ELISSE JOSON....PRETTY BLESSED!
After many years of waiting, ayan na, making waves na ngayon si Elisse Joson. Una palang kasi naming makita si Elisse, sabi namin, konting glow lang at magandang proyekto lang ay makikilala din siya bilang isa na ngayon sa pinaka-sikat na female celebrity sa local showbizlandia. Nagustuhan kaagad namin ang pag-uugali ni Elisse bukod pa sa napakaganda niyang mukha at sabihin na nating gumagaling na rin bilang isang aktres sa kanyang henerasyon. Super blessed si Elisse dahil naging malaking bagay din sa totoo lang ang pagkaka-loveteam niya kay Macoy De Leon kung saan milyon naman talaga ang kanilang supporters around the globe like McLisseWorldwidePH at marami pang iba. Nung napanood ko ang isang TVC ni Elisse para sa McDonalds ay kaagad kong nasabi na sisikat siya. Hindi man ganoon ka-tangkaran ang sikat na celebrity ay saksakan naman ito sa karisma at napakabuting anak at yun ang mahalaga sa ating mga iniidolo, ang pagiging mabuting anak sa pamilya. Masaya lang kami sa kasikatang tinatamasa ngayon ni Elisse kaya ko ginawa ang blog na ito. Napakabuti rin ng kanyang Inang si Mommy Barbie at si Elisse mismo na kapag may nakita siyang write-ups sa kanya ay marunong siyang magpasalamat and that's a big deal for me dahil bihira nalang sa mga artista ang marunong magpasalamat ngayon. Currently ay umaariba naman ang tambalan nila ni Macoy sa teleseryeng The Good Son ng Kapamilya Network. Hoping for more good opportunities para kay Elisse ganoon din sa tambalan nila ni Macoy De Leon. Dapat lang sinasaluduhan ang mga artistang tulad ni Elisse. We love you our real goddess of beauty Elise Joson!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento