CARLO AQUINO, CUTENESS ANG KARAKTER SA TELESERYENG PLAYHOUSE!
Sigurado akong lalong magbibigay ningning sa teleseryeng PlayHouse na pinagbibidahan nina Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban ang tuluyang pagpasok ng karakter ni Carlo Aquino. Sa huling interview namin kena Zanjoe at Angelica ay naging maboka ang dalawang bida sa pagsasabing isang matinding pampalasa si Carlo sa karakter niyang gagampanan sa PlayHouse na napapanood natin sa Kapamilya Network tuwing umaga mula Lunes hanggang Biyernes. Masaya pareho sina Zanjoe at Angelica dahil simulang pumasok ang karakter ni Carlo ay lalo diumanong naging mas masaya ang set ng teleseryeng kinagigiliwan nating mga Pinoy tuwing umaga! Napag-alaman naming kaya pala happy set lang ang PlayHouse dahil kahit mga bida nito ay masaya lang kapag nasa set sila! Good vibes lang ang teleseryeng ito ng GMO Unit kaya naman kapag ratings ang tatanungin, umaariba rin ang PlayHouse! Sabi nga nila sa PlayHouse, happy set with happy stars! Bonggaceous!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento