Patindi ng patindi ang mga kaganapan sa teleseryeng FPJ's Ang Probinsyano ng DreamscapePH na pinagbibidahan ng actor / Director na si Coco Martin. Marami na ang sumubok tapatan ang pinag-uusapang teleserye subalit pinataob parin sila ni Coco Martin. Ebidensya ang halos hindi bumababa sa 40% ratings nito kaya naman umariba ng husto ito sa ere sa Kapamilya Network.
Sa mga eksenang napanood namin nitong gabi lang sa FPJ's Ang Probinsyano, mukhang pinaghahandaan talaga ng buong production ang nalalapit na 4rt Year Anniversary ng serye ni Coco huh! May kinalaman kaya ang mga nagagandahang kaganapan ngayon sa serye sa nalalapit nitong anibersaryo?
Ayon sa aking nakausap, yes, isang malaking selebrasyon sa teleserye ang lalo pang aabangan ng fans and followers ni Coco Martin. Maglalagak sila ng mas matitinding aksiyon sa paparating na anibersaryo ng seryeng niyakap ng buong sambayanang pilipino huh! Hindi raw muna ma-drama ang serye kundi aksiyon ang aariba!
Naglalakihang sorpresa din ang mapapanood natin sa seryeng ito kaya tutok lang gabi-gabi sa teleserye ng nag-iisang Television's Primetime King Coco Martin.
MATITINDING AKSYON ANG AABANGAN SA NALALAPIT NA IKA-APAT NA TAONG ANIBERSARYO NG FPJ'S ANG PROBINSYANO
Mga etiketa:
Coco Martin,
DreamscapePH,
FPJ Ang Probinsyano
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Iba kapag isang sikat at award-winning music composer ang gumawa ng nilalaman ng isang kanta at naglapat ng tunog nito. Yan si Direk Joven T...
-
THANKFUL si Yuki Sonoda sa oportunidad na binigay sa kanya ng 316 Media Network ni Len Carrillo sa pagkakabilang niya bilang isa sa tatlon...
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento