JOSHUA GARCIA...DIAMANTE SI JULIA DAHIL PINAKAMAMAHAL KO SIYA!
Happiest birthday ang nakaraang October 6 para kay Joshua Garcia! Hindi niya lang nakasama sa isang out of town celebration ang kanyang pamilya kundi kasama niya rin ang babaeng nagsisilbing inspirasyon niya ngayon at mahal na mahal na si Julia Baretto. Ayon sa naging kuwento sa amin ng sikat na aktor nang sadyain namin ito sa set ng inaabangang primetime series na Ngayon At kailanman ng Star Creatives, ito na ang pinaka-masayang birthday sa kanyang buhay. Halatang masaya nga ang aktor dahil kamakailan lang ay nagsalita na rin si Julia patungkol sa kanyang totoong pagmamahal sa aktor. May isang kasamahan nga sa panulat ang nagtanong sa kanya kung anong klaseng stone si Julia, naging deretsahan ito sa kanyang sagot na isa diumanong Diyamante si Julia dahil pinakamamahal niya ito! Samantala, naging maboka naman si Jishua sa pagsasabing napakarami pang dapat abangan sa teleseryeng Ngayon At Kailanman dahil nagsisimula palang daw umusbong ang pag-iibigan nilang dalawa ni Julia sa serye. Masayang ibinalita rin ni Joshua na kahit papano, sa pagi-ingles niya sa serye ay magaling na rin daw siyang mag-ingles at hindi na pilipit ang kanyang dila huh! Bilang anak-anakan namin si Joshua ay masaya na kami sa kanyang tinatamasang kasikatan ngayon. Wala namang ibang wish si Joshua kundi ang magtuloy-tuloy ang biyayang dumarating sa kanyang buhay at yung maging healthy siya sa mahabang panahon dahil napakarami pa raw niyang gustong gawin sa kanyang buhay. Isa na diumano rito ay ang gusto niyang mabilhan ng sariling bahay ang kanyang Ama!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento