VICE AT REGINE...MAY KARAPATAN BILANG MGA HURADO SA IDOL PHILIPPINES
Not for anything else! Okey ako kena Vice Ganda at Regine Velasquez bilang mga judge sa pagbubukas ng Idol Philippines kagabi sa mukha ng telebisyon! Kampante ako sa dalawang naglalakihang celebrities dahil alam nating lahat na milya na rin ang nilakbay ng dalawa sa kani-kanilang larangan. Nabigyan ng mga parangal at pagkilala. Pero ang haluan mo ng James Reid at Moira La Torre? Wala akong sama ng loob or whatever sa dalawa lalo na kay James Reid na love na love ko rin! Pakiramdam ko kasi ay hindi naman hinog pa o institusyon ang dalawa para mabigyan ng seat sa panel ng Idol Philippines! Si Moira na kelan lang sumikat at iisang song palang ang napapatunayan ganun din si James Reid na hindi naman ganoon ka-galing na singer! Pinaghalong makaluma at makabagong panahon ba ang drama ng Idol Philippines kung saan dalawang beterano at dalawang baguhan ang pinaupong judge? Ang alam ko na may karapatang maupo diyan instead of Moira and James ay sina Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Jed Madela at marami pang iba! Ito po ay saganang akin lang! Nakakaloka lang kung anong klaseng pagpili na naman ang ginawa ng Idol Philippines Production Team para sa kanilang uupong panel of judges! Kung sino ba available o reto-reto lang? Ano ba? Kakaloka kayo!
Mga etiketa:
Idol Philippines,
Regine Velasquez,
Vice Ganda
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento