JOSHLIA, HIWALAY NA KAYA GOOD FRIENDS NALANG NGAYON!
Biglang umaariba ngayon sa social media sina Julia Baretto at Joshua Garcia! Obcourse dahil nga naman sa may ipo-promote sila! Pero for the past months ay deadmahan ang dalawa kaya umogong ang balitang hiwalay na sila na mismong malapit pa sa kanila ang nagkumpirma sa akin. Sa isang tv interview sa dalawa together, siyempre harap-harapan na, on the spot ang dalawa nang tanungin sa kanila kung totoong hiwalay na sila o hindi! Simple lang ang sagot sa napaka-simpleng tanong para narin sa interes ng fans and followers ng dalawa. Hindi yung napakaraming sinabi kasama na ang pagligoy-ligoy sa sagot na hinihintay ng karamihan. Simpleng, oo hiwalay na kami para matapos na! Tapos ang ending ay sasabihing we're best of friends! Hindi ba best of lovers kayo noon? Tapos hiwalay na kayo? Tapos best of friends ngayon? Ang punto lang nung mga nun ay hiwalay na nga kayo! Huwag na paikot-ikot pa! Maging totoo naman kayo sa fans and followers ninyo! Lumang tugtugin na yan! Ang nakakatuwa lang kahit hindi ninyo maamin-amin ang katotohanan na gusto pa yata ninyong pahabain pa ang usapin ay yung atleast you remained friends, sabi ninyo ha! Hay naku!
Mga etiketa:
JoshLia,
Joshua Garcia,
Julia Baretto,
Star Magic
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento