuutang,’” paalala niya sa viewers. 

“Hindi naman kaswapangan ‘yon kundi pag-iingat lang naman ‘yon sa pinaghirapan na salapi,” dagdag pa niya.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

‘Wag palagpasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.

CIA WITH BA PANALO SA PAGTALAKAY NG ISYU, PAGTUGON AT AKSIYON

Hindi matatawaran ang husay, galing at talino ng tatlong host ng programang CIA With BA na mapapanood na natin ng 11:30pm tuwing linggo ng gabi sa GMA 7 simula ngayong October 1, 2023.

Si Tito Boy Abunda na napaka-opinionated at deretso sa kanyang pagtatanong ng walang harang at lahat ng puwedeng halughugin sa isang pinag-uusapan ay kanyang binibigyang punto at suhistiyon.

Sina Senators Pia Cayetano at Alan Cayetano naman ay deretsahang tinutugunan ang isang kaso o sitwasyon kasama ang tamang batas na sumasaklaw dito. Ngunit minsan, tulad sa isyung tinalakay nila nitong September 24 episode nila ay hindi maiwasang maging emosyonal ng host tulad nalang ni Senator Pia na sinermonan talaga ang isang iresponsableng ama sa ' Case 2 Face ' segment nila.

Mabilis ang solusyon, kita ang katwiran sa bawat isyung pinag-uusapan dahil matatalino ang tatlong host ng programa. Kaya naman bawat isyung pinag-uusapan sa show ay nabibigyan kaagad ito ng sagot at aksiyon.

Higit sa lahat ay ang mga ipinapaabot na tulong nina Senators Pia, Alan at Tito Boy sa kanilang mga nagiging bisita na labis itong ikinatutuwa ng mga bisita nila lalo na't kailangan naman talagang bigyang pansin at tulong ang mga ito.

Yan ang programang hindi scripted kundi taos-puso ang pagtalakay, pag-uusap at agad na solusyon handog ng tatlong host nito.

Hiwag kaligtaang manood ng CIA With BA tuwing linggo ng gabi, 11:30pm sa GMA Channel 7. 

CIA WITH BA - IRESPONSABLENG AMA NAKATIKIM NG SERMON KAY SENATOR PIA CAYETANO

‘Di napigilan ni Senador Pia Cayetano ang bugso ng damdamin dahil sa isang ama na dahil sa kapabayaan ay naaksidente at nasaktan ang anak.

Sa episode ng ‘CIA with BA’ nitong Linggo, September 24, sinermunan ng senadora si Christian, na inireklamo ng kanyang biyenan na si Angelita sa segment na “Case 2 Face.”

Kwento ni Angelita,  isang Sabado nang gabi habang lasing si Christian ay isakay nito ang isa sa tatlong anak na minaneho ng kapwa lasing na kaibigan. Nang gabing ‘yon, sila ay naaksidente at nagtamo ng matinding pinsala ito sa bata. Ngunit hindi ito agad nalaman ni Angelita dahil itinago ito ni Christian at ng asawang si Christine (na ampon ni Angelita).

Ayon sa lola, kinailangang dalhin sa ospital ang kanyang apo para agad itong magamot at masemento ang buto. Lahat ng gastos dito ay siya ang sumagot.

Matapos marinig ang kwento, agad na pinunto ni Ate Pia ang ginawang paglilihim ni Christian at asawang si Christine.

“Hindi kayo humingi ng tulong dahil nasabihan kayong ‘tumayo kayo sa sariling paa niyo’? Pride mo ‘yon! Naaksidente ‘yung apo niya, hindi niyo sinabi?” sabi niya. “Pa’no kung duguan ‘yon? Hindi niyo tatakbuhan ‘yung lola, hahayaan niyong mamatay, dahil sa pride niyo? O dahil ayaw niyong mapagalitan kayo? E papagalitan talaga kayo dahil para kayong bata! Hindi kayo parang magulang kumilos!”

“Hindi ko sinasabing masama kang tao,” galit ni Pia. “Hindi ka masamang tao, pero may chance ka pa [na] maging mas magaling na tatay at mas magaling na asawa.”

Ipinaliwanag naman ni Senador Alan Peter Cayetano na ang ginawa ni Christian ay maaaring matawag na krimen.

“Alam mo, pwede kang ipakulong. Kasi ‘yung ginawa mo sa anak mo, pasok sa VAWC (Violence Against Women and Children) ‘yon at pasok sa child abuse. Bakit? Hindi tunay na aksidente ‘yon. Nung sinakay mo ‘yung anak mo, sa motor pa naman — 2-wheel lang ‘yon, tapos lasing ‘yung nagda-drive at lasing ka rin, hindi aksidente ‘yon. May neglect ka do’n,” sabi niy kay Christian.

“Ang aksidente, ibig sabihin wala kang magagawa. Pero ito, kung titignan mo, kasama sa batas natin ‘yan. Hindi mo pwedeng ilagay ‘yung bata sa isang sitwasyon na mapapahamak siya,” dagdag pa niya.

Bago naman matapos ang segment, humingi ng kapatawaran ang mag-asawa at nangakong magiging mas mabuting magulang sa kanilang mga anak at mabuting anak at manugang kay Angelita.

Samantala, nangako ang public service program na magbibigay ng assistance kay Christian, gaya ng pagbibigay ng mga kagamitan para makapagsimula siya ng maliit ng furniture business at pati na rin vocational education sa pamamagitan ng TESDA (Technical Education And Skills Development Authority), upang makapaghanapbuhay para sa kanyang pamilya. Si Angelita naman ay bibigyan ng panimula para sa kanyang maliit na manicure-pedicure business.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.


Ugaliing manood ng CIA with Boy Abunda tuwing linggo ng gabi 11:30 pm sa GMA 7!

CIA WITH BA - PIA CAYETANO REPRIMANDS AN IRRESPONSIBLE FATHER

Senator Pia Cayetano could not stop the burst of her emotions due to a father who, because of negligence, caused a serious injury on his child.

In the episode of ‘CIA with BA’ on Sunday, September 24, the lawmaker reprimanded a certain Christian, who was the subject of a complaint by his mother-in-law, Angelita, in the “Case 2 Face” segment.

Angelita narrated that Christian was drunk one Saturday night when he took one of his three children on a motorcycle ride driven by his friend who was also under the influence of alcohol. They all got involved in an accident that caused major injuries to the kid. Angela learned about what happened very late because Christian and his wife, Christine (Angelita’s adopted daughter) never told her.

According to the grandmother, her grandchild had to be brought to the hospital to undergo medication, including bone cement, which she paid for.

After hearing the story, Senator Pia called out Christian, together with Christine, for initially keeping the incident a secret.

“Hindi kayo humingi ng tulong dahil nasabihan kayong ‘tumayo kayo sa sariling paa niyo’? Pride mo ‘yon! Naaksidente ‘yung apo niya, hindi niyo sinabi?” she said.

“Pa’no kung duguan ‘yon? Hindi niyo tatakbuhan ‘yung lola, hahayaan niyong mamatay, dahil sa pride niyo? O dahil ayaw niyong mapagalitan kayo? E papagalitan talaga kayo dahil para kayong bata! Hindi kayo parang magulang kumilos!”

“Hindi ko sinasabing masama kang tao,” Pia told Christian. “Hindi ka masamang tao, pero may chance ka pa [na] maging mas magaling na tatay at mas magaling na asawa.”

For his part, Senator Alan Peter Cayetano explained that what Christian did could be considered a crime.

“Alam mo, pwede kang ipakulong. Kasi ‘yung ginawa mo sa anak mo, pasok sa VAWC (Violence Against Women and Children) ‘yon at pasok sa child abuse. Bakit? Hindi tunay na aksidente ‘yon. Nung sinakay mo ‘yung anak mo, sa motor pa naman — 2-wheel lang ‘yon, tapos lasing ‘yung nagda-drive at lasing ka rin, hindi aksidente ‘yon. May neglect ka do’n,” he told Christian.

“Ang aksidente, ibig sabihin wala kang magagawa. Pero ito, kung titignan mo, kasama sa batas natin ‘yan. Hindi mo pwedeng ilagay ‘yung bata sa isang sitwasyon na mapapahamak siya,” Senator Alan added.

Before the segment ended, Christian and Christine asked for Angelita’s forgiveness and promised to do better as parents of their children and as son-in-law and daughter to her.

Meanwhile, the public service program pledged to give assistance to Christian, including tools that he can use to start a small furniture business and also a vocational education through TESDA (Technical Education And Skills Development Authority), for him to be able to provide for his family. For Angelita, ‘CIA with BA’ would help her start a small nail care business.

'CIA with BA' continues the legacy of Senator Rene Cayetano, the late father of sibling senators Alan and Pia. The senior Cayetano was a renowned lawyer who gained fame through his radio and TV program 'Compañero y Compañera,' which aired from 1997 to 2001.

Don’t miss ‘CIA with BA’ with Alan, Pia and award-winning TV host Boy Abunda every Sunday, 11:30 p.m. on GMA7

PREPARE FOR AN UNFORGETTABLE DOUBLE DEBUT: 'THE LAST RESORT ' BY GOBLIN FILMS AND THE LAUNCH OF GOBLIN STREAMING SERVICE

GOBLIN FILMS presents ' The Last Resort ' a riveting cinematic experience journey with Robert ( Oliver Aquino ) and Emily ( Erin Ocampo ) a couple teetering on the edge of separation. Determined to rekindle their fading romance they heed the counsel of their marriage therapist, embarking on a weekend getaway to a secluded private resort.

Nestled in a remote haven designed for ultimate relaxation and escape, Robert and Emily anticipate respite from the chaos of their everyday lives. However, as the sun sets on their dream retreat, a chilling nightmare unfolds thrusting them into a spine-tingling tale of suspense, survival and the enduring power of love. A film by Dave Lao and Director Jay Altajeros.

But that's not all. Join us in celebrating the launch of Goblin, an innovative subscription-based interactive streaming platform that promises to revolutionize entertainment. Goblin introduces ' GSpot ' a groundbreaking virtual magazine providing a 360 degree experience that will redefine how you engage with content.

Don't miss the premiere of ' The Last Resort ' exclusively on Goblin's subscription-based streaming platform. Mark your calendars for September 26, 2023 as we unveil a story that will grip your heart and keep you on the edge of your seat. Experience the beginning of a new era in cinema and entertainment with GOBLIN-THE HOTTEST AND NAUGHTIEST STREAMING PLATFORM!

MOVIE CAST: 

Erin Ocampo, Oliver Aquino, Paolo Paraiso, Rolando Inocencio, Chloe Garcia, Mia Alvarez, Czarina Chong, Rico Monzon and Ann Pomer.

Directed by Jay Altajeros

Executive Producers Richard Perez and Dave Lao

Line Produced by Karla Pambid

PINAGHIRAPANG PERA ABROAD NG ISANG SENIOR CITIZEN, NAGLAHO DAHIL SA ISANG INSURANCE COMPANY, TINUTUKAN NG CIA WITH BA LAST SUNDAY

Isang nagngangalang Aling Nora ang humingi ng tulong sa public service program na ‘CIA with BA’ para humingi ng tulong kaugnay ng kanyang perang in-invest sa isang insurance company.

Sa segment na ' Payong Kapatid ' episode ng CIA With BA nitong Setyembre 17, ay hindi maiwasang maging emosyonal ni Aling Nora na isang senior citizen habang nakikinig sa payo nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano at TV host na si Boy Abunda patungkol sa hindi na nitong makuhang perang pinaghirapan niya.

Pinaghirapan ni Aling Nora ang pera na inihulog niya sa Loyola Consolidated Plans. Kinita niya ito mula sa pagtatrabaho bilang overseas Filipino worker sa Singapore mula 2012 hanggang 2016.

At nung 2019 ay nagdesisyon siyang kunin ang pondo ngunit ang sabi sa kanya ng mga nasa insurance company ay patuloy lamang siyang mag-follow up.

“Meron pa nga pong nakalagay do’n sa papel ko na makukuha ko na [by] January 19, 2019,” kwento niya. “Nung pumunta ako, ang sabi nila wala pang pera ang Loyola.”

“E pinaghirapan ko po ‘yon, magkano lang ang sahod namin sa Singapore that time. Dapat po ‘yung panghulog ko sa Loyola na ‘yan, dapat ipanghuhulog ko sa NHA (National Housing Authority) para magkaroon ako ng lote,” pagpapatuloy ni Aling Nora.

Ayon kay Senador Alan, “Sa batas mismo, pag within 15 days at hindi ibinigay ‘yung claim mo at tama [naman] ‘yung claim mo, pwede ka nang pumunta sa Insurance Commission (IC). Hindi lang ‘yung claim, pati ‘yung danyos ay pwede mo nang i-claim ‘yon.”

“What we’re going to do is our lawyers are going to accompany you. We’re going to ask, not only for you pero pati dun sa mga iba na naipit nga dito sa Loyola… I will make sure na mapanood ng Insurance Commission itong testimony mo kasi kung hindi lang ito sa’yo nangyayari, hindi ‘yan talaga ‘yung intent nung mga reforms na ginawa,” sabi niya.

Sa pagtatapos ng segment, ini-report ng CIA with BA na ayon sa IC, ang insurance company na nabanggit ay under receivership proceedings dahil sa financial deficiencies. Para sa proteksyon ng planholders, nag-issue ang IC ng stay order kung saan ang mga payment to claims ay suspendido hanggan sa magkaroon ng sapat na assets converted to cash at handa na para sa distribution.

Sinigurado rin ng IC na ang pangalan ni Aling Nora ay nasa listahan ng kanilang schedule for planholders’ benefit payable.

“I’m grateful na may opportunity tayo to do public service because beyond the legal advice, meron tayong mga after-the-show support na mabibigay,” sabi ni Senator Pia sa pagtatapos ng episode.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano, ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

‘Wag palagpasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7.

SENIOR CITIZEN DUMULOG SA CIA WITH BA DAHIL SA PERANG HINDI MAKUHA MULA SA INSURANCE COMPANY

Senior citizen, dumulog sa ‘CIA with BA’ dahil sa perang hindi

makuha mula sa insurance company

Nagtungo si Aling Nora sa public service program na ‘CIA with BA’ para humingi ng

tulong kaugnay ng kanyang pera na hindi makuha mula sa isang insurance company.

Sa “Payong Kapatid” na segment ng episode nitong Setyembre 17, hiningi ng senior

citizen ang payo nina Senador Alan Peter at Pia Cayetano at TV host na si Boy

Abunda.

Ayon kay Aling Nora, ang pera na inihulog niya sa Loyola Consolidated Plans ay kinita

niya mula sa pagtatrabaho bilang overseas Filipino worker sa Singapore mula 2012

hanggang 2016.

Noong 2019, nagdesisyon siyang kunin ang pondo ngunit ang sabi sa kanya ng mga

nasa insurance company ay patuloy lamang siyang mag-follow up.

“Meron pa nga pong nakalagay do’n sa papel ko na makukuha ko na [by] January 19,

2019,” kwento niya. “Nung pumunta ako, ang sabi nila wala pang pera ang Loyola.”

“E pinaghirapan ko po ‘yon, magkano lang ang sahod namin sa Singapore that time.

Dapat po ‘yung panghulog ko sa Loyola na ‘yan, dapat ipanghuhulog ko sa NHA

(National Housing Authority) para magkaroon ako ng lote,” pagpapatuloy ni Aling Nora.

Ayon kay Senador Alan, “Sa batas mismo, pag within 15 days at hindi ibinigay ‘yung

claim mo at tama [naman] ‘yung claim mo, pwede ka nang pumunta sa Insurance Commission (IC). Hindi lang ‘yung claim, pati ‘yung danyos ay pwede mo nang i-claim

‘yon.”

“What we’re going to do is our lawyers are going to accompany you. We’re going to ask,

not only for you pero pati dun sa mga iba na naipit nga dito sa Loyola… I will make sure

na mapanood ng Insurance Commission itong testimony mo kasi kung hindi lang ito

sa’yo nangyayari, hindi ‘yan talaga ‘yung intent nung mga reforms na ginawa,” sabi

niya.

Sa pagtatapos ng segment, ini-report ng CIA with BA na ayon sa IC, ang insurance

company na nabanggit ay under receivership proceedings dahil sa financial

deficiencies. Para sa proteksyon ng planholders, nag-issue ang IC ng stay order kung

saan ang mga payment to claims ay suspendido hanggan sa magkaroon ng sapat na

assets converted to cash at handa na para sa distribution.

Sinigurado rin ng IC na ang pangalan ni Aling Nora ay nasa listahan ng kanilang

schedule for planholders’ benefit payable.

“I’m grateful na may opportunity tayo to do public service because beyond the legal

advice, meron tayong mga after-the-show support na mabibigay,” sabi ni Senator Pia sa

pagtatapos ng episode.

Ang ‘CIA with BA’ ay pagpapatuloy ng nasimulang misyon ni Senador Rene Cayetano,

ang yumaong ama ng magkapatid na senador. Si Senador Rene ang orihinal na

abogadong nagbibigay ng legal advice sa telebisyon at siyang host ng sikat na

programang ‘Compañero y Compañera’ noong 1997 hanggang 2001.

‘Wag palagpasin ang ‘CIA with BA’ kasama sina Alan, Pia, at award-winning TV host na

si Boy Abunda tuwing Linggo ng gabi, 11:30 sa GMA7