ANG PROBINSYANO...INAABANGAN NA ANG BOOK 3!
Talagang pinatunayan ng fans and followers ni Coco Martin ang kanilang matibay na pagsuporta sa Hari ng Primetime dahil sa halos dalawang taon ay hindi sila bumitiw sa teleseryeng Ang Probinsyano ng Dreamscape. Mula Luzon, Visayas at Mindanao ay pinatunayan ng seryeng ito ang kanilang pagiging number one sa ratings. Kasalukuyang tumatakbo sa local boobtube ang book 2 ng teleserye. Napakarami nang nangyari sa seryeng ito at napakaraming karakter na rin ang binuhay at pinatay pero sa totoo lang ay dito nagi-enjoy ang televiewers dahil sinaklaw ng naturang teleserye ang iba't ibang buhay at klase ng tao sa mundo partikular sa bawat karakter na ipinakita rito. Dreamscape truly handled everything dahil sa patuloy na kuwento ng serye ay napagtatagpi-tagpi mo parin ang mga karakter and everything. Marami ang natanong sa akin kung aabutin pa raw ng 2019 ang serye ni Coco. I answered them na hindi ko alam ang mga mangyayari sa teleserye ayon na rin sa paglalim lalo ng kuwento nito. Pero halatang mid of this month ay mukhang bubuksan na ang book 3 ng Ang Probinsyano na currently ay sa Baguio City naman ang location nito ayon narin sa pagpasok ng mga karakter nina Dawn Zulueta, Edu Manzano, Rowell Santiago at Alice Dixon. Naku! Lalo tuloy akong na-excite dahil fan ako ng apat na bagong karakter sa serye na parehong beterano at magagaling na mga aktor! Patuloy na suportahan ang lalong nakakapanabik na eksena sa seryeng ito mula lunes hanggang biyernes sa Kapamilya Primetime Bida right after TV Patrol!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento