KATHNIEL MOVIE...KAABANG-ABANG!
KAHAPON, April 18, 2018, araw ng miyerkules ng hapon ay naganap na ang story conference para sa pelikulang pagsasamahang muli nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina handog sa atin ng Star Cinema. Nag-trending kaagad sa twitter ang storycon ng nasabing pelikula ng KathNiel na hindi pa namin alam kung anong magiging official title nito. Pero ayon na rin mismo sa dalawang bida ng movie, medyo malapit sa kanilang puso ang tatakbuhing istorya nito kung saan lalong kinilig ang fans and followers ng dalawa. So proud of this loveteam dahil sa simula palang ay napaka-natural na nila. Transparent kasi ang KathNiel loveteam na tumpak sa salitang what you see is what you get! Hindi tulad ng ilang loveteams diyan na halatang to the highest level ang fakeness na ipinagpipilitan pa rin ng mga taong nakapalibot sa kanila. Kaya naman sa ngayon palang, as usual ay buong mundo na ang nakaabang sa upcoming beautiful movie ng KathNiel! Maaring bukas o makalawa ay gugulong na ang kamera para sa ating binansagang Teen King & Queen!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento