HELLO LOVE GOODBYE AAKYAT KAYA SA 1 BILLION?
Mukhang hahabulin ng Hello, Love, Goodbye nina Kathryn Bernardo at Alden Richards ang kinita ng The How's Of Us nina Kathryn at Daniel Padilla. As of today ay almost 900 Million na ang kinikita ng HLG. Bumenta talaga ang freshness ng tambalan nina Kath at Alden. Isama mo pa ang napakagandang script nito at pagkakadirehe ni Direk Cathy Garcia-Molina. Yung word of mouth talaga ay malaking factor o tulong para sugurin sa mga sinehan ang isang movie noh! At saka kahit ako mismo, inabangan ko talaga ang freshness ng kanilang tandem. Pero ang ikinagulat ko sa pelikula, ibang klaseng Kathryn Bernardo na ang napanood ko. Mas mature at pakahusay na rin niya talaga. Tapos hindi rin nagpakabog si Alden. Napansin ko rin na minsan sa mga eksena niya ay para siyang John Lloyd Cruz at Joshua Garcia na boses Piolo Pascual! Anyways, ilang araw pa ay parang aabot na sa 1 Billion ang ilalabas na resulta ng Star Cinema huh! Well, why not! Maganda naman talaga ang pelikula at magagaling ang bida! Pak na pak!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento