Mananaig kaya ang daing ng kabutihan o tuluyan na itong matatabunan ng kasakiman sa Starla? Sundan ang mga huling tagpo ng laban para sa pag-asa, kapatawaran at pagmamahal sa pamilya sa pagtupad ng mga kahilingan sa huling limang gabi ng serye simula ngayong gabi, lunes, Enero 6. Haharap sa panibagong pagsubok sina Teresa ( Judy Ann Santos ) , Mang Greggy ( Joel Torre ) at Buboy ( Enzo Pelojero ) dahil napasakamay na ni Dexter ( Joem Bascon ) si Starla ( Jana Agoncillo ) matapos nitong makumpirma na ang baby wishing star ang nasa likod ng mga misteryoso at hindi maipaliwanag na milagro sa Baryo Maulap at ang dahilan kung bakit hindi maituloy-tuloy ni Dexter ang masasamang plano niya.
Dahil desperadong mapilit si Starla na tuparin ang kanyang gusto, kasado na ang balak ni Dexter na ilagay sa kapahamakan ang buhay nina Buboy at Mang Greggy. Dahil lima na lang ang natitira mula sa 50 hiling na dapat niyang tuparin, mag-aalala ang wishing star para sa kapanan ng kanyang sarili ng kinikilala niyang pamilya sa lupa at ng buong Baryo Maulap.
Samantala matapos namang pagsisihan ni Teresa ang mga kasalanan niya at patawarin ang kanyang ama, nakahanda nang aminin ng abugado ang mga kasamaang naging dulot ng paghihiganti niya laban sa mga taga-Barrio Maulap. Ngunit mapapatawad kaya siya ng mga ka-barrio niya o tuluyan na siyang itatakwil ng mga ito? Magkakaroon pa kaya siya ng pagkakataon na itama ang mga nagawang mali?
Sa kabila ng nagbabadyang lagim na ihahasik ni Dexter, mailigtas pa kaya ni Starla sina Buboy at Mang Greggy? Matuloy pa rin kaya ang pagiging full-fledges wishing star niya?
Ang Starla ay sinulat ni Dindo Perez at idinirek nina Onat Diaz, Darnel Villaflor at Jerome Pobocan. Binigyan ito ng liwanag ang mga gabi ng mga manonood sa paghatid nito ng good vibes sa primetime at nagturo ng magagandang aral sa mga bata at buong pamilya.
Sa pagsisimula ng 2020, pinapaalala rin nito at hinahangad na baunin ng mga manonood ang kahalagahan ng pagtulong sa kapwa, pagmamahal, pagpapatawad, pag-asa at pamilya.
Tunghayan ang huling limang gabi ng Starla sa Primetime Bida ng ABS-CBN!
KAABANG-ABANG ANG HULING 5 GABI NG STARLA
Mga etiketa:
ABS-CBN,
DreamscapePH,
Jana Agoncillo,
Judy Ann Santos
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
-
KUMPIRMADO!!! Posible na ang lahat ngayon sa social media. Puwede kang gunawa ng kuwentong kutsero at ipost ito! Yun bang pati larawan ay ka...
-
Wala pa ring deretsahang inaamin ang dalawa na sina Daniel Padilla at Kaila Estrada patungkol sa totoong estado nila sa kabila ng pagbayo ng...
-
TAHIMIK AT TIKOM ang bibig ng parehong kampo nina Daniel Padilla at Kaila Estrada simulang sumabog ang kumpirmasyong mag-on na nga ang dalaw...

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento