ASIAN POP DUO MAJA & TOR TO PROMOTE INTERNATIONAL SINGLE SA THAILAND!
Nitong month of February 2018 lang, Maja Salvador & Tor Saksit promoted their single titled " Falling Into You " under Ivory Music & Video with BEC-TERO Music Thailand sa ilang tv network and radio stations sa bansa. Matindi ang pinagsanib na puweersa nina Maja at Tor dahil ibang klase naman talaga ang kanilang followers sa international music scene. Napatunayan ito nang halos ilang linggo rin silang namutawi sa MYX Daily Top Ten ng Kapamilya Network lalo na nung mag-promote sila ng kanilang single sa It's Showtime at ASAP! Maganda ang naging response ng international followers and fans ng dalawa kaya naman this coming month of May or June ay lilipad naman papuntang Thailand si Maja to promote the said single sa tulong na rin ng Tourism Authority of Thailand. When i heard the song, ang sarap sa tenga and ibang-iba ang datingan ng single ng dalawa. Kasabay ng single promo ni Maja ay opisyal nga'ng na-dubbed into Thai ang latest serye ni Maja na Bridges Of Love at The Legal Wife na ipinalabas sa Thailand. Balita rin namin ay maglalabas soon ng remix sina Maja at Tor para sa single nilang Falling Into You. Well, Maja is making it already sa international scene huh! Puwede napong i-download ang single nina Maja at Tor sa Deezer, Spotify, iTunes at Apple Music at mapapanood ang music video ng Falling Into You sa official youtube account ng Ivory Music & Video! Ang Sony Music International po ang kasalukuyang nagre-release ng Falling Into You!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento