Sa wakas ay dalawang miyembro naman ng Clique V ng 316 Events and Talent Management ni Len Carillo ang nakasungkit at pasok na sa Final 14 ng kasalukuyang StarStruck Batch ng Kapuso Network. Ito ay sina Karl Aquino at Gelo Alagban na parehong masisipag na singer at dancer ng Clique V. Masuwerte ang dalawang alaga namin dahil hindi lahat ay nabibigyan ng break sa showbiz. Hindi rin biro ang kanilang pinagdaanan mula sa audirion at kung anu-ano pa! Ayon pa sa management ng dalawa, simula umpisa ng career nina Karl at Gelo ay binantayan sila ng 316 upang mahulma at its best! Kaya naman nang isalang na sila ay hinog na kahit papano ang dalawa at masaya sa kanilang tagumpay!
" Kahit sino po, sobrang saya namin pareho ni Gelo. Yung mapabilang kapo sa Final 14, laking pasalamat napo namin. We'll do our best po Tito para sa grupo naming Clique V at para kay Nanay Len at sa lahat po ng nagmamahal sa amin at sumusuporta. " bulalas pa ni Karl ng huli ko itong makausap.
Pakiusap ng dalawang runners ay ang patuloy na pagsuporta sa kanila ng kanilang fans and followers! Gow Karl and Gelo!
KARL AQUINO AT GELO ALAGBAN...PASOK SA FINAL 14 NG STARSTRUCK!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento