Last Sunday evening, 8pm, December 8 ay nag-umpisa ng manakot sa atin ang weekend tv series na The Haunted na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao, Jake Cuenca at Denise Laurel mula sa direksiyon ni Manny palo handog naman sa atin ng Dreamscape PH. Mukhang pinaghandaan naman ito ng televiewers dahil maganda ang naging feedback nila na kanilang isinaliwalat sa social media posts nila. Kakaiba ang ating pasko sa telebisyon ngayon dahil punong-puno tayo ng kababalaghan at katatakutan sa pamamagitan ng The Haunted kasama ang parehong naga-galingang aktor natin sa showbizlandia huh!
Well, nakita naman natin last Sunday na umikot ang kuwento ng The Haunted sa pagmamahal ng inang si Aileen ( Shaina ) na susubukang makipag-ayos sa asawang si Jordan ( Jake ) para sa kapakanan ng kanilang anak na si Angel. Mag-aalangan naman si Aileen na tanggaping muli si Jordan dahil sa pagpapabaya nito na nagdulot sa isang aksidenteng humantong sa pagkaka-coma ni ?Angel. Sa dalawang taon naman na walang malay ang kanilang anak, makikita ni Aileen kung gaano kamahal ni Jordan ang bata at bibigyan ito sa wakas ng isa pang pagkakataon. Sa muli namang paggising ni angel, haharap pa ang pamilya sa mas marami pang nakakasindak na problema. Magsisimulang maghasik ng kasamaan ang multo na siyang muling susubok sa relasyon nina Aileen at Jordan. Hahamunin din nito si Aileen bilang ina at asawa dahil pilit na aangkinin ng multo sina Jordan at Angel dahil sa isang itinatagong sikreto ng kanilang pamilya mula sa nakaraan. Mangingibabaw kaya ang pagmamahal ng isang ina upang mapanatiling buo ang kanilang pamilya? O tuluyan nang mawawasak ang pamilya dahil sa multo ng nakaraan?
Tampok din sa Dreamscape Entertainment production sina Alex Castro, Victor Silayan, Sheenly Gener, Ruby Ruiz, Ingrid dela Paz, Simon Ibarra at Rita Avila.
Basta ha! Sundan ang mga misteryong pumapalibot sa The Haunted tuwing linggo, 8pm sa ABS-CBN.
SHAINA, DENISE AT JAKE MANANAKOT GAMIT ANG MAHALAGANG ARAL NGAYONG PASKO SA THE HAUNTED
Mga etiketa:
ABS-CBN,
DENISE LAUREL,
DREAMSCAPE,
JAKE CUENCA,
SHAINA MAGDAYAO
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento